Chapter 6

2814 Words
Chapter 6: Roxanne Zeph's POV Tahimik kong nilalakad ang daan patungo sa room ko. Ang maganda sa umaga ko ay hindi ko kasabay maglakad ngayon si Tyron, nauna na kasi siyang pumasok. "Zeeeeeph!" Naningkit ang mata ko sa babaeng tumawag sakin, "Helloooo!" Aniya pa saka kumaway paglapit sakin habang nakangiti na labas ang lahat ng ngipin para convincing. Sumabay siya sakin sa paglalakad pero nanatili akong walang pakialam. Nakakaasar, wala nga si Tyron sumulpot naman itong si Jazmine. Parang gusto kong bawiin ang sinabi kong maganda ang umaga. "Ano ba 'yan. Pangit ba ko kaya ayaw mo kong maging kaibigan?" Sumimangot siya. Hanggang ngayon pala issue pa din 'yan sa kanya. Kung alam mo lang Jazmine kung bakit kita iniiwasan. Napabuntong hininga ako dahil sa naiisip ko. Ayokong sapitin niya ang kagaya ng nangyari kay Roxanne. Bigla akong nalungkot nang maalala ko si Roxanne. Hindi pa rin siya pumapasok hanggang ngayon. Isang linggo na siyang hindi pumapasok. "Oo nga pala, alam mo ba kung bakit 'di na pumapasok si Rox? Weird lang kasi na 'di na siya pumapasok eh." Napalingon ako sa kasama ko, hindi niya ba alam ang nangyari? Sabagay, wala akong narinig na kahit anong balita tungkol kay Roxanne. Walang nag-uusap tungkol sa kanya. Siguro ay si Ranz ang may gawa nito. That guy, ito ang paraan niya para protektahan si Roxanne... Protektahan mula sa malayo... Hinahangaan ko siya dahil do'n. "Wala akong pakialam." Sagot ko sa kanya saka nag-pati-una ng maglakad. Mabuti na itong ganito na wala siyang alam. Ayoko na madamay din si Jazmine sa kung ano mang nangyayari ngayon. *** Kinahapunan pagkatapos ng klase ay pinuntahan ko ang lugar kung saan ko makakausap ng sarilinan ang lalaking iyon... Sa likod ng Senior High Building. "Kamusta na siya?" Tanong ko kay Ranz nang makita kong nakatayo siya malapit sa talabihan. "Nasa bahay lang siya. Mukhang ayaw na niya pumasok dahil sa nangyari sa kanya." Kung gano'n tama nga ang hinala ko na binabantayan niya si Roxanne mula sa malayo. Biglang bumalik sa alaala ko ang nangyari nu'ng araw na 'yon. Dito mismo sa pwesto namin ngayon naganap ang p*******t sa kanya. Ngumisi ako, "Anong balak mo?" "Ikaw lang makakasagot niyan." Aniya at nakatingin sakin na parang nakikiusap. Nakipagtitigan din ako pero ako ang unang umiwas, "Ayoko." Sagot ko. "Pano ba kita mapipilit?" Aniya. Humalukipkip ako at sumandal sa pader. "Simple lang. Gawin mo gusto ko." Sabi ko at tumingin ng nakangisi sa kanya. "Tutulungan mo ba ko?" Hindi pa rin matahimik ang konsensya ko. Pakiramdam ko ako ang may kasalanan kung bakit nangyari 'to kay Roxanne. Ako nga ba? "Iganti mo siya." Sabi ko sa kanya nang lumapit siya sa pader na sinasandalan ko ngayon. Umiwas siya ng tingin at tinignan ang mga puno sa paligid namin, "Bakit ayaw mong tanggapin ang alok ni Mace na sumali sa Dark Spade?" Pag-iiba niya ng usapan. Hindi ko kailangang sumali sa kahit saang grupo. Nang magsimula akong maging street fighter, may prinsipyo akong pinaniwalaan na hindi ka dapat makipagkaibigan sa kahit sino sa mga taong nakapaligid sayo dahil maaaring sila mismo ang trumaydor sayo. Sila mismo ang sasaksak sa likod mo. Kaya mula pa noon, hindi ako sumasali sa kahit anong grupo. Mag-isa akong lumalaban, isa pa, para sa pananaw ko ay kaduwagan ang may grupo. Wala kang bilib sa sarili mong kakayahan kaya ka nakiki-grupo sa kanila. Pinatunayan mo lang na mahina ka kung ganun. Muli siyang tumingin sakin na animo'y naghihintay ng sagot sa tanong niya. Seryoso lang akong nakipaglaban ng tingin, "Hindi mo talaga ugali ang makipag-usap, ano?" Umiwas ako ng tingin. Katulad ko ay sumandal na din siya sa pader at pinamulsa ang dalawa niyang kamay, "Alam mo ba minsang sumagi sa isip ko na baka maging karibal kita kay Roxanne. Nakakatawa no? Pero siyempre 'di pa naman sira ng tuluyan ang tuktok ko para paniwalain ang sarili ko do'n. Kahit papaano naman ay nakikita pa kitang nakasuot ng kagaya ng suot ng babae kaya mali ang hinala ko. Diba?" Sinamaan ko siya ng tingin, "Gusto mo bang patayin na kita ngayon?" Irita kong tanong sa kanya. Tumawa siya na nakapagbigay lalo sakin ng dahilan para kamuhian siya. Nakakapag-sisi na kinakausap ko siya ngayon, "Chill. Biro lang naman. Alam ko naman na kaibigan ka niya." Sinamaan ko siya ulit ng tingin dahil do'n. "Alam mo, dahil sa inaasta mo dapat ko na din sigurong sabihin 'to sayo." Hindi ako tumingin sa kanya, pero ramdam ko na seryoso ang mukha niya na nakatingin sakin, "Hindi lang ako ang torpe at natatakot umamin dito, Zeph. Ikaw din. Di mo magawang aminin kahit sa sarili mo na kaibigan ang tingin mo kay Roxanne. Hindi mo gagawin ang lahat ng 'to kung hindi mo siya tinuturing na kaibigan. Hindi mo ba napapansin? Nakikipag-sabwatan ka sa isang miyembro ng Dark Spade para protektahan siya. Hindi ka pa man din sumasali samin, kasali ka na sa gulong ito." Iniwan niya akong blangko ang pag-iisip. Lutang... *** Hanggang kinabukasan pagpasok ko ulit ay iniisip ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Ano bang alam niya sakin? "Ano ba 'yan. Boring mong kasama." Reklamo ni Jazmine. Nakakairita talaga 'tong babaeng 'to, dikit ng dikit sakin tapos ngayon magrereklamo ng ganyan. Tatabi-tabi sakin dito sa upuan tapos kung ano ano sasabihin. Ang dami namang bakanteng upuan dito sa canteen. "Hihi. Joke lang!" Sabay peace sign pa niya at ngiting ngiti sakin. Masama na kasi tingin ko sa kanya. "Alam mo pansin ko mahilig ka sa breadstix, laging 'yan ang kinakain mo." Pati ba naman ang pagkain ko pakikialaman niya? Eh sa ito lang ang nakikita kong masarap kainin dito sa canteen eh. Anong paki niya? "Kamusta na kaya si Rox?" Tanong niya sa kawalan sabay higop sa iniinom niyang zest-o. Muli akong tumingin sa kanya. Tama, may naisip ako. Papapuntahin ko siya sa bahay ni Roxanne para hindi lang opinyon ni Ranz ang naririnig ko tungkol sa lagay ni Roxanne. "Alam mo kesa tanong ka ng tanong ng ganyan at wala din namang sasagot sayo bakit di kaya puntahan mo nalang siya?" "Ahay! Ang galing mo jan Zeph!" Napangiti ako ng palihim, sana umayon ito sa gusto ko, "At dahil jan, samahan mo ko." Sabi pa niya. Kumunot ang noo ko sa kanya, "Mag-isa kang pumunta. Ikaw lang naman may gustong makita siya." Sabi ko. Tumingin siya sakin na naniningkit ang mata, "Ikaw ah..." Sabi niya. Napaiwas ako ng tingin, hindi ko siya kayang labanan ng titigan. "A-ano?" Sabi ko. "Di kaya..." Hays! Ano na naman 'to? "Kung ano man ang iniisip mo hindi 'yan totoo!" Grabe! Wag mong sabihing pati siya iniisip na may gusto ko kay Roxanne? Ay grabe naman! "Edi sumama ka sakin kung mali ang iniisip ko." Sabi niya. Ano pa magagawa ko? Hay kainis talaga minsan ang babaeng 'to! *** "Roxy!" Masiglang bati ng maingay na babaeng kasama ko kay Roxanne nang buksan niya ang pinto ng kanyang bahay. At nagyakapan pa talaga sila. Tss. "Kamusta ka na? Bakit di ka pumapasok? Kelan ka papasok?" Sunod sunod na tanong ni Jazmine nang makapasok na kami sa bahay ni Roxanne. "Ah. Kasi..." Tumingin siya sakin. Napaiwas naman ako ng tingin dahil do'n, "Nagkasakit ako, kaya 'di ako nakakapasok." Pagdadahilan niya. Bakit? Ayaw ba niyang aminin samin na naging mahina kasi siya kaya siya nabugbog? "Ay ganun, kelan ka naman papasok ulit?" Alam kong hindi alam ni Roxanne ang isasagot sa tanong ni Jazmine. "Bakit kaya di mo tigilan ang katatanong, sa ayaw pa niya pumasok eh may magagawa ka?" Umirap ako at tumingin ng palihim kay Roxanne. Nakangiti siya sakin. Umiwas ako ng tingin. "Tse!" Sabi sakin ni Jazmine sabay irap. "Alam mo ba Roxy, may napapansin ako dito kay Zizi." Aniya paglingon kay Roxanne. Sumama ang tingin ko sa kanya dahil sa tawag niya sa akin at dahil sa napapansin niya sa akin. Bwisit talaga 'tong babaeng 'to eh. Kumunot ang noo ni Roxanne dahil sa sinabi ni Jazmine, "Ano naman 'yun?" Pareho kami ni Roxanne na nag-aantay ng isasagot ni Jazmine, "Nagiging madaldal na siya. Kaya alam ko, magiging official friendships na tayong tatlo kaya pumasok ka na, sige na." Binulong pa, dinig naman. Dinig ko din ang mahinang tawa ni Roxanne. "Okay, papasok na ko bukas." Sagot ni Roxanne. "Yehey!" Tuwang-tuwa si Jazmine dahil do'n. Pagkatapos ng chismisan ng dalawang ito ay pinatikim kami ni Roxanne ng mga binake niyang cupcakes. At hindi ko maitatanggi na masarap... "Super yummy Roxy!" Masiglang puri ni Jazmine habang nakangiti pa, "Diba Zizi?" Siniko ako ni Jazmine. "Oo." Sabi ko. Nakita ko ang pagngiti ni Roxanne sakin. "Roxy, marunong ka bang magbake ng breadstix? Alam mo kasi itong si Zizi ang hilig kumaen no'n. Mula nung absent ka, 'yun lagi binibili 'pag breaktime." "Yun din ang kinakain mo nu'ng first day na kasama mo ko." Ngumiti sakin si Roxanne, "Sige, ita-try ko." Aniya. "Oh, narinig mo Zizi? Ita-try daw niya. Wag mo na itanggi. Alam kong masaya ka na ngayon." Sabat ni Jazmine. "Pwede ba tigilan mo kakatawag sa akin niyan?" Reklamo ko sa kanya, ngisi lang ang sinagot niya. Bwisit. "Uuwi na ko." Sabi ko pa at tumayo na ko. "Ang bilis naman." Puna ni Roxanne. Hindi ko na sila sinagot, tuluyan na kong lumabas ng bahay nila Roxanne. Hindi ko na kasi kayang tumagal pa doon, ayokong tuluyang mapalapit sa kanilang dalawa. *** Rox's POV Hindi ko pa alam ang totoo sa likod ng mga nangyayaring ito. Pag-alis ni Zeph ay nagpaalam na rin si Jaz na uuwi na para makapahinga na raw ako. Kaya ngayon ay mag-isa nalang ako. Muling naglayag ang aking isip sa kung saan ako naghahanap ng kasagutan. Sariwa pa rin kasi sa isipan ko ang nangyari, isang linggo na ang nakakalipas... - Flashback - Nagpunta muna ako ng Cr bago umuwi. Paglabas ko ng cr ay nagulat ako sa babaeng bumungad sakin, "Athena..." Ngumisi siya sakin. "Sino ka?" Tanong niya sakin. "Roxanne. Classmate mo—" "Alam ko. What I mean is, sino ka sa buhay niya?" "Anong sinasabi mo?" Kunot noo kong tanong. "Kung ayaw mong mamatay, umiwas ka sa kahit kaninong miyembro ng Dark Spade... Lalong lalong na sa kanya. Hindi kami tumatanggap ng mahina sa aming grupo." Aniya habang humalakhak na lalong nakapag-painit ng dugo ko. Alam kong Dark Spade siya, alam ko ring Co-founder siya nito at mas malakas sa akin pero hindi 'yon dahilan para mang insulto siya. Hindi ko siya maintindihan... "Mag iingat ka..." Ngumisi sa akin si Athena saka umalis. Naiwan ang isang tanong sakin. Sino kaya ang tinutukoy niya? Naglalakad na ako palabas ng MCU nang may humarang sa dadaanan ko. Sinamaan ko sila ng tingin pero ngisi lang ang iginanti ng isa sa kanila. Limang lalaki sila, bakas sa itsura nila na hindi sila estudyante dahil hindi sila nakauniporme. Pero paano sila nakapasok sa school? Hindi ko din maintindihan kung bakit nila ko hinaharang ngayon, anong kailangan nila sakin? "Maganda ka nga talaga. Pero sayang, kailangan mo ng magpaalam sa mundo. Pasensya ka, kaibigan ka niya eh." Sabi ng lalaking nakangisi sa akin. Kumunot ang noo ko sa sinabe niya, "Sinong sinasabi niyong kaibigan ko? Sino ba kayo?" Hindi nila ko sinagot, bagkus ay agad akong sinikmuraan ng isa sa mga lalaking ito. Sinubukan kong lumaban, pero natalo nila ako. Hindi pa ako ganoon kalakas para matalo ang limang lalaki. Mukhang tama si Athena, mahina ako... Dinala nila ako sa likod ng senior high building at doon nila pinagpatuloy ang balak nila saking p*******t. Hindi na ako nakalaban pa... Ito na ba ang katapusan ko? Sa ganitong paraan na ba ko mamamatay? Pero bakit? Anong kasalanan ko? Anong nagawa ko? Bakit kailagan kong mamatay agad sa ganitong paraan? Hinang-hina na ang buong katawan ko. Sobrang sakit na at hindi ko alam kung saan banda dahil pakiramdam ko, lahat ay tinamaan nila. Balak naman nila kong patayin bakit kailangan pa akong pahirapan? "Tutal mamamatay ka nalang din naman, sasabihin na namin sayo kung bakit namin 'to ginagawa. Yung kasing magaling mong kaibigan, pinatay si Mike. Kaya bilang ganti, ikaw ang papatayin namin. Dahil malapit ka sa kanya." Wala akong naisagot sa kanila, dahil sa sobrang nanghihina na ako. Kung gusto nila akong patayin, gawin na nila. 'Wag na nila kong pahirapan pa... Napaluha ako nang makita ko ang kikil na hawak niya, "Alam mo ba kung ano 'to?" Natatawa niyang tanong, "Ang malas mo lang, nakipag-kaibigan ka sa babaeng 'yon." Pumikit ako. Tama ba ang iniisip ko? Zeph... Ikaw ba ang tinutukoy nila? Hindi ko naramdaman ang pagtusok sakin ng kanyang patalim kaya muli akong napamulat. Ngumiti ako nang makita ang isang lalaking papalapit sa direksyon namin. Agad niyang napatumba ang limang lalaking nanakit sakin gamit lang ang baraha. Baraha... Simbolo ng Dark Spade... "Ligtas ka na..." Aniya at inalalayan akong tumayo, "Iligpit lahat ng kalat." Utos niya sa mga kasama niya. Agad silang sumunod. Binitawan niya ko at ibinigay sa kasamahan niyang babae, "Ikaw na ang bahala sa kanya." Aniya. "Diba sinabi ko na sayo? Mag-iingat ka..." Nakangising sambit ni Athena sakin nang makalapit siya. Hindi ko magawang umimik. Wala akong lakas. Hindi ko maintindihan, kung pinapalayo niya ko sa Dark Spade at pinagbantaan na papatayin kung susuway ako bakit pa nila ko niligtas? Nakita kong nakakalat na sa paligid ang ilang miyembro ng Dark Spade. "Ipaalam niyo 'to kay Zeph. Siya ang dapat managot sa nangyaring ito. Dahil sa kanya, kaya nasaktan si Roxanne. Gusto kong maramdaman din niya ang naramdaman ni Roxanne." Utos niya sa dalawang babae at agad din itong umalis. Nakita ko ang pag-kuyom niya ng kamao, napangiti ako... Ranz... Siya kaya ang tinutukoy ni Mace kanina nu'ng nasa cr kami? Umalis si Ranz kasama ang ilang miyembro ng Dark Spade. Naiwan ako at ang ilan pa pati si Mace. "Hintayin mo ang ganti natin sa magaling mong kaibigan. Kasalanan niya ito kaya ka nasaktan." Kumunot ang noo ko, bakit ganito siya umasta ngayon? Kanina lang eh parang galit siya sa akin nu'ng nasa Cr kami. Pinilit kong magsalita, kasi gusto kong bigyan ng linaw ang lahat. "Ano bang sinasabi mo?" Mahina kong tanong sa kanya. "Alam kong alam mo kung anong klaseng grupo ang Dark Spade. Pero lingid sa kaalaman mo kung anong klaseng tao ang kaibigan mo... Tama?" Ngumisi siya, "Isang demonyong street fighter si Zephaniah. At ang mga lalaking nanakit sayo? Miyembro sila ng isang gang na galit na galit sa kanya... Dahil pinatay niya si Mike. Imposibleng hindi mo nabalitaan iyon, kalat na kalat 'yon sa buong campus. Ang ilan sa kanila ay nag-aaral dito at sigurado akong alam nilang kaibigan mo siya kaya sayo sila gumanti." Si Zeph... Demonyo? Hindi... "Papatayin ko siya sa harap mo..." Banta ni Mace sakin. "Wag... Tulad ng sabi mo. Kaibigan ko siya. Kaya please... Wag..." Ngumisi siya sakin, "Sige, bibigyan kita ng deal. Kapag dumating siya dito ngayon, susundin kita pero kapag hindi. Well... Alam mo na ang ibig sabihin ko." Zeph... Alam ko... Alam kong dadating ka. "Pero..." Tumingin ako sa kanya dahil sa may balak pa siyang sabihin, "Hayaan mo kong paglaruan siya ha?" Umiling ako at bumitaw sa nakaalalay sakin para lapitan siya, "Wag Mace. Please.." Ngumisi siya at saka tumawa, "Tama na!" Sigaw ko, at natumba ako dahil sa sigaw kong 'yun. Nasobrahan ata kaya nanghina ako. Napatingin ako sa dumating. Si Zeph... Lumingon din sa kanya si Mace, "Nandito ka na pala, akala ko kaya mong tiisin 'tong babaeng 'to eh." Oo. Alam kong darating siya. "Nanjan na ang sundo mo, makakauwi ka na." Sabi pa sakin ni Mace. Itinayo akong muli ng kasama ni Mace. Lihim akong napangiti habang nakatingin kay Zeph. Salamat... Salamat sa pagpunta mo para sakin... Ang sumunod na nangyari ay hindi ko na alam. Dahil nawalan na ako ng malay. - End of Flashback - Nu'ng magising ako ay nasa ospital na ko. Paglabas ko ng ospital, hindi muna ako pumasok. Nag-isip akong mabuti tungkol sa paratang ni Mace kay Zeph. Napag-desisyunan kong ako ang tumuklas kay Zeph kung ano ba ang ibig sabihin ni Mace sa paratang niya na demonyo si Zeph. Ayokong maniwala sa sinabi niya, kahit na ganoon ang ugali ni Zeph na parang gusto na niya akong isuka ay hindi sapat na dahilan 'yon para sabihing demonyo siya. Ano bang basehan niya sa sinabi niyang demonyo si Zeph? Mga Street Fighter kami, sa prinsipyo namin ay legal ang pumatay. Kaya kung demonyo si Zeph, demonyo din ako. Demonyo kaming lahat. Kahit ano pang sabihin niya tungkol kay Zeph, kaibigan ko pa din siya. Pinuntahan niya ko nu'n, hindi man magsalita si Zeph ay alam kong siya ang nagdala sa akin sa ospital. Nakakatuwa pa nga kasi dinalaw niya pa ko sa bahay. Ito ang patunay na hindi totoo ang paratang sa kanya ni Mace. Napangiti ako, makakapasok na ko bukas...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD