Chapter 5

2687 Words
Chapter 5: Protect Her Tyron's POV Hirap palang maging pogi ano? First day palang pinagkaguluhan na ko. Daming nanghingi ng number ko kanina. Tapos may lumalapit pa sakin na feeling close, 'di ko tuloy napuntahan si insan para bwisitin. Malamang bwisit 'yon ngayon kasi 'di ko siya binuwisit maghapon. Madali pa naman mabiwisit 'yon lalo na sa nakakabwisit na bagay. Napailing ako dahil sa naiisip ko. Ang gwapo ko talaga. Haay. Pauwi na ko ngayon, pupuntahan ko pa sana si Zeph sa room niya para sabay na kami umuwi kaya lang baka pagkaguluhan na naman ako doon kaya uuwi nalang ako mag-isa. Mamaya ko nalang bu-bwisitin si Zeph pag-uwi. Dahil mayaman at pogi akong nilalang, may sarili akong kotse. Papasundo ko nalang si Zeph. Pagpasok ko sa kotse ko na kasing pogi ko, tumunog ang phone ko. Pangalan ni Zeph ang lumabas sa screen ng phone ko. Himala tumawag siya sakin. Namimis na ba niya ko agad? Bu-bwisitin ko naman siya mamaya eh. Sinagot ko ito. Magsasalita na sana ko kaso naunahan niya ko. "Help us.. Nasa likod ako ng building natin..." Naputol ang linya. Hala?! Nasa panganib ang pinsan ko! Agad agad akong pumasok sa gate ng university at patakbong tinahak ang daan papunta sa likod ng building ng senior high. Naabutan ko si Zeph na nakahandusay sa lupa, may katabi siyang babae. Asar! Dali dali akong lumapit sa kanila. Pansin agad sa kalagayan nila na mas malala ang tama nung kasama niyang babae. Agad akong tumawag ng tutulong sakin para madala sila sa ospital. Ano na naman bang nangyari? *** "Kritikal po ba?" Alalang tanong ko sa doktor nang matapos silang gamutin. Ngumiti siya sakin, "Hindi naman. Masyado lang silang nabugbog pero ok na sila ngayon dahil nagamot na ang mga sugat nila, pahinga nalang ang kailangan nila." Muli siyang ngumiti sakin at ngumiti din ako sa kanya saka ako nagpasalamat. Nagpaalam na siya na aalis na saka tahimik na lumisan. Pumasok naman ako sa kwarto ni Zeph, nasa kabilang kwarto naman 'yung babaeng kasama niya. Tinitigan ko si Zeph habang natutulog, hindi naman siya na-confine at sabi ng doktor paggising niya pwede na siyang umuwi. Kunot noo akong umiwas ng tingin sa kanya, hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa nangyari. Si Zeph? Nabugbog? Imposible. Magaling makipaglaban si Zeph, paano nangyari na nabugbog siya ng ganun ganun lang? May mali dito. At sino ba 'yung babaeng kasama niya? Tumingin ako kay Zeph na ngayon ay mahimbing na natutulog. Ngumisi ako sa kanya, kahit alam kong 'di niya nakikita. Zephaniah, bakit mo ito hinayaang mangyari? *** Zeph's POV Ang sakit ng ulo ko, "Ugh!" Sapo-sapo ko ito agad paggising ko. Pagbangon ko nakita ko si Tyron na nakangangang natutulog sa sofa. Napangiti ako. Maaasahan ka talaga... May naalala naman ako dahil sa posisyon niya kung matulog... Isa lang ang tumatakbo sa isip ko sa ngayon... Gaganti ako. Kinuha ko ang unan ko at binato sa mukha niya. Sapul! "Waaaah!" Ngumisi ako dahil sa reaksyon niya. Ano siya bakla? Sumisigaw 'pag nagugulat? Sinamaan ko ng tingin si Tyron dahil ang tagal njyang ma-realize na binato ko siya. "Wow ha, ikaw pa talaga ang masama makatingin." Aniya paglingon sakin. "Nasa'n 'yung babaeng kasama ko?" Seryoso kong tanong, sana ayos lang si Roxanne. Kumunot ang noo niya, "Sino ba 'yung babaeng 'yon?" Tanong niya. "Nasa'n nga siya?!" Singhal ko. Nakakainis kasi, ako naunang magtanong tapos di niya sasagutin tapos magtatanong din siya? Bwisit eh. "Nasa kabilang kwarto." Seryoso niyang sagot. Bumangon ako at lumabas. Wala naman akong swero, siguro dahil konting galos at pagkahilo lang ang natamo ko. Pumunta ko sa kabilang kwarto na sinabi ni Tyron. Pumasok ako, pero 'di ko inaasahan ang aabutan ko dito. "What are you doing here?!" Singhal ko sa lalaking nakatayo sa harap ni Roxanne. Kung hindi ako nagkakamali ay Ranz ang pangalan niya. Kiniyom ko ang kamao ko at hindi ako magdadalawang isip na saktan ang lalaking 'to. Talaga bang gusto nilang patayin si Roxanne? Asar eh! "Di mo ko kalaban." Mahinahon niyang sagot saka humarap sakin. Waw lang, kapwa niya Dark Spade ang may gawa nito kay Roxanne tapos sasabihin niyang di ko siya kalaban? Baliw ba siya? "Nandito lang ako para dalawin si Roxanne." Kumunot ang noo ko, si Roxanne dadalawin niya? "Nagpapatawa ka ba?" Hindi naman Dark Spade si Roxanne, ano pa bang pwedeng maging dahilan niya para dalawin ito kun'di ang tuluyan na hindi ba? Ngumisi siya sakin, "Hindi sila Mace ang gumawa niyan sa kanya." Mace? Maceline? Si co-founder? Tumango tango ako, "Nagpapatawa ka nga." Sabi ko. "Mali ang pag-aakala mo, hindi nananakit si Mace ng walang malalim na dahilan. Iba ang may gawa niyan sa kanya. Malaya silang nakakapasok sa university dahil mga estudyante sila doon." Kumunot ang noo ko. Bakit nila gagawin 'yon kay Roxanne? Anong kasalanan niya? "Salamat sa pagpunta mo para sa kanya." Kumunot ang noo ko sa pagpapasalamat niya, "Salamat kasi may kaibigan siyang katulad mo na handang mag-protekta sa kanya." Umiwas ako ng tingin, "Hindi ko siya kaibigan." Narinig ko ang mahinang pagtawa niya, "Ikaw yata ang nagpapatawa." Aniya. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko." Pag-iiba ko sa usapan. Siya naman ngayon ang kumunot ang noo, "Anong ginagawa mo dito?" Dugtong ko. Muli niyang tinignan si Roxanne at napatingin na din ako sa kanya na hanggang ngayon ay mahimbing pa ang tulog. Hindi ko inaasahan na may gagawa niyan sa kanya. Malaman ko lang talaga kung sino, mapapatay ko talaga. Nakita ko ang pagngiti niya habang nakatitig kay Roxanne na parang nakakita ng anghel. Napangisi ako, "Katulad mo, pino-protektahan ko din siya. Alam kong kahit isa siyang street fighter ay hindi siya ganoon kalakas. Akala ko sapat na ang pag-protekta ko sa kanya sa malayo dahil ang buong akala ko ay walang mananakit sa kanya kung malayo ako. Pero mali pala, pinagsisihan ko na wala ako sa tabi niya kanina para protektahan siya." Hindi naman sa naniniwala ako sa sinabi ng lalaking 'to na hindi si Co-founder ang may gawa nito, wala na kong pinag-kaiba sa tangang isda na pumasok sa lata kung gano'n dahil napaka imposible ng sinasabi niya. Nando'n ako, nakita ko. Miyembro ng Dark Spade ang naabutan kong may hawak kay Roxanne kanina, paano naman niya mapapatunayan na hindi sila Co-founder ang may gawa nito kay Roxanne? Pero kung kagaya ko ay kaligtasan din ni Roxanne ang nais niya, maaari pa akong maniwala na hindi ko siya kalaban. "Bakit 'di mo magawang umamin sa kanya? Ano ka, torpe?" Hindi man niya sabihin sakin ay alam ko na, may gusto kay Roxanne ang lalaking 'to at sigurado akong iyon ang dahilan kaya siya nandito. Umiling siya, "Kapag ginawa ko 'yon, parang nilagay ko na din sa panganib ang buhay niya. Alam mo ang tinutukoy ko, dahil pareho lang tayo." Tama siya, ito ang mahirap sa posisyon namin. Pati ang mahahalaga samin nadadamay sa gulo. Kaya nga hangga't maaari ayoko makipag-usap o makipag-kaibigan kanino man. Pero nagkakamali siya sa isang bagay, "Wala akong gang na kinabibilangan." Sabi ko. Isang patakaran ng Gang ang bawal magmahal o magkaroon ng koneksyon sa hindi nila ka-grupo. Marahil iyon ang dahilan niya kaya hindi siya makalapit kay Roxanne. Tumingin siya sa akin ng nakakaloko, "Kaya ka pala niya tinitigan kanina..." Kumunot ang noo ko, "Nais ka niyang maging miyembro ng Dark Spade..." Aniya. Ang Founder ba nila ang tinutukoy ni Ranz? Kaya ba niya ko tinitigan ng malamig kanina? Kaya din ba sinabi ni Mace na gusto niya kong sumali sa grupo nila? Tumingin ako kay Roxanne, mukhang magagamit ko ang pagkakataong ito upang mas mapadali ang pagpatay ko sa mga miyembro ng Dark Spade. Pasensya na Roxanne pero gagamitin kita sa pagkakataong ito. "Hanggang kelan mo 'yan balak itago sa kanya?" Pag-iiba ko sa usapan, kailangan kong makasigurado na totoo ang sinasabi ng lalaking 'to na gusto niya ding protektahan si Roxanne. Dahil ito ang gagamitin ko para mahulog siya sa bitag ko. "Hangga't nabubuhay ako." Hindi ko alam pero nakaramdam ako bigla ng inis sa sinabi niya at nawala ang kumpiyansa ko sa kanya kaya 'di ko napigilan ang sarili kong sapakin siya. "Siraulo ka ba?! Sa tingin mo ba pag-poprotekta pa 'yang ginagawa mo?! Gising ka ba o gusto mong bugbugin kita ngayon para magising ka?! Nakikita mo naman siguro ang sinapit ni Roxanne 'diba? Ngayon, na-nais-in mo pa rin bang maging malayo sa kanya sa pagkakataong ito?!" Bumagsak siya sa sahig dahil sa suntok ko. Naaasar talaga ko sa mga taong makitid ang utak! Yung walang common sense? Kailangan kong isaksak sa kanyang maliit na kokote na dapat din niyang protektahan si Roxanne kagaya ko. Bumangon siya at pinahiran ang dugo sa labi. Wala akong emosyong nakikita sa mukha niya kun'di lungkot na may halong matinding pag-aalala, "Kaya nga ako nakikiusap sayo Zeph, please protektahan mo siya. Higit kanino man sayo ko may tiwala lalo na't sinabi mong wala kang kinabibilangang grupo, malalapitan mo siya ng hindi napapahamak. Sana maintindihan mo kung ano ang pwedeng mangyari sa kanya oras na malaman ng Dark Spade kung sino siya para sa akin." Mahina niyang sagot sakin. "Po-protektahan ko siya kahit 'di mo sabihin. Pero tandaan mo 'to, kapag muli siyang napahamak at nasaktan... Papatayin kita." Hindi ko alam kung bakit nasasabi ko ito, siguro dahil kailangan kong mapaniwala ang lalaking ito. Ngumisi siya sakin. Alam ko, hindi ko magagawang sindakin ng gaya niya, "Salamat." Aniya. Pagka-sambit niya no'n ay umalis na ko. Panatag na ko na makita si Roxanne na nagamot at nagpapahinga na ngayon kaya aalis na ko. Paglabas ko ng kwarto ay nagitla ako sa lalaking nakasandal sa pader sa gilid ng pintuan. Seryoso siyang nakatingin ng diretso nang abutan ko siya. Pero ngayon ay nakatingin na sakin, pero seryoso pa din. Anong problema nito? Hindi ako binati ni Tyron nang nakita niya ko bagkus ay diretso siyang naglakad, nilagpasan lang ako ng tingin. Anong problema nitong lalaking 'to? Gusto ko siyang kausapin kung anong masamang hangin ang umihip sa kanya dahil naging tahimik siya sa unang pagkakataon, gusto kong ipa-ihip ulit 'yon sa kanya para ganito siya lagi. Pero mas pinili ko ang 'wag ng magsalita, para mas tumagal ang katahimikan sa pagitan namin. Ayokong basagin ang katahimikan, minsan lang 'to. Posibleng narinig niya ang usapan namin ni Ranz kanina kaya siya ganyan katahimik. Alam ko iniisip niya, nababahala siya sa pag-uusap namin ni Ranz kanina pero sana naman naisip niya kung gaano kalaki ang galit ko sa Dark Spade. Sumakay na kami sa kotse at agad itong pinaandar ng lalaking sana ay hipan ulit ng masamang hangin. Sumimangot ako, di ako sanay na ganito siya. *** Tyron's POV Nu'ng lumabas si Zeph sa kwarto ay sinundan ko siya palabas. Gusto kong malaman kung sino ang babaeng 'yon para sa kanya. Bakit gano'n nalang siya mag-react kanina nu'ng hinahanap niya 'yung babae. Ni minsan, hindi ko pa siya nakitang nagkaroon ng pag-aalala sa ibang tao maliban kay ate Tiffany, maski nga sakin 'di 'yun nag-aalala eh. Pero 'yung nangyayare ngayon, 'yung pinapakita niya ngayon, parang napaka-espesyal para sa kanya nu'ng babaeng 'yon. Sa pagkakakilala ko kasi kay insan eh babae siya so malamang lalaki ang gusto niya, kahit wala pa siyang nagiging boyfriend at kahit pa mukha siyang lalake sa pagiging street fighter niya alam kong babae siya. At lalong wala sa lahi namin ang ganun, 'yung may espesyal na nararamdaman sa kapwa niya babae. Sumilip ako sa siwang ng pinto para tignan ang kaganapan sa loob. Pero hindi ko inaasahan ang nakita ko... Kausap niya ang isang miyembro ng Dark Spade... Badtrip! Alam kong kaklase niya ang grupong 'yon. Ang grupong dahilan kung bakit napilit ko si Zeph na pumasok sa MCU... Dark Spade na s'yang pumatay kay ate Tiffany. Asar! Bakit kausap siya ni Zeph? Hindi 'to pwedeng mangyari. Alam kong kilala na nila si insan dahil sino ba naman ang hindi makakakilala sa Prinsesa ng street fighters? Masama ang kutob ko dahil sa pag-uusap nila, at hindi ako papayag na balakin ni Zeph ang sumali sa grupong 'yon makapaghiganti lang. Hindi siya ang dapat gumawa no'n kundi ako. Ang nakakapagtaka lang, bakit nandito siya sa kwarto ng babaeng kasama ni Zeph? Ano niya ba 'yung babae? At ano ba ni Zeph 'yung babae? Dahil sa kanya kaya 'to nangyari eh! Basta kahit anong mangyari, poprotektahan kita Zeph... Nakita ko ang paglalakad ni Zeph palapit sa pinto. Kaya nagkunyari akong walang nakita na nangyari sa loob, sumandal ako sa pader para palabasin na hinihintay ko lang siya. Kagaya ng nakasanayan kong ugali niya 'di na naman siya umiimik. Tahimik lang din ako hanggang makasakay kami ng kotse. Iniisip ko pa kasi at kasaluluyang nag-pa-process pa sa utak ko ang mga nangyari. Masyadong maraming impormasyon ang nalaman ko ngayon lang. Kaya gusto ko muna manahimik. Nakarating kami ng bahay na walang umiimik samin. Ganito pala ang magiging sistema namin ni Zeph kung pareho kami ng ugali 'no? Patigasan kung sino ang hindi magsasalita. Tapos may parusa ang unang magsasalita. Ang galing! Ang talino ko talaga, gwapo pa. Nauna ng pumasok sa bahay si Zeph. Pero sinundan ko siya sa kwarto niya, may ilan kasi akong gustong kumpirmahin sa kanya. "Sino ba talaga ang babaeng 'yon Zephaniah?" Tanong ko. Lumingon siya sakin suot ang malamig na titig. "Bakit ba napaka big deal niya para sayo?" Tanong niya sakin. Habang tumatagal ay naiinis na ko. Bakit ba ayaw nalang niya sagutin ang tanong ko? "Sagutin mo nalang Zeph, sino siya?" Tumaas na ang boses ko. At aaminin ko, big deal talaga sakin 'to. Gusto ko talaga malaman kung sino ang babaeng 'yun, bakit gano'n nalang niya alalahanin 'yun? "Kaklase ko." Umiwas siya ng tingin sakin. Napahalakhak ako. "Kaklase? Wow Zeph! Wow." Sabi ko. Napipikon na talaga ko, hindi ko akalain na nakakaasar pala talaga kapag sinagot ang tanong mo na parang nakukulangan ka pa sa sagot. "Ano ba ang gusto mong malaman?" Maski si Zeph ay alam kong pikon na din sa kakulitan ko dahil tumaas na din ang boses niya. Bumuntong hininga ako para kalmahin ang sarili ko. Kailangan ko lang talaga malaman kung sino talaga siya, kahit ako nakukulitan na din sa sarili ko pero nangangati talaga kong malaman kung sino siya. Kulit ko 'diba? "Sino siya Zeph? Bakit gano'n ka nalang mag-aalala para sa kanya?" Mahinahong tanong ko sa kanya. Nakita ko ang pagtaas baba ng kanyang balikat dahil sa pagbuntong-hininga niya. Kinalma din niya ang kanyang sarili bago nagsalita. "Si Roxanne, kaklase ko. 'Yun lang Tyron." "Alam kong may hindi ka pa sinasabi. Kaya please lang sabihin—" "Hindi ko din alam!" Bulyaw niya dahilan para mapigilan ang sasabihin ko, "Maski ako naguguluhan na din sa sarili ko, Tyron. Alam ko at naiintindihan ko kung bakit ka nagkaka-ganyan. Pero gustuhin ko mang sagutin ang tanong mo hindi ko magagawa kasi di ko din alam ang sagot, basta ang alam ko lang gusto ko siyang protektahan. Gusto kong makita na ngumiti siyang muli. Gusto ko siyang makitang pumasok ulit. 'Yun lang." Dugtong pa niya. Napangiti ako, "Di ka naman ano 'diba?" Tanong ko. Kumunot ang noo niya. "Anong, ano ang tinutukoy mo?" Naguguluhang tanong din niya. "Yung ano... 'Yung nagkaka-gusto ka sa kapwa mo babae." Napalitan ng masamang tingin ang kunot niya ng noo, "Kaya mo ba ko kinukulit ng tanong ay dahil 'yan ang iniisip mo?" Irita niyang tanong. Tumango naman ako. Ang sumunod na nangyare ay kinatawa ko. Binatukan niya ko, "Siraulo!" Sabi pa niya. "Aba takot lang ako na baka dumating ang araw makalaban pa kita sa mga girls no, baka mamaya mag-suntukan pa tayo— Aray ko naman! Nakakadalawa ka na ah?!" Reklamo ko, binatukan niya kasi ako ulit. "Lumabas ka na." Aniya sabay tumalikod sakin. "Okay." Sinunod ko ang sabi niya at lumabas na ako. Basta kung ano man ang nangyayari, nandito pa din ako para sayo Zeph. At sinisigurado ko sayo, uunahan na kita sa binabalak mo. I'll protect you no matter what happen....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD