Chapter 7

2879 Words
Chapter 7: Kaibigan Rox's POV Naglalakad ako sa isang lugar na ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko. Habang naglalakad, pinagmamasdan ko ang paligid. Mapuno, madaming bulaklak, may nagliliparang paru-paro at mga ibong nag-aawitan. Ang ganda ng paligid at totoong mapayapa. Sa paglalakad ko, nakarating ako sa isang malaking puno at sa ilalim no'n ay may nakita akong nakaupo sa lilim. Hindi ko mamukhaan pero alam kong lalaki siya. Lalapitan ko sana siya para makilala ko kung sino siya pero sabi niya, "Huwag kang lalapit." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, "Bakit? May problema ba? May mangyayari ba kapag nilapitan kita?" "Hindi pa oras para makilala mo ko." "Anong ibig mong sabihin?" Hindi niya ko sinagot, bagkus ay nakita ko ang pagtayo niya at pagtalikod sakin, "Sandali! Saan ka pupunta?" Pigil ko sa kanya. Patuloy pa siya sa paglalakad at hindi na niya ko ulit kinausap. Nung mawala na siya sa paningin ko ay tumalikod na ko sa puno at naglakad na ulit pero narinig ko ulit siyang nagsalita. "Gusto ko lang sabihin sayo na mahalaga ka sakin. Pangako magbabago na ko, para lang sayo. Gusto ko kapag nakilala mo ko ako na yung bagong ako. Hindi ko alam pero sa palagay ko mahal na kita." Muli akong humarap pero pagtingin ko sa puno, wala naman siya. Pero naramdaman ko na parang kilala niya ko at kilala ko siya. Kilala namin ang isa't isa. Pero sino siya? Narinig ko ang pagtunog ng alarm clock sa tabi ko. Hudyat na kailangan ko ng bumangon. Panaginip lang pala. Tumayo na ko at naghanda na para pumasok. *** "Rooooooxy!" Masiglang bati sakin ni Jaz pagpasok ko sa room at paglapit ko sa kanila ni Zeph. Nginitian ko siya saka nagsalita, "Kaya naiinis si Zeph sayo eh. Ang ingay mo." Natatawa kong puna sa kaingayan niya. Sumimangot siya, "Ikaw ba? Ayaw mo na din sakin?" Ngumiti akong muli, "Sinong nagsabi sayo? Bukod kay Zeph, ikaw lang ang mabait sakin. Kaya siyempre kaibigan din kita." Sabi ko para mabuhayan siya ng loob. "FYI lang Roxy, ako lang ang mabait sayo. Yung ISA kasi jan... Hmp! Ewan ko." Aniya na may diin sa sinabe saka umirap sa tahimik na nagbabasang si Zeph. "Pwede ba kung gusto mong mag-ingay Jazmine 'wag dito? Do'n ka sa malayo sa akin." Pagsusungit niya sa natahimik na si Jaz at saka humarap sa akin, "At ikaw naman, kahit kailan hindi ako magiging mabait sayo. Pwede ba Roxanne bawasan mo ang kakangiti mo? Sa kakangiti mo nagmumukha kang mahina. Ni hindi mo nga maipagtanggol ang sarili mo." Nagitla ako sa sinabi niya sa akin pero 'di ako nakaimik. Siguro dahil natamaan ako sa sinabi niya. Tumayo siya at nananatiling masama ang tingin sa amin ni Jaz, "Para kayong hindi isang Street Fighter kung umasta." Reklamo niya sa amin saka padabog na umalis. Ngumiti ako, alam kong mabait ka Zeph. Hindi mo lang pinapakita pero alam kong mabait ka. *** Zeph's POV Nakakainis lang na katabi ko na ang dalawang 'to ngayon. Ang hirap nilang iwasan! Nu'ng bumalik ako sa room lalo akong nairita nang makita kong do'n na din sila nakaupo sa likod sa tabi ko. Wala bang epekto sa kanila ang ginagawa kong pagtaboy? Napatingin ako kay Roxanne na ngayon ay nakangiti sakin. Kumunot ang noo ko at umiwas ng tingin. Kaya siya napapahamak eh, ang bait niyang tignan. Nagpapasalamat nalang ako dahil kahit papaano eh malayo pa ko kay Jazmine dahil si Roxanne ang katabi ko. Kasi kung nagkataong si Jazmine, baka sumabog ang ulo ko sa kaingayan niya. Maya-maya ay dumating na ang teacher. At syempre, kung ano ano ang sinabi niya nung nag-di-discuss siya. Mga salitang 'di ko pinakinggan at walang balak pakinggan. Kinuha ko ang libro sa bag at binuklat ito. Dumukot din ako ng breadstix mula dito at nginuya ito habang nagbabasa. Mas gusto kong magbasa at kumain kesa makinig sa kanya. Hanggang sa matapos ang klase ay ito lang ang ginawa ko. "Okay. Class dismissed." Magic word! Agad akong tumingin sa teacher sa harap habang paalis sa classroom namin. "So pano ba 'yan Zeph, magkaka-grupo tayo." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Roxanne sa akin. Anong sinasabi nito? "Sabi sayo wala siyang alam eh." Nadinig kong sinabi ni Jazmine kay Roxanne. "Hindi ka na naman nakinig?" Tanong sakin ni Roxanne at ngumisi lang ako. "Haaay nako." Sabay nilang sambit at sabay ding napailing. Inirapan ko lang sila. *** "Wala man lang ba kayong isa-suggest na dalawa?" Iritang tanong samin ni Jazmin Pareho kaming umiling ng katabi kong lalaki, "Edi sana pala hindi nalang kayo nagpunta rito!" Bulyaw niya samin. "Sino ba naman kasi ang may gustong pumunta kami dito?" Pambabara ng lalaking kasama namin. Nakita ko ang pag-irap ni Jazmine sa kanya. Reporting namin sa english. At oo, apat kaming magkaka-grupo sa isang topic. Ako, si Jazmine, Roxanne at ang huli ang hindi ko inaasahan, si Ranz. Ayon kay Jazmine at Roxanne, bukas na daw ang report kaya nu'ng uwian ay niyaya nila ako at si Ranz na pumunta dito sa bahay ni Roxanne para sa reporting na sinasabi nila. "Grrrrr!" Pagpipigil ni Jazmine sa inis kay Ranz. Natawa ng mahina si Roxanne dahil do'n. Tinignan ko lang silang dalawa. "Wala bang makakain jan Roxy? Gutom na ko eh." Reklamo ni Jazmine kay Roxanne. "Bili tayo sa grocery." Nakangiting sambit ni Roxanne. "Ano gusto niyo?" Tanong ni Roxanne samin ni Ranz. Pero walang sumagot samin. "'Wag ka ng umasang may sasagot sa kanila." Iritang puna ni Jazmine saka hinila si Roxanne palabas ng bahay nila. Naiwan kami ni Ranz dito, tahimik lang kami. "Hindi ko akalain na makakasama kita rito." Basag ko sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nakita ko ang pagngisi niya sakin, "Paano mo natatagalan ang mga 'yun?" Napangisi din ako, oo nga pano ko nga ba natatagalan ang dalawang 'yun? "No choice, sila ang lumalapit sakin." Sabi ko nalang. Katulad ng first impression ko sa kanya, pareho nga kaming hindi pala-imik. Nainis lang samin si Jazmine kanina dahil pareho kaming walang imik. Pero mali ako sa isa, hindi siya mayabang. Sa una nga lang ay talagang aakalain mong mayabang pero mawawala ang iniisip mong ganun siya kapag nakausap mo na. "Hindi ko rin akalain na hanggang ngayon ay magkasama kayo." Napalingon ako sa kanya, "Salamat." Dugtong pa niya. Nilihis ko ang tingin ko at binaling na ito sa kung saan. Ito ang hindi ko inaasahan, 'yung mapapalagay na agad ang loob niya sakin. Pagdating nila Roxanne at Jazmine galing grocery ay kumain kami saglit saka tinuloy ang paggawa ng report. Matapos ang paggawa ng report na sina Roxanne at Jazmine lang naman talaga ang gumawa ay napag-pasyahan na naming umuwi dahil gabi na, baka mabwisit lang ako kapag sinundo ako ni Tyron dito. Alam niya kasing nandito ako, at alam din niya ito puntahan dahil malapit lang ang bahay ni Roxanne sa MCU. "Hatid ko na kayo pauwi." Prisinta ni Roxanne paglabas namin sa bahay nila. "Hindi na Roxy, ok na kami." Sagot ni Jazmine kay Roxanne na animo'y malaki ang kumpiyansa sa sarili. Mag-chi-chismisan pa rin sila kahit pauwi na dapat kami? Hays, "'Wag kang mag-alala, kaya ko naman ang sarili ko." Agad akong napalingon sa kanilang dalawa na hanggang ngayon ay nag-uusap. Para kasing sinadya ni Jazmine na ipadinig sakin ang sinabi niya kaya kumunot ang noo ko. Inalis ko ang tingin sa kanila at ibinaling ito sa kung saan. Nag-iba bigla ang pakiramdam ko dahil doon, ayoko man pero ewan ko bigla nalang akong nagduda kay Jazmine. "Kilala mo na ba siya ng lubusan?" Nabaling ang atensyon ko sa kay Ranz dahil sa tanong niyang iyon. Tumingin akong muli sa direksyon ng dalawa na nag-uusap pa rin, pero napaiwas din ako dahil tumingin din sakin si Jazmine na nakangiti. "Anong ibig mong sabihin?" Balik tanong ko kay Ranz. Ngumisi siya sa akin, "Akala ko pa naman mapapansin mo agad. Street fighter ka Zeph kaya alam kong malakas ang pakiramdam mo. Pero di ko inaasahan na hindi mo mapapansin 'yon." Lumalim ang kunot ng noo ko dahil sa kanya. Lalo tuloy 'yon nagbigay sakin ng dahilan para magduda kung sino nga ba si Jaz. Ngayon ay naglalaro sa aking isipan ang isang tanong, bakit nga kaya gusto niya kong maging kaibigan? Naalala ko tuloy bigla ang sinabi niya sakin sa canteen noon nu'ng sinagot ko siya na ayoko ng kaibigan... "Dahil ba sa ayaw mong may madamay sa banta ng buhay mo?" Paano niya nasabi na may banta ang buhay ko? Matagal na ba niya kong kilala? "Alam ko kung anong klaseng tao ka Zeph. 'Yun din ang dahilan kung bakit gusto kitang maging kaibigan." At ano nga ba ang ibig niyang sabihin na alam niya kung anong klaseng tao ako? Napailing ako sa naisip ko. Hindi. Ayokong mag-isip ng hindi maganda. "Ay tulaley ang lola mo." Napatingin ako kay Jazmine na nakangiti ng nakakaloko, "Wala ka pang balak umuwi?" Dagdag niya. Hindi ko siya pinansin at nauna ng naglakad. "Masyado ng napapalagay ang loob mo sa kanila." Sinamaan ko ng tingin ang lalaking humabol pala sakin sa paglalakad. "Wala kang pakialam." Sagot ko kay Ranz at inunahan na siya sa paglalakad. Napaisip akong muli sa sinabi ni Ranz, tama nga ba? Nangyayari na nga ba ang kinakatakutan ko? Ang mapalapit sa iba? "Aaah!" Napatingin ako sa sigaw na 'yon mula sa likod ko. Badtrip! May 15 silang lahat at puro lalaki sila, nakapalibot na sila ngayon samin. Hawak na nila si Jazmine at Roxanne. Ano na naman 'to? Nakakairita naman ang dalawang 'to, naturingang street fighter hindi magawang ipagtanggol ang sarili? Kailangan pa talagang sumigaw para humingi ng tulong 'di magawang—bakit nga ba kailangan pang sumigaw? Ngumisi sa akin ang sa palagay ko ay namumuno sa grupong ito. Gumanti ako ng ngisi, mga alipores sila ni Mike. "Swerte na talaga ang lumalapit." Sabay tawa ng lalaking may hawak kay Roxanne at inamoy pa si Roxanne. Asar! Ikaw ang una kong papatayin! Narinig ko ang pagngatal ng mga ngipin ni Ranz, "Ako ang papatay sa kanya." Sambit niya, mukhang nanggagalaiti na siya ngayon. Sinamaan niya pa ko ng tingin pero hindi ko nalang pinansin. Agad na may sumugod samin ni Ranz. Pito agad ang pumalibot sakin samantalang lima naman sa kanya, tatlo ang naiwang nakatayo dahil ang dalawa ay ang may hawak kay Jazmine at Roxanne samantalang ang lalaking ngumisi sa akin kanina ay nanatiling tuod sa kinatatayuan niya. Sipa at suntok lang ang nagagawa ko dahil wala naman akong armas. Kumunot naman ang noo ko nang matanaw ko ang hawak ni Ranz na hinagis niya sa isang sumugod sa kanya... Baraha... 'Yun pala ang armas na ginagamit ng Dark Spade. Lima na ang natalo ko sa pitong nakaharap ko, nagkadikit kami ni Ranz, "Gamitin mo 'to para tapos agad." Tinignan ko si Ranz dahil sa inabot niya sakin, "Hindi ako—" "'Wag ka ng umangal. Isoli mo nalang sakin mamaya." Sapilitan niyang ibinigay sakin ang hawak niyang baraha saka siya sumugod ulit ng walang armas. Hindi na ko umangal at nag-inarte pa. Ginamit ko ang barahang binigay niya at tama siya, mas madali ang may armas kahit di ko gasinong gamay ang Spin. Sinigurado ko nalang na patay ang kalaban bago bumagsak. Hindi ko nga lang inaasahan ang sumunod na nangyari... "Ranz!" Sigaw ko. Nasaksak siya sa tagiliran. Medyo malayo ako sa kanila pero sinubukan ko pa din ihagis ang baraha sa lalaking sumaksak kay Ranz. Mabuti naman at sa limang hinagis ko, tinamaan siya ng tatlo. Hindi na masama. Lumapit ako kay Ranz, "Siraulo ka kasi! Hindi ka naman pala marunong ng martial arts binigay mo pa sakin ang baraha mo." Pagalit ko sa kanya at inalalayan siyang umupo. Hindi niya ko sinagot, kumunot ang noo ko nang mapagtantong walang dugong tumutulo sa sugat niya samantalang kitang-kita ko na sinaksak siya. Tumingin ako ng matalim sa natitirang kalaban. Ngayon ay tatlo nalang ang natitira, ang dalawang may hawak kila Jazmine at Roxanne at 'yung namumuno sa grupo nila na mukhang tuod. "Tulad ng inaasahan ko, magaling ka nga Princess." Ngumisi siya sakin, "Pero ang hindi ko inaasahan ay kasali ka na pala sa Dark Spade. Akala ko ba ayaw mong sumali sa kahit anong grupo? Nagbago na ba 'yon ngayon? Sabagay, ang dami ng nagbago sayo mula ng namatay si Tiffany." Siraulo pala nito eh! Hindi ako tanga para sumali sa grupo na kinamumuhian ko. At isa pa, kung magkalapit man kami ni Ranz ay dahil ito sa kailangan ko siya para makilala pa ang Dark Spade. Ni minsan di sumagi sa isip ko na maging kaibigan siya. Tumingin ang lalaking tuod kay Roxanne at kay Jazmine. Asar! "Sila na ba ang pinalit mo sa kanya?" Tumayo ako at hinarap siya na may matalim na tingin, "Ako ang kailangan mo 'diba? Pakawalan mo sila, duwag." Utos ko. Pero sinuklian niya lang ako ng ngisi. "Sino ba talaga sila para sayo Zeph? Heh, mahina ka din. Katulad ka lang din ni Tiffany na nagpapadala sa emosyon. Magpapakamatay ka para sa kanila?" Nanggigil na ako, akmang ihahagis ko na sana ang baraha sa kanya nang magsalita siyang muli, "Siguraduhin mo lang na kapag naghagis ka niyan, tatlo kaming tatamaan dahil kung hindi... Aba! Patay ang isa sa kanilang dalawa." Humalakhak pa siya ng malakas. Asar! Hindi pwede, ngayon palang ako nakagamit ng baraha bilang armas at hindi ko kayang ihagis 'to sa kanila ng sabay sabay. Anong gagawin ko? Napatingin ako kay Ranz. Wala na siyang malay. Asar! Dahil sakin, tatlo silang napahamak. Kainis! Kasalanan ko 'tong lahat! "Bitawan mo 'yang baraha mo kung ayaw mong patayin ko ang isa sa kanila." Bigla niyang itinutok ang hawak niyang kikil sa leeg ni Roxanne. Asar! Bakit ba si Roxanne ang lagi nilang puntirya? Hindi kaya, dahil alam nilang mas mahina siya kaysa kay Jazmine? Kilala ba nila si Jazmine? Parang may parte sa isip ko na gusto ng maniwala na hindi lang isang ordinaryong street fighter si Jazmine. Bwisit! Ano ba 'tong naiisip ko? Nasa panganib ang mga kaibigan ko bakit kung ano ano pa ang naiisip ko! Dahil alam kong gipit ako ngayon wala akong nagawa kun'di sundin ang sinabi niya. Umupo ako para ilapag ang baraha, bago ko ito bitiwan ay may napansin ako... Lihim akong natuwa dahil doon... Tahimik ko itong nilapag at saka tumayo. Nakita ko ang ngiti sa labi ng lalaking nagtutok kay Roxanne ng patalim. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon, papatayin kita... "Sila lang pala ang kahinaan mo." Aniya. "Ngayon, bitawan mo na sila." Sambit ko. "Sagutin mo muna ang tanong ko. Sino ba sila para sayo Zephaniah? Bakit ngayon ay nagawa mong sumuko para sa kanila? Ganon ba sila ka-importante sayo para gawin 'to?" Iniinis lang niya ako lalo eh! "Wala ka ng pakialam do'n." Sagot ko sa kanya. Muli siyang tumawa at nakita ko ang pag-diin niya ng hawak niyang patalim sa leeg ni Roxanne... Mabilis ang mga sumunod na nangyari, dahil sa sobra ko ng galit ay nagawa ko ang hindi ko inaasahang magagawa ko, "Bitawan niyo... Ang mga kaibigan ko..." Madiin kong sambit. Ngayon ay hawak ko na ang leeg ng tuod na lalaki at iniangat ko siya sa lupa, naagaw ko na din ang kaninang hawak niyang patalim. Kasabay ng sinabi ko ay ang pagbagsak ng dalawang lalaki sa lupa. Napangisi ako dahil do'n... Inakala ko talaga nu'ng una na nawalan na ng malay si Ranz, pero hindi pala. Nang maupo ako ay nakita ko ang paggalaw ng kanyang daliri at dahil doon naisip kong itabi sa kanya ang baraha para sa plano ko. Alam ko, hindi ito planong napag-usapan dahil wala ng oras para pag-usapan pa at maaari kaming mabuko kung magsasalita ang isa sa amin kaya nilapag ko nalang ito malapit sa kanya, tiwala naman akong maiintindihan niya ang nais kong mangyari. Pagtakbo ko palapit sa lalaking tuod na may hawak ng patalim ay saktong kuha ni Ranz sa baraha at naghagis para sa dalawang lalaking may hawak kay Roxanne at Jazmine. Akala ko ay imposible ito pero ngayon naniniwala na akong posible pala... "Katapusan mo na... Ngayon mo pagsisihan ang p*******t sa mga kaibigan ko..." Sabi ko sa kanya bago itusok sa kanyang dibdib ang patalim. "Zeph!" Sabay na yumakap sakin si Jazmine at Roxanne. Napangiti ako ng palihim. Pakiramdam ko ay nakahinga ako ng maluwag. Naamin ko na sa sarili ko ang totoo at nasabi ko pa. Akala ko dapat kong katakutan pero hindi... Mula ngayon kaibigan ko na sina Rox at Jaz. "Salamat Zeph..." Bulong ni Rox sakin. "Edi umamin ka din." Sabi naman ni Jaz. "Huh?" Naguguluhang tanong ko. "Na kaibigan mo kami..." Ngumiti akong muli pero sa pagkakataong ito ay nakaharap na ko sa kanila dahil bumitaw na sila ng pagkakayap sakin. Ikinagulat nila ang pagngiti ko dahil alam kong hindi ko pa 'yun nagagawa. Masarap pala sa pakiramdam... Bago ko pa makalimutan ay mabilis kong nilapitan si Ranz at inalalayan para madala namin siya sa ospital. Habang nasa biyahe kami papunta sa ospital ay lihim akong napangiti, alam kong hindi ito ang oras para dito pero hindi ko lang talaga maiwasan... Si Jazmine at Roxanne, sila ang kahinaan ko pero sila din ang lakas ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD