Chapter 3

2603 Words
Chapter 3: Zephaniah & MCU Zeph's POV Naging masama ang tingin ko sa inabot sa akin na paper bag nitong si Tyron. Ito talaga ang pinangbungad niya sa akin pagpasok niya ng kwarto ko. Nakangiti siya sakin ng malapad. At ang totoo, hindi ko talaga gusto ang ngiti niyang 'yon. "Hulaan mo laman n'yan." Aniya na hindi naaalis ang ngisi sa kanyang labi. "Ayokong suutin 'yan." Hindi ko pa man nasisilip ang laman ng paper bag na dala niya, alam kong uniform 'yon ng MCU dahil may pasok na bukas at sigurado akong hindi ko magugustuhan ang itsura no'n base sa ngisi niya. "No choice ka insan. 'Yan ang uniform do'n, alangan namang pumasok ka ro'n ng hindi naka-uniform. Baka pagkamalan kang janitress, sige ka." Sinamaan ko siya ng tingin nang itaas niya ang maiksing palda na laman ng paper bag, "Sinadya mo ba 'to?" Tumawa sya, "Hoy hindi ah! Malay ko bang ganyan pala kaiksi ang palda ng senior high don. At malay ko din bang ayaw mo ng maiksing palda." Masama ang loob ko pero ano magagawa ko kun'di tanggapin ang biniling uniform ni Tyron para sakin. Kailangan kong tiisin ang iksi ng palda na susuutin ko. Hindi naman ako tomboy o boyish. Masyado lang mahirap ang sitwasyon kapag maiksi ang palda, paano ko sisipa kung ganyan kaiksi ang palda ko? Ano bang katangahan ang pumasok sa ulo ng university na iyon at ginawa nilang maiksi ang palda? "Sukat mo nga, gusto ko makita." Pang-aasar ni Tyron. Kinuha ko ng mabilis ang kakatapos ko lang basahing libro at ibinato ko sa walang hiyang lalaking 'to. Hindi ko siya tinamaan kaya lalo akong napikon. Lalong lumakas ang tawa niya dahil sa nangyari. "Ang ganda mo talaga insan lalo na siguro kapag sinuot mo na 'yan. Hahahahahahaha!" Susugurin ko na sana si Tyron pero mabilis siyang lumabas ng kwarto ko at sinara ang pinto. Huminga ako ng malalim. Kinalma ko ang sarili ko. Muli kong tinignan ang uniform, sinuri ito at tinignan ng masama ang palda. Ibinato ko ito, "Pang-asar ka." Pabulong kong sabi at saka humiga sa kama. Tumingin ako sa kisame ng kwarto ko. Pasukan na bukas. Ito ang unang school year na hindi na kita makakasama ate Tiffany... Pinikit ko ang mata ko. Nakakamiss ka ate Tiffany. *** Tyron's POV Nakakabagot talaga kapag walang ginagawa ano? Nakakaasar pa eh gabi na pero di naman ako makatulog. Ito ang ayoko kapag bakasyon eh. Wala kong magawa. Kahit manlang sana mam-bwisit ng kahit na sino— Teka nga... Ano kaya ginagawa ni insan? Tulog na kaya 'yun? Lumabas ako ng kwarto ko. At ang punta ko? Siyempre sa kwarto ni Zeph. Dahil wala akong magawa at di ako makatulog, bu-bwisit-in ko siya. Binuksan ko ang pinto ng kwarto niya. Ito ang gusto ko kay insan eh, di nagla-lock ng pinto kaya mas masarap pag-trip-an eh. Pagpasok ko, nakita ko si Zeph na natutulog sa kama niya. At isang himala, di siya nagbabasa ng libro ngayon kasi maaga siya natulog. Minsan tuloy napapa-isip ako, gaano kaya ka-boring ang buhay nitong si insan dahil sa pagbabasa ng libro? Grabe, kung ako papipiliin mas na-nais-in ko pa ang kausapin ang baliw kesa ako ang mabaliw sa pagbabasa. Ngumisi ako sa nakikita ko ngayon. Pinipigil ko lang ang tawa ko. Pero sa totoo lang, kung di ako gwapong magaling mag-pigil ng tawa, malamang, kanina pa ko tawa ng tawa dahil sa itsura ni Zeph. Dahil pansin naman sa itsura ni Zeph na mahimbing ang tulog niya, isa lang ang naiisip kong gawin sa ngayon. Nilapit ko ang bibig ko sa tainga niya. Bibilang ako. Isa... Dalawa... Tatlo! "INSAAAAAN!" Sinigawan ko siya para magulat. Mas masarap gulatin ang tulog kaysa sa walang kamalay-malay na gugulatin mo. Base on my own experience 'yon. Napa-balikwas siya sa gulat dahil sa sigaw kong iyon, "HAHAHAHAHAHAHA!" Isang malakas na tawa ang kumawala sa bibig ko. Kanina ko pa 'to pinipigilan pero 'di ko na napigilan sa pagkakataong ito ang tawa ko. Sobrang epic na nga ng itsura ni Zeph kanina habang tulog, mas naging epic pa dahil sa pagkagulat niya. Mukha siyang baliw na nawalan ng ulirat sa itsura niya ngayon, gulo-gulo ang buhok at ang ilan ay nakasaboy sa kanyang mukha, tulala at nakangangang bumangon at nagpalinga-linga. Hinahanap kung saan man nanggaling ang sigaw na 'yon. Na-realize niya naman agad na sakin nanggaling ang sigaw na 'yon. Napalitan ang gulat niyang reaksyon ng isang reaksyong nakapag-bigay sakin ng dahilan para pagsisihan ang pang-gugulat sa kanya habang tulog. Pansin sa itsura ni Zeph na agad umakyat sa ulo niya ang galit. Totoo pala talaga ang kasabihan na "Magloko ka na sa lasing, 'wag lang sa bagong gising". Napalunok ako nang maalala ang kasabihang iyon. "Isa." Bakas na bakas sa kanyang mukha ang masamang awra. Pinagsisisihan ko na po talaga ang kalaspatanganang ginawa ko sa kanya. Ngayon po ay sigurado na akong 'di ko na dapat nais-ing gulatin siya ulit. Sa totoo lang, kahit babae siya at lalaki ako ay takot ako sa pinsan ko. Walang halong biro, "Insan naman. Chill! Nagbibiro lang naman ako eh. Kasi naman nakanganga ka matulog pero diretsong diretso ang higa mo tapos nakamulat ang kalahati ng mata mo kaya—" "Kahit ano pang posisyon ko sa pagtulog hindi mo dapat ako ginugulat. Dahil..." Tumingin siya ng masama sakin. Napalunok ako at biglang napa-atras dahil sa tingin niyang 'yon. Nakakatakot... "Makikita mo ang impyerno..." Malamig na boses niyang dugtong. Bakit ba natatakot ako sa babaeng 'to?! "Insan sorry na kasi. 'Diba maganda naman gising mo? Nagiging madaldal ka kasi—" "Dalawa!" Sigaw niya pa sakin. Ano ba Tyron! Hindi 'yan ang asawa ni kamatayan! Kahit kamukha siya ni Sadako ngayon dahil sa gulo-gulo niyang buhok at ang ilan ay nakasaboy sa mukha at nakaputi siyang pantulog na daster eh hindi pa rin si Sadako 'yan! At isa pa walang asawa si kamatayan! Kumalma ka nga! "Insan. Kalma ka na. Sorry na oh. Please? Tigil mo na 'to. Gabi na insan eh, alam mo bang nakaka-bulahaw na tayo sa kapitbahay—" "TATLOOOOOO!" Mabilis siyang tumalon sa higaan niya, mukhang si Gabriela Silang ang kaharap ko ngayon dahil sa pagsugod niyang 'yon. Idagdag pa na matagal ng patay si Gabriela Silang, kaya lalong nakakatakot. Mabilis akong tumakbo palabas ng kwarto at madaling madali akong tumakbo pababa. 'Di ko alam bakit ako tumatakbo, di ko rin alam bakit niya ko hinahabol. Basta ang alam ko lang, 'di niya ko dapat abutan. Paikot-ikot kami sa buong bahay. 'Di ko maiwasang matawa dahil sa mga gulat na reaksyon ng mga katulong namin dito sa bahay. Hindi nila inaasahan na si Zeph eh nakikipag-habulan sakin na parang bata. Halata naman kasi sa kanya na hindi siya isip bata at lalong wala din sa ugali niya ang makipag-habulan ng ganito lalo na't dis-oras na ng gabi. At dahil na din siguro sa mukha siyang si Sadako s***h asawa ni Kamatayan s***h Gabriela Silang. 'Diba creepy? Ngayon ay para kaming nag-papatintero sa kusina. Magka-tapat kami sa lamesa at ito ang nagsi-silbi naming linya. "Zeph, tulog ka na ulit. Goodnight." Sabi ko sa kanya na malambing ang boses. Oo alam ko, mapipikon siya lalo sa tono ko kasi para akong nang-uuto ng bata. Hindi siya nagpatinag, nakatingin sakin ng matalim, "Zeph ayoko na tigil na natin 'to please." Para akong nakikipag-bati sa bata habang nakataas ang dalawang kamay papa-lapit sa kanya. Pero ang sumunod na nangyari ay hindi ko inaasahan. Dinamba niya ko, natumba kaming dalawa. Ang sakit sa likod kasi sa lapag ako bumagsak samantalang siya ay nakasakay sa tiyan ko. "Pagsisisihan mo ang ginawa mong panggu-gulat sakin!" Sigaw niya. Seryoso na ako sa pagkakataong ito, mukha na siyang abnormal. Nawala bigla ang takot ko. Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay at itinayo ko ang sarili ko. Siya naman ay tumayo na din sa tiyan ko. "Ayaw mo na?" Malungkot niyang tanong. "Yoko na. Bukas na ulit. Tulog na tayo." "Ah. Okay." Parang bumagsak ang langit at lupa sa mukha ni Zeph dahil sa lungkot, tumalikod siya at mabagal na naglakad pa-akyat. Napangiti ako. Isa lang ang sigurado ko. Hindi siya basta-bastang babae. Sinong mag-aakala na ang isang seryoso, walang imik at walang pinapa-kitang emosyon na katulad niya ay magpapa-kita ng ganoong pag-uugali? Hindi siya ganoon ka-demonyo. Hindi ganoon kasama. Malamang ay nakatago lang ang emosyon niya dahil nata-takpan ito ng galit at poot. Higit niyang pinapakita ang malakas na Zephaniah Hernandez. Malakas siya, given na 'yon dahil sa galing niya bilang isang indibidwal na street fighter. Hindi siya hihirangin at babansagang Princess of Street Fighters kung mahina siya. Pero kagaya ni ate Tiffany, may kahinaan din siya. Lahat ng malakas ay may tinatagong kahinaan. Gusto kong matuklasan kung anong kahinaan ni Zeph para alam ko kung paano siya po-protektahan, pero sana... Sana lang, hindi nila 'yon matuklasan. Kung matuklasan man nila, sana sa pagkakataong ako na ang nauna. Ayokong danasin ni Zeph ang dinanas ni ate Tiffany. Matalino si Zeph at malakas ang pakiramdam, pero hindi niya alam lahat. Mayroon siyang hindi alam at hindi pwedeng malaman. Hindi man niya sabihin ay alam kong nagtataka din siya kung bakit bigla akong sumulpot sa buhay niya. Nataon pa na sa pagkamatay pa ni ate Tiffany. Pero mabuti na 'yung ganito na hindi siya nagtatanong kasi para rin ito sa kaligtasan niya at para hindi na siya mangialam pa. Tutuparin ko ang pangako ko sa kanya. Po-protektahan ko siya kahit anong mangyari, buhay ko man ang maging kapalit. *** Zeph's POV Umaga. At ito na nga, pasukan na talaga. Bumangon na ako at nag-handa na kasi nga pasukan na. Hindi porket maaga ako gumayak eh dahil na sa excited ako. Hindi ako magiging excited kahit kailan para sa pasukan. At lalong-lalo na hindi ako excited dahil sa isu-suot ko na ang nakakainis na maiksing paldang iyon. Sadyang maaga lang talaga ko gumayak dahil gusto ko. Yung uniform namin eh di naman ganoon kasama kasi kulay itim naman, yung palda lang talaga yung panira kasi maiksi eh. Ang galing lang ng nakaisip ng palda nito. Great. Just great. Hanggang ngayon masama pa din ang loob ko dahil sa uniform. Oo, big deal talaga 'to sakin. Nang nakaayos na ko pati ang gamit ko ay napag-pasyahan ko ng bumaba at kumain na ng agahan. "Goodmorning beautiful!" Pang-asar na bati sakin ni Tyron pag-labas ko ng kwarto ko. Kay malas ko naman talaga, kay aga-aga siya agad ang nakita ko. Tinignan ko ng masama si Tyron. Kapalit 'yon ng magandang ngiti niya sakin. Ayoko kasi ng ngiti niya. Ngayon ko napansin na pareho lang ng din ng style ang uniform namin ni Tyron, pinagkaiba lang eh syempre pantalon 'yung kanya. "Insan, alam kong gwapo ko 'wag mo na kong titigan masyado. Baka mainlove ka sakin alam mo naman na di tayo pwede kasi—" "Shut up." Pigil ko sa kanya at nauna na kong bumaba. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa. Lalo akong naasar. Sabay kaming kumain. Sa ayaw at sa gusto ko. Sabay kaming papasok. Sa ayaw at sa gusto ko. Sabay kaming naglalakad ngayon sa loob ng MCU. Sa ayaw at sa gusto ko. Sabay din kaming na-badtrip dahil sa mga estudyante dito. Sa ayaw at sa gusto ko. Napaka ganda talaga ng umaga ko. Makaka-patay pa ata ako sa first day ko dito. Silang lahat, masama ang tingin samin. Anong problema nila? Gusto nila ng away? Lagi akong handa. "Siya 'yun diba?" "Oo. Grabe totoo nga... Nakakatakot siya." "Bakit dito siya papasok? Lagot na. Gulo ito malamang." "Pero ang gwapo ng kasama niya. Boyfriend niya kaya 'yun?" Lalo akong na-asar sa huli kong nadinig. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ng katabi ko. Tinignan ko siya ng masama, "Ano?" Nakangisi niyang tanong sakin. Humiwalay ako sa kanya. Nandito na kami sa room. Mag-kaiba kasi kami ng section, 11A ako samantalang 11B siya. Hanggang pag-pasok ko ng room nakatingin ang lahat sakin. May natakot at may nagulat dahil sa pagpasok ko sa room. Napangisi ako. Bahagyang umiwas sila sakin. Tama 'yan, iwasan niyo ko. Mukhang hindi naman pala ako mahihirapang magpakilala sa university na ito, palagay ko ay madami ang nakakakilala sa akin dito. Idagdag pa ang pagkakapatay ko kay Mike. Gusto kong tumawa dahil sa mga gulat at takot na reaksyon ng ilan. Tunay pala na ang mahina mag-balat kayo man makikita mo pa ding mahina. Tama ba itong university na pinasukan ko? Para ba talaga sa mga street fighter na kagaya ko ang university na ito? Sa nakikita ko kasi, hindi. Kung titignan ko ang mga nandito, mukhang mahihina. Baka isang suntok ko lang sa sikmura nila iiyak na agad. Kung umasta akala mo hindi halang ang kaluluwa. Sa likod ako naupo. Ayos 'to, katabi ko ang bintana. Kahit papano makaka-langhap ako ng hangin at mabubuga ko ang buntong hininga na kanina ko pa pala pinipigil. Tahimik akong nagbasa ng libro ko habang wala pang teacher. Di na ko mag-tataka kung walang teacher ang papasok ngayon dahil first day palang naman, ganun naman madalas kapag first day eh. Nakuha ang atensyon ko ng tatlong lalaking padabog na pumasok sa room namin. Tinignan ko sila saglit at binalik din ang tingin sa binabasa kong libro. "Hoy." Lumapit sila sakin. Tumingin ako, "Alis jan." Madiin na sambit nu'ng isa. "Pwesto niya 'yan. Alis!" Dagdag pa nu'ng isa. Binitiwan ko ang librong hawak ko at nilapag 'yon sa desk ko. Sumandal ako at nag di-kwatro ng upo habang nakahalukipkip. "Paano kung ayoko?" Mahina kong tanong. "Miss. Di mo kilala ang may ari ng upuang 'yan, baka umiyak ka lang kapag pinatulan ka niya." Tumawa silang tatlo. Baka ako ang hindi nila kilala? Hinawakan ako ng isang lalaki sa braso ko, siya siguro 'yung tinutukoy nila na may-ari raw ng upuang ito, "Sinabi ng umalis ka jan eh!" Bulyaw niya. Hinigpitan niya ang hawak sa braso ko at talagang sinisindak ako. Pero pasensya na, kay ate Tiffany lang ako nasisindak. "Bitaw." Sabi ko. Ngumisi siya at lalong hinigpitan ang hawak sa braso ko. "Kapag nalukot ang parteng 'yan ng uniporme ko, titilapon ka." Sabi ko ng mahinahon. Tumawa silang muli. At ang nakakaasar, sinadya niyang hawakan 'yung uniporme ko at nilukot ang parte na hawak niya. Hinawakan ko ang braso niya at tumayo ako. "Ang ayoko sa lahat, nalulukot ang uniporme ko." Sabi ko. At sa inis ko sa lalaking 'to, pinalipit ko ang kamay niya. Hindi ako na-kuntento at pati ang kaliwang braso niya ay pinalipit ko na din. Napa-sigaw siya sa sakit. Patulak kong binitawan ang braso niya, hanggang ngayon ay sumisigaw siya sa sakit. Sinipa ko siya sa mukha at tumilapon papunta sa blackboard. Tumama ang likod niya doon. Nawalan siya ng malay, sana lang magising pa. Ayoko naman maka-patay agad sa first day ko dito. Saka ang daming witness. Mahirap na. Gulat ngayon ang reaksyon ng lahat. Tumingin ako ng nakangiti sa dalawa niyang kasama na ngayon ay tulala saka ako naglakad pabalik sa upuan ko. Pag-upo ko ay madaling pumunta ang dalawa sa harap at binuhat ang walang malay nilang kasama. Samantala, may bagong grupo na dumating. Naningkit ang mata ko nang tumingin ang isang lalaki sakin. Malamig na titig... Ewan ko pero iba ang pakiramdam ko sa kanya. Umupo siya kasama ang grupo niya sa katapat kong upuan sa kanan ko. Sino sila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD