Chapter 4

2909 Words
Chapter 4: Dark Spade Zeph's POV Ilang sandali pa ay dumating na ang teacher. "Goodmorning class!" Masigla niyang bati. Bumati din ang mga kaklase ko, pero hindi ako bumati. Sayang lang laway ko. Nagpakilala din siya pero di ko pinakinggan at wala akong pakialam. "Okay, dahil first day niyo ngayon gusto ko na magpakilala kayo isa-isa by telling your name, age and of course about you. Kahit jan nalang sa mga seats niyo, tumayo nalang kayo." Sabi niya sabay ngiti. Sabi ko na nga ba eh. Tulad ng inaasahan ko boring ang first day. Puro ganito ang mangyayari maghapon. Inasahan ko pa naman na bagong technic sa pakikipaglaban ang tinuturo rito. Nagsimula na ang dakilang 'Hello i'm blah blah whatever' na pagpapakilala na 'yan. Isa isa silang tumayo at nagpakilala. Sa likod ako nakaupo kaya malamang mamaya pa ko. Sa unahan kasi nag-umpisa. "Hello!" Napatingin ako sa direksyon kung saan ko narinig ang nakakairitang boses na 'yon. Hanggang dito ba naman makikita ko siya? "I'm Jazmine Sanchez. 17 years of age. About me? Uh, well kayo nalang ang umalam. Basta friendly ako, don't be shy to approach me okay?" Kumindat pa siya sakin. Tss. Sandali nga, nandito siya sa MCU? Ibig sabihin, street fighter din siya? Bakit pakiramdam ko hindi ko siya dapat kinagalitan nu'ng moving up? Tumayo na ang babae sa unahan ko na nakapag-balik ng diwa ko sa realidad, "Ako si Roxanne Apilit. 17 years old. Mahilig akong mag-bake, minsan magdadala ko ng sample para matikman niyo." Ngumiti siya at umupo saka tumingin sakin na nakangiti pa din. Kumunot ang noo ko sa kanya, napaka inosente ng mukha niya. Palagay ko hindi bagay sa kanya ang maging isang Street Fighter. Pagkatapos niyang umupo ay tumayo na ako, "Zephaniah Hernandez. Nothing Follows." Sabi ko at muling umupo. Sandaling tumahimik ang lahat. Nabasag ito nang mag-salita ang teacher, "Okay, next." Nagtuloy-tuloy pa ang pagpapakilala. Napatingin ako sa kanan ko dahil yung grupo niya na ang magpapakilala. "Ranz Kevin Perez. Miyembro ng Dark Spade." Mukhang hindi rin siya palaimik kagaya ko, pero mayabang magsalita. "Senon Sebastian. 17 na ko. Pero girls, please lang 'wag na kayong lalapit sakin ah? Nagseselos kasi ang sweetheart ko eh." Ngumisi pa ito sa katabing babae, "At nga pala, isa akong poging miyembro ng Dark Spade." Mukha siyang maloko kagaya ni Tyron at para sa akin ay pareho silang nakakabwisit. "Rizza Mae de Asis. Kung sino man ang makakapatay sa lalaking nagsalita bago ako, bibigyan ko kayo ng isang taong proteksyon dito sa MCU. Paalala lang, miyembro ako ng Dark Spade." Mataray siya, pero mayabang din. Kahit hindi ko kilala ang grupo nila wala akong nararamdamang takot sa loob ng unibersidad na ito kaya di ko kailangan ng proteksyon nila. Kaya kong mag-isa kaya sa madaling salita—wala akong paki sa sinabe niya. "Kris Laforteza. Miyembro ng Dark Spade." Umupo na siya pero tumayo ulit saka nagsalita, "Pasensya na pala sa mga sinabe ng mga katabi ko ha?" Tapos ngumiti pa. May mga ilan na kinilig. Parang may mga saltik, ganun lang kinilig na agad. Eto namang lalaking 'to feeling pogi. Bakit ba parang hindi sila isang street fighter kung umasta? "Maceline Athena Claudette Monte Claro. 17. Para sa mga hindi nakakakilala sakin..." Tumingin siya sakin ng masama saka nilibot ang tingin sa lahat. Anong problema nito sakin? "Walang may karapatan dito na tumawag sakin o kay Claude ng First name namin maliban sa miyembro ng Dark Spade kaya lahat kayo dapat niyo kong galangin, Athena lang ang pwede niyong itawag sakin. Kami ng kakambal ko ang may-ari ng university na 'to. Kaya kung ayaw niyong mapatalsik..." Tumingin ulit siya sakin. Ako ba talaga pinapatamaan nito?! "Sumunod kayo... Sa Co-Founder ng Dark Spade." Hanggang sa pag upo niya ay nakatingin siya sakin. Nakipaglaban ako ng titigan. Sa malalim niyang tingin, parang may ibig sabihin. Hindi ko pinatagal ang pag-titig sa kanya dahil inilipat ko na ito sa lalaking nagtapon ng malamig na titig sa akin kanina. Magsasalita na siya... "Claude Athens Maverick Monte Claro. Tawagin niyo kong Athens, Founder of Dark Spade." Nagkaroon muli ng katahimikan. Dark Spade... Kung gano'n, sila pala ang Dark Spade. Oh my, kaya pala pagpasok palang nila iba na ang pakiramdam ko... Ang grupo nila ang hinahanap ko. Sila ang dahilan kung bakit ako pumasok sa university na ito. Sila ang dapat managot sa pagkamatay ni ate Tiffany... Papatayin ko din silang lahat! Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang Dark Spade ang namumuno sa MCU, halata naman sa apelyido ng kanilang Founder at Co-founder. Kaya tiyak kong sila nga ang grupong hinahanap ko. Ang hindi ko maintindihan ay ang malamig na titig sa akin ng kanilang Founder at ang masamang titig naman ng Co-founder. Hindi kaya kilala na nila ako? Matapos ang katahimikan ay nag-tuloy na ang klase. Mula ng magpakilala ang Dark Spade, hindi na sila nawala sa isip ko. Sabik na kong makalaban sila... Ang mapatay sila... Sa buong klase ngayong araw ay naulit lang ng naulit ang tanginang Introduce yourself na 'yan. Hindi na sila nagsawa. Nang mag-breaktime ay nagpunta kong canteen, ganoon pa din. Nakatingin sila sakin. Sanay na ko kaya di na ko naiilang. At wala akong pakialam. "Ah, mauna ka na sa pila." Sabi nu'ng lalaki sakin na nasa unahan ko. Pumila kasi ko para bumili. Wala naman sa ugali ko ang makipag-buno para lang mauna sa pila. Ngumisi ako sa kanya. Nasa unahan niya na ako ngayon. Biglang nag-flashback sakin ang nangyare kanina nang maaninag ko ang mukha niya. Tinitigan ko siya, napa-atras siya ng konti dahil sa tingin na 'yon, "Pasensya ka na sa paglukot ko ng uniform mo ha? Di ko na uulitin 'yon. Bayaan mo mula ngayon susunod na ko lagi sayo." Sabi niya. Napangisi akong muli at humarap na sa pila. Ayos talaga kapag kinakatakutan ka. Pagka-bili ko ay humanap ako ng bakanteng pwesto, pero kay malas ko. Wala. "Hey! Here." Kaway sakin ni Jazmine. Lumapit ako sa kanya. Wala akong choice, wala ng bakanteng upuan. Tahimik akong umupo, "Kamusta?" Nakangiti niyang bati. 'Di ako umimik, kumain lang ako, "Hanggang ngayon ba naman ayaw mo pa din akong maging kaibigan?" Ngumuso pa siya. Nairita ko bigla. Luminga ako sa paligid para mag-hanap kung may ibang pwesto pero wala, wala talaga. Bahagya namang kumunot ang noo ko pagtingin ko sa Breadstix na binili ko... Ang babaeng ito, isang street fighter... Bakit ba ako nababahala sa presensya niya? "Nga pala, may gusto kong linawin sa sinabi mo noong Moving Up Ceremony natin." Nabaling ang tingin ko sa kanya. Ano na naman ba ang sinasabe nito? "Si Tyron, yung pinsan mo. Wala akong gusto sa kanya. Mali ka sa sinabi mo sa dahilan kung bakit gusto kitang maging kaibigan. Ang totoo, siya ang ginagamit ko para mapalapit ako sayo. Pero, mukhang iba ang pagkakaintindi niyo." Aniya at nasa tono niya na medyo nailang siyang sabihin 'yung huli. Muli siyang ngumiti sakin, "Gusto talaga kitang maging kaibigan." Umiwas ako ng tingin, "Ayoko." Hindi ko na siya nadinig na sumagot pa kaya tumingin ako sa kanya. Nakayuko siya at pa-inosenteng tinitigan ang kinakain niya. Ang arte. Bakit ba hindi niya maintindihan na ayokong makipagkaibigan? "Ayoko ng kaibigan." Dugtong ko pa. Para siyang nabuhayan ng loob dahil sa sinabe ko. "Dahil ba sa ayaw mong may madamay sa banta ng buhay mo?" Natigilan ako sa sinabe niya. Ang babaeng 'to... Umiwas ako ng tingin sa kanya, "Alam ko kung anong klaseng tao ka Zeph. 'Yun din ang dahilan kung bakit gusto kitang maging kaibigan." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabe niya, "Dahil sa takbo ng buhay mo, nakalimutan mo ng maging masaya." Aniya at hinawakan pa ang kamay ko, "Tutulungan kitang maging masaya ulit." Pangungumbinsi niya sakin. Tinignan ko ang kamay namin na kapwa magka-patong at binaling ang tingin sa kanya. Nakangiti pa din siya sakin. Bakit kung magsalita siya parang kilalang kilala niya ko? Pareho kaya siya ng Dark Spade na may alam tungkol sakin? Inalis ko ang kamay ko sa kamay niya. "Excuse me." Napatingin kami sa babaeng nag-salita, "Eh wala na kasing vacant, pwede bang dito na ko makiupo?" Ngumiti ang babaeng katapat ko ng upuan saka masiglang sumagot ng, "Sure!" Ngumiti naman ang babaeng bagong dating at umupo. "Thanks!" "Ah.. Ikaw si Roxanne 'diba?" Tanong ng katapat ko sa bagong dating. "Oo. Natandaan mo pala pangalan ko? Hehe. Rox nalang itawag mo sakin. Jazmine, right?" Ani ng babaeng bagong dating. "Yeah. Pero call me Jaz nalang." Nag-tawanan pa sila. Sa totoo lang ayoko talaga sa mga taong maingay kagaya nila. Parang si Tyron, nakakairita. Bakit ba pareho silang hindi street fighter kung umasta? "Hey." Bati naman sakin ni Roxanne. Ay mali, Rox. Ano ba talaga? Ewan! "What?!" Iritado kong tanong sa kanya. Ngumiti siya sakin, "Ang ganda mo pala sa malapitan." Aniya. Talaga bang pinapakulo nila ang dugo ko?! "Ow. Friends mo sila?" Napalingon kami sa babaeng nakakairita din magsalita. Co-founder... "Athena... Ayoko ng gulo—" "Shut up girl kung ayaw mong i-stapler ko 'yang bunganga mo." Singhal niya kay Rox. Tumahimik naman agad siya. Bakit kasi binantaan niya agad na naghahanap ng gulo ang babaeng 'to? Ito namang babaeng 'to, kanina pa masama ang tingin sakin. Parang may gusto siyang patunayan e. Pero pasensya na, kahit co-founder pa siya ng Dark Spade na 'yon hindi ako takot sa kanya. Maski pa isa siyang street fighter. Bakit? Co-founder lang siya, Prinsesa naman ako. "Zephaniah, right?" Nakangiti siyang tumingin sakin. Hindi ko siya pinansin. 'Wag na siyang umasa na kakausapin ko siya. "You know me naman, right?" Sabi pa niya, nakangiti pa din. Humalukipkip ako at tumingin sa kanya ng seryoso. "Dapat ba kilala kita?" Naramdaman ko ang tingin sakin ng ilang estudyante na naririto sa Canteen. Pati na rin ang mga kasama ng co-founder na 'to, maski nila Rox at Jaz. Parang sandaling huminto ang galaw ng lahat dahil sa katahimikan. "Anong sabi mo?!" Iritang tanong ni co-founder sakin. Co-founder na ang itatawag ko sa kanya, tutal pinagmamalaki niya kung sino siya. Tutulungan ko na. "Bingi." Matipid kong sagot. Alam kong nag-pipigil na siya ng galit ngayon, "Hindi ka takot sakin 'no?" Aniya. Hindi ako sumagot. "Kung hindi, pwes..." Tumingin siya ng nakangiti kay Rox at Jaz. s**t! Ayoko ng ngiti niya. Ito na nga ba ang sinasabe ko eh. Naging alerto ako sa susunod niyang sasabihin, "Bibigyan kita ng dahilan para matakot sa 'kin." Ngumisi s'yang muli saka umalis. Pang-asar ka co-founder! "Zeph bakit mo ba ginawa 'yun?!" Tarantang tanong ni Rox sakin. "Bakit ba parang takot na takot kayo sa kanya?" Singhal ko. Mga street fighter sila, dapat silang maging matapang pero bakit ganito? Kumunot ang noo ko nang yumuko silang dalawa. Grabe lang. *** Uwian. Ngayon ko naalala na di ko nakita si Tyron. Di ako binuwisit maghapon. Mag-isa akong uuwi ngayon. Ito ba ang paraan niya ng pang-bubwisit ngayon? Bwisit ka talaga Tyron! Nasa'n ka na naman? Naglalakad na ko sa hallway nang may humarang sa dadaanan ko na dalawang babae. "May hinahanap ka?" Tanong nila. Kumunot ng bahagya ang noo ko. Sino naman hahanapin ko? Hindi ko sila pinansin. Lumihis ako ng landas at nilagpasan sila. "Wala ka bang pakialam sa kaibigan mo?" Napahinto ako sa paglalakad dahil sa narinig ko. Lumingon ako sa kanila, "Wala akong kaibigan." Saka muling tumalikod at naglakad ulit. "Kung gano'n pala, mamamatay na si Roxanne ng wala manlang Zeph na dadating? Kawawa naman pala siya." Aniya saka humalakhak. Muli ko silang hinarap, ngayon ay nakatalikod na sila sa 'kin at naglalakad na palayo. Hindi! Si Roxanne! Kainis talagang babaeng 'yon. Naturingang street fighter hindi marunong lumaban! Hindi ako nakapag-pigil. Tumakbo ako palapit sa kanila saka sila sinabunutan, "Aray!" Sabay nilang reklamo habang hinihila ko sila pababa. Nasa third floor kasi kami. "Dalhin niyo ko sa kanya." Sabi ko. Patuloy sila sa pag-sigaw at pag-pupumiglas sa pag-sabunot ko sa kanila pero walang epekto sakin ang mga mahinang suntok at kalmot nila upang makawala. Hindi niyo ko madadala sa ganyan ganyan lang. "Dadalhin ka namin do'n kahit 'di mo kami sabunutan! Bitawan mo nga kami!" Patulak ko naman silang binitawan at natumba sila. "Dalian niyo." Sabi ko. Narinig ko pang minura ako ng isa pero di ko na pinansin. Kailangan ko lang ngayon eh puntahan si Roxanne. Badtrip, kapag may nangyari sa kanya. May paglalagyan 'yang co-founder na 'yan! Alam kong siya lang ang pwedeng gumawa nito. Pinapadali niya ang kamatayan niya. Papunta ang direksyong tinatahak namin sa likod ng Senior High Building. Hapon na kaya medyo may lilim na dito dahil sa mga puno. Tahimik kaming naglalakad. "Tama na!" Naging alerto ako sa sigaw na 'yon. Si Roxanne... Sa pag-liko namin sa nasabing building ay bumungad sakin ang nakaluhod na si Roxanne sa harap ng co-founder ng Dark Spade. Huli na ba ko? Lumingon sakin si co-founder, "Nandito ka na pala, akala ko kaya mong tiisin 'tong babaeng 'to eh." Aniya habang nakangisi. "Nanjan na ang sundo mo, makakauwi ka na." Yumuko siya ng konti para sabihin 'yun kay Roxanne. Lumingon ako kay Roxanne na ngayon ay itinayo ng isang alipores ni co-founder. Kiniyom ko ang kanang kamao ko dahil sa nakikita kong kalagayan ngayon ni Roxanne. Sobrang hinang-hina na siya at puro galos ang mukha at braso, gulong-gulo ang buhok, punit na ang manggas ng uniporme at sobrang dumi na ng puting blouse sa loob ng coat niya, ang neck tie nito ay nakasakal sa kanyang leeg. May dugo sa labi dahil pumutok ito, may pasa din siya sa kaliwang pisngi niya. Humanda ka, mapapatay talaga kita co-founder! Kulang nalang umapoy ako sa galit dahil sa nakikita kong sinapit ni Roxanne. Asar, napakahina niya naman para matalo ng tatlong babaeng 'to. "Bwisit." Nakatingin ako ng masama sa direksyon ni co-founder. Hindi ko alam kung ano magagawa ko. Hindi ko alam kung may maiiwan pang buhay dito ngayon, kung meron man sana si Roxanne 'yun. Badtrip! Bakit ginawa nila 'to sa kanya? Ano bang kasalanan niya sa kanila?! Nakita ko ang pag-ngisi ni co-founder, "Alam mo hindi naman talaga ko masamang tao eh, magiging mabait ako kung magiging mabait ka din sakin. Ito kasing magaling mong kaibigan sinagot ako kanina sa canteen eh ayoko pa naman ng ginaganun ako. Kaya ayan napala niya." Dahil lang sa pag-sabat ni Roxanne kanina sinaktan na nila siya? Wow naman bakit naman pumayag ang babaeng 'yon na magpa-bugbog?! "Papatayin kita, co-founder." Nawala ang ngiti niya sa mukha, "Talaga bang nang-aasar ka?" Sabi niya. Mukhang ayaw niya ng tawag ko sa kanya, edi pagbigyan. "Hinahamon kita Co-founder. Tayong dalawa lang." Madiin kong sambit. "Hindi mo ko kaya." "Kung ganon duwag ka, hindi mo ba mapanindigan ang pagiging co-founder mo? Heh, walang kwenta." Agad na uminit ang kanyang ulo kaya sumugod siya sakin. Masarap kalabanin ang mainit ang ulo, walang kapayapaan ang isip kaya hindi na iniisip kung anong galaw niya basta sugod nalang ng sugod. Sa pag-lapit niya sakin ay agad niya kong sinipa pero naka-ilag ako. Gumanti ako ng sipa at tinamaan siya sa tiyan pero walang epekto. Muli siyang sumugod, ngayon ay nag-papalitan lang kami ng atake. Nang muli akong sumuntok ay hindi ko siya natamaan. Kainis! "Gusto mo ng kasunduan?" Ngumisi siya, "Kapag nanalo ako, sasali ka sa Dark Spade." Ngumisi ako, "Kapag ako ang nanalo, hinding hindi niyo na sasaktan si Roxanne." Dugtong ko sa sinabi niya saka muling sumipa. Hindi ko alam kung anong kasalanan ni Roxanne sa kanila kung bakit nila ito ginawa o sadyang dinamay lang nila si Roxanne para pasalihin ako sa Dark Spade. Kung ano man ang dahilan, mga bwisit sila! Hindi ako interesadong sumali sa grupo nila o sa kahit saang grupo sa labas o loob man ng university na'to. Sa muli kong pag-sipa ay tinamaan ko siya sa mukha dahilan para tumilapon siya. Ngumisi ako, "Panalo na—" Natumba ako at nahilo dahil sa pagpalo ng kung sino sa ulo ko. Asar! Pandaraya ito! "Ako." Si co-founder ang tumapos sa sasabihin ko dapat. Asar! Hinablot niya ang hawak na tubo ng kanyang kasama na sa palagay ay iyon ang ginamit para ipukpok sa ulo ko. Pinalo niya din ako at tinamaan ako sa mukha dahilan para mapahiga na ko sa lupa. Tatayo pa sana ako pero natigil 'yon nang itutok niya ang tubo sa leeg ko. Napahinto akong nang-gigigil ang mukha dahil sa pandaraya niya. Nakita ko ang pagbitaw ng isa pa niyang kasama kay Roxanne. Bumagsak sa lupa ang walang malay na si Roxanne. "Tapos na kong makipaglaro sayo, mahal na prinsesa." Aniya at umalis na sila. Badtrip! Habang nahihilo pa ay pinilit kong tumayo at lumapit kay Roxanne. "Roxanne!" Tawag ko sa kanya habang niyuyugyog ko ang katawan niya. Kainis! Hindi siya magising. Kinuha ko sa di kalayuan ang bag ko saka kinapa ang cellphone ko. Tinawagan ko si Tyron para humingi ng tulong. Kailangang madala ko sa ospital si Roxanne, sa ayaw at sa gusto ko si Tyron lang ang mahihingan ko ng tulong sa ngayon. "Help us... Nasa likod ako ng building natin..." Hindi ko na nahintay ang sagot ni Tyron sa kabilang linya dahil sa hilong hilo na din ako. Hanggang sa nawalan na din ako ng malay...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD