Chapter 2

2996 Words
Chapter 2: Street Fighter Zeph's POV Lumipas ang ilang araw at linggo matapos ang pagbisita namin sa puntod ni ate Tiffany. "Nandito ka na naman." Bati ko kay Tyron pagpasok niya sa kwarto ko. "Uma-asenso ka na Zeph!" Tumingin ako sa kanya na may kunot ang noo. Umupo siya sa kama ko para tumabi sakin, "Dati kasi 'di ka umiimik kahit nakatabi na ko sayo eh. Pero ngayon pagpasok ko palang nagsalita ka na. Ang galing 'diba?" Aniya habang mahinang pinisil ang pisngi ko. Hindi ko nalang pinansin. "Pasukan na next week." Tumingin ako sa kanya, "Alam ko." Ngumiti siya, "Tara." Kumunot ulit ang noo ko, "Sa street. Gawin natin ang ginagawa niyo ni ate Tiffany dati." Isang ngiti pa ang idinagdag niya pagkatapos magsalita. Mukhang pareho kami ng iniisip sa pagkakataong ito. Tumayo ako at nilapag ang librong hawak ko sa mesa, "Lumabas ka na. Magbibihis ako." Sabi ko sa kanya at diretso ang tingin. Ngumisi siya sakin, "Okay!" Saka nilisan ang kwarto ko at sinara ang pinto. Tumingin ako sa bintana tagos sa kalsada. Mula rito ay tanaw ang tirik na tirik na araw at ilang naglalakad sa tapat ng aming bahay. Naningkit ang mata ko, "Oras na para maningil ako." Bulong ko sa sarili ko. *** Habang naglalakad kami sa kalsada 'di ko maiwasan ang ngumisi dahil sa mga tinuran ng mga tao sa paligid. May umiiwas, may natutulala, at may halatang takot na takot na makita ako. Ganito ba talaga ang epekto ko? "Ang prinsesa. Nagbalik na siya..." "Hindi na dapat. Mas lalong titindi ang gulo dahil sa kanya." "Ayoko na dito. Umalis na tayo. Ayoko madamay." Ilan lang 'yan sa mga nadidinig kong usapan ng mga tao sa paligid. Tama 'yan, iwasan niyo ko. Hindi niyo dapat gustuhin ang makita ako o kausapin... Mga walang kwentang tao. Alam kong hindi nila inaasahan ang pagbabalik ko. Hindi nila akalain na makikita pa nila ko rito dahil mula ng mamatay si ate Tiffany ay hindi na ko nagpakita pang muli sa kanila. Nilingon ko si Tyron na ngayon ay kasabay kong naglalakad sa gitna ng tirik na tirik na araw. Hindi alintana ang init at lagkit. Lumapit kami sa isang umpukan ng mga tao. Nang mapansin nila kung sino ang bagong dating, napatingin ang lahat sakin. Biglang nahati ang tao, binigyan nila ko ng daan palapit sa lalaking pakay ko rito. Muli akong ngumisi pagharap sa kanya at saka nilibot ang tingin sa lahat. Hanggang ngayon pala ganito pa 'din dito. Walang nagbago. "Uy, ang napakaganda naming prinsesa. Nagbalik ka! Kamusta?" Nakangising bati niya sakin na nakalahad ang mga kamay at handang akong yakapin sa muli kong pagharap sa kanya. Muli ay ngumisi ako sa kanya. Kilala niya ko. Alam niyang 'di ako pala-imik. "Yang ngising 'yan ang na-miss ko. Tagal mong nawala, prinsesa. Ay teka mali, ikaw na pala ang reyna. Patay na si Tiffany, kaya dapat ikaw na ang hiranging reyna." Humalakhak siya ng malakas na animo'y nang-iinsulto at sumunod ang mga lalaking nakapalibot samin ngayon. Lalo lang niya akong binibigyan ng dahilan para tapusin siya. Sumeryoso ang mukha ko, "Ayoko sa lahat, ang binabastos siya." Sabi ko, may pagbabanta ang tono ko. Tinignan ko silang lahat, matalim ito kaya napayuko ang ilan. Kilala nila ko magalit. 'Wag nila kong susubukan. "Bakit ka nandito?" Seryosong tanong sakin ng lalaking kaharap ko. Mukhang ramdam na niya ang galit ko. "Ano sa palagay mo?" Naging alerto ang lahat dahil sa pagsagot ni Tyron. "Sino ba 'yang kasama mo ha Zeph? Ang yabang ah." Sabat ng isa. "Hoy, 'di ako mayabang. At 'wag mo kong sini-sino-sino lang. 'Di mo ko kilala magalit." Sagot ni Tyron. "Mukhang papalag ka bata ah?" Lalapit na ang isa sa kay Tyron kaya tinignan ko siya ng masama at agad itong napaatras. Nakita ko ang ngisi ng lalaking nasa harapan ko. Mukhang natutuwa sa usapan ng alipores niya at ni Tyron. Uminit bigla ang ulo ko, "Mamatay ka na." Malamig kong sambit. Hindi nawawala ang ngisi sa mukha niya, "Wala akong kasalanan sa pagkamatay ni Tiffany, kahit ganito ko. Mahal na mahal ko siya." "Pinabayaan mo siya." "Nagkakamali ka Zeph, wala akong alam sa nangyari. Hindi ko alam ang tungkol sa pagsugod ng grupong iyon. Hindi ko akalain na madadamay si Tiffany, buong akala ko kasi malakas ang impluwensya ng pamilya niyo kaya tiwala akong mapoproktehan nila—" "Wala kang silbi. Nagtiwala ako sayo Mike, akala ko lagi kang nasa likod niya. Akala ko tutulungan mo siya sa lahat ng pagkakataon. Pero wala kang ginawa." Hindi ko na siya pinatapos sa litanya niya, bagkus ay sinamaan ko pa siya ng tingin. "Patawarin mo ko Zeph. Si Tiffany mismo ang nagsabi sakin na wag akong mangialam. Siya mismo ang nagbawal sakin, sabi niya kaya niya mag-isa. Sabi niya—" "Tumahimik ka! Wala akong panahong pakinggan ang kung ano mang sasabihin mo. Wala kang kwenta Mike!" Sigaw ko sa kanya. Unti unti na kong kinakain ng galit. At kapag ako sumabog, hindi ko alam kung ano magagawa ko. "Haaay. Akala ko pa naman dapat akong maging proud 'pag nakilala kita. Pinagmamalaki ka sakin ni ate Tiffany, sabi niya ibang klase daw boyfriend niya. Pero mukha namang tama nga si ate, ibang klase ka nga. Wala ka kasing silbi." Alam kong kahit na anong oras ay maaaring may sumugod samin dahil sa sinabi ni Tyron. Tumingin akong muli kay Mike. Pagkatapos ay tinignan ko din ang mga tao sa paligid, may tumingin sakin at may tumingin kay Tyron. Merong tumango, merong nanlilisik ang mata. Ngumisi ako, "Tapos ka na." Pagsambit ko no'n ay isa-isa silang sumugod sa amin. Tuluyan na akong nilamon ng galit. Nilabas ko ang kutsilyong may kulay berdeng hawakan at may ukit ng ahas. Nagsimula akong sumugod. Hindi ako takot pumatay lalo na't apat na taon ko ng ginagawa ito. Labing dalawang taon palang ako nakapatay na ko. Sanay na sanay na ko sa ganito dahil katulad ng mga nandito ay isa din akong street fighter. Pareho kami ni ate Tiffany na street fighter. Street fighter ang tawag sa mga gaya naming nasanay makipaglaban sa kalye, o nakikipaglaban sa kalye. Matatawag kang isang street fighter kung sa kalye ka natutong makipaglaban at pumatay. Ang pinagkaiba lang namin ni ate Tiffany sa mga nandito ay mayroon silang gang o grupo, bilang isang street fighter madali kang makikilalang malakas kung papanig ka sa isang grupo. Pero para sa amin ni ate, mahina lang ang mga gang. Umaasa sa lakas ng grupo, hindi kagaya naming mga indibidwal na sariling lakas ang puhunan. Totoo ang sinabi ni Mike na mahal na mahal niya si ate, saksi ako do'n. Pero ngayon ay wala ng silbi sakin 'yon dahil sa nangyari kay ate. Pinabayaan ni Mike si ate kaya bilang kabayaran, papatayin ko siya. Nu'ng nabubuhay pa si ate Tiffany, madalas kami rito. Dito sa street na ito nagsimula si ate bilang isang street fighter kaya dito niya din ako hinasa. Pareho kaming indibidwal na nakikipaglaban at ito ang naging dahilan kaya nakilala kami, ang reyna at prinsesa ng mga street fighters, kami iyon. Dati palaging nandito si ate para magsanay kaya naging boyfriend niya si Mike at ako naman kaya nandito dati ay dahil naman kay ate. Kaya nang mawala siya, hindi na ko nagbalik dito. Marami na kong napabagsak. Ganon din si Tyron. 'Di ako magkamali ng hinala, isang malakas at magaling din na street fighter si Tyron na halos kasing lakas ni ate Tiffany na kapatid niya. 'Di na ko nagulat do'n pero gusto ko pa din malaman kung saan siya natutong lumaban. Kasi sa totoo lang, madami pa kong hindi alam tungkol kay Tyron dahil nakilala ko lang siya noong mamatay si ate. Ayoko din naman kasing usisain siya. "Zephaniah itigil mo na'to!" Sigaw ni Mike sakin. Ngayon ko lang napansin na hindi pa din pala siya gumagalaw sa pwesto niya. Dahil mga taga-sunod niya lang naman ang kinakalaban namin. Huminto sa pag-atake ang mga natitira niyang taga-sunod. Ngumisi ako sa kay Mike habang siya naman ay seryoso ang tingin sa akin, "Zeph, hindi mo alam ang magiging kapalit ng ginawa mong ito. Hindi magandang simula ito para sa pagpasok mo sa MCU." Kumunot ang noo ko. Ano bang sinasabi nito? "Hindi mo alam kung ano ang tinatago ng MCU Zeph, mukha siyang kagalang-galang sa labas pero sa loob..." Saglit siyang huminto at naging matalim ang tingin sa akin, "...Nandoon ang iba't ibang klase ng mga halimaw." Gusto kong matawa sa sinabi niya. Malamang tama siya, ang Monte Claro University ay isang unibersidad na para sa mga kagaya naming mga street fighter. Lahat ng nag-aaral do'n ay bihasa sa pag-patay. Literal talagang may halimaw doon dahil nandoon ang pumatay kay ate Tiffany. Pero maghintay lang sila dahil sila na ang isusunod ko. Teka nga ano bang akala ni Mike? Matatakot ako sa sinasabi niya? "Nananakot ka ba? Matatakot na ba ko? Ano ba 'yan! Mas nakakatakot pa si ate Tiffany sayo eh." Iritang sabat ni Tyron na nasa gilid ko. Hindi pinansin ni Mike ang sabat ni Tyron. Nanatili siyang nakatingin sakin, "Ang ilan sa mga napatumba mo ay nag-aaral sa MCU. Ngayon palang, may banta na ang buhay mo." Mukha nga siyang nananakot. Pero, di ako tinatalaban no'n eh. Pero sandali, kung doon nag-aaral ang ilan sa kanila ibig sabihin maaring may kinalaman sila sa pagkamatay ni ate? At tama lang na pinatay ko sila? "Ano ba Zeph, tapusin na nga natin 'to. Naiinip na ko." Tinignan ko ng seryoso si Tyron. Grabe, parang nabuhay na muli si ate Tiffany sa katauhan ni Tyron ngayon. Hindi maipagkakailang magkapatid nga sila. "Laro tayo." Ngumisi ako kay Tyron, "Alam mo ba yung laro namin ni ate Tiffany?" Dugtong ko. Ngumiti siya, "Alam mo gusto ko talaga kapag nagiging madaldal ka." Nagsimula na siyang sumugod. May sumugod saking tatlo, binigyan ko sila ng tig-iisang hiwa sa tagiliran, pinalibutan nila ko. Napangisi ako. Sabay sabay silang sumugod sakin. Sa pagkakataong ito, gumamit na din sila ng patalim. Wala namang batas sa aming mga street fighter na bawal ang gumamit ng patalim, p*****n ang usapan sa mundong ito kaya lahat ng paraan ay pwede. Sa pag-sugod nilang iyon ay umupo ako. Mas madali pa pala ito kesa sa inaasahan ko, ang mga tangang 'yon. Sila-sila ang magkaka-kampi, sila-sila ang nagsaksakan. Tumayo ako habang nakatingin sa kanila. Ngumiti ako at nag kibit-balikat, "Madaya ka." Nilingon ko ang lalaking nagsalita na isa sa mga kalaban ko ngayon, hinarap ko siya. Kumunot ang noo ko, "Ang totoong street fighter hindi gumagamit ng kutsilyo." Aniya. Ngumisi ako, "Sabi mo eh." Hinagis ko sa kanya ang kutsilyo, hindi siya naka-react sa ginawa ko kaya hindi niya ito naiwasan. Sakto sa noo niya nang tumusok ito. Ang mga sumunod na kumalaban sakin ay binabalian ko nalang ng buto. Ganito kami maglaro ni ate Tiffany, pahihirapan ang kalaban saka papatayin. Ganito ako kademonyo pagdating sa pagpatay. Dahil Street Fighter ako lalo kong inayawan ang makipag-kaibigan, kasi ayokong may madamay. Alam ko na sa ganitong estado ng buhay ko, namin, ay totoong may banta ang buhay. Malamang ay ang iba may personal nang galit sakin. Kahit mayaman ako, hindi pa din sapat 'yon para protektahan ang mga tao sa paligid ko. Kahit kaya kong pumatay, wala akong nagawa para protektahan si ate Tiffany. Demonyo man ako, mas demonyo sila. Ito din ang dahilan kung bakit ako galit sa mundo. Galit sa sarili ko. Binigyan ako ng kakayahan na kalabanin ang gustong manakit sakin pero hindi ako binigyan ng pagkakataong protektahan ang iisang taong mahalaga sakin gamit ang kakayahang ito. Naging tanga ako noon, naging kampante. Napalagay ako na kaya ni ate Tiffany ang sarili niya, dahil akala ko mas malakas siya sakin. Ni minsan kasi, 'di ko siya nagawang matalo sa pakikipaglaban. Akala ko sapat na 'yon, sapat na 'yung malakas ka para manalo ka. Hindi pala... Patuloy ako sa pagsugod sa mga lumalapit sakin. Pero ngayon, hindi na ko nakikipag-laro. Pinapatay ko na sila dala siguro ng inis dahil naalala ko na naman ang kamatayan ni ate dahil sa pagiging Street Fighter namin. Isa lang naman ang naiisip kong dahilan bakit pinatay si ate eh, Street Fighter siya. Madaming galit sa kanya kaya ako ang ginamit nila para patayin si ate. Ang tanga ko. Hinayaan kong mangyari yun. "Akala ko ba maglalaro tayo? Kj mo naman." Puna ni Tyron sa akin matapos kong baliin ang leeg ng kalaban ko. "Nauna kang sumuway." Sabi ko. Tumawa siya, "Akala ko kasi ang mechanics eh ako ang papatay. Sorry." Sabay tawa niya ulit. Ngumiti nalang ako sa kanya, masaya palang makipaglaban kasama siya. Huh? Ano bang sinasabi ko? Napailing ako. "Tama na!" Muling sigaw ni Mike sa amin. Kusang tumigil ang mga alipores niya. Parang mga robot na pinindot ang remote control para patigilin sila ng sabay-sabay. "Itigil mo na 'to Zephaniah. Kung ako ang gusto mong patayin, gawin mo. Pero siguraduhin mo lang na kaya mo." "Ang bait naman. Ano mag-sa-sakripisyo ka para sa mga 'to? Parang 'di totoo ah, hoy huli na para magbago. Impyerno na punta mo kapag namatay ka." Sagot ni Tyron. Lumapit ako sa katawan ng lalaking pinag-iwanan ko ng kutsilyo ko kanina, nakamulat siya at diretso ang tingin. Binunot ko ang kutsilyo mula sa noo niya. Pagkatapos ay itinutok ko 'yon kay Mike. "Wag mong sabihin na ihahagis mo 'yan sa kanya?" Tanong ni Tyron. Tinignan ko lang siya ng masama, "Sabi ko nga hindi eh." Aniya. Lumapit ako kay Mike, halos isang metro nalang ang layo namin sa isa't-isa. "Kung gusto mo kong patayin, sana una palang ginawa mo na. Nilagay mo lang sa alanganin ang buhay mo. 'Di mo na sila dapat pinatay." Ang tinutukoy niya ay ang mga alipores niyang nakahandusay ngayon, madami-dami rin sila. Di ko na mabilang kung ilan ang napatay ko, pero tiyak akong mas madami kaysa kay Tyron. May mga natira pa din naman, pinahinto na niya kasi eh, "Naiinip ka na ba sa kamatayan mo?" Malumanay kong tanong sa kanya. "Matapang ka Zephaniah, pero sana lang hanggang huli maging matapang ka. Hindi ka madaig ng emosyon, 'wag ka sanang gagaya kay Tiffany. Masyado ka niyang prinotektahan kaya siya ang namatay. Kung hindi sana niya ginawa ang bagay na 'yon sana buhay pa siya ngayon." Lalo akong nangati na patayin siya. Alam kong kasalanan ko kung bakit siya namatay. Hindi ko itatangging sinisisi ko ang sarili ko dahil sa pagkamatay ni ate Tiffany. "Ikaw ang may kasalanan kung bakit namatay si Tiffany!" Sigaw niya sakin. Parang naging hudyat ang sigaw na iyon para sugurin ko siya. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay hinayaan niya lang akong isakatuparan ang pagpatay sa kanya. Parang handa na siyang mamatay. Madali ko siyang nasaksak. "Naaalala mo ba ang kutsilyong to, Mike?" Ngumisi ako bago tinuloy ang sasabihin ko, "Ito ang kutsilyong ni-regalo mo sakin, akalain mo yun? Ito pa pala ang papatay sayo." Sinulyapan niya ang kutsilyong nakatusok ngayon sa kanyang dibdib kasabay ng pagtulo ng dugo sa bibig at dibdib niya. Bumalik ang tingin niya sakin, parang may nais sabihin ang mga tingin niya sakin pero hindi ko maintindihan kaya kumunot ang noo ko. Bago siya tuluyang matumba, nakita ko din ang buka ng kanyang bibig na katulad ng kanyang tingin ay may nais ding sabihin. Huli na ang lahat. Hindi na niya nasabi kung ano man ang gusto niyang sabihin. Malamang ay huling hiling o kaya eh gusto niyang magpasalamat kasi pinatay ko siya. Alin man don, wala na kong pakialam. "Yun na 'yon? Tapos na agad? Ano ba 'yan walang thrill." Bati ni Tyron nang makalapit ako sa kanya, "Di mo babawiin 'yung kutsilyo sa dibdib nya? Ebidensya 'yon." Nilingon ko naman ang katawan ni Mike. Naguluhan ako sa nakita ko. Si Mike, hawak niya ang kutsilyo. Pero bakit? May hininga pa pala siya nu'ng matumba siya? Nagawa pa niyang hawakan ang kutsilyo bago siya tuluyang mamatay. Pero bakit niya ginawa 'yon? Para palabasin na siya ang pumatay sa sarili niya? O para takpan na ako ang pumatay sa kanya? Pero bakit nga ba niya gagawin 'yun? Inalis ko ang tingin sa kanya at ibinalik kay Tyron, "Binalik ko lang ang ibinigay niya." Ngumiti siya sa akin, "At may sukli pa." Aniya kaya ngumiti nalang din ako. Bago kami umalis ay muli kong tinignan ang katawan ni Mike, maging ang mga katawan ng mga alipores niyang napatay din namin. "Bakit?" Tanong ni Tyron sakin. Napansin niya palang nakatingin ako sa mga patay dito. "Masyadong maraming buhay ang nalagas para lang may mapag-buntunan ako ng galit sa pagkamatay ni ate Tiffany." Ngumisi ako at tumingin kay Mike, "Pati si Mike, nadamay ko." Dugtong ko. "Ganyan ka ba talaga kapag nakakapatay?" Kumunot ang noo ko kay Tyron, "Nakangiti at nagiging madaldal." Sabi pa niya. Ngumiti ako, "Sa tingin mo ba, anong masasabi ni ate Tiffany ngayon?" Tumingin siya sa langit at tumingin sa lupa, "Yun ngang lugar kung nasaan siya 'di ko alam eh, 'yun pa kayang masasabi niya." Tumawa nalang kaming pareho. Napansin ko ang tingin ng ilang nabuhay. Tumingin ako sa kanila ng matalim, "Lahat kayo... Hindi niyo kami nakita dito, sila-sila ang nag-p*****n. Maliwanag ba 'yon?" Malamig kong sambit. "Oo... Oo... Oo. Prinsesa." Nanginginig na sagot nila sakin saka ako ginawaran ng madaming tango. Ngumiti ako sa kanila na labas ang ngipin. "Salamat." Kumaway pa ako sa kanila para kapani-paniwala ang pasasalamat ko. "Demonyo ka." Sambit ni Tyron habang naglalakad kami na parang walang nangyari. "Masaya ka naman diba?" "Bihira lang 'to, baka nga." Tumawa kaming muli. Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik dahil sa ginawa kong pagpatay kay Mike. Siningil ko lang naman siya. Tama, naningil lang ako. Bayad 'yan sa pag-papabaya niya sa pinaka importanteng tao sa buhay ko. Siya ang naghanap ng kamatayan niya. At natagpuan niya 'yon sa mga kamay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD