Chapter 8

2788 Words
Chapter 8: Roxanne at Ranz Zeph's POV "Kamusta ka na?" Ngumisi ako kay Ranz pag-upo ko sa kama niya. "Ok na sana kung hindi mo hinampas ang sugat ko." Reklamo niya. Tumawa ako, pero mahina lang. "Nagbago ka na nga." Puna niya. Nahinto ako sa pagtawa pero nakangiti pa din ako, "Ang tagal mo na dito sa ospital, wala ka pa bang balak umuwi?" Pag-iiba ko sa usapan. "Isang buwan palang naman ah." Natawa nalang kaming pareho. Isang buwan ng nasa ospital si Ranz mula nu'ng mangyari ang insidente na 'yon, kung titignan mo siya parang wala lang sa kanya ang nangyari pero kung susuriin mo malalaman mong matinding hirap ang dinanas niya. Ang ginamit sa kanyang patalim noong nasaksak siya ay kikil. Sinadyang tulisan ang dulo para maging patalim, nasa dulong bahagi lang ng kikil ang talim nito pero dahil ito ay tatlo ang kanto (pa-tatsulok), ay mas madali siyang maisaksak. Sabi sakin ni Ranz ay ito ang simbolong armas ng grupo ng mga nakalaban namin, ang hawakan nito ay kulay berde na may nakaikot na ahas. Hindi sinabi sakin ni Ranz ang pangalan ng grupo pero mapanganib daw talaga sila. Naging kritikal ang lagay ni Ranz dahil sa saksak, akala ko nga ay hindi na siya makakaligtas dahil nang makarating kami sa ospital, maitim na ang labi niya. Natagalan pa kasi kami sa pagpunta sa ospital noon dahil medyo malayo. Ayon sa doktor ni Ranz, hindi ang saksak o tetano na dulot nito ang naglagay kay Ranz sa panganib. Sabi niya, nakita nila sa sugat na mayroon itong lason. Ibig sabihin, may lason ang ginamit na panaksak kay Ranz. Dahil kikil ang ginamit, tinutusok lang ito sa biktima na parang ice pick kaya hindi aagos ang dugo para sa gano'n ay walang posibilidad na matanggal ang lason pagsaksak. Tinukoy at pinaliwanag sa amin ng doktor ang tungkol sa lason. Sabi niya, ang tawag sa lason na ginamit ay VX o Venomous Agent X. May sinabi pa siyang paliwanag tungkol sa nasabing lason pero hindi ko na lubos inintindi, basta ang naintindihan ko lang Nerve Agent siya na ginamit bilang Chemical Weapon. Ewan ko ba, basta sabi niya ang taong makakalanghap nito o masipsip man ng balat mo ang lason na ito ay 20 minuto nalang ang itatagal mo sa mundo. Maswerte nga ang hayop na 'to eh, nakaligtas. "Kamusta pala si Roxanne?" Aniya. Ngumiti ako para masiguradong maniniwala siya sa isasagot ko, "Ok lang, ano pang silbi ko kung mapapahamak siya diba?" Sabi ko. Kumunot ang kanyang noo, "Pwede ba kapag tayong dalawa lang ang nag-uusap 'wag ka ng ngingiti? Di ako sanay eh." Pagsusungit niya. Sumeryoso naman ako dahil doon, "Sila ang nagpabago sakin. At nagpapasalamat ako dahil do'n." *** "Huy Zizi, kamusta na si Ranz?" Sabi ni Jaz sabay kagat sa sandwich niya. Siniko pa niya ako kaya bumalik ang isip ko sa realidad, "Hindi na ko nakadalaw sa kanya eh, huling dalaw ko di ko na matandaan." Dugtong pa niya. "Wala ka talagang matatandaan, kasi 'di mo naman siya dinalaw ni minsan eh." Sabi ko at saka umirap sa kanya. Sinamaan niya ko ng tingin, "Alam mo minsan ayoko ng nagiging madaldal ka, parang gusto ko nalang yung dating Zeph na walang paki sa mundo." Reklamo ni Jaz sakin saka umirap. "Gusto mo talaga?" Hamon ko. Ngumiti siya sakin, "Joke lang." Saka siya mahinang tumawa at pasimpleng kumuha sa kinakain kong breadstix, sinamaan ko siya ng tingin para matakot at ibalik niya ang kinuhang breadstix kaya lang nabigo ako, wala na kong nagawa kun'di magpaalam sa kawawang breadstix ko bago siya tuluyang kainin ng walang awang si Jaz. "So ano kamusta na nga siya?" Sabat ni Rox samin. "Uy, interested siya oh." Panunukso ni Jaz. "Baliw! Syempre niligtas niya din tayo, nakakahiya nga eh kasi mula nu'ng nasaksak siya at dinala natin siya sa ospital 'di na tayo nakadalaw ulit." Aniya at saka umiwas ng tingin samin. Sumimangot si Jaz saka nangalumbaba pa, "Pa'no kasi, tuwing susubukan natin dumalaw laging may Dark Spade ro'n, hays." Malungkot niyang saad. Oo nga pala, tuwing tatangkain nila na dalawin si Ranz laging natitiyempo na nandoon ang Dark Spade. Malas lang nila. "Eh bakit ikaw Zeph? Lagi mo siyang nadadalaw?" Nabigla ako sa tanong ni Jaz sakin. Ngumiti ako, "Hindi ako takot sa Dark Spade, Jaz. At isa pa, kahapon ko lang siya dinalaw." Paglilinaw ko. "Pwede bang samahan mo kami mamaya, Zeph?" Sambit naman ni Rox. "Ayoko. Galing na ko dun kahapon." Reklamo ko kaya naman sinamaan ako ng tingin ni Jaz. "Sasamahan mo lang kami Zeph." Aniya. Tinaas ko na lang ang dalawang kamay ko upang ipakita ang pagsuko ko saka sumagot, "Okay..." Wala akong magagawa, naagaw niya ang breadstix ko. Kapag 'di ako pumayag baka bigla niyang lunukin lahat ng laman no'n sa isang buhos lang sa bibig. Madalas niyang ginagawa 'yon sa kawawa kong breadstix kaya nadala na ako. *** Rox's POV Uwian na. Napag-usapan namin na ngayon kami dadalaw kay Ranz. Gusto ko na kasi siyang makita—para makamusta. "Tara na! Let's go! Let's go!" Sigaw ni Jaz samin nang madinig niya ang pag-ring ng bell hudyat ng uwian. Grabe 'tong babaeng 'to, di na nahiya eh nasa harap pa ang teacher at di pa nakakaalis eh sumisigaw na, ako tuloy ang nahiya dahil sa ginawa niya. "Hoy! Saglit nga lang! Wait lang bibili lang ako ng breadstix!" Reklamo ni Zeph habang hinihila siya ni Jaz palabas ng university. Tatawa-tawa lang ako habang nakasunod sa kanila. "Magtigil ka Zizi, sasamahan mo kami sa gusto at sa gusto mo." Sagot ni Jaz habang patuloy sa paghila niya kay Zeph. Wala ng nagawa si Zeph kundi magpahila nalang saka bumusangot at kung ano ano ang binubulong, di ko nalang pinansin. Pero seryoso, itong si Zeph iba ang pagka-adik sa breadstix eh. Excited na excited siya tuwing breaktime dahil makakakain na raw siya ng breadstix. Siya na nga ata ang nakaubos ng stock ng breadstix sa canteen eh. Tapos di pa 'yan nakukuntento kapag breaktime, magbabaon pa 'yan sa room saka tahimik na ngangata kapag may klase. Kapag naman boring para sa kanya ang subject kukuha 'yan ng libro niya at prenteng uupo para magbasa saka ngangata ng breadstix. Wala 'yang pake kahit may teacher sa harap na ngawa ng ngawa. Buti nga di siya pinapagalitan e. Pero sa kabilang banda natutuwa ako sa kinikilos niya ngayon, hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya basta mula ng gabing 'yon ng pagligtas niya sa amin, natuto na siyang ngumiti at tumawa. Isang buwan na ang lumipas, at sa loob ng isang buwan na 'yon ay madaming nagbago sa kanya. Ito na nga, hindi na niya kami inaaway at tinataboy, hindi na niya kami sinasabihan ni Jaz na parang hindi isang street fighter kung umasta, nawala na yung Zeph na hindi pala-imik, yung Zeph na palaging nag-iisa, yung Zeph na hindi nagtitiwala sa iba, yung Zeph na may galit sa mundo, yung Zeph na palaging seryoso. Napalitan na siya ng Zeph na naging makwento at madaldal, Zeph na may mga kaibigan, Zeph na komportableng kasama ang mga tinuturing niyang kaibigan at wala ibang inaalala, Zeph na laging nakangiting harapin ang bukas, at higit sa lahat ang Zeph na ngayon ay laging masaya. Sana lagi ng ganyan si Zeph... Pagdating namin sa ospital ay agad naming pinuntahan ang kwarto ni Ranz. "Hey." Bati ni Ranz nang makalapit ako sa kanya. Ngumiti ako dahil do'n. Masaya kong makita ka, Ranz. "Nagugutom ako. Tara sa baba Jaz, samahan mo kong bumili ng breadstix." Reklamo ni Zeph na nasa likod ko. "Ha? Eh kakarating lang natin eh, mamaya—" "Sasamahan mo ko diba Jazmine?" Napalingon ako sa kanilang dalawa dahil sa sinabi ni Zeph. Grabe, hindi pa din pala nawawala sa kanya ang nakakatakot niyang awra. Maski sa boses niya ay ramdam ko 'yun. "Ah oo nga... Sige ha Roxy at Ranz, bibili muna kami—" Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil hinila na siya ni Zeph palabas. Ni hindi na nga ako naka-agree eh, sinundan ko nalang sila ng tingin palabas hanggang sa sinara nila ang pinto. "Kamusta ka na?" Napalingon naman ako kay Ranz. Ngumiti akong muli, "Ako nga dapat magtanong niyan diba? Kasi ikaw yung dinadalaw ko, kamusta ka na dito?" Sumilay ang nakakakilig na ngiti sa labi niya, "Okay na ko, kasi nakita na kita." Sabi pa niya. Napaiwas ako ng tingin, "Buti naman." Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi. "Lalabas na ko bukas." Aniya. "Ganun ba, sorry ha di manlang kita nadalaw mula ng ma-ospital ka." Malungkot kong sambit. Kasi naman tuwing pupunta ko dito laging may bantay na Dark Spade sa pinto kaya di ako makapasok, buti nga ngayon wala eh. "Dapat nga di pa ko lalabas eh. Pinilit ko lang kasi may gusto kong laging makita at makasama." Kumunot ang noo ko, "Sino?" Kinakabahan kong tanong, may iba na kaya siyang gusto? "Isang taong napakahalaga para sakin." Sagot niya na diretsong nakatingin sakin habang nakangiti. Aray naman. Alam ko, hindi ako yun. Ang totoo, gusto ko si Ranz. Nagsimula ito nung niligtas niya ko sa mga bumugbog sakin sa likod ng senior high building. Pero ang lagay ngayon, mukhang ako lang ang umaasa na pwedeng maging kami. Kasi sa tingin ko, may iba na siyang gusto. Halata naman sa sinabi niya diba? Nakakainis lang kasi umasa lang ako sa wala. Tanga ko lang grabe. "Ligtas ka na..." Napailing ako nang maalala ko ang sinabi niyang 'yon. Nainlove ako sa kanya dahil lang sa pagligtas niya sakin? Ang galing diba? Sobrang tanga ko. Paglingon ko sa may pinto ay nakita kong pumasok sina Jaz at Zeph pero wala naman silang dalang pagkain. Malamang reason lang nila 'yun kanina. "Mauna na kong umuwi." Paalam ko nang makalapit na sila sa akin. "Sige samahan na kita." Aya naman ni Jaz. Nagpaalam na kami kay Ranz na uuwi na, si Zeph naman ay nagpaiwan pa. Ano pa bang gagawin ko diba? Wala na. Nasaktan na ko, kaya dapat lang na umiwas na ko. Ayoko ng masaktan ulit. Tama na 'yung umasa ko nu'ng una. "Anong ginagawa niyo dito?" Mataray na salubong samin ni Mace paglabas namin ng ospital. Pareho kaming di umimik ni Jaz, "Okay, nagsasalita ako sa hangin." Dugtong pa niya. "Hoy kayong dalawa." Tumingin kami sa kanya dahil sa tawag niyang 'yon, "Aware naman siguro kayo na kayo ang may kasalanan kung bakit nangyari 'yon sa kanya diba? At aware din naman siguro kayo kung sino si Ranz. Hindi ko na siguro kailangang ipaliwanag diba? Kaya kung pwede lang, ayoko ng makikita kayo dito." "Oo... Tama ka... Iiwasan na namin siya mula ngayon." Malungkot kong sagot sa kanya. Nilagpasan na kami ng Dark Spade pero huminto sandali si Mace sa tapat ko, "Mahina ka talaga. Kailangan ka pa niyang ipagtanggol ulit. 'Di ka pa ba nadadala sa nangyari sayo sa likod ng senior high building?" Napayuko ako sa sinabi niya. Lalo lang niyang pinaparamdam sa akin na hindi nga kami pwede ni Ranz. Habang naglalakad ay sinulyapan kong muli ang ospital, muling umasa na matatanaw ko si Ranz dito pero alam ko namang hindi. Hanggang doon lang naman ang magagawa ko eh, ang umasa. Tama lang 'to, ang lumayo sayo para di na ko masaktan pa. *** Ranz's POV Nagpaalam na sina Jazmine at Roxanne na uuwi na. Naiwan si Zephaniah dito, sabi niya kasi may gusto pa siyang itanong sa akin. 'Yon pala ay tungkol sa malungkot na itsura ni Roxanne na naabutan niya pagbalik nila ni Jaz dito sa kwarto ko, hindi naman ako nag-atubiling ikwento sa kanya ang nangyari nu'ng umalis sila. "Ang tanga ko." Sabi ko nalang matapos kong magkwento. "Buti alam mo." Sagot naman ni Zephaniah na nakaupo sa couch at prenteng nakaupo ro'n, seryoso ang titig niya sakin. Ngumisi ako, "Para 'din 'to sa kanya..." Mabilis siyang nakalapit sakin saka ako sinampal. Namanhid ang parteng sinampal niya at dahil sa lakas ay umalingawngaw ito sa buong kwarto. "Sinasaktan mo siya Ranz! Kahit hindi magsalita sakin si Roxanne alam ko ang nararamdaman niya para sayo. Mahal ka niya! Naiintindihan mo bang siraulo ka?! Nagpunta siya dito para sayo, para maging masaya siya tapos anong ginawa mo? Lalo mo siyang pinalungkot at sinaktan mo pa. Sinabi mo sakin noon na po-protektahan mo siya mula sa malayo, pero ano 'to Ranz? Pagprotekta pa ba 'to para sayo?" "Hindi ko na alam ang gagawin ko Zephaniah! Mahal ko din siya, alam mo 'yan. Ikaw ang nakakaalam ng lahat, alam mo kung bakit ako umiiwas sa kanya. Ito ang paraan ko para protektahan siya Zeph." Sandaling tumahimik si Zephaniah bago muling nagsalita. "Naaalala mo pa ba ang sinabi ko sayo noon?" "Poprotektahan ko siya kahit di mo sabihin. Pero tandaan mo 'to, kapag muli siyang napahamak at nasaktan... Papatayin kita." Tumango ako, sariwa pa din sa alaala ko ang sinabi niya noon. Nung mga panahon na nag-uusap kami sa kwarto ni Roxanne nu'ng nabugbog siya, "Oo. Gawin mo na..." Sabi ko. Tutal naman nasasaktan ko lang siya, hindi ko din kaya na nakikita siyang nasasaktan at malungkot pero wala akong magagawa. Ito lang ang paraang alam ko para protektahan siya. Ngumisi siya sakin, "Kapag ginawa ko 'yun, ako naman ang magiging tanga dahil si Roxanne ang masasaktan." Sabi niya at muling nagsalita, "Gusto ko lang ipaintindi sayo ang sitwasyon." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Di mo magets? Kasi nga tanga ka." Sabi pa niya. "Alam mo bang ako ang nag-utos na saktan ka din nila nu'ng mga oras na 'yon?" Sarkastiko kong sambit. Ginawa ko 'yun dahil sa galit ko, nasaktan si Roxanne dahil kaibigan siya ni Zephaniah. Kay Roxanne nila binaling ang ganti kaya gumanti lang din ako pabalik. Iyon ang iniiwasan kong mangyari kaya pinipigilan ko ang sarili kong mapalapit sa kanya. Alam ko na ang maaari kong unang makalaban ay ang Dark Spade... Ngumisi siya. Huh? "Kung gano'n naman pala, marunong kang umintindi ng mga bagay." Muling kumunot ang noo ko dahil sa sinagot niya sakin. Hindi siya galit? Nakita ko ang pag-iling ni Zephaniah, nahalata niya siguro na hindi ko siya ma-gets. "Close na pala kayo." Pareho kaming napatingin ni Zephaniah sa bagong dating, si Mace... Tangna, hindi maganda 'to. Tumayo ng maayos si Zephaniah at halatang nairita sa dumating, "Alis na ko Ranz." Paalam niya. "Aalis ka na agad? Kararating ko lang ah? Ang bastos mo naman pala, Princess." Pakiramdam ko ay biglang uminit ang paligid dahil sa dalawang 'to, "Hindi ko lang maatim na makasama ka sa isang kwarto, Co-Founder." Nagtama ang tingin nila, parehong matalim. "Aalis na ko Ranz, ayokong ikaw naman ang may dalawin sa ospital." Sarkastikong sambit ni Zephaniah saka tuluyang lumabas. Ngumisi lang si Mace at lumapit sakin. "Hoy, bakit nandito 'yon?" Irita niyang tanong sakin. Ngumiti ako, "Sinamahan niyang dumalaw sakin si—" "Roxanne? Nakita ko siya sa baba kanina." Seryoso na siya sa pagkakataong ito. "Ranz, akala ko ba ayaw mo siyang mapahamak?" Isang nakakabahala niyang saad. Bwisit, alam na niyang may gusto ako kay Roxanne. At ang totoo, nang mga oras na 'yon nakipag-kasundo ako sa kanya na kapalit ng pagligtas namin kay Roxanne noon ay ang paglapit ko kay Zephaniah para pasalihin sa Dark Spade, pero dahil sa nangyari sa akin hindi ko na natuloy ang kasunduan. Gusto nilang sumali si Zephaniah sa Dark Spade dahil malakas siya at matalino. Bukod doon, siya ang nakapatay kay Mike. Lalong makikilala ang Dark Spade kapag naging miyembro nito si Zephaniah. Lalo na't Prinsesa siya ng mga Street Fighters. Hindi ako nakasagot, ayokong mapahamak si Roxanne pero hindi ko din maitatanggi na masaya kong dinalaw niya ko. At totoo ang sinabi ko sa kanya na kaya gusto ko ng lumabas ay dahil may gusto kong makita at makasama, pero siya yun! Siya lang! "Naiintindihan kita Ranz. Pero siya, naiintindihan ka ba niya?" Napailing nalang ako. "Siraulo ka talaga eh no? Kilala mo naman ang grupong 'yon 'diba? At alam mo din na galit na galit sila kay Zephaniah. Tapos hahayaan mong umiwas siya sayo kahit alam mong nasa panganib pa din siya? Hindi ko kilala ng lubusan ang prinsesa na 'yon, pero may idea ako kung bakit siya patuloy na dumadalaw sayo." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, hindi ako makapaniwala. Sinasabi niya ba talaga ito ngayon? "Ano bang sinasabi mo Mace?" Umiling ito, "Siguro 'yan din ang sinabi mo sa prinsesang 'yon." Aniya. "Mace ano bang—" "Kaibigan mo ko, Ranz Kevin Perez. Maging kayo man ni Roxanne ay sinisigurado ko sayo, walang makakaalam..." Hindi ko napigilan ang sarili kong mapangiti sa kawalan... Tama ba ang narinig ko? Dapat na ba kong umasa? May pag-asa nga kayang maging kami ni Roxanne?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD