Chapter 9

2669 Words
Chapter 9: Bagong Miyembro Rox's POV Sa kakaiyak ko kagabi, nalate ako ng tulog kaya ang resulta late din ako ng gising. Masyado kong dinamdam ang nangyari kahapon sa pagdalaw ko kay Ranz. Tinignan ko ang oras sa wrist watch ko, 7:51am. Oh god tapos na ang first subject. Pero di ako nawalan ng pag asa, papasok pa din ako. Paakyat na ko sa hagdan kasi nasa second floor ang room ko pero may nakita akong pamilyar na mukha na nakaupo sa hagdan. Nandito na siya, nandito na si Ranz. Bumalik na siya. Dapat ba kong maging masaya? "Ranz?" Nag-aalangan kong bati sa kanya. Tinignan niya lang ako at hindi siya kumibo. Bigla naman akong nalungkot ulit dahil sa naisip kong nangyari kahapon. Late na nga ako, siya pa una kong makikita. Talaga bang nananadya ang tadhana? "Bakit di ka pa pumapasok?" Tanong ko ulit. Ayokong mahalata niyang malungkot ako. "Hindi na nagpapapasok 'yung teacher." Plain niyang sagot. Grabe, bakit parang iba siya kesa kahapon. Nahalata kaya niya kahapon na may gusto ko sa kanya? Masyado bang oa ang pagpapacute ko? Grabe talaga ang epic mo, Roxanne. Tss. Ngayon ko naalala na Math pala ang first subject namin ngayon. Yung teacher pa naman namin sa math ay kulot na maitim tapos mataray, may nagbansag pa nga sa kanya ng bruha eh, terror kasi 'yun mahigpit sa oras ayaw niya ng may late at kapag nalate ka di ka na papasukin. Nakakasindak pa siya kapag sumisigaw, kaya mapapalabas ka nalang bigla dahil sa gulat, grabe. "Ah kaya pala. Eh bakit nandito ka?" "Hinihintay kita eh." Aniya ng nakangisi, naramdaman ko ulit ang kilig kagaya kahapon at bigla namang nag-flashback sa utak ko yung panaginip ko. Ewan ko kung bakit ko naalala yun bigla, di kaya... Siya yung... Hindi. Hindi naman siguro, may iba na ngang gusto diba? Saka ngayon ko lang siya nakilala e. I mean, ngayon ko lang siya nakausap. Yung lalaking nasa panaginip ko kasi, pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala. Pero sino ba talaga kasi 'yun? Bumalik ang isip ko sa nangyayari nu'ng marealize ko na nakatingin pa pala sakin 'tong si Ranz. "Ah sorry. May naalala lang ako, ako hinihintay mo? Bakit?" Nakangiti kong tanong sa kanya. Masama bang maging masaya kahit ngayon lang dahil sa sinabi niya? "Para may kasabay akong pumasok." Ay grabe siya. 'Yun lang pala 'yun. Okay, umasa ka na naman Roxanne! "Akala ko ba di na nagpapapasok?" Inis kong tanong, paasa eh 'no? Tumingin siya sa itaas at saka bumalik ng tingin sakin. Hindi na siya umimik, tignan mo 'to. Pati ba naman ang pagsagot niya sa tanong ko wala pa ding pag-asa? Ganito na ba ko ka-hopeless? Tumayo siya at napatingala ako sa kanya since nasa pinakababa akong floor at siya ay nasa third level ng hagdan at mas matangkad siya sakin, "Saan ka pupunta?" Pigil ko, paakyat na kasi siya eh. "Room." Matipid niyang sagot. Atleast sumagot na siya ngayon. Bigla naman akong naguilty, na-offend kaya siya sa pagsusungit ko? Kaya ba hindi na niya ko kinausap? Para kasing nawala siya sa mood kausapin ako e. Tama bang sabihin na sana mawala nalang siya sa paningin ko para di na ko masaktan? Hindi ko na pinansin ang iniisip ko, umakyat na din ako kasi may next class pa kami. Pagdating ko ng room ay tahimik akong naglakad palapit kila Jaz at Zeph, "Oh anyare sa mata mo?" Kunot noong tanong ni Jaz sakin pag-upo ko. Masyado bang halata ang mugto ng mata ko? Hay. Ngumiti nalang ako sa kanya, ngumiti nalang din ako kay Zeph na nakatitig lang sakin. Nagkaharap kami ni Ranz kanina, napansin kaya niya 'to? Sus, kahit naman mapansin niya wala naman siyang pakialam 'diba? Kasi may iba na siyang gusto. 'Diba? Maya maya naman ay dumating na ang teacher at nag simula na kaming magklase para sa second subject. Habang nagsasalita ang teacher namin ng mga salitang sadyang di ko pinapakinggan dahil naglalayag ang isip ko ay bigla naman akong napatingin kay Ranz, na natutulog? Grabe lang, kakapasok palang tulog na, halos kakaumpisa palang ng klase eh. I mean, ng pinasukan naming klase. Di pa nga ata nag-iinit pwet niya sa upuan eh. Mukha siyang puyat na puyat. Lagi kaya 'yang ganyan sa klase? Ngayon ko lang naman kasi siya tinignan sa buong tanang buhay ko dito sa MCU. Syempre, ngayon ko lang siya napansin kasi may gusto na ko sa kanya ngayon. Gusto na hanggang gusto lang, dahil malabong maging kami. "Why are you staring at him?" Nagulat ako kay Zeph. Tinignan ko ng madali ang teacher namin at saktong nakatalikod siya samin at nakaharap sa blackboard habang may sinusulat na kung ano. Di ko na inintindi. "H-huh? No. I'm not staring at him. Nagtataka lang ako bakit tulog siya agad eh kakapasok lang naman niya." Nakita ko agad ang mukhang nang-aasar ni Zeph, "So... Alam mong late din siya pumasok? Why? Magkasama kayo?" Sasagutin ko pa sana siya kaso humarap na si ma'am Reyes. Napansin na ata niya na nag-uusap kami ni Zeph. Nagkunyari akong mabait na batang nakikinig sa bawat salitang sinasabi niya. Pagtalikod ulit ni ma'am ay sumulyap ako kay Zeph at kitang kita ko ang pasimple niyang pag-ngiti. Alam kong inaasar lang ako nito. Mamaya nalang ako magpapaliwang after class. *** Zeph's POV "Huy tapos na breaktime breadstix pa din hawak mo?" Reklamo ni Jaz sakin habang naglalakad kami sa hallway, pero 'wag ka reason niya lang 'yan para isahan ako pero sarreh di na ko magpapadala sayo. "Hindi ka na nasanay." Sabat naman ni Rox. Nasa gitna kasi namin siya. Hindi ko sila pinansin, busy ako sa pagprotekta ng breadstix ko. Ayoko ng may kaagaw, gusto ko ako lang. At dahil focus ako sa pagprotekta sa kanya, agad ko itong naitago sa bulsa ng uniform ko nang biglang sumulpot sa kabilang gilid ko si Tyron. "Hi Insan!" Sinamaan ko ng tingin ang lalaking laging sumisira ng araw ko, "May gagawin ka mamayang uwian?" Dugtong niya. Umakbay siya sakin, sanay na ko sa pag ganyan niya sakin. "Bakit na naman?" Mataray kong tanong. Sumulyap ako sa kanya na may kunot ang noo. Ngumiti siya habang nakatingin pa din sa daan at nakaakbay sakin, "Gusto kong masaksihan mo ang mangyayari mamaya, sa likod ng building na ito." Aniya. Nakakunot pa din ang noo ko hanggang sa bumitaw siya sa pag-kaka-akbay sakin. Hinintay ko siyang pumasok sa room nila bago ako pumasok, para akong tanga na hinihintay na muli siyang sumulyap sakin at ngumiti katulad ng madalas niyang ginagawa pero ngayon ay hindi niya ginawa kaya pumasok na ako ng tuluyan sa room na may pagtataka sa mukha saka kinuha ang breadstix sa bulsa ko at muling ngumata. *** Wala akong nadatnan na tao nang makarating ako sa likod ng building, akala ko pa naman nandito na si Tyron. Sumandal muna ako sa pader saka itinaas ang kanang paa at itinapak ito sa pader, humalukipkip din ako, pumikit at isinandal ang ulo. "Gusto mong makita ang mangyayari?" Napadilat ako sa nagsalita, kumunot ang aking noo. Si Ranz, may kasamang ilang miyembro ng Dark Spade. Bakit sila nandito? Anong sinasabi niyang gusto ko daw makita? "Sunod ka nalang." Dugtong niya pa saka naunang maglakad. Kahit di ko siya maintindihan at wala pa naman din si Tyron, sumunod nalang din ako. Nagtuloy-tuloy kami papasok sa mga talahib, at hindi ko inaasahan ang bubungad sakin. Base ba ito ng Dark Spade? Muli akong tumingin sa talahib. Naiintindihan ko na kung bakit walang tao dito lagi, at kung bakit madamo sa lugar na ito, dito pala nakatayo ang base nila. Napangisi ako, hindi ko akalain na madali lang palang puntahan ang lugar na ito. Mas madali ko silang mapagpa-planuhan ngayong alam ko na kung nasaan ang base nila. "May bisita pala tayo eh." Naging matalim ang tingin ko sa kanya. Inaasahan ko naman na makikita ko itong si co-founder dito dahil given na base nila ito, di ko lang talaga maiwasan na mainis 'pag nakikita ko siya, "Ready ka na ba?" Dugtong pa niya. Ngayon ko napansin na madami pala talagang miyembro ang Dark Spade, 'yung iba ay hindi naka-uniform, baka hindi sila estudyante dito. Alam kong kahit di ka estudyante ng MCU pero miyembro ka naman ng Dark Spade ay malaya ka pa ring makakapasok dito, dahil ang buong university na ito, ay pag mamay-ari ng mismong founder at co-founder nila. Tumingin ako sa lalaking nasa harap ko ngayon, ang founder ng Dark Spade, nakapalibot sa kanya ang lahat ng miyembro, kasali na ko doon sa nakapalibot pero hindi ako kasali bilang miyembro ng grupong ito, mukhang imposible ang bagay na iyon. Sa tuwing makikita ko siya ay laging nagtatama ang mga mata namin. Nakakapanghina ang malamig niyang titig, parang tinutunaw ka nito at paulit-ulit na hinihipnotismo na dapat ay matakot ka sa kanya. Hindi ako nagpatalo sa kanyang tingin, nilabanan ko siya ng tingin din, matalim na tingin. Kumbaga malamig ang kanya, mainit ang sakin. Gusto kong ipadama sa kanya na lalaban ako sa kanya kahit na sa pamamagitan ng titig lang, na hindi ako nasisindak sa titig niya. Hindi ako takot sa kanya, at dapat, siya ang natakot sakin. Umiwas siya ng tingin sakin, hindi pa kami nagkausap ni minsan. At parang hindi iyon mangyayari kahit kailan dahil pakiramdam ko kapag nagkrus ang aming landas, labanan ang mangyayari. Nilibot niya ang kanyang tingin sa lahat ng nandito, tingin na ipinahihiwatig kung sino siya at kung gaano kataas ang posisyon niya sa mga nandito. Kung ikukumpara ko siya kay co-founder, alam kong mas higit na malakas siya, mas delikadong kalaban, pero para saking sariling opinyon ay si co-founder ang mas masarap patayin. "Gusto kong makita ninyong lahat ang pagsali ng bago nating miyembro." Sambit ni founder, sabay ng paglabas ng lalaking hindi ko inaasahan na makikita ko ngayon sa ganitong sitwasyon. "Gusto kong masaksihan mo ang mangyayari mamaya, sa likod ng building na ito." Hindi ako makakilos sa aking kinatatayuan dahil sa nakikita ko, ayokong maniwala pero alam kong totoo ito. Tyron... Bakit... "Alam niyong lahat ang pagsubok kung paano maging miyembro ng Dark Spade..." Kinakabahan ako sa mangyayari, hindi ko alam at wala akong alam kung ano ang pagsubok na iyon ng founder ng Dark Spade. Pero sigurado akong magiging madugo ito, "Tatlong pagsubok..." Dugtong niya. Gusto kong sigawan si Tyron para magising sa katotohanan na mali ang ginagawa niyang ito. Na hindi dapat siya sumali sa grupong ito. Maling mali ito pero walang kahit anong salita ang lumabas sa labi ko, maski ang pagbuka ng aking bibig ay hindi ko magawa. Parang natikom siya ng permanente para hindi makaabala sa kung ano man ang mangyayari ngayon. Alam kong pinag-usapan namin ang paghihiganti sa Dark Spade. Pero hindi ibig sabihin ay kailangan niyang sumali rito. Pwede naman kaming maghiganti ng magkasama eh! Bakit pa niya kailangang sumali rito? Wala naman kaming pinag-usapan na gano'n. Nakita kong muli ang malamig na titig ni founder sakin. Parang may nais siyang sabihin pero hindi ko maintindihan kung ano. Pumunta sa gitna si Tyron, pumunta din sa gitna ang isa pang miyembro. Magkaharap sila ngayon. "Unang pagsubok, kung gusto mong makasali patayin ang makakalaban mo, o ikaw ang papatayin ko." Sambit ni Founder. Naunang sumugod ang lalaking miyembro papunta kay Tyron. Kamatayan ng kalaban ang kapalit para makasali ka sa grupo tapos kapag natalo ka, patay ka. Kumbaga ay isang requirement ito. Manalo ka man, panganib pa din ang kahahantungan. Wala kang pagpipilian kundi ang lumaban, lumaban para sa pansamantalang kaligtasan. Para sayo, at para sa mga taong mahalaga sayo. Kung ang pulis ay isang paa ang nasa hukay, kami namang mga street fighter ay buong katawan na ang nasa hukay na pinipilit na humanap ng kakapitan para makaahon kasama ang iniingatang mahal sa buhay. Mahirap oo, pero ito ngayon ang mundo ko. Nagpapasalamat nalang ako dahil nanalo si Tyron, pinagod niya ito sa bugbog saka ginilitan ang leeg bilang pagtatapos. "Pangalawang pagsubok, pumatay ng tatlong miyembro, para sa pwesto mo." Sabi ulit ni Founder. Kiniyom ko ang aking kamao dahil sa nadinig ko. Hindi pa nga pala ito tapos, ngayon ko napatunayan kung gaano sila kademonyo, para sa panibagong miyembro, buhay ng kagrupo ang kapalit. Parang hindi ko na gugustuhing madinig ang susunod pang pagsubok pagkatapos nito. Hindi na pinatagal ni Tyron ang laban, sabay sabay niyang sinugod ang tatlo. Nakita ko ang gulat sa mukha ni Founder dahil bahagyang lumaki ang kanyang mata na tanda ng bigla, hindi niya siguro akalain na gagawin iyon ni Tyron. Habang tinitignan ko si Tyron makipaglaban ay nakikita kong determinado talaga siyang manalo. Kumunot ang noo ko dahil doon, anong pinaglalaban mo Tyron? Bakit mo ginawa ang bagay na 'to, bakit nais mong sumali sa kanila? Paano mo 'to ginawa ng walang pasabi sa akin? Sa ilang buwan na nakalipas mula ng nakilala ko si Tyron, wala siyang ginawa kun'di ang asarin ako at bwisitin. Sa madaling salita, maayos pa din kami dahil natuto na akong tumawa at ngumiti. Kaya hindi talaga pumasok sa isip ko na gagawin ito ni Tyron. Hindi ko naman siya pwedeng akusahan na nanghihina na o duwag kaya naghahanap siya ng kakampi kaya naging dahilan ito ng pagsali niya dito dahil alam kong hindi siya mahina at duwag. Ang hirap hanapin ng dahilan mo, Tyron... Tumingin ako sa mga mukha ng miyembro, bakas sa kanilang mukha na gusto nila ang nangyayari. Sabagay, ganito naman talaga ang batas ng street fighter, kamatayan kapalit ng iyong buhay. Ilang sandali pa ay natapos na ang laban. Tulad ng inaasahan ko, si Tyron ang panalo. Parang sinadaya na panalunin siya, napakadaling tapusin ng mga nakalaban niya. O ginagamit nila ang pagkakataong ito para tanggalin na ang mahihina nilang kakampi? "Handa ka na ba sa huling pagsubok?" Nakangising tanong ni Co-founder kay Tyron. Tumingin at ngumisi din sakin si co-founder, naningkit ang mata ko dahil doon. Anong pinapahiwatig ng ngising iyon? Si co-founder ang nagsalita para sa huling pagsubok kay Tyron, "Ikatlong pagsubok, sa huling pagsubok ay dapat mong patunayan na tapat ka nga sa pag-anib mo sa Dark Spade..." Tumingin siyang muli sakin na may ngisi ang labi saka agad ding binalik ang tingin kay Tyron na hinihingal na at diretsong nakatingin lang din sa kanya, nasa mukha pa din ni co-founder ang ngising iyon. "Patayin ang pinaka importante, at pinakamamahal mo sa buhay mo..." Sandaling huminto ang paligid. Ramdam ko ang tingin ng lahat sakin. Maski si Ranz ay tumingin sakin na may halong pag-aalala sa mukha. Ito ba? Ito ba ang dahilan kung bakit mo ko pinapunta dito ha Tyron? Para patayin mo... Bigla akong nanlumo nang tumingin sakin si Tyron. Isang malamig na titig ang tinapon niya sakin. At sa titig na 'yon, nasasaktan ako... Kung sakali mang sugurin na ako ni Tyron ngayon, hindi ako lalaban. Naniniwala pa din akong may dahilan siya kung bakit niya ginagawa ito, naniniwala ako na para ito sa pinag-usapan namin noong nasa harap kami ng puntod ni ate Tiffany. Naniniwala ako sayo, Tyron... "Kung gano'n pala dapat na kitang patayin..." Maging ang kanyang boses ay malamig. Pero bakit ang pakiramdam ko ay hindi ako ang tinutukoy niya? "Celine..." Tapos niya sa kanyang sinambit at saka humarap kay co-founder. Ano 'to? "Alam mong mahal kita, alam mo din ang dahilan ng pagsali ko dito ay para sayo. Hindi ko naman alam na may ganito palang pagsubok sa huli. Ang gusto ko lang naman ay makasama ka..." Bahagyang kumunot ang noo ko dahil don, tinawag niyang Celine si co-founder? Hindi Mace, hindi Athena. Ano 'yun? Mas close ba sila ganun? Matagal na ba 'to? Bakit hindi ko alam? Lalong tumindi ang galit ko kay Co-founder dahil sa tawag sa kanya ni Tyron... Dapat ba kong matuwa kasi 'di ako ang papatayin niya ngayon? O dapat ba kong manlumo dahil hindi ako ang pinakaimportante at pinakamamahal niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD