Chapter 10

2533 Words
Chapter 10: Betrayal Zeph's POV Nagkaroon muli ng katahimikan. Lahat kami ay naghihintay ng sagot ni co-founder, maski si founder ay nakatingin sa kanyang kakambal. Naging malambot ang tingin ni Co-founder kay Tyron. May emosyon naman pala ito eh. "Tyron..." Sambit niya. Pumikit siya na sa palagay ko ay ginawa niya para pigilan ang sariling maiyak sa nadinig, sumilay sa labi niya ang ngisi. Mukhang mabilis siyang magpalit ng emosyon pero para sakin, nagpakita pa din siya ng kahinaan. At sa palagay ko, si Tyron ang kahinaan niya... Hindi ko tuloy alam kung dapat ba kong matuwa o magalit sa katotohanang may gusto si Tyron sa Co-founder na 'yon. Kainis, siya mismo ang nagsabi sakin na ang Dark Spade ang pumatay kay ate Tiffany! "Sabi mo sakin... Hindi pwedeng maging tayo dahil sa hindi ako miyembro ng Dark Spade, bawal makipag-relasyon ang isang miyembro sa hindi miyembro kaya eto... Sumali ako at pinasa ang dalawang pagsubok para sayo Celine. Sapat na bang dahilan iyon para mapatunayan na totoong mahal kita?" Nasa boses ni Tyron ang sinseridad. At alam ko, tinatamaan si co-founder doon. "Paano naman si prinsesa? Diba pinsan mo siya? Hindi ba siya mahalaga sayo? Hindi mo ba siya mahal?" Kiniyom kong muli ang kamao ko, nananadya ba talaga itong babaeng 'to? Tumingin sakin ni Tyron, ganun pa din ang titig niya, malamig, "Sinagot ko na 'yan, Celine..." Aniya. Bwisit. Humarap siyang muli kay co-founder, "Ikaw ang pinaka importante sakin at pinakamamahal ko. At kaya ko gustong sumali sa Dark Spade ay para sayo... Sayo lang..." Dugtong pa niya. Lalo akong nakaramdam ng sakit. Ano 'tong ginawa mo Tyron? Bakit? "Tyron..." Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sumali sa usapan. Humarap sakin si Tyron dahil sa pagtawag ko ng pangalan niya, maging ang ilan ay tumingin sakin kasama si Founder at Co-founder, "Sigurado ka na ba?" Sa sinabi mong siya ang pinaka importante sayo at pinakamamahal mo? Gusto kong idugtong 'yon sa tanong ko pero di ko alam kung bakit di ko nagawang sabihin... Nakita ko ang pagtango niya. Lalo akong nasasaktan, pakiramdam ko ay kapag tumagal pa ang usapan na ito ay lalo akong babaon sa sobrang sakit. Ngumisi ako, "Ano ba 'tong palabas mo? Sinadya mong sabihin na mahal mo siya para di ako ang patayin mo at para—" "Sinabi ko iyon dahil iyon ang totoo. Bakit? Wala ba kong karapatan na sumali sa grupo nila? Kung ikaw nga hindi na kita pinakialaman sa pakikipagkaibigan mo sa dalawang babaeng iyon, siguro naman hindi mo na din ako dapat pakialaman." Putol niya sa sinasabi ko. Matigas at madiin ang bawat pagbigkas niya. Naguguluhan ako, totoo nga ba? Para ito sa co-founder ng Dark Spade? Hindi para sa... Mga pinag-usapan natin nung araw na yon... "Wag mong pigilin ang galit mo. Alam ko, tayo ang may kasalanan lalo na ako kung bakit sila namatay. Pero, hindi ba dapat sa halip na magalit sa mga sarili natin ay gamitin natin ang pagkakataon na 'to para harapin ang pumatay sa kanila? Sila ang dapat makatikim ng galit natin." Tumingin ako sa kanya. Tama siya, kaya dapat kaming magpalakas lalo para labanan ang pumatay kay ate Tiffany. Tumalikod si Tyron hudyat ng pag-alis niya pero pinigil ko siya, "Anong pina-plano mo?" Kunot noo kong tanong. Muli siyang humarap sa akin, "Tulad ng sabi ko ipapatikim ko sa kanila ang galit ko. Ipaghihiganti ko sila." Nasa boses niya ang galit at diin. "Kung gano'n, sasama ko. Ipaghihiganti ko din si ate Tiffany." Sabi ko ng mayroon ding diin. Ngumiti siya at niyakap ako, "Hindi ikaw ang maghihiganti. Ako. Ako lang. Kailangan lang kita para magkaroon ako ng lakas ng loob. Ikaw nalang ang meron ako Zeph. Kaya kahit kamatayan ko ang kapalit gagawin ko ma-protektahan ka lang. Pangako 'yan." Niyakap ko din siya. Tama, kami nalang ang magkasama ngayon. Siya nalang kakampi ko. Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin, "May isa lang akong hiling sayo." Kumunot ang noo ko. "Let us be together in that university. Please Zeph." Mahinahon niyang sambit, nasa mata niya ang pag-pilit sa akin. Nagtaka man ako sa sinabi niya, tumango na lang ako. Kahit papaano, hindi ako nag-iisa. Kasi nandito si Tyron. Tama naman ako 'diba? 'Di niya ko iiwan... 'Di niya ko pababayaan. Hanggang sa huli... Magkasama kami... Bumalik sa alaala ko ang pangyayaring iyon. Ang sakit... Akala ko kaya siya sumali ay para sa pinag-usapan namin... Akala ko parte ito nu'n. Akala ko kailangan niya lang ang Dark Spade para sa paghihiganti niya... Akala ko... Akala ko lang pala... Tinignan ko si Tyron, malamig na titig... "Kung gano'n. Pinuputol mo na ba ang ugnayan natin?" Mahinahon pero may diin kong sambit kay Tyron. "Sa sandaling makipagkaibigan ka sa kanila, pinutol mo na Zephaniah..." Ngumisi ako. Talaga? Nakipagkaibigan lang ako sa dalawang iyon pinutol ko na daw? Nagpapatawa ba siya? Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. Tumawa ako, mapait, "So gano'n nalang 'yon? Puputulin mo na ang pagiging mag-pinsan natin dahil lang sa ganoong kababaw na dahilan?" Sambit ko. "Hindi mababaw iyon. Iniwan mo ko." Aniya. Naramdaman kong muli ang sakit sa dibdib ko. Hindi ko siya iniwan... Hindi ko ginawa 'yun at hindi ko magagawa 'yun! Nakipag-kaibigan lang ako, pero hindi nang-iwan... Ano pang silbi ng mga sandaling magkasama kami kung iniwan ko siya? "Mas pinipili mo sila 'diba? Masaya ka kapag kasama sila. Pinoprotektahan mo sila. Pumapatay ka para sa kanila, pinapatay mo ang sino mang manakit sa kanila, iba ka kung mag-alala para sa kanila. Pero ako... Ginawa mo ba 'yun para sa akin? Hindi..." Gustong bumagsak ng luha sa aking mata dahil sa mga nadinig kong sinabi niya. Ang sakit. Sobrang sakit. Akala ko ay masakit na ang pagkawala ni ate Tiffany, pero mas masakit pa pala ito. "Tapos na ba kayo sa mga drama niyo?" Sabat ni Founder, bumalik sa realidad ang isip ko... Akala ko hanggang sa huli, magkasama kami... Akala ko walang iwanan... Pakiramdam ko ngayon ay trinaydor ako... Bago ko nilisan ang pook na iyon ay muli akong nagsalita, "Sa ginawa mong ito Tyron, para mo na din akong pinatay... Pinatay mo ang Zephaniah na umaasa at nagmamahal sayo. Gusto ko lang sabihin, nakipag-kaibigan lang ako sa kanila pero hindi ibig sabihin ay pinutol ko na ang ugnayan natin. Hindi ko nakakalimutan kung sino ka sa buhay ko Tyron. Bukod kay ate Tiffany, ikaw. Ikaw ang pinakamamahal ko, pinaka importante sakin. Alam mo ba kung gaano kasakit na malaman mula sayo na iba ang pinaka importante sayo? Ang pinakamamahal mo? Mas masakit pa sa pagkamatay ni ate Tiffany! Traydor ka Tyron. TRAYDOR KA... Kaya kung ito talaga ang gusto mo... Sige. Mula ngayon putol na ang ugnayan natin. Hindi na kita kilala... Wala na 'yung Tyron na kasama kong nangako sa harap ng puntod ni ate Tiffany. Yung akala kong makakasama ko hanggang huli..." Habang naglalakad palayo, hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng luha ko... Oo, umiiyak akong muli... Hindi dahil kay ate Tiffany. Akala ko, siya lang ang iiyakan ko. Akala ko sa kanya lang ako iiyak. Pero ngayon ay umiiyak ako dahil sa Tyron na 'yon. Iyak ako ng iyak dahil sa sobrang sakit na dinulot ng mga sinabi niya... Pinakamasakit sa lahat ay 'yung pakiramdam mo na nanjan siya para sayo at umaasa ka na makakasama mo siya hanggang sa huli pero puputulin lang din pala niya ang ugnayan niyong dalawa, ta-traydurin ka niya, at higit sa lahat iiwan ka lang niya... Sa pagtigil ng luha ko ay kasabay ng pagbangon ng bagong Zephaniah. Muling tumubo ang galit at poot sa dibdib ko, muling nagbalik ang dating Zephaniah. Pero hindi na dahil sa pagkamatay ni ate Tiffany... Noon ay nagalit ako sa sarili ko at sa mga tao sa paligid ko maging sa buong mundo dahil wala akong nagawa para sa kanya, hindi ko siya nagawang tulungan at protektahan nang mangyari 'yon. Naging pabaya ako noon... Pero ngayon, panibagong galit ang umusbong... Galit na ang dahilan ay ang taong akala ko makakasama ko hanggang huli... Umasa ako, pero iniwan niya din ako. Pareho sila ni ate Tiffany na iniwan ako, ang kaibahan nga lang, si ate Tiffany ay nagsakripisyo para sakin kaya niya ko iniwan, pero siya? Iniwan niya ako para sa sarili niyang kagustuhan... Makasarili ka. Basta mo nalang tinapon ang lahat para lang sa babaeng iyon.. Traydor ka Tyron... Mas matinding galit ang nararamdaman ko ngayon... Tapos na ang kasiyahan ko. Tapos na ang lahat... Dinala ako ng mga paa ko sa lugar na minsang nakasama ko si Tyron... Sa street na pareho kaming lumaban. 'Yun na pala ang una at huli... May ilang nandidito, mga miyembro ng isang gang. Mga gang ng street fighters. Tss, weak. Kumakapit sa gang para magkaroon ng kakampi? Walang kwenta. "Bakit ka naligaw, princess?" Bati ng isa sakin. Isang sipa sa sikmura ng lalaking malapit sakin ang naging sagot ko. Umiling iling siya, "Wala ka naman bang magawa? O badtrip ka?" Walang magawa? Badtrip? Heh, higit jan ang dahilan kung bakit ako pumunta dito. Gusto kong ibunton ang galit ko sa lahat ng gang na nandidito. Kung kinakailangan kong mamatay para lang matanggal ang sakit na nararamdaman ko dito sa dibdib ko, hindi ako mag-aatubiling gawin 'yon. "Pagbigyan ang prinsesa." Isa isang tumayo sa kanya-kanyang upuan ang mga nakatambay dito. Wala akong pakialam kung sabay sabay silang lalaban, basta kung sino ang lalapit. Mapapatay ko. Ipinapakita ko sa bawat sipa at suntok ang galit at sakit na nararamdaman ko. Sa bawat napapatumba ko, pakiramdam ko isang tinik sa dibdib ang nabubunot. Wala akong pakialam kung madami akong mapatay o ako mismo ang mapatay. Ganito ang batas ng street fighter, buhay sa buhay. Lumaban ka, kapalit ng buhay mo. Patunayang malakas ka, kapalit ng impluwensya mo. Ang street fighter ay para lang ding boxer, wrestler, kickboxer, mma, karate, taekwando, o kahit anong lumalaban gamit ang pisikal na katawan. Kapag street fighter ka, mas makakalamang ka kung lahat ng istilo ng pakikipaglaban ay alam mo. Madaming street fighter ang marunong at bihasa pumatay gamit lang ang pisikal na lakas, pero may ilan ding bihasa lang sa paggamit ng armas. Pareho akong bihasa sa dalawang bagay na iyon. Ang mga nabanggit na uri ng fighter ay legal sa batas, pero ang mga gaya namin ay iligal. Kaya sa kalye namin ito isinasagawa. Dahil din sa kalye kami nakikipaglaban, tinawag kaming street fighter. Makalipas ang ilang oras, tumigil na ko. Dahil wala na. Wala na kong kakalabanin. Patay na silang lahat. Ang nakakainis lang, parang galit lang ang nawala kasi yung sakit. Nandito pa din. "Masaya ka na?" Ngisi ng isang lalaki sakin. May ilan din siyang kasama, gang na naman. Tss. Bakit ba lahat ng nandito eh gang? Siguro nga duwag silang lahat at mahihina ang loob kaya kailangan nila sumali sa gang, "Masaya ka na sa dami ng napatay mo?" Dugtong pa niya. Kumunot ang noo ko sa kanya, hindi ko siya kilala. Sinuri ko ang kanyang mukha, may itim siyang hikaw sa kaliwang tenga at kulay berde ang buhok. Maputi siya, at sa kulay niya hindi siya mukhang taong kalye gaya ng mga nakalaban ko kanina. At hindi ko maitatanggi, gwapo siya. "Zephaniah..." Bumalik sa realidad ang isip ko nang banggitin niya ang pangalan ko. Kilala niya ko, pero hindi ko siya kilala. Ngumisi siya sakin. Lumabas ang pantay pantay at mapuputi niyang ngipin. Huh? Bakit ba iyan ang napapansin ko sa kanya? I don't even know him! "Totoo nga pala, napakaganda mo..." Sambit niya, hindi nawawala sa noo ko ang kunot nito. Kasabay no'n ay ang pag-usbong ng tuwa sa aking dibdib dahil sa papuri niya sakin. Huh? Ano ba 'to? Mali ito! Ang dapat kong iniisip ay kung ano bang pakay niya sakin? Bakit bigla bigla nalang siyang sumusulpot sa kung saan? Sa pagkaka-alam ko, street ito ng gang nila Mike, hindi ko alam ang pangalan ng grupo nila dahil di ko naman inaalam. Ang alam ko lang ay gang ni Mike ang laging nakatambay dito dahil nga sa pagmamay-ari nila ang street na ito. Ibig sabihin ba nito, kasali siya sa gang ni Mike? Bigla din tuloy akong napaisip, sino kaya ang founder ng gang nila Mike? At ano kaya ang pangalan ng gang nila? "Masyado mo na kong tinititigan, baka naman matunaw ako niyan..." Bati niyang muli sakin, hindi ko namalayan na nakatingin pa din ako sa kanya, "Alam kong gwapo ako..." Dugtong pa niya. Nakaramdam ako bigla ng inis sa kanya, dahil may pinapaalala lang siya saking hindi ko na gustong maalala. Tyron... Pano mo ba nagawa sakin ito... Iniling ko ng bahagya ang aking ulo para mabura sa isip ko ang naiisip ko. Kasalanan ito ng lalaking ito eh! "Bwisit ka..." Sambit ko sa kanya na may diin at mahinang boses, matalim ang aking matang nakatingin ng diretso sa kanya. "I love you too! Hahahahahaha." Nang aasar ba talaga tong bwisit na 'to?! Maging ang mga kasama niya ay nagsitawanan din. Bwisit! Napansin niyang di ko pa inaalis ang tingin kong matalim sa kanya kaya sumeryoso na ang kanyang mukha. Bakit ganun? Kahit seryoso gwapo pa din siya? Ugh! Ano ba 'tong mga naiisip ko? Nakakaasar na! "Alam mo bang... Matagal na kitang hinahanap?" Aniya na seryoso ang tingin sakin pero may bahid ng ngisi, "Mula ng pinatay mo si Mike... Hinanap na kita." Dugtong niya. "Kung gusto mong ipaghiganti ang walang kwentang taong 'yun, gawin mo." Sagot ko sa kanya. Anong akala niya? Takot ako sa kanya? Wala akong kinakatakutan maski ang kamatayan handa akong harapin. At isa pa, masyado ng masakit ang dibdib ko. Palagay ko kamatayan nalang ang paraan para matanggal ang sakit na ito. "Hindi kita hinahanap para paghigantihan. Isa pa, si Mike naman mismo ang may gustong patayin mo siya..." Kumunot muli ang noo ko. Paanong gusto ni Mike na patayin ko siya? Nagpapatawa ba ang isang ito? "Hinahanap kita para sa ibang dahilan... May nagpapahanap sayo." Bakit ba napaka misteryoso ng lalaking ito? Sino ba talaga siya? At sino ang tinutukoy niya na humahanap sakin? Kung sino man ang tinutukoy niya ay alam kong papatayin din ako. Kaya maganda na 'yung lalaban ako hanggang kamatayan kesa mamatay ng hindi lumalaban. Umiling siya sakin, "Wag mo ng tangkaing lumaban pa. Mahina ka ngayon baka nakakalimutan mo? Pansin sa itsura mo na may bumabagabag sayo..." Mahina? Ako? Heh, hindi rin. Pero bumabagabag? Oo, meron. Si Tyron... Hindi ko alam bakit hindi siya mawala sa isip ko at sa tuwing maaalala ko siya nasasaktan ako... Dahil sa pag-iisip ko ay hindi ko na namalayan na may humawak na pala sa mga braso ko. Pinipilit kong makawala pero hindi ko magawa dahil madami silang nakahawak sakin. "Huwag mo ng tangkaing tumakas. Sandali lang naman ito..." Mas gwapo pa pala siya sa malapitan—Urgh! "Ano bang kailangan mo sakin?!" Bulyaw ko sa kanya. Sumilay sa kanyang labi ang ngiti... Ngiti na parang nagpahina sakin... "Ikaw mismo Zeph... Ikaw..." Pagkasambit niya no'n ay naramdaman ko ang pagtusok ng karayom saking braso. At ang sumunod ay hindi ko na alam dahil nawalan na ako ng malay...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD