DB 1

1627 Words
Bigla ang pagbangon na ginawa ni Ashreen. Kahit inaantok pa dahil umaga na rin siya nakatulog sa paghahanap sa ina. Ganito na ang ina simula ng iwan sila ng ama dahil nagtatago. Nahuli kasi itong gumagamit ng bawal na droga. Na muntikan pa nilang ikadamay. Palagian ang paglalasing ng ina at pagkatapos ay lalabas. Kung saan-saan pupunta para lang hanapin ang asawa. Buti na lang mababait ang nakakita rito at kung hindi sa barangay niya sinusundo ay sa police station. Maayos naman ito kapag hindi nakainom. Kaya hanggat maaari ay pinaiiwas niya ito na uminom ng alak. Pero, lagi lang nakakahanap ng tiyempo kaya umiinom at kapag lasing na nga hindi na alam kung saan pumupunta. Napansin ni Ashreen na mataas na ang araw sa maliit na bintana ng kanilang maliit na kuwarto. Kahit hindi niya pa nakikita ang oras, alam niyang tanghali na siya para sa aaplayan ng araw na iyon. Halos dalawang linggo na kasi mula ng mag-last day siya sa isang bar. Serbidora siya roon at sa loob ng limang buwan ay okay naman ang trabaho niya kahit pa grade 10 lang ang tinapos niya. At hindi na naman siya minor. Sa edad niyan bente, malaking bulas din siya kaya natatanggap naman siya sa mga inaaplayan. Kaso lang isang gabi, nasapak niya ang isang kano na nais siyang ilabas. Kahit anong pakiusap ni Ashreen na hindi siya katulad ng mga babaeng tine-table ng mga ito, pinilit pa rin siya ng kano. Nagalit ang kano at dahil isa lang siyang trabahador kumpara sa customer ng bar, sinesante siya kaagad. Kahit pa pinagtanggol siya ng mga kasamahan, sinesante pa rin siya. Ibinigay na rin ng gabing iyon ang kaniyang huling sahod. Sapat lang pambayad sa barong-barong na kanilang inuupahan ng ina, sa kuryente at tubig. Hinagilap ni Ashreen ang panali sa buhok at agad na tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig na kahoy ng kanilang bahay. Halos isang dipa lang iyon at mga karton ng kilalang brand ng gatas ang kanilang lalagyan ng damit. Lumabas ng maliit na kuwarto ni Ashreen habang nagtatali ng buhok. Napakunot-noo siya ng hindi makita ang ina sa labas na kadalasan kapag ganitong oras ay nagluluto na. Tanging takoreng nakasalang na wala namang apoy at bukas pa ang pinto nila. Agad na tinakbo ni Ashreen ang pinto at baka kung saan na naman pumunta ang ina. Pero, wala naman siyang nakitang bote ng alak sa mesa. Isinusuot palang ni Ashreen ang tsinelas nang tawagin siya ng ina. Napatingin si Ashreen sa kaliwa niya at kita niya ang ina na naglalakad palapit at may bitbit sa kanan ng isang supot. Hinuha ni Ashreen na pagkain iyon. “Saan ka pupunta?” tanong ng ina ni Ashreen nang makalapit. Huminga nang malalim si Ashreen bago nauna nang pumasok sa loob ng bahay. “Saan po kayo galing?” tanong din ang isinagot ni Ashreen. Inilapag ng ina ni Ashreen ang supot sa lamesa at dumiretso ng paminggalan. “Sa kanto, bumili ng ulam at kanin. Nawalan ng gas kaninang nag-iinit ako ng tubig kaya luto na lang ang binili ko. Halika, kain na tayo.” Pagkalapag ng mga pinggan ay isinalin ni Aling Carmen ang mga ulam sa mangkok habang ang mga kanin ay sa kani-kanilang plato. Sa edad na limapu’t lima, balingkinitan ang katawan nito at mababakas naman sa mukha ang ganda nito kahit hindi mag-ayos.         Napapalatak si Ashreen dahil wala na siyang perang pambili ng gas. Isang linggo na kasing siyang naghahanap ng trabaho at puro tatawagan lang ang sagot sa lahat ng inaplayan niya. At ngayon nga, sana nga suwertihin na siya. Pagkaupo ay hinagilap ng mata ni Ashreen ang orasan, alas onse y media na. Hindi na siya nakaabot na dapat ay alas nuwebe. “Hindi na ako aabot sa interview ko,” saad ni Ashreen bago sumandok ng ulam at sumubo ng pagkain. “Sabi ni Rina, may alam daw siyang puwede akong maglabada at mamalantsa. Baka...” “Hindi po, ‘nay. Dito lang po kayo sa bahay. Baka kung mapaano po kayo. Bawal po kayong mapagod.” Sinabayan pa ni Ashreen nang iling ang sinabi ng ina. Ang landlord nila si Aling Rina ang tinutukoy ng ina. Mataba ito at kaibigan ng ina noong sa malapit sa riles ng tren pa ang bahay nila. Nang makalipat ito dahil nakapag-asawa, suwerte namang nagpapaupa ito ng kahit maliit na barong-barong. Mababa lang ang bigay sa kanila dahil nga kaibigan ito ng ina. Ito rin ang napapakiusapan niya tingnan-tingnan ang ina dahil katapat lang ng bahay nila ang bahay nito.    Sasagot pa sana ang ina nang dumating ang pinag-uusapan nila. Dire-diretso si Rina sa nakabukas na pinto. “Ay, Ashreen. Si Beth, may kaibigan, nangangailangan daw ng tao. Parang sa ano... donasyon ata. A, basta pumunta ka raw rito.” Iniabot ni Aling Rina ang isang papel. kinuha iyon ni Ashreen at binasa. Address at pangalan iyon ng isang kumpanya. “Salamat po, Aling Rina. Pakisabi na rin po kay Beth. Pupuntahan ko po ito.” *** Kanina pa nangangalay si Ashreen sa pagkakangiti sa halos tatlong oras na pagkakatayo sa harap ng isang pila sa istasyon ng MRT. Paulit-ulit rin ang sinasabi niyang parang nais na lang niyang i-record at ng hindi siya tuluyang matuyuan ng laway. Subalit, kailangan niyang ulit-ulitin para may sahurin siya sa araw na iyon. Buti na lang talaga at natanggap siya rito dahil ito na lang kasi ang pinagkukuhaan nila ng ina ng mga gastusin. Nang kanilang maraming gastusin. Sa edad niyang bente, na kung tutuusin ay dapat nag-aaral pa siya, mas pinili niyang magtrabaho na muna. Tiis-tiis kung baga, lalo pa at may sakit ang ina at kailangan ng maintenance na gamot. Singkuwenta y singko palang ang ina pero marami ng idinadaing sa kalusugan. Sumasabay pa ang pagiging matigas ng ulo nito. Lalo na ang pag-iinom na pinakabawal dito. “Magandang umaga! Kaunting donasyon po para sa nangangailangan. Ang maliit ninyong halaga ay makakatulong nang malaki para sa lahat,” saad niya na sasabayan nang malawak na ngiti. Kahit pa kadalasan ay hindi siya pinapansin gaya ngayon ng lalaking naka-earphone pa. Hawak niya nang mahigpit ang donation box, habang hinihintay kung maghuhulog ang nasabing lalaki o tatalikod gaya ng karamihan na niyang kinausap mula nang tumayo siya roon. At gaya ng inaasahan, sinulyapan lang siya nito at kagyat na ring umalis. Nanatili naman ang ngiti sa labi ni Ashreen kahit pa wala namang naihulog na kahit barya man lang na kipit ng lalake sa kanang kamay. Binalingan niya ang kasunod na mag-ina; babaeng tantiya niya ay nasa bente pataas ang edad at ang batang lalaki na hawak-hawak nito. “Magandang umaga! Kaunting donasyon po para sa nangangailangan. Ang maliit ninyong halaga ay makakatulong nang malaki sa lahat.” Huminga muna nang malaim si Ashreen bago sinabing muli ang mga salita. Anim silang nakapuwesto sa harap ng kuhaan ng ticket sa istasyon ng MRT. Para silang mga echo na iisa lang naman ang mga sinasabi; paulit-ulit. Kaya kahit nahihirapan, kailangan nilang kumayod para malamnan ang kani-kanilang sikmura sa pang araw-araw. Nakadepende kasi sa sahod nila ang mga donasyong maihuhulog sa box. Kaya, kailangan nilang kumumbinsi nang marami para malaki rin ang kanilang makukuhang sahod sa sabado. “Ma, hulog ako roon sa box.” Napasulyap si Ashreen sa bata na nasa bandang kaliwa niya. Naglalaro sa apat hanggang lima ang edad ng batang lalaki. Napangiti siya nang nahihiyang sumulyap ito sa kaniya. Hindi naman ito pinansin ng ina at nang makuha ang ticket at ilang sukli ay agad na nitong hinila ang bata paalis. Hay naku, buti pa ‘yung bata. Paulit-ulit ang routine nila hanggang umabot na sila ng tanghalian. Ubos na niya ang maliit na bote ng tubig na siyang tanging libre sa kanila. Pero ang mga taong nakapila ay hindi maubos-ubos. Mabuti sana kung lahat ay nagbibigay, pero mas madalas nga ay mga walang pakialam. Walang hinuhulog. Pasimple niyang binuhat ang donation box. Gawa man iyon sa lata, hindi naman kabigatan. At nang iangat niya nga, gaya ng mga nagdaang araw, wala iyon masiyadong laman. Hindi dahil sa puro papel ang nasa loob, dahil wala talagang masiyadong laman. Matatantiya naman niya iyon dahil alam nakita naman niyang hindi ganoon karami ang naghulog. Init, pagod, uhaw at gutom. Araw-araw nilang nararanasan, pero sanayan na lang din siguro. Ikiniling-kiling ni Ashreen ang ulo dahil nangangalay na ang kaniyang leeg. Itinaas-baba niya rin ang magkabilaang paa, bago hinarap ang babaeng kulay pula ang buhok. Parang kaedad niya lang ito, maputi at balingkinitan ang katawan. “Magandang umaga! Kaunting donasyon po –“ Hindi pa tapos magsalita si Ashreeen nang ihulog ng babae ang benteng buo sa loob. “Maraming salamat po. God bless you po.” Nginitian pa niya ang nasabing babae na gumanti lang nang marahang tango bago tumalikod para umalis. Nagningning ang mga mata ni Ashreen. Kauna-unahang papel sa loob ng halos anim na oras! “Hoy, break time na rin sa wakas!” Napalingon sa likuran si Ashreen nang marinig ang boses ng kasamahang si Zara. Nakita na rin niya ang kanilang kapalitan para sa oras na iyon. Makakapagpahinga na rin sila at makakakain. Hay, salamat. *** Mabilis ang hakbang na pumasok sa maliit na barong-barong si Ashreen. Pagkagaling sa trabaho, dumidiretso na siya nang uwi para sabay na silang magtanghalian ng ina. Buti na lang at isang sakay lang iyon mula sa kaniyang trabaho. Halos mag-aala-una na rin ng hapon. Tatlong buwan na mula nang matanggap siya sa kumpanyang inirekomenda ni Beth at kahit paano ay nakabili na sila ng gas at sapat para sa pang araw-araw na gastusin. Muntik na siyang mapasubsob sa kahoy na sahig sa pagmamadaling mabuksan ang pintong giray na. Tumambad sa kaniya ang makalat na kabahayan at ang nakahandusay na ina! DONATION BOX jhavril
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD