CHAPTER THREE

1720 Words
May biglang tumikhim sa likod ko dahilan para mapalingon kami ni Rahul. "Brother!" Rahul made a slight salute. "Where have you been, Rahul? Where's Dewei? Kanina pa kayo hinahanap rito," tanong ni Sameer sa kapatid, bakas ang iritasyon sa kanya dahil kanina pa nga naman nag-umpisa ang kasiyahan ay ngayon lang ito lumitaw. "Namasyal lang ako sa bayan Kuya," sagot ni Rahul. "Si Dewei nasaan?" "Nandoon ata si Dewei sa may batis... may kasamang babae." Kamot sa ulong sagot ni Rahul na ikinabuntong hininga na lang ng kanyang Kuya. Para bang sakit lamang sa ulo ang hatid ng dalawang kapatid ni Sameer sa kanya kaya nahilot niya na lang ang kanyang sintido. "P'wede bang h'wag niyo munang bigyan ng sakit ng ulo sina Mama? Kadarating niyo lang dito mga hindi na agad kayo mahagilap. Wala pa kayong isang araw nandito kaya palipasin niyo naman muna kahit mga isang linggo bago kayo gumawa ng mga kalokohan na hindi niyo mapigil-pigilan," sermon niya sa kapatid na hindi batid ang presensya ko. "Don't treat us like a kid, Kuya. Hayaan mo lang kaming magsaya dahil wala naman kaming piniperwisyong ibang tao at isa pa, namasyal nga lang talaga ako sa bayan hindi ko kasama si Dewei," pangangatwiran nito. Napatikhim ako dahil ayaw kong makasaksi nang magkapatid na nagtatalo. "Mawalang galang na mga ginoo, maiwan ko na po muna kayo, babalik na 'ko roon sa aming lamesa," pasintabi kong paalam na sa kanila. Hindi ko na sila hinintay pang tugunan ako nang umalis na ako agad sa harapan nila at hindi pa ako nakakalapit sa lamesa namin nang hilahin ako ni Inang at madali niya akong pinaupo sa silya. "Ano, anak?? Nakita naming kausap mo ang dalawang anak nina Señor at Señora, ano ang napagusapan ninyo? Pinakitunguhan mo ba sila ng maayos?" alinsunod nitong tanong. Inalis ko ang kamay ni Inang sa aking braso at napansin niya namang naaalibadbaran ako. Sa ibang lalaki grabe nila ako iiwas, ngunit sa mga binatang iyon, kulang na lamang ialay ako ng sarili kong ina. "Ba't po kayo ganiyan, Inang? Halatang-halata kayo... ako ang napapahiya," paglalabas saloobin ko. "Hay! Ano ka ba? H'wag kang mag-inarte riyan! Selvestres na ang mga binatang iyon. Sino man sa kanila ang makatipo sa iyo ay swerte nang—" "Hindi po ninyo nakukuha ang punto ko," putol ko sa kanyang pagsasalita. "Para niyo na rin akong ibinubugaw. Matagal na binuro tapos saka ilalako." Natigilan naman si Inang sa aking sinabi kaya hindi siya agad nakapagsalita. "H'wag niyo ho akong ipaglandakan sa mga mayayamang binatang iyon, hindi naman ho ako mukang pera na naghahangad ng isang lalaking mapera. Kung gugustuhin ho ako ay hayaan niyo lang, hindi niyo ako kailangang ipagtulakan." Dahil may kusa ako, gusto ko sanang iduksong kaso h'wag na lang at mauudlot pa ang seryoso naming pag-uusap. "Pasensya ka na, anak..." tila napagtanto na nito ang pagkakamali at 'di na dinuksungan pa. "Ang tao po, hindi nadidiktahan kung sinong gugustuhin. Kusa po iyon nararamdaman 'di kailangan ipagpilitan at igiit nang igiit," muli kong paglalabas ng saloobin. Hindi na nagsalita pa si Inang at nagpaalam na lang na babalik sa kusina para tumulong doon dahil marami pang bisita. Ang pamilya Selevestres ay nasa loob at abala naman sa mga dumating pa nilang mahahalagang bisita. Mabilis na lumipas ang oras, maraming mga kalalakihan ang nais akong isayaw, may ilan na pinaunlakan ko may ilan namang hindi dahil halos lahat mga nakakainom na. "Binibini, maaari ba kitang mai-sayaw?" Naghalad ng kamay si Rahul sa akin at talagang pinagiisipan ko pa kung bang pauunlakan ko ito? Sino ba naman ako para tanggihan ang maginoong tulad niya? Kaya agad ko ring tinanggap ang paglalahad niya ng kamay, tumayo na ako na batid kong siya ay aking pinauunlakan. Nagtungo na kami sa gitna ng sayawan. Inilagay niya ang kanyang kamay sa aking baywang at humawak ako sa magkabilang balikat niya. Napansin kong mas pala-ngiti pala itong si Rahul kaysa kay Sameer. Hindi ko alam ba't ko ba sila naipagkukumpata samantalang hindi naman nalalayo ang antas ng kanilang kakisigan. Marahil dahil magkaiba sila ng personalidad. "Sa lahat ng dalagang naririto, ikaw lang ang naiiba... naggala kami sa mga nayon kanina ngunit hindi kita nakita, kung alam ko lang na anak ka pala ni Manang Felicia, sana'y sinadya na kita sa inyo," walang ligoy na sinabi nito. Tila napukaw ko ata ang interes niya. "Ako po'y pagod, Señorito. Nagpapahinga ako nang mga oras na iyon dahil nagluto kami ng mga kakanin ni Inang," saad ko. "Nauunawaan ko, at ang sarap ng kakanin. Kayo lang ba ni Manang ang nagluto no'n?" Tumango ako. "Oo, kaming dalawa lang, at nakakapagod talaga dahil mag-isa lamang akong nagkayod ng mga niyog at mag-isa ko rin piniga para maging gata." "Sa susunod, tawagin mo ako, tutulungan kitang magkayod... kakayurin natin nang sabay at tutulungan kita magpalabas ng puting katas ng gata." Hindi ko alam ngunit bigla-bigla ata nanginit ang magkabila kong pisngi. Ang dumi ata ng utak ko? Pasimple kong itinikom ang bibig ko at yumuko kasabay nang pagtikhim para iwaksi sa isip ko ang sinabi niyang nahatid ng ibang kahulugan sa isip ko. V*rgin ka pa sa lagay na iyan, Liwayway. "S-Sige... kung hindi naman makakaabala sa iyo, kayo po ang bahala Senorito," kimi kong tugon sa sinabi niya saka muling nag-angat ng tingin. "Hindi kailan man magiging abala ang gaya mo, binibini," malamyos ang pagkakasabi niya at masasabi kong matamis siya kung manalita. Lumaki ba talaga 'to sa ibang bansa?? Hindi ko naman maiwasan mapatanong dahil sa nakakapagtakang pagka-makata nito kung makipag-usap sa isang dalagang kagaya ko. Ganito kasi dito sa amin sa probinsya ng Biliran na dapat ay may galang sa mga kababaihan at hindi basta lang kung makipag-usap. Ang lupaing kinatitirikan ng aming village ay lupain ng mga Selvestres na nabili lang nila mahabang panahon na ang nakalilipas at nakakatuwa lang, dahil kailan man hindi kami pinaalis at sa halip, binigyan pa ng kabuhayan ang mga mamamayan dito. "Kung ganoon ay salamat," tugon ko. "Liwayway ba talaga ang iyong tunay na pangalan?" Bakas ang kuryosidad niya sa kanyang tinig. Tumango ako. "Dawn talaga sa ingles ang pangalan ko, tinagalong lang kaya naging liwayway." "Ba't hindi pa ginawang bukang liwayway?" "Sobrang haba na kung bukang liwayway." Bakit ba pangalan ko pinaguusapan namin? "Ang ganda ng pangalan mo, pero hulaan ko. Mayroon ka pang pangalan bukod sa Dawn. Dawn Flower, Dawn Flower ang buo mong pangalan at sa tagalog, bubuka ang bulaklak." Napaawang bigla ang bibig ko at nawiwirduhan ko siyang tiningnan na tila nagmukang allien siya bigla sa paningin ko. Anong pinagsasabi ng lalaking 'to? Paanong naging bubuka ang bulaklak? Saka hindi flower kundi Berry! "Hindi flower! Berry!" Parang biglang bumangon ang inis sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Ang layo ng sinabi niyang tinagalog sa pangalan ko, kolokoy rin pala talaga ang isang ito. May ilan ba siyang salita na 'di pa alam ang tagalog sa engles no'n? O sadyang nananadiya lang i-mali, to make some stupid jokes? He looks amused and his lips stretched into a smile. "Berry? Dawn Berry ang buong mong pangalan? Nice, maganda." Napa-iling na lang ako at hindi ko na lang pinansin ang corny niyang sinabo at hindi ko naman namalayan na kanina pa pala kami magka-sayaw kaya siguro medyo masakit na ang paa ko. "Upo na tayo, sakit na ng paa ko." Bumitaw na ko sa kanya, hindi ko alam ba't nangalay, kapiraso lang naman ang taas nitong takong na suot ko. "Sorry, I didn't mean to hurt your feet, masiyado akong nalibang," hinging paunmanhin niya. Ngumiti lang ako. "Hindi mo kasalanan, ayos lang. Nalibang din ako." Ngumiti na lang din siya bilang tugon at iginaya niya na ako sa lamesa namin ni Inang. Nang makaupo ako, napadako ang tingin ko sa paligid ko at sa mga kababaihan na hindi ko napansing ang sasama pala ng tinging iginagawad sa akin kanina pa. Anong problema ng mga 'to? Hindi ko na lamang pinansin dahil medyo nananakit nga ang paa ko. Naalala ko na kanina pa pala akong nagpapaunlak ng sayaw kaya rin siguro sumasakit. "Are you alright?" tanong ni Rahul nang okupahin niya ang bakanteng silya na kanina ay kinauupuan ni Inang. "Oo... ayos lang," sagot ko habang ang atensyon namin ay nasa mga paa ko nang inalis ko sa sandals at panaka-nakang pinisil. "Anong nangyari?" Sabay pa kaming nag-angat ng tingin ni Rahul nang marinig namin ang boses ni Sameer. "Her feet hurt," sagot ni Rahul. "Wala po ito Señori—" Natigilan ako nang biglang inuluhod ni Sameer ang isa niyang tuhod para lumebel sa akin at nang walang sabi-sabing kinuha ang isa kong paa na nananakit at ipinatong sa kanyang isang hita. "Sumobra ka sa kakasaway," saad niya at nag-umpisa siyang masasahihin ang aking paa at hinila-hila pa ang mga maliliit kong daliri. Napaawang na lang ang bibig kong hindi makapaniwalang sa ginagawa ng binata. "S-Señorito! Magtigil po kayo hindi niyo na dapat ginagaw—" "Stay still," mariing utos niya at hindi pinansin ang pag-po-protesta ko at damang-dama ko ang mga mata ng mga taong naririto na sa amin ay nakatingin at nanunuod sa amin. Nakakahiya! Narinig ko naman ang pagak na pagtawa ni Rahul at tumayo na. "Akalain mo nga naman, si Sameer Selevestres ay sa isang iglap lang naging masahista ng isang magandang dilag, I found this odd... hindi ka naman ganiyan, Kuya." "I'd better do this to make her feel relax kaysa naman sa isa riyan matapos ngang pagudin at ngalayain kaka-sayaw, hinayaan lang ito na sumakit ang paa at walang ginawa." Nawala ang nakakalokong ngisi ni Rahul. "Naunahan mo lang ako, balak ko na nga—" "Naunahan, kanina ka pa niya kasama, kung hindi pa ako lalapit tititigan mo lang." Nagpa-lipat-lipat lang ang tingin ko sa kanilang dalawa at tila anumang oras, mayroon nang mamunuong tensyon sa kanila na hindi ko mawari kaya kaagad ko nang binawi ang aking paa mula sa kandungan ni Sameer. "Ayos na, Señorito! Maraming salamat po sa pagmamagandang loob ninyong ibsan ang sakit ng aking paa." Pinatigil ko na siya dahil hindi ko na talaga matagalan pa ang bawat haplos ng mainit niyang kamay sa paa ko. Pakiramdam ko hindi niya naman ako minasahe, kiniliti niya lang ako na naghatid ng kakaibang pakiramdam sa akin na hindi lang sa paa ko kundi umakyat din pati sa buo kong katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD