"Felicia! Ka-swerte naman ng anak mo, kusa nang lumalapit ang mga palay sa manok!" malamang saad ni Aling Elena kay Inang habang nag-aani kami ng mga binilad naming daing.
"Maitanong ko lang, sino ang palay, at sino ang manok? Eh, ang anak ko ang gustong tukain? Magandang tunay itong anak ko at habulin talaga ito ng mga kalalakihan dito sa nayon," saad naman ni Inang na may pagmamalaki.
"Ang manok eh, ang anak mo, ang palay naman ang mga mayayamang binatang Selvestres na kagabi tila pinagkakaguluhan si Liwayway! Tiyak na buhay na buhay kayo kapag nag-kataon!" hirit pa ni Aling Elena.
Ramdam ko namang napikon si Inang doon dahil ayaw nito sa lahat ang naiinsulto kami.
"Hoy, Elena, para naman sabihin ko sa iyo ang mga kalalakihan ang manok at itong anak ko ang palay! Saka h'wag ka nga! Ito, pinag-aaral kong mabuti, hindi ito kakapit lang sa mayaman at doon idedepende ang pag-asenso! Igagaya mo pa sa anak mong pa-iba-iba ang kasamang lalaki araw-araw!" Hindi na nga na-kontrol ni Inang ang bibig.
"Aba't ano ang pinalalabas mo, Felicia??" Akmang susugod si Aling Elena kay Inang nang ako ang pumagitna.
"Maaari ho ba? Umagang-umaga, h'wag ho kayong gumawa ng gulo," awat ko sa kanila at bumaling ako kay Inang. "Inang, h'wag na hong patulan pa."
"Naku, Felicia! Maganda lang iyang anak mo pero h'wag kang mayabang!" Halatang mayroong hinihimutok si Aling Elena.
"Oh? Inggit ka? Mga anak mo kasi ampapangit!" bulyaw ni Inang kaya mariin akong napapikit at nagkagulo na nga sila at nag-umpisa na silang magbatuhan ng daing.
"Ang yabang mo, Felicia!" sigaw ni Aling Elena habang patuloy lang sa pangbabato ng daing mula sa bilao.
"Buhay mo intindihin mo! Ang dami mong sinasabi wala namang humihingi ng opinyon mo!" si Inang na ayaw rin patalo habang ako nang ako ang natatamaan ng mga daing sa kakaawat sa kanila.
Ang mga mga nakakakakita ay nanunuod lang at napapailing sa inaasta ng Inang ko at ni Aling Elena.
"MAGSI-TIGIL NA NGA HO KAYO!!" sigaw ko nang hindi na ako makapagpigil pa dahilan para matigilan na nga sila habang parehong may hawak pang mga daing.
"Nakakahiya ang mga pinaggagawa ninyo! Naturingan kayong mga matatanda rito sa nayon pero ganiyan kayo!" pagalit ko pa sa kanila.
Ilang saglit lang ay para na silang mga mahimasmasan at parehong ibinaba ang mga dakot ng daing.
"Iyan kasing nanay mo, masiyadong taklesa!" sigaw sa akin ni Aling Elena kaya nagpanting ang tainga ko.
"Hoy! H'wag mong sinisigawan ang anak ko!" si Inang na akmang susugudin naman itong si Aling Elena, naawat ko lang.
"Kayo rin naman kasi taklaseng palengkera, kayo ho ang nauna, ginantihan lang kayo ni Inang sa pagiging mausap ninyo," pabalang kong sinabi dahilan para taasan ako nito ng isang kilay.
Akmang magsasalita pa sana ito nang pare-pareho kaming mapalingon nang makarinig ng yapak ng mga kabayong papalapit sa amin.
Ang tatlong magkakapatid na Selvestres, sa pagkakataong ito kumpleto na sila, kasama na ang bunso nilang hawig din nila at halatang pilyo kumpara sa kanila.
"Anong nangyayari dito?" tanong ni Sameer pero ang tingin ay nasa akin at ganoon din ang dalawa niya pang kapatid.
Rahul wink at me, at iyung bunso naman nila na ngayon ko lang nakita dahil wala sa party kagabi ay ginawaran ako ng isang matamis na ngiti. Ito pala si Dewei, gwapong-gwapo rin.
"Bakit nag-kalat din ang mga daing?" tanong naman ni Rahul nang dumako ang tingin sa lupa.
"May hindi lamang po pagkakaintindihan dahilan para matapon ang mga ito nang hindi sinasadya," sagot ko at sina Inang at Aling Elena naman ay napilitan ngumiti at bumati sa mga binatang nakasakay sa kabayo.
"Magandang umaga mga Señorito," si Inang na pilit pinaganda ang tono ng boses upang h'wag ipahalata na nagkaroon ng kaguluhan dito kahit halatang-halata naman.
"Magandang umaga makikisig na mga ginoo," si Aling Elena naman na animo'y gusto pa atang magmurang kamiyas.
"Magandang umaga rin naman ho sa inyo mga Manang," panabay na bati ng mga magkakapatid na binata.
Yumuko ako at naupo para damputin ang mga nagkalat na daing sa lupa, at ramdam ko ang pag-sunod nila ng tingin sa akin at sa bawat pag-kilos ko.
Pakiramdam ko tuloy ay anunang oras kayang-kaya nila ako silaban sa init ng tinging iginagawad nila sa akin.
"H'wag mo na iyang damputin, tumayo ka riyan," narinig kong mariing utos sa akin ni Sameer ngunit ipinagpatuloy ko pa rin ang pagdampot.
"Sayang po ang mga ito kung hindi pupulutin, ilang araw din po itong ibinilad, sayang po ang pagod," katwiran ko nang hindi nag-aangat ng tingin sa kanya.
Nagtaka ako kung bakit hindi man lang ako tinutulungan nina Inang at Aling Elena sa pagdampot ng ikinalat nila kaya tumingala ako at tiningnan sila at kita ko kung gaano sila nakatitig sa mga binata na nasa akin lamang ang atensyon.
"I said stand up. I won't repeat it again," bakas na ang pagka-istriko at iritasyon sa boses ni Sameer.
Nangunot ang noo ko, bakit ba ayaw ako nitong papulitin ng mga daing sa lupa?! Maliit na bagay lang naman ito!
Rahul suddenly chuckled at bumaba ng kabayo. Nagulat ako nang tulungan ako nito sa pagdampot ng mga daing, mayamaya ay sumunod si Dewei na naki-dampot na rin.
Naguguluhan ko silang tiningnan at si Sameer ay napabuntong hininga na lang at bumaba na rin ng kabayo. Nagulat ako nang biglang marahan niya akong hilahin sa braso mula sa pagkakaupo ko kaya napatayo ako at napatitig sa gwapo niyang mukha at mapupungay na mga mata.
Kumuha siya ng panyo mula sa likod ng bulsa ng kanyang suot na pantalon. "Hindi ka dapat narurumihan," saad niya sabay kinuha ang dalawa kong kamay. He gently wipes the dirts on my palms.
"One point for Kuya Sameer!" nakangising saad bigla ni Dewei sabay sipol, bahagya pa sumulyap kay Rahul na tinaasan lang siya ng isang kilay at napasimangot.
Tumayo na silang dalawa at inilagay ang mga daing na nadampot nila at saka nila kami binalingan ni Sameer na hanggang ngayon hawak pa rin ang kamay ko.
Rahul's face became stoic. "Wala nang dumi, p'wede mo nang bitiwan ang kamay ni Liwayway," utos niya.
Napangisi lang si Sameer at imbis na bitiwan ako ay mas hinigpitan pa ang hawak sa kamay ko. Tsansing na 'to ah?
"A-Ano... ayos na, Señorito Sameer, salamat po." Binawi ko na ang kamay ko at mabuti binitiwan niya na rin.
Una, paa ko ang hinawakan niya nang walang pahintulot ko, ngayon naman kamay... ano na kayang susunod?
Kung sa iba-ibang lalaki lang ito baka nasigawan na ni Inang pero mukang pabor na pabor pa nga dahil tahimik na ito ngayon sa isang sulok at pinababayaan lamang ako.
Akala ko ba, hindi iaasa ang pag-asenso sa mayaman? Kasasabi niya lang kanina ngunit nang makita niya ngayon ang magkakapatid na Selvestres ay bigla na naman nagbago ang ihip ng hangin.
Pabalat bunga lamang ang sinabi nito kay Aling Elena kanina para depensahan ako ngunit iyon din naman talaga ang gusto niya, ang makapangasawa ako na ubod nang yaman. Ganoon ang gusto nila ni Amang para sa akin noon pa man, kaya itinatago ako sa mga kalalakihang walang yamang maibubuga. Napa-iling na lang ako sa isiping iyon.
"Drop the word 'Señorito,' just call me by my name, Sameer," saad niya habang ang mga mata niya'y wala na atang balak alisin sa akin.
Parang hinahalukay niya pati kaloob-looban ko na mas naghahatid pa ng pagka-ilang sa akin, parang kagabi lang nang unang beses kaming magkita.
"Sana pala hindi na lang ako bumaba ng kabayo, naunahan pa nga," bulong ni Rahul na tila nagdadamdam dahilan para matawa si Dewei.
Hindi ko tuloy alam kung kanino ko ba dapat ituon ang pansin ko. Para din kaming nasa shooting at kaming apat ang mga artista habang ang mga tao rito ay aming mga manunuod.
Tumikhim ako sabay baling kay Rahul at nginitian siya. "Salamat Rahul, nagagalak akong tumulong ka pag-dampot ng daing," pampalubag loob kong sinabi kaya para naman siyang biglang nabuhayan.
"Walang anuman, Liwayway. Basta para sa iyo," galak naman nitong tugon at kita ko ang pasimpleng pag-siko sa kanya ni Dewei.
Alam na alam ko ang pakay nila sa akin, kahit sino mang tao rito makakapag-sabi na tipo ako nina Sameer at Rahul, hindi aakto ng ganito ang mga binatang ito kung walang lihim na motibo.
At kung iniisip ng mga taong ito na natutuwa ako, nagkakamali sila. Madalas ay ayoko ng atensyon na labis na ibinibigay sa akin ng mga kalalakihan dito sa nayon.
Binalingan ko naman si Dewei at nginitian din siya. "Salamat rin sa iyo, Dewei." Baka isipin nito dalawang kapatid niya lang pinasalamatan ko.
"Oh, you're welcome." Halatang nagulat pa ito nang kausapin ko siya. "And it's a pleasure to meet you. Ang dalagang usap-usapan dito sa probinsya na may natatanging ganda, sa wakas, I saw you in person with my own eyes." Bakas din ang pagkamangha sa kanyang mga mata at hindi nawala ang ngiti.
Napansin kong mas pala-ngiti ito kaysa sa dalawa niyang kapatid, marahil ay likas na siguro sa kanya ang maging pala-ngiti, pero iyung mga ganitong tao, kapag nag-seryoso ay nakakailang din kausapin.
"Naku! hindi naman po!" nahihiyang pagtanggi ko sa pa-puring ibinigay niya sa akin.
Kahit ilang beses na ako inuulan ng puri dito sa nayon o kahit sa mga karatig bayan, hindi ko naman para ipinaglandakang tama sila.
"Maganda na nga, humble pa, wala na atang mabakas na kapintasan sa iyo ah?" banat pa niya kaya napahawak na lang ako sa leeg dahil sa hiya.
Tatlong gwapong magkakapatid ba naman ang ngayon ay nakikipag-usap sa akin. Sino ang hindi maiilang at mahihiya? At ubod pa ng yaman.
Narinig ko naman ang biglang pagtikhim nina Sameer at Rahul kaya muli akong napabaling sa kanilang dalawa.
"Pasensya na kung nakaabala man kami, Liwayway," hinging paunmanhin ni Rahul.
Alinsunod akong umiling. "Naku! Hindi po! Wala po kayong naabala. Kami pa nga ang nakaabala sa pamamasyal niyong tatlo at kami ang nakagawa ng eksena." Pasulyap kong tiningnan si Inang na napatikhim na lang.
"Mauna na kami, Liwayway, may kailangan pa kaming daanan," si Sameer na bigla-bigla ay nanghahawak sa baywang na ikinapitlag ko nang makaramdaman ako na para akong nakuryente.
"O-Oh, sige... i-ingat kayo..." iyon na lang ang nasabi ko na may bahagya pang pagka-utal.
Nagpaalam na rin sina Rahul at Dewei at laking pasalamat ko, hindi naman nagtagal ang kamay Sameer sa baywang ko. Hindi sa hindi ako komportable, sadyang kakaiba lang ang pakiramdam na hatid nito sa akin.
Sumakay na sila sa kani-kanilang mga kabayo, at sumibat na rin paalis hanggang sa tuluyan na sila nakaalis ng aming nayon.
Bigla naman akong inulan ng kantiyawan.
"Iba talaga ang alindog nitong si Liwayway!"
"Sadyang ka-gandang bata naman talaga!"
"Tunay ngang makalaglag saluwal!"
Napa-iling na lang ako sa mga lantaran nilang pinagsasasabi sa akin habang si Inang tila proud na proud pa.