CHAPTER TWO

1748 Words
"Magandang gabi, binibining Liwayway!" bati sa akin ng mga kalalakihang sumalubong sa amin ni Inang para tulungan kaming ibaba ang mga bila-bilaong kakanin mula sa likod ng sasakyan. Ang iba ay napapatitig na lang sa akin at pare-pareho nagsisikuhan na animo'y ngayon lang sila nakakita ng babae. Ginawaran ko lang sila ng matamis na ngiti. "Magandang gabi rin naman sa inyo," tugon ko at muli na akong bumalik sa pagtulong magbaba ng iba pang mga pagkain. "Nakita mo iyon?? Ngitinian ako ni Liwayway!" sabi ng isa na parang hihimatayin dahil lang sa ngiti ko. "Tanga! Ako ang nginitian!" "Hindi niyo ba narinig? Magandang gabi raw sa atin! Walang tinukoy kung para lang ba kanino!" "Hoy! Tigil-tigilan ninyo ang anak ko kayong mga lalaki kayo! Magsipa-roon nga kayo at tumulong sa paghahanda hindi iyung anak ko pinagkakaguluhan niyo rito!" mataray at matapang na pagtataboy ni Inang sa kanila habang nakapaywang pa. Mga nagsi-kamot na lang sila sa ulo, at mga nagsi-alisan din agad ngunit may bulungan pa kaming narinig habang papalayo sila. 'Itong si Manang Felicia, balak ata buruhin ang anak na dalaga! Napaka-sungit kahit kailan!" "Tama ka pare, hindi na ako magtataka kung maging matandang dalaga iyan si Liwayway dinaig pa niyan ni Aling Felicia ang nanay ni Sarah Geronimo!" Natawa na lang ako sa iilan lang na narinig ko mula sa mga palalayong kalalakihan at napailing nang magkatinginan kami ni Inang. "Ba't niyo naman kasi sila pinakitaan ng kagaspangan, Inang? Bumati lang naman sila," patay malisya kong sinabi kahit na alam ko kung ano talagang pakay ng mga ito. "Hindi mo ba nakita kung paano ka nila hagudin ng tingin? Hinuhubaran ka na!" saad naman nito habang patungo na kami sa likod bahay ng mansion papasok ng kusina. "Hanggang tingin lang naman iyon sila!" Batid kong h'wag na itong mabahala sa ganoong bagay. Hindi kailan man ako papatol nang basta-basta lang. "Kaya Liwayway, ikaw, pagka-ingata—" "Manang Felicia?" Natigilan naman kami ni Inang nang may boses ng lalaki na biglang nagsalita sa likuran namin. Bahagya pa akong nagulat sa lagong at lalim ng boses nito, may pagka-foreign din ang paraan ng pagbigkas at ganoon na lang ang pagkamangha ko nang pagharap namin sa lalaking nagsalita. Ubod ito ng gwapo, mukha itong may lahing american na katamtaman lang naman ang kulay ng balat. Hind maputi, hindi rin naman maitim. Ang mga mata ay sobrang kay pu-pungay, kulay matingkad na tsokolate, at ang mga pilik matang mapilantik at mahahaba at katamtamang tangos ng ilong. Walang makitang kapintasan. Ang kabuang katawan ay tama lang, well portion, matipuno ngunit hindi sobrang laki. Sa madaling salita, napa-kisig at ubod siya ng tikas. "Sameer!" bulalas ni Inang at agad na mainit na niyakap ang binata at lihim naman akong napalunok. Ito ba iyung Sameer? Grabe... mapapamura ka na lang sa ka-gwapuhan... mawawala ang pagkahinhin bagay ganito ang lalaking sasambulat sa iyo. "Kamusta po, Manang?" Ang tatas niya rin managalog kahit na laking ibang bansa. "Ayos lang hijo! Ito buhay na bubay pa! Naku! Mas lalo kang kumisig!" tuwang-tuwa naman na saad ni Inang habang sapo ang magbilang pisngi nito. "Mabuti naman po kung ganoon." Dumako bigla ang tingin sa akin ng binata at kapwa pa kami natigilan nang magtama ang aming mga mata at ako ang unang nag-iwas. "Sameer, ang anak ko nga palang nag-iisa! Si Liwayway, sa ingles you can call her Dawn!" galak na galak na pakilala sa akin ni inang sa kanya. Kimi akong ngumiti at tumikhim. Nakakailang siya kung tumingin. "M-Magandang gabi—" "Beautiful," iyon agad ang nasambit niya kaya hindi ko naituloy ang sanang sasabihin ko. "Beautiful? Oo! Beautiful talaga iyang anak ko na iyan!" Hinila ako ni Inang para mas lalo akong ilapit sa binata. Ako ang nahihiya! Iba rin itong nanay ko, ayaw sa lalaking mahirap, gusto ata ako sa mayaman ipaglandakan! Mga galawan. "Bakit ngayon lang kita nakita?" tanong niya nang hindi inaalis ang nakakapaso niyang tingin. Tumikhim ako. "Kasi... ngayon lang po tayo nagkita?" patanong kong sagot kaya dama ko ang bahagyang pagkurot sa akin ni Inang dahil sa pamimilosopo ko. "Hindi ito pinalalabas basta lang ng Amang niya... pinaghihigpitan at iniiwas lang din sa mga manliligaw," saad naman ni Inang na ako na talaga ang nahihiya kahit may katotohanan naman. Ipinagpapayagpagan ng ina ko na ubod nang ganda ang anak niya, kaya minsan hindi ko na alam ang mararamdaman. "I see, and your husband did a great job, Manang. She's better off staying at home. Kahit sino po, mahahalina," malamang sinabi ni Sameer at mariin hinagod niya ako muli ng tingin. "Siyang tunay, Señorito! Pero ako po ay tunay na nagagalak na napauwi kayo ngayon rito kasama na ang mga kapatid niyo!" Kita talaga ang tuwa kay Inang. "Kahit ako rin po. Ayaw ko na rin nang pauwi-uwi lang na isang linggo lang ang pinakamatagal na bakasyon dahil sa dami ng trabhaho. I want to stay here for good at lalo ngayong may dahilan na ako para mas magtagal pa rito," pakasabi niya ng huling kataga ay sa akin siya tumingin at muli, mariin akong pinasadahan. Napapalunok na naman ako at mas lumalala lang ata ang pagkailang na nararamdaman. "Naku, ka-swerte naman ng iyong mapapangasawa! Makisig na, masipag pa! Mas maiman nang dumito ka na nga nang ikaw eh, ma-relax naman!" Kulang na lang ata sambahin ito ni Inang. Pagak lang na natawa ang binata at muling dumako ang tingin sa akin. "Ikaw ba, binibini, may kasalukuyan ka bang nobyo?" Umiling ako. "Wala po, señorito.... bawal—" "P'wede! P'wede naman siyang mag-boyfriend, kaso pihikan ang batang iyan, mas ginagamit ang utak saka hindi iyan basta namin pinaliligawan, kaya wala pa siya nagiging nobyo!" Napaawang naman ang bibig ko sa sinabing ito ni Inang. Gulong-gulo na ako sa lahat ng pinagsasabi niya sa harap ng binatang ito. Totoo ngang pihikan ako, lalo na sila, pero ang sabihing p'wede ako mag-boyfriend? Iyon nga ang labis nilang bilin sa akin na BAWAL muna. Tapos ngayon, biglang p'wede na? His lips stretched into a playful smile. "Well then, good to know... you should reserve it." makahulugan niyang sinabi at napukaw kami ng marinig ang boses ni Señora. "Felicia! Nandiyan ka na ba? Have you seen Sameer?" Boses iyon ni Donya Mercedes na mukang papasok dito sa kusina. "Oh, there you are, son!" saad nito nang makita si Sameer na kausap kami. "Mom, I'm just here. Kung makahagilap ka para akong palaging nawawala," saad ng binata sa ina na ikinangiti lamang nito. "I just missed my eldest son! Pagbigyan mo na lang ang iyong Mama," batid ng Señora ang paglalambing sabay haplos sa pisngi ng anak. "Minsan ka na lang din umuwi, lalo na iyang mga kapatid mo na parang nakalimot na atang buhay pa kami ni Theodore at hindi man lang mga makita ang balahibo ilan taon na!" Bakas naman ang pagtatampo sa ibang anak. Bumaling naman sila sa amin at biglang umaliwalas ang mukha ni Donya Mercedes nang mapansin na kaming mag-ina. "Felicia! Naipakilala mo na ba itong dalaga mo sa panganay ko?" Marahan niya akong hinila sa braso para ilapit sa kanila. "Ay, opo! Nagkakilanlan na po sila!" tuwang sagot naman Inang at ako naman ay labis na ang nararamdamang pagkailang. Nakaka-intimidate kung tumingin ang panganay ni Señora, sana iyung dalawa pang anak niya ay h'wag naman sanang ganito rin kung makatingin. Parang naghuhubad na eh. "That's good!" Ngiting-ngiti si Donya Mercedes nang pagtapatin niya kami ng anak niyang si Sameer. "Did you find her beautiful, son? Pasado ba sa iyo?" Mas lalong hindi ko na alam ang mararamdaman ko! Ano ba ito? Hayagang retohan? Ayaw ko ng ganitong pakiramdam na tila inihahain ako! Napakagat labi na lang din ako upang pigilan ang sariling mag-react sa nangyayari. "Very, very beautiful. She's a really beautiful young lady, Mom. But I guess at this moment, she's feeling uncomfortable." May bahagi sa akin na natuwa dahil mabuti pa ito, marunong makiramdam kahit kalalaki niyang tao. I owe him for this. "Oh, I'm sorry dear! Isa kasi ako sa mga nagagandahan sa iyo rito, pasensya ka na kung hindi ka man naging komportable sa sinabi ko, hija." hinging paunmanhin ni Señora na kimi ko lang na ikinangiti. "Ayos lang po, Señora," pagpapalagpas ko. Naging mabilis ang paglipas ng oras at matiwasay na naidadaos ang kasiyahan. Ngunit inuusig ako ang kuryosidad ko dahil kanina pa kami rito hindi ko pa nakikita ang dalawa pang kapatid ni Sameer. May mga sabi-sabi pa ngang pasaway raw ang dalawang iyon. Inuuhaw ako kaya kumuha ako ng juice sa hanay ng mga inumin at muntik pa akong mapatalon sa gulat nang may magsalita sa likuran ko. "Magandang gabi para sa isang napaka-gandang binibini," mala-makata nitong sinabi kaya agad akong napaharap dahilan para magtama ang aming mga mata. Pangalawang lalaki na siya na nakakatitigan ko ng ganito at napansin kong kapareho din ng mga mata ni Sameer! May hawig sila ngunit 'di ganap na magka-mukha. Pareho ng antas ng kakisigan, iyon lang ang masasabi ko sa binatang ito na halos walang pinagkaiba ang tikas kay Sameer. Hindi ako maaring magkamali, isa ito sa anak nina Donya Mercedes at Don Theodore. "M-Magandang gabi rin naman..." At kaninang-kanina pa rin ako nauutal. "Nag-iisa ka?" tanong niya at hindi iniaalis ang paninitig sa akin na tila kinakabisado niyang mabuti ang bawat sulok ng aking mukha. "H-Hindi, kasama ko ang Inang ko... kumuha lang ako ng juice dahil inuuhaw ak—" Gulat ako nang kinuha niya ang juice ko at siya ang uminom! "May halong alak 'to, hindi ito dapat ang kinuha mo," saad niya matapos lagukin at nagulat pa ako nang hawakan niya na lang ako sa pulsuhan ko at dinala ako sa iba pang inumin. Kumuha siya ng bagong juice na palagay ko'y wala nang halong alak. "Here, there's no alcohol mix in it." Ibinigay niya sa akin ang baso. Ang bait niya naman... Ginawaran ko siya ng magaang ngiti at bahagyang itinaas ang baso. "Salamat, Señorito." "Do you know me? Hindi pa naman ako nagpapakilala ah?" tanong niya na may pagtataka. "Kamukha n'yo po kasi iyung panganay... si Sameer kaya hindi po ako p'wede magkamali na kapatid niya kayo," sagot ko dahilan para mapangiti na lang siya. "You already met my Kuya, huh? Well, by the way." Tumigil siya sandali at kinuha ang aking isang kamay. "I'm Rahul, his younger brother but not the youngest. And it's my pleasure to meet you." Hinalikan niya ang likod ng palad ko habang ang mapupungay ngunit may talim niyang mga mata'y hindi inaaalis sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD