"Liwayway!" tawag sa akin ng aking ina habang ako'y nagkakayod ng niyog dito sa aming likod bahay.
Dawn Berry ang tunay kong pangalan, tinagalog lang ang Dawn kaya naging Liwayway, kaya naman may Berry ay sa taniman ng berry inabot ng panganganak si Inang sa akin, saktong rin na pagbuka na ng liwayway noong naisilang niya na ako nang nataon na nag-ha-harvest sila ng mga berry.
Lumingon ako sa aking Inang Felicia habang patuloy lang ako sa pagkakayod ng niyog sa kayuran. "Oh, Inang? Sandali na lang po ito, matatapos na."
Kailangan kasi namin ng maraming gata ng niyog na gagamitin para sa lulutuin naming mga iba't ibang kakanin. May mga darating na bisita roon sa hacienda ng mga Selvestres kung saan doon ay katiwala itong si Inang ko at siya ang araw-araw din na taga-luto doon at mamaya may gaganaping kasiyahan kaya kami todo rin sa paghahanda dahil naatasan itong si nanay magluto ng mga kakaning makagkit at natulong ako.
Mababait ang mag-asawang Selvestres na sina Donya Mercedes at Don Theodore na may-ari ng hacienda at ng mga lupain na kinatitirikan ng aming mga kabahayan.
Maayos din silang makitungo sa mga tao rito kahit pa na ubod sila ng yaman, at balita ko rin naninirahan daw ang mga anak nila sa ibang bansa at doon na mga nagsilakihan.
Ngayon nga rin pala ang dating ng mga ito na kilala ko lamang sa mga sa pangalan at hindi sa mukha dahil ni minsan hindi ko pa naman sila nakikita.
Kaya naman talagang paghahandaan ang kanilang pagdating, mas binonggahan ang handaan at ang kasiyahan gaganapin ay 'di lang para sa kanila kundi para sa lahat na rin ng mga manggagawa nila na halos lahat ay mga nakatira at mamamayan ng kanilang mga lupain.
Naisip ko lang na sigurado, englisero ang mga anak nina Señor at Señora na siyang nakakatakot palang mga kausapin lalo na't hindi naman marurunong sa ingles ang mga tao rito.
Lumapit sa akin si inang at nagulat ako nang biglang itinaas niya ang suot kong bestida sa may parteng dibdib. "Makikitaan ka na!"
Nahinto naman ako at inayos mabuti ang damit para matakpan mabuti ang malusog na hiwa ng aking dibdib.
"Lumalaylay, inang," saad ko habang inaayos kong mabuti ang damit kong bestida na kusang nalalaglag sa may kwelyo.
"H'wag kang mag-su-su-suot ng ganiyang damit kapag papunta na tayo sa hacienda mamaya! Puro kalalakihan ang mga naroon!" pagalit na bilin nito na ikinangiti ko lang.
"Opo, Inang! Pambahay ko lang naman ang ganitong damit, disente ang susuotin ko para hindi naman nakakahiya, maraming tao ro'n."
Si inang na lang ang kasama ko, wala na si amang, inatake ito sa puso noong nakaraang taon lang kaya naman kami na lang ang naiwan magkasama.
Sa edad kong labing-siyam na taong gulang, kasalukuyan pa akong nag-aaral ng kolehiyo sa kursong bussiness management dito lang unibersidad na malapit sa amin, ilang lakad lang nandoon ka na.
Iginagapang namin ni Inang ang aking pag-aaral sa kagustuhan makapagtapos at mabago naman ang takbo ng aming buhay.
Plano kong lumuwas ng maynila pagka-graduate para doon humanap ng trabaho, isang taon na lang naman ang ilalagi ko sa kolehiyo.
Humila siya ng silya at naupo sa tapat ko, mataman akong pinagmamasdan ng aking butihing ina habang may nakapaskil na ngiti sa kanyang mukha. Palagi siyang ganito, hilig niya ang pagmasdan ako.
"Ang ganda mo talaga, anak. Simula sanggol ka pa lang araw-araw na tayo magkasama hanggang sa ngayon dalagang-dalaga ka na, sobrang mas gumanda pa. Minsan nga napapaisip ako kung sa akin ka ba talaga galing, hindi naman ako ganiyan kaganda noong araw." Tumawa siya sa huli niyang sinabi.
Ngumiti ako. "Ayaw niyo naman ako pag-boyfriend-in," saad ko sabay tawa at napapitlag ako nang bigla niya akong hampasin sa braso. "Aray, nay!"
"Ayon nga ang dahilan kung bakit ayaw ko! Ano na lang sasabihin ng tatay mo kapag ka napunta sa lalaking basta-basta lang? Ikaw, ha? Mag-isip ka rin," pagalit na naman niya.
Sanay na ako na ganito siya, kapag tuwing magsasalita na may lambing, bigla ko siyang gagalitin kaya ang ending inaaway niya ako.
"Oo na po, alam ko naman iyan, Inang," saad ko habang himas-himas ang braso ko na kanyang hinampas.
NBSB, ako. Mahigpit ang mga magulang ko sa akin lalo na noong buhay pa si Amang, 'di ako p'wede lumabas ng naka-ganito, ngayon ko lang nagawang magsuot dahil wala nang nagbabawal. Maraming sumubok manligaw pero sila na itong nangbabasted para sa 'kin kahit tipo ko iyung lalaki, wala na lang din ako magawa kundi umayon.
Aminado naman ako na masiyado pa akong bata para sa ganoon, at isa pa, katwiran nila ay nag-aaral pa ako kaya mas unahin ko raw ang pag-aaral kaysa landi, makakapaghintay naman daw iyon. Tama namang ang pagibig ay nakapaghihintay.
Itunuloy ko na lang ang pagkakayod habang si inang pabalik-balik lang dahil nakasalang na ang malaking kawali na kailangan ay alaga sa halo ang malagkit at hinihintay itong mga gatang buong lakas kong pinagpipiga lahat makuha lang ang puting katas.
Na-i-imagine ko tuloy kung ganito din ba ka-puti ang itsura at kulay ng...
"Ano? Hindi ka pa ba tapos diyan?" tanong ni Inang habang nasa harap ng kalan sa kahoy at panay halo sa malagkit.
Ito talagang nanay ko hindi makapaghintay, alam nang ang dami-dami nito! Mag-isa ko lang pinipiga!
Tumayo na ako at binuhat ang baldeng naglalaman ng gata at inilapag sa tapat niya. "Konti na lang po ang pipigian ko ro'n. Patience is the key, nay. Maluluto rin iyan," saad ko sabay talikod at alam kong alam niyang inaasar ko na naman siya kaya napangisi na lang ako at bumalik sa pagpipiga.
Natapos kami ni nanay sa bilao-bilaong kakanin at hindi mo lubos maisip paano naming naluto lahat ng ito nang kaming dalawa lang.
Pareho kaming pagod kaka-piga at kaka-halo, parang ayaw ko na tuloy pumunta sa kasiyahan mamaya. Nangalos ata ako. Ito na ang pinakamaraming kakanin na naluto namin.
Maaga pa naman, natapos kami ng ala-dos, at alas siyete pa naman ng gabi ang umpisa ng pagsasaya kaya iidlip muna ako.
Pero bago ko pa lang ipipikit ang mga mata ko nang biglang bumukas ang pinto ng silid ko at si Inang ay dali-dali akong niyuyugyog.
"Nak!" Panay pa rin siya yugyog sa akin.
Maka-yugyog naman itong si Inang, talagang lalayasan ka ng antok eh.
Bumangon ako, pagod siyang hinarap. "Bakit po, Inang? Pahinga muna tayo, mamaya pa namang gabi ang umpisa ro'n, inaantok—"
"Ang mga anak nina Donya Mercedes at Don Theodore, nandiyan na! Nangangabayo sila diyan sa may malapit sa atin!" Tila ba siyang nakakita ng artista kung makapaglahad.
"Oh? Eh, ano naman ho kung nangangabayo sa labas? Ano gagawin?" Dahil sa antok ko sa pagod ay parang wala akong interes sa kahit na sino pa riyan.
Natampal na naman ni Inang ang braso ko. "Ang batang ito, halina't ipapakilala kita! Ang mga taga-rito sa atin ipinakikilala na nila ang mga dalaga nilang anak! Mababait ang mga binatang iyon, minsan na silang umuwi rito noon kaya masasabi kong mababait sila!"
"Ipinakikilala nila mga anak nila, para ano? Para malaman kung matitipuhan? Naku po! Ang mga ganoon mayayaman ay babaerong likas 'yan sila. Balak niyo rin ako ipakilala? No, thank you!" Muli akong humiga at tinalikuran ang aking Inang na makulit.
Ayaw ako paligawan, tapos doon sa mga anak ng may-ari ng hacienda, ipapakilala ako? Hindi naman ata tama iyon.
Para ka lang maglalatag ng sariwang isda riyan sa kanila tapos pagpipilian kung sino una titikman o sinong bibilhin. Ganoon ang palagay ko.
Saka makilala ko rin naman sila mamaya sa mismong gaganaping kasiyahan na para sa kanila kaya ayos lang kahit hindi ko muna sila makita ngayon dahil may mamaya pa naman
Hindi na ako kinulit pa ni Inang at narinig kong lumabas na siya ng silid ko at hinayaan akong magpahinga dahil nag-u-uruhan ang braso ko kaya itutulog ko na muna sandali.
"Liwayway, gising na! Alas-singko na, mag-ayos ka na at may susundo raw sa atin dito para kunin na rin ang mga bila-bilaong kakanin!" paggigising sa akin ni Inang.
Pupungas-pungas akong napatingin sa kanya at bumangon na rin, sandali akong umupo muna sa kama. Napasarap ata ang tulog ko.
Kailangan nga pala naming mauna ro'n dahil tutulong pa kami sa pag-hahanda. Umunat ako at kumurap-kurap sabay hikab.
Nag-ayos na ako, isang itim na disenteng semi formal floral dress ang isinuot ko na pa-puff sleeve at pinartneran ko ng isang pares ng sandals na nabili ko lang diyan kahapon sa tiyangge.
Iniladlad ko lang ang buhok kong mahaba na likas nang may pagka-tsokolate ang kulay na umabot nang hanggang pang-upo ko na may pagka-kulot ang sa dulo.
Napunta naman ang tingin ko sa malusog kong cleavage habang nasa harapan ako ng salamin. Kahit na anong gawin ko, lumilitaw pa rin ang angat na angat kong dibdib na hindi na kailangan pa ng push bra.
Hinagod ko pababa ng dalawang kamay ko ang maliit kong baywang at nagpa-gilid-gilid para tingnan ang repleksyon ko kung ba ay kaaya-aya na ang ayos ko sa gabing ito.
Muka naman akong maganda, ayon lang masasabi ko. Maraming nagsasabing ampon daw ako ng Inang ko dahil sa kinis ng kutis ko kahit na hindi naman kasing puti ng gatas ay masasabing maputi pa rin at kapag naman naarawan ay namumula ng husto lalo na ang aking pisngi na hindi na kailangang lagyan pa ng kahit anong kolorete.
Madalas akong biruin ng mga tao dito lalo na ng mga ginang na kahit mapa-umaga raw o kaya mapa-gabi, nag-go-glow raw ako at minsan ako na lang itong nahihiya.
Malay ko ba kung binobola lang nila ako, pero muka naman silang nagsasabi ng totoo tuwing napatitig din naman ako sa harap ng salamin at may mga kasabihan pa nga sila na mahal daw ang isang probinsyanang kagaya ko...