CHAPTER TWENTY-THREE

1686 Words

"Sinabi ko naman sa iyo na dalhin mo ang cellphone mo! Nakakahiya tuloy rito kay Señorito at nanghiram ka pa!" pagalit ni Inang sa akin nang magkita na kami. "Inang kasi—" "Ayos lang po Manang, maliit na bagay," si Dewei na pinutol ang pagsasalita ko. Dumako naman ang tingin ni Inang sa mga bitbit ng binata. Napag-daop niya ang mga palad sa hiya. "Kayo pa talaga ang nagbitbit niyan! Nakakahiya Señorito, naabala ka pa ng anak ko," hiyang-hiya turan pa ni Inang at akmang kukunin niya sa kamay nito ang mga karne nang iiwas ni Dewei. "Wala hong kaso Manang, wala naman ho akong gagawin sa maghapong ito at ako na po rito masiyadong mabigat." Hindi ibinigay niya kay Inang. "Ay siya, maraming salamat sa pagsama rito sa anak ko. Sandali at tatawag lang ako ng trysikel nang makauwi na." "Hati

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD