CHAPTER TWENTY-TWO

1726 Words

Pinagtitinginan kami ng mga tao rito at lahat ng mga nakakasalubong namin. Sakto naman na muli akong napadaan kay Kuya Lucio na binilhan ko ng karneng baboy kanina. "Aba! Liwayway! Kaya naman pala ayaw mong patulong sa mga kargador, may kasama ka palang binatang Selvestres, ha! May pinipili!" Lumingon siya sa mga kasama niya sabay tawa. Tawa na may hatid insulto sa akin. "Naku, hindi ho sa ganoon—" Natigilan ako nang biglang pumuwesto si Dewei sa unahan ko. "Bakit, may problema ka ba?" tanong niya buhat ng nakakasindak niyang boses na may kalaliman at walang kangilag-ngilag na tinapunan sila ng naghahamong malamig na tingin. Napalunok naman ako nang matigilan naman si Kuya Lucio at ang mga kasama kaya agad ko namang hinawakan sa braso si Dewei. Alam ko naman nakakapikon at may laman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD