CHAPTER TWENTY-ONE

1743 Words

Sa isang linggo ay pasukan na sa eskwela kaya inihahanda ko na ang mga aralin ko. Siguradong magiging abala na ako nito. Ilang araw na rin simula nang hindi ako ginagambala ng magkapatid na iyon kaya laking tuwa ko natahimik kahit sandali ang buhay ko. Pinagugulo lang kasi nila. "Liwayway, pumunta ka ngang palengke at ikaw ang mamili." Ibinigay ni Inang sa akin ang mahabang listahan habang nagdidilig ako ng mga halaman dito sa labas. Nangunot ang noo ko. "Ba't naman ho ang dami? Pati ba kapit bahay pakakainin niyo?" "Stock iyan para sa darating na fiesta, ano ka ba naman!" Nakalimutan kong mag-fiesta na nga pala! "Pero Inang naman, ang dami nito, ako lang magbibitbit mag-isa?" reklamo kong tanong. Tig-limang kilong karne ng baboy at baka, mga pagkaraming rekado pa. Sa tingin niya gan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD