"Nak! Tulungan mo nga ak—" Natigilan si Inang nang makita kami ni Rahul na nasa ganitong pwesto. At ito namang lalaking ito parang hindi man lang natinag at nabahala! "Rahul! Nandito ka pala hijo!" Hindi naman malaman ni Inang kung matutuwa ba siya o magugulat sa naabutan. Unti-unti namang dumistansya sa akin si Rahul. Ngumiting siyang binalingan si Inang at tumayo sabay pormal na bumati. "Magandang umaga, Manang." Dumako ang tingin niya sa mga pinamili ni Inang. "Ako na po riyan, mukang bigat na bigat na kayo." Kinuha niya ang mga bitbit nitong mga bayong. "Naku, salamat po, Señorito! Hindi ba nakakahiya?" kiming sinabi ni Inang na pagak lamang na ikinatawa ng binata. "Maliit na bagay, Manang." Dinala na ni Rahul sa kusina ang mga pinamili nito. Nagaalangan namang bumaling si Inang