"Ihahatid na kita sa inyo, kaysa maglakad ka ng ilang oras kay layo-layo," prisinta niya na agad ko namang tinanggihan.
"H'wag na po, malaking abala pa sa inyo. May mga paa naman ako kaya makakauwi ako nang mag-isa at isa pa sanay na ho ako mag-lakad, exercise na rin," pagtanggi ko dahil nakakahiya. Aabalahin ko pa siya.
Mariin niya lang akong pinakatitigan at nilapitan ako dahilan para bigla akong mapa-atras.
Masiyado siyang malapit kaya nahigit ko ang paghinga ko, labis akong naiilang sa lalim ng titig niya kaya wala sa loob kong napalunok.
Itinapat niya ang bibig niya sa tainga ko. "Hindi ako tumatanggap ng pagtanggi o pag-hindi, Liwayway."
Bakit kailangan niya pang ibulong? Sa... sa sensual na tono pa talaga... nagtaasan tuloy ang mga maliliit kong balahibo sa katawan.
"K-Kung ganoon... sasamahan mo ako maglakad?" naiilang kong tanong nang tumingala ako sa kanya dahil masiyado siyang matangkad.
"Bakit maglalakad, eh, may kabayo?"
Napakurap-kurap ako. "S-Sasakay po ako sa... kabayo... niyo?" pagaalangan ko dahil anong pwesto kaya ng pag-upo ang gagawin ko?
"Hindi, sa kabayo mo. Sino pa bang may kabayo rito, Liwayway?" patuya niyang patanong na sagot.
Pakiramdam ko tuloy ang tanga-tanga kong tinanong ko pa iyon. Malamang nga naman Liwayway, kanino pa bang kabayo ka sasakay, eh, kayo lang tao rito?
Minsan talaga hindi rin ako nag-iisip. Paano ba naman... parang ayaw gumana ng utak ko ng maayos dahil nakakabahala ang ka-gwapuhan nito. Nakakailang siya kausapin, at higit kung tumingin.
Nakakatunaw.
Napahawak na lang ako sa leeg ko dahil sa hiya. "Oo nga po, sabi ko nga sa kabayo niyo nga ako sasakay." Tumikhim ako at umayos ng tayo upang iwaksi ang pagka-ilang na nararamdaman.
Hindi na siya nagsalita pa lumabas na lang ng kubo. Nag-tungo siya sa may mallit na kabalyerisa kung nasa'n ang kabayo niya.
Probinsyana ako ngunit hindi ako marunong sumakay ng kabayo kahit halos ang mga tao rito ay sa rancho ng hacienda nagtatrabaho.
Gusto ko subukan noon kung paano mangabayo at anong pakiramdam na makasakay ngunit ayaw nina Amang at Inang noon dahil ang mga nais mag-turo sa akin ay mga kalalakihan.
Bibihira naman talaga rito ang babaeng marunong mangabayo, nabanggit kong adventurous akong tao kaya lahat gusto kong masubukan at maranasan. Iyung tipong kakaiba at bibirang ginagawa.
Sinundan ko si Sameer kung nasaan ang kabayo, hinihimas niya ito at pinapakain ng dayami, sinubukan kong maki-himas din ngunit hinawakan niya ang kamay ko dahilan para matigilan ako.
Umiling siya. "Hindi siya sanay ng hinahawakan ng iba, baka bigla ka niyang sipain kapag hinawakan mo," pigil niya sa 'kin sa pagtatangka kong hawakan ito.
"Ang arte naman ng kabayo mo." Napapitlag ako nang lumikha ng ingay ang kabayo kaya wala sa loob kong napa-atras.
"I told you." Sameer smirked. "Nakakaintindi iyang si Fiona, kaya h'wag ka magsasalita ng ikaka-insulto niya."
Tumango-tango na lang ako at hindi na sinubukan pang lapitan ang kabayo baka masipa nga ako nito ng tuluyan.
"Fiona pala ang pangalan niya, maganda. Bagay na bagay sa kanya kasi ang ganda niya," may himig ng pambobola kong sinabi at nagbabaka-sakaling magustuhan din ako ng kabayo.
"Did you hear that, Fionna? Maganda ka raw," he praised his horse at muli namang lumikha ng ingay ang kabayo, siguro batid nitong sang-ayon siyang maganda siya.
"Baka pag-selosan niya ako. Mamaya niyan ilaglag niya ako habang nakasakay na ako sa kanya," hintakot ko.
"Hindi ka niyan ilalaglag. Kapag ginawa niya iyon, gagawin ko naman siyang tapa," saad niya na ikinahalinghing ng kabayo dahilan para matawa kaming pareho.
"Mukang masarap nga ang tapa," wala sa loob kong sinabi, bigla kasi akong natakam nang makarinig ng pagkain.
Nilingon niya ako. "Gutom ka?"
Umiling ako kahit oo. "Hindi, nabanggit mo kasing tapa, paborito ko iyon lalo na kapag may itlog at sinangag."
Tumagal ang tingin niya sa akin at bigla ay kinuha niya ang kamay ko at hinila niya 'ko papasok muli ng kubo. Dinala niya ako sa kusina at ini-upo sa dinning table.
"Hindi po ako gutom, ginoo!" pigil ko sa kanya nang mag-tungo siya sa refrigerator at may inilabas na mga pagkain na iinitin lang.
"Maupo ka lang diyan," pagpapatahimik niya sa akin kaya wala na 'kong choice kundi ang panuorin siyang gumalaw sa kusina.
Mabilis lang ang naging pag-kilos niya at ang atensyon niya ay nasa ginagawa kaya malaya ko siyang napagmamasdan.
His body is so portionful, his biceps are full but not too busky. Napukaw rin ng pansin ko ang pag-upo niya... ang tambok. Bihira lang sa lalaki ang ganito. Ang sexy.
His skin is tanned, hindi maitim, hindi maputi katamtaman lang. Ngunit muka talaga silang may mga lahi, silang tatlo na magkakapatid. They are all handsome. Walang tapon, walang latak.
Halos pareho lang sina Sameer at Rahul, magkasing-antas ng kakisigan ngunit sa personalidad tunay silang nagkakaiba. Si Dewei naman ay may pagka-soft features medyo suplado type ang mukha but looks very playful lalong-lalo na kapag ngumiti. Ibang-iba sa dalawa niyang Kuya.
Basta! Pareho-parehong mga gwapo! Kung makikita mo, malalaglag ang mga malalaglag sa iyo! Gano'n!
Masiyado na palang tumagal ang paninitig ko sa kanya, hindi ko man lang namalayang tapos na siya mag-luto. Ni hindi ko nga alam kung anong niluto niya nang ihain niya na lang sa lamesang nasa harap ko.
Napaawang ang bibig ko nang may isang plato na ng beef tapa at sunny side up egg na nakapatong sa garlic fried rice sa harap ko ngayon! Bigla tuloy akong nag-laway.
"Sabi naman sa iyong hindi ako gutom..." Hindi ka ba talaga gutom Liwayway? Naglalaway ka na nga!
"Eat," utos niya at naupo siya sa silyang katapat ko. Napansin kong wala siyang pagkain inihain para sa kanya.
"Nasaan ang iyo?" takang tanong ko.
"Kakakain ko lang kanina busog pa ako. Kaya kumain ka na at panunuorin lang kita," sagot niya sabay humalukipkip.
Sinalakay na naman ako ng pagka-ilang ko. Panunuorin niya akong kumain? Parang hindi ko magagawang mabusog kung panunuorin niya ang bawat pag-subo ko.
"Ano... p'wede ba na h'wag mo na akong panuorin kumain? Nakakailang kung bawat pag-subo ko ay nakatingin ka," batid kong hindi talaga ako komportable.
"There's nothing wrong with watching you while you're eating. Don't mind my presence. Just eat or I'll eat you." Nanlaki naman ang mga mata ko sa huling katagang sinabi niya kasabay rin nang pag-awang ng bibig ko.
"A-Anong sinabi mo, ginoo?" tila nabingi ako.
"I said eat, or I'll eat it for you." Parang hindi naman iyon ang sinabi niya kanina, ah?!
Napatitig na lang ako sa kanya kasabay nang pagkurap-kurap. Ang lalaking ito...
"Parang hindi iyan ang narinig ko," giit kong iba talaga ang sinabi niya kanina hindi ako p'wedeng magkamali.
"Kumain ka na lang." Itunulak niya sa papunta sa akin ang plato batid niyang h'wag na iyon pagusapan pa.
Bumuntong hininga na lamang ako at hindi na siya inintindi. Kumain na lamang ako kagaya ng gusto niya.
Parang may kulang. "Walang ketsup?" tanong ko dahilan para mapatitig siya sa akin at unti-unting sumilay ang ngiti sa labi na tila naaliw sa pagkakatanong ko.
Mayamaya napagtanto kong bakit ako tila pa-feel at home dito! Naghanap pa talaga ako ng ketsup, kakahiya!
"Meron." Tumayo siya at akmang ikukuha niya ako nang wala sa loob ko nahawakan ang kamay niya upang pigilan siya.
Halatang natigilan siya sa pagkabigla at kaagad ko rin naman siyang binitawan nang maramdaman ko na naman ang kuryenteng iyon na parati ko nararamdaman sa tuwing magdidikit ang aming mga balat.
"A-Ano, h'wag na! Pasensya na... nakakahiya, nakikikain na nga lang ako demanding pa 'ko sa ketsup, sorry. Nawala sa loob ko, wala nga pala ako sa bahay namin," paliwanag ko kahit alam kong hindi naman kailangan.
Nagulat pa ako nang bigla siyang tumawa, tawang pagak lang naman at hindi tipong pahalakhak.
"You're cute, Liwayway. Just sit there and let me get you tomato ketchup. It's okay, walang problema. Mas gusto ko iyang mga babaeng bukas sa iniisip." He winked at me and he went to the kitchen.
Pag-balik niya may dala nang ketsup na nasa maliit na lagayan. "Here you go."
Napangiti naman ako at agad sinawsaw ang tapa at mariin napapikit. Mababaw lang ang kaligayahan ko.
"Hmmm! Tandem talaga!" sambit ko at nagpatuloy na sa pagkain kahit na may nanunood sa akin.
Nakangiti naman siyang pinagmamasdan lang ako hanggang sa matapos ako hindi niya pa rin iniaalis ang tingin niya sa akin.
Dumako ang tingin niya sa bandang gilid ng labi ko. "You have ketchup on your side lips."
Tumayo siya at bahagyang yumuko para lapitan at pantayan ang mukha ko. Siya ang nag-alis gamit ang hinlalaki niya at dinala sa bibig niya and he licked his thumb in a sweet motion at nagawa niya pang sipsipin habang ang lapit ng mukha niya sa akin at ang mga mata niyang mapupungay ay kay lagkit kung tumungin!
Napaawang na lang ang bibig ko sa pagka-gulantang sa ginawa niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin kaya napatitig na lamang ako sa magaganda niyang mga mata.
"Sweet," he said in a sensual whisper at hindi pa siya nakuntento nang may pahabol pa siyang pag-sipsip muli sa daliri niya!
"B-Bakit mo iyon... ginawa?" tanong ko dahil bago sa paningin ko ang ginawa niyang ito.
"Gusto ko lang," pagkasabi niya no'n ay mayos na siya ng tayo at kinuha niya na ang pinag-kainan ko at dinala sa sink na parang walang nangyari.
Kumuha siya ng tubig sa ref at nag-salin sa matangkad na baso at ibinigay sa akin na agad ko naman kinuha at ininom.
"M-Maraming s-salamat..." nahihiya at nauutal kong sinabi. Okay na sana kung hindi niya lang iyon ginawa.
Ang lalaking ito... hindi ko mawari.