CHAPTER FIVE

1667 Words
Naisipan kong maligo sa malamig na batis sa may dulo ng nayon kung saan walang mga masiyadong dumaraan na tao, bihirang puntahan dahil malayo at dulo na. Bitbit ko ang aking maliit na bag na naglalaman ng mga pamalit, gustong-gusto ko talaga sa lugar na ito, tahimik at walang istorbo. Parang paraiso dahil sa linaw ng tubig na kitang-kita ang ilalim. P'wede nga itong tourist spot, pero hiling ko lang sana h'wag ma-diskubre, mawawalan na 'ko ng paboritong lugar na madalas ako lang ang pumupunta. Mayroon namang iilang mga naliligo rito kaso madalang, masiyadong malayo at kailangan matiyagang maglakad. Buti na lang adventurous akong tao, gustong-gusto ko ng mga nature trip kaya na-e-enjoy ko ang mga lugar at tanawin dito sa aming probinsya, kahit pagod, sulit. Saka safe rito kahit madalang ang tao, may kubong nakatayo sa malapit, na Selevestres din ang may-ari, kumpleto roon, may kusina, banyo, at komportableng tulugan, p'wede ngang mag-over night, minsan na akong nakatulog doon nang gabihin ako nang malibang sa pag-ligo. Alam din naman ni Inang na dito ang tungo ko at pumapayag naman siya dahil sakop ito ng lupain ng mga Selevestres kaya walang magtatangkang gumawa ng kalokohan. Nakasanayan ko nang maligo na tanging t-shirt dress lang ang suot, walang bra at panty para tagusan ang lamig! Gusto ko talaga tagos kung tagos, nakaka-refresh. Saka wala namang nakakakita kaya ayos lang. Ngiting-ngiti akong sumulong sa malamig at ubod ng linaw na tubig, napakislig pa ako sa lamig! Napahagikgik ako sa sariling tuwa. I swim smoothly at nag-back swim, hindi ko alintana kung lutang man ang namimilog kong dibdib at tirik kong tuktok. I'm not bothered, ako lang naman ang narito. Pabalik-balik lang ako sa may balsa at sa magkabilang dulo ng batuhan, ang saya kahit mag-isa lang! Iba ang nahahatid na tuwa sa akin ng kalikasan. Nagpatuloy lang ako sa kakalangoy na halos isang oras din hanggang sa nakaramdaman na ako ng pagod. Marahan akong umahon sabay hinagod ko ang basa at mahaba kong buhok pababa sa pinaka-tip. Bakas na bakas ang kurba ng balingkinitan kong katawan, ang basang tela ay humapit at nanikit sa aking balat kaya nagmistulang transparent tuloy ang katawan ko. Hindi ko alintana gayong wala naman ibang tao. Ngunit ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang mapadako ang tingin ko sa may balkonahe ng kubo kung nasaan ngayon prenteng nakatayo si Sameer habang ang dalawa niyang siko ay nakasandig sa kahoy na barandilya. He's watching me from a close distance kaya kitang niya ang lahat sa akin ngayon! Hindi ko malaman ang gagawin at taranta kong hinagilap ang bag ko at agad kinuha ang puting towel at ibinalot sa halos wala ko nang saplot na katawan! Nakakahiya!! Nakita niya! Bakit hindi ko naramdaman na may tao? Gusto kong maiyak sa kahihiyan! Kitang-kita ko pa ang naging pag-ngisi niya sabay inom ng kape mula sa tasang hawak. Mukang dito siya nagpalipas ng gabi... "Magandang umaga," bati niya sa akin buhat ng mamaos ngunit malagong na boses at ang mga matang mapupungay. Hindi ako makapagsalita... Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya napatitig na lamang ako sa kanya at sunud-sunod ang naging pag-lunok. Humigpit ang hawak ko sa tuwalya. "I-Isipin mo... wala kang nakita..." iyon agad ang una kong nasambit. He just chuckled. "Gusto mong isipin kong wala, kahit meron?" He raised his one eye brow in a playful way. "Ginoo, hindi ko gustong mag-lantad ng katawan," direstuhan kong sinabi dahil pakiramdam ko naiinsulto ako. "Then... why you swam without wearing any? Just a peace of thin cloth?" he teased but it's kinda insulting. Lumunok ako. "Palagi akong naliligo rito sa batis, at bibihira ang mga taong napunta rito kaya malakas ang loob ko," paliwanag ko. "Paano kung ibang lalaki ang nakakita sa iyo? Edi pinagnasahan ka na?" sarkastikong tanong niya ngunit bakas ang kanyang pagkabagabag. Akala mo hindi siya lalaki kung magsalita, kahit hindi niya sabihin basang-basa ko sa mga mata niya ang pagnanasa at kanyang pagka-mangha ng makita ang katawan ko! "Ginoo, kalimutan mo nang nakita mo ang kahubdan ko! Hindi ko intensyon pakitaan ka!" depensa ko sa sarili at napatuwid ako nang umayos siya ng tayo. Unti-unti siyang naglakad palabas ng balkonahe ng kubo papalapit sa akin na hawak pa rin ang tasa ng kape niya dahilan para mapa-atras ako at kabadong napalunok. "Delikado ang ginagawa mong pag-ligo rito nang mag-isa ka lang. Hindi mo ba naisip na posibleng may mapadaan at may makakita sa iyo? P'wede ka nilang pansamantalahan," saad niya na bakas ang pagpapagalit sa akin. Napakurap-kurap na lang ako habang wala sa loob kong napatitig sa magaganda niyang mga mata. May punto naman siya pero... napabuntong hininga ako. Oo na, mali na ang pag-ligo ng walang bra at panty tapos manipis pa ang damit. "Hindi ko iyon naisip dahil... lupain niyo naman ito... iniisip kong ligtas—" "It's not safe here, Liwayway. Lupain nga namin pero hindi namin kontrolado ang mga posibleng hindi magandang mangyari, you are a woman, tapos nagpupupunta ka sa ganito kaliblib na lugar?" putol niya sa pagsasalita ko. "Paunmanhin, hindi na mauulit," saad ko at napayuko na lang ako dahil alam kong ako ang mali. Nagpapasalamat din ako na hindi siya mahalay mag-isip at magsalita sa akin, sa halip inisip niya ang kapakanan ko... ang akala ko babastusin niya ako, mali ang inakala ko. Napasinghap naman akong bigla nang hawakan niya ako sa maliit kong baywang dahilan para bahagya akong mapatalon sa gulat. "Easy, wala akong gagawin," saad niya pero nanghahawak na naman! Pag-ilan beses na itong hinahawakan niya ako ng walang pahintulot ko! "Alisin po ninyo ang kamay niyo sa akin," may pakiusap kong sinabi dahil sobrang lapit din ng mukha niya sa mukha ko. Parang manghahalik na! "You've never been touch?" he asked without shame dahilan para sunud-sunod na naman akong napalunok at mapakurap. Umiling ako. "Wala pa akong lalaking hinahayaan mahawakan ako... ikaw pa lang nang walang pasintabi mo ako hinahawakan bigla," sagot ko at unti-unti kumurba ang labi niya at makahulugan akong ginawaran ng ngiti. "Nagagalak akong marinig," pagkasabi niya ay binitiwan niya na ako at lumikha ng maliit na distansya mula sa akin kaya kahit paano nakahiga naman ako ng maluwag. Saka ano raw? Nagagalak siyang marinig? Mga lalaki nga naman... Dali-dali ko nang kinuha ang bag ko. "Alis na po ako," tarantang paalam ko na sa kanya at akmang tatalikuran ko na siya ng hawakan niyang bigla ang pulsuhan ko. "Saan ka pupunta?" seryosong tanong niya. "U-Uuwi na..." halos pabulong kong sagot. "Nang ganiyan?" Pinasadahan niya ako ng tingin. "Malayo pa ang lalakarin mo lalakad ka ng ganiyan ka-basa? You're not thinking." Bigla ay hinila niya ako papasok ng kubo. Wala na akong nagawa kundi magpatangay sa kanya dahil ang lakas ng braso niya, wala siyang kahirap-hirap na hinila ako papasok. Itinigil niya ako sa tapat ng banyo. "Go, and get a quick shower. Baka magkasakit ka pa kanina ka pa nalalamigan," utos niya sa akin at iniwan na niya ako. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta, baka sa kusina o sa silid. Pumasok na ako sa loob ng banyo at naligo na. Hindi ko namang maiwasan hindi mapa-ngiti habang patuloy sa pag-daloy ang malamig na tubig sa hubad kong katawan. Ang maginoo naman niya... hindi siya bastos kagaya ng iniisip ko... ang akala ko pa naman kanina sasamantalahin niya ang kahubdan ko, pero ako itong nadismaya sa sarili dahil hindi maganda ang inisip ko sa kanya. Gayon pa man, nakakatuwa lang isipin na may lalaki pa palang kagaya niya na may respeto sa babae. Hindi ko namalayan hindi na pala napalis ang ngiti ko hanggang sa natapos na ako. Aabutin ko na sana ang tuwalya kong ginamit kanina nang matigilan ako nang marinig ko ang alinsunod na pag-katok sa pinto sa labas ng banyo. "Here's the new clean towel, use this," narinig kong saad niya ngunit hindi ko naman alam paano ko ba kukunin nang hindi niya makikita kahit ang balikat ko. Bahagya ko na lang binuksan ang pinto at inilabas ang kamay ko sa siwang para abutin ang towel. "Akin na." Inabot ko at ibinigay niya naman. "Salamat." Kaagad ko rin isinara ang pinto. Natampal ko naman ang noo ko nang makita kung anong damit ang nadala ko! Puff sleeve floral dress na may mababang kwelyo, kaya siguradong mamimintog ang dibdib ko kapag sinuot ko ito. Sa bahay lang kasi ako nagsusuot ng ganito. Namali ako ng dampot! Bahala na nga, kaysa naman walang suot na damit! Lumabas ako ng banyo at nagtungo ako sa barandilya habang tinituyo ang buhok ko ng towel. Narito si Sameer at prenteng nakaupo habang nakatanaw sa magandang tanawin ng batis. Lumingon siya sa gawi ko nang maramdaman niya presensya ko. Ktang-kita ang lantaran niyang pag-hagod ng tingin sa akin. Tumagal ang mga mata niya sa didbib ko kaya automatiko kong natakpan ang aking cleavage. "Hindi ka dapat nag-suot ng ganiyan kung hindi ka naman pala komportable," sita niya sa akin kaya napanguso ako. "Pambahay ko lang kasi ito, namali ako ng dampot na damit..." depensa ko sa sarili at ayoko namang isipin niyang intensyon ko ilantad ang dibdib ko. Bumuntong hininga siya at tumayo, pumasok siya sa loob at nagtungo sa isang silid at agad din namang bumalik na may hawak nang plain white t-shirt. "Here, isuson mo." Iniabot niya sa akin at para akong tangang loading pa ata sa sinabi niya. "I said wear it, Liwayway." pag-uulit niya kaya para naman akong natauhan at kinuha ko agad sa kanya ang t-shirt at agad kong isinuson kagaya ng gusto niya. "Salamat..." nahihiyang sinabi ko matapos kong ganap na maisuot ang damit niya. Pinasadahan niya ako muli ng tingin. "Iyan, hindi iyung takip ka nang takip sa dibdib mo. Ako ang na-di-distract, baka mamaya kung ano pang magawa ko sa iyo at hindi ako makapagpigil," lantaran niyang sinabi dahilan para manlaki ang mata ko. Wala pa akong karanasang seksuwal pero ang isip ko ay bukas naman sa isiping iyon ang kaso iba na pala sa pandinig kapag aktuwal nang narinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD