CHAPTER SEVEN

1688 Words
Binuhat niya ako nang walang kahirap-hirap para isampa sa kabayong si Fiona at saka siya sunod na sumakay. Natutuwa ako, pakiramdam ko ako ang hinete habang pasaklang na nakaupo dito. Natigilan lang ako nang magdikit ang aking likod at ang matigas niyang dibdib Naiilang ko siyang nilingon. "A-Ano, Sameer... baka p'wedeng layo-layo ka ng kaunti sa 'kin masiyado tayong nagdidikit." May iba na rin kasi akong nararamdaman sa likod ko sa may bandang baba... Parang ano... parang may matigas. Hindi ko lang matukoy sa kanya dahil nakakahiya naman sabihin na may... may ano... parang tumutusok sa likod ko at hindi naman kaaya-aya kung hayagan ko pang sasabihin. His eye one brow shot up. "Wala na akong iisuran, kabayo itong sinasakyan natin hindi motor. Normal na mag-dikit ang katawan natin." Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa harap at tumikhim na lang. Ako na lang nag-adjust nang umusod ako paharap ngunit nagulat ako nang kabigin niya agad ako pabalik sa kanya kaya mas napalapat lang lalo ang likod ko sa kanyang matigas na dibdib. Higit ko pang naramdaman ang matigas na bagay sa bandang ibaba ng likuran ko nang mas idiin niya pa ako sa kanya na kanina ko pang ikinakabahala! "Don't move," tila utos iyon at ang kamay niya'y hindi pa rin inaalis sa pagkaka-yakap sa baywang ko. Hindi na ako makapagpigil nang magsalita na ako. "Ano po kasi, may bagay sa likod ko na matigas... tumatama siya sa... sa may bandang pang-upo ko," hindi ko na napigilang sabihin sa kanya. I just heard him chuckled. "So, you feel it?" Napaawang naman ang bibig ko, at labis ang naramdaman kong panginginit ng magkabila kong pisngi. Hindi ko tuloy magawang makapagsalita. Palagay ko ay masiyado na atang nagiging tahasan ang binatang ito. "Ginoo, hindi ka nararapat magsalita ng ganiyan gayong... gayong..." hindi ko na maituloy-tuloy ang nais kong sabihin. "Gayong ano?" batid pa niya ang panunukso at napasinghap ano nang hapitin niya muli ang baywang ko para mas idiin pa ako sa kanya. Naramdaman ko ang mainit at mabango niyang hininga na tumatama sa bandang batok ko dahilan para magtaasan ang lahat ng aking balahibo sa katawan. Sinubukan ko alisin ang kamay niyang nakayakap sa akin ngunit hinigpitan niya lang lalo. "Hindi kaaya-ayang pakinggan lalo na't Ika'y binata at ako'y isang dalagang probinsyana, lalo na itong ginagawa mong pagyakap sa akin ay isa nang kapangahasan. Hindi na kaaya-aya sa pakiramdam," batid kong igalang niya ako. Ramdam ko naman natigilan siya at unti-unting inalis ang kamay niya sa baywang ko. "Patawad, nakalimutan kong... isa ka nga palang mahinhing dalaga, paunmanhin sa aking kapangahasan binibini." Sa wakas ay tuluyan niya na akong binitiwan. Nakahinga naman ako ng maluwag. "Umalis na tayo," yakag ko na dahil baka kung ano na namang maisipan niyang gawin. Hindi ko pa alam ang ligaw ng bituka niya. Nang pinatakbo niya na si Fiona ay parang maiiwan ang kaluluwa ko sa mabilis nitong pagtakbo lalo na't hindi naman ako sanay sumakay sa kabayo! "Sameer!" tili ko kaya maagap niyang muling niyakap ang baywang ko bilang suporta sa akin sa takot kong mahulog! "Don't worry, I won't let you fall." Gayon pa man kahit sinabi niyang hindi niya ako hahayaan mahulog, hindi pa rin nawala ang takot ko kaya nahawakan ko na nang mahigpit ang braso niyang yakap muli ang baywang ko at ngayon batid ko na h'wag niya akong bibitawan kundi mahuhulog ako!! "Hawakan mo ako ng mahigpit, Sameer!" Kanina ay gustong-gusto kong alisin ang kamay niya sa akin ngunit ngayon ako na ang nagpapayakap sa kanya! Sana pala naglakad na lang ako! Mas lalong bumilis ang takbo ni Fiona imbis na pabagalin niya at kung anong bilis nito ay siya rin higpit ng yakap niya sa akin kasabay no'n ay ang pag-alog ng magkabila kong dibdib na tumatama na sa bisig niya. "Pabagalin mo, Sameer!" utos ko na may kasamang pag-tili dahil umaalog na ang lahat sa akin! "Para mabilis tayong makarating sa paroroonan, kailangan bilisan!" Hindi niya man lang alintnang nahihipuan niya na ako! "Nasasagi na ng braso mo ang dibdib ko!" Sa pagkakataong ito nawala na ang hinhin sa boses ko batid kong hindi na ako komportable! Hindi ko alam ngunit naramdaman at nahimigan ko ang pag-ngisi niya kahit hindi ko siya lingunin. Imbis na bumagal, nagawa niya pang mas lalong pabilisin nang utusan niya si Fiona! "Hiya! Hiya! Bilis!" sambit niya na naghahatid go signal sa kabayo na mas maging matulin pa! Hinding-hindi na ako sasakay sa kabayo! Huling beses na ito! Nakakadala! Kung alam ko lang na ganitong paraan niya intensyong hipuan ako sana hindi na ako pumayag na magpahatid at sumakay sa kabayong 'to! Galit akong bumaba ng kabayo niya nang makarating na kami sa nayon sa mismong tapat ng bahay namin. Hindi ko tinanggap ang kamay niya nang aalalayan niya sana ako. Nangunot ang noo niya sa inasal ko, pero sa inasal niya ni hindi man lamang niya alintana! Nakakadismya ang binatang ito! "Hey!" tawag niya sa akin nang hindi ko na siya nilingon. Dire-diretso lang ang lakad ko. Hindi na 'ko nag-abalang pasalamatan siya dahil halata namang sinamantala niya ang pagkakataon. Nakiusap akong bagalan pero mas binilisan! Akmang papasok na sana ako sa aming bahay nang maagap niyang nahawakan ang kamay ko dahilan para mapahinto ako. "Bakit??" galit kong baling sa kanya. "Why you're mad? Ikaw na nga hinatid, ikaw pa galit? Wala man lang thank you?" tanong niya na parang ako pa itong hindi marunong magpasalamat! Sino namang magagalak matapos ng pasimple niya pananamantala sa akin? "Nakiusap ako sa iyo, ginoo, na bagalan mo lang pero mas pinabilis mo! 'Di mo na batid kung nahihipuan mo na ako!" himutok ko. "Oh? Iyon pala ikonagagalit mo, well, sorry! Kung hindi kita yayakapin, mahuhulog ka, ayoko namang madungisan o masugatan ang maganda mong kutis," dahilan niya na hindi naman katanggap-tanggap at mas lalo lang nagpakulo ng dugo ko. "Maaari mong bagalan! Umalog na ang lahat sa akin ayaw mo pa pabagalin ang kabayo mo! Talagang sinadya mong mas bilisan!" Hindi ko na napigilan ang pagtaas at pagbakas ng iritasyon sa boses ko. "Binibini, kung hindi ko nga bibilisan, hindi nga tayo makakarating ng mabilis sa ating paroroonan," kalmadong niyang katwiran ngunit hindi ko iyon tinanggap. "You almost touched my breast!" Napa-english na tuloy ako. His face turned into an awe expression and his lips curved into an O. "Sorry, I didn't mean it! Gusto ko lang talaga ihatid ka rito agad sa inyo. 'Di ko intensyon na hipuan ka o ano pa man." Hindi ako naniniwala sa sinabi niya. Umiling ako. "Akala ko iba ka." Bakas ang pagkadismaya sa boses ko at bigla na lang siyang nag-seryoso matapos ko iyon sabihin. "When I said I didn't mean it, I didn't mean it. Hindi ko sadya Liwayway. Kung gusto naman pala kita samantalahin, bakit hindi pa kanina nang makita kitang halos hubo't hubad na sa batis? So now, I will ask you. Did I touch you when I saw you almost fully naked?" Seryosong-seryo ang mukha niyang nakatitig sa akin habang mapanantiya ang tinging iginagawad sa akin. Napalunok ako. "H-Hindi..." sagot ko sa tanong niya kung hinawakan niya ba ako o hindi kanina. Bakit pakiramdam ko ako ngayon ang may kasalanang pinagiisipan ko siya ng masama? "And now, you are accusing me that I touched your private part while we were riding on Fiona? Na sinamantala lang kita?" Batid niyang masama pa ang loob niyang inaakusahan ko siya ngayon. "Ih kasi naman... nakiusap akong bagalan mo pero... hindi mo ako pinakinggan kaya akala ko—" "Akala mo intensyon kong hipuan ka habang nasa kabayo?" pagtutuloy niya sana talagang sasabihin ko. Hindi ba't ganoon nga? Gusto ko sanang sabihin ngunit naunahan na ako ng panghihina ng loob dahil sa mga pinagsasabi niya. Tila batid niyang ako lamang ang nag-iisip ng iba. Ngunit papaano naman, eh, katawan ko ang nasagi?? Alam niyang tumatama na ang dibdib ko sa braso niya ngunit ipinagpatuloy niya pa rin! Tumango na lamang ako, batid kong oo, tama ang sinabi niyang iyon nga ang nasa isip ko dahilan para mapatawa siya, tawang nangaasar pa at unti-unti siyang naglakad papalapit sa akin sabay kamot sa kilay. Yumuko siya nang makalapit na siya sa akin at agad din namang nag-angat tingin. Bigla ay muling sumeryoso ang mukha niya. Tinititigan niya ako diretso sa mga mata ko. "Kung intensyon ko talagang hipuan ka, doon ko na sana sa kubo ginawa... pasalamat ka nga at nakapag-pigil pa 'ko... kung hindi, doon pa lang tinapos ko na." Napalunok ako kasabay nang pamimilog ng mga mata ko. Napahawak ako sa dibdib ko sa pagiging bukas at tahasan nito kung magsalita. "Saka isa pa, Liwayway... kung masama akong lalaki, hindi lang hipo ang ginawa ko sa iyo. Marami pang iba," saad niya pa kaya nag-abot tahip ang dibdib ko at tuluyang hindi makasagot. "Sobra-sobra na ang iyong mga sinasabi at paraan ng iyong pananalita," halos pabulong kong sinabi na ikinataas niya lang ng isang kilay. "Kung hindi mo ako inakusahan, hindi rin kita pagsasabihan," saad niya na parang ako pa talaga ang may kamalian! Ibang klase rin talaga ang binatang ito... hindi ko mahinuha kung ano ba siyang klase. Isa naman siyang maginoo ngunit.. may pagka-bastos. "Aminin mo nang mayroon ka rin kamalian," batid kong h'wag niyang isisi lang sa akin, h'wag niya ako ginagamitan ng reverse. "Kanina pa ako humihingi ng pasensya sa iyo pero hindi mo naman tinatanggap," katwiran niya. "Dahil hindi ka sinsero..." "Paano bang sinsero ang gusto mo?" "Palagay ko wala nang patutunguhan pa ang usapang ito, ginoo. Maiwan na kita riyan at nagpapahinga na ako," paalam ko na sa kanya ngunit muli na naman niya akong hinawakan sa kamay. Dumako ang tingin ko sa kamay kong hawak niya. "Nawiwili ka na ata hawakan ako nang hawakan na walang pahintulot ko." Ngayon mo pa nagawang mag-reklamo Liwayway, kung kailan ilang beses ka na niyang nahawakan! "Hayaan mo, sa susunod hindi lang hawak ang gagawin ko, tototohanin ko pang lahat nang iniisip mo sa akin at sisiguraduhin kong hinding-hindi ka makakapag-protesta kapag dumating ang araw na iyon," banta niyang sensual dahilan para mabagabag ako sa posibleng hatid niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD