"Ayoko, Rahul... h'wag mo akong pilitin sumama sa iyo," pagmamatigas ko ngunit sa malamyos kong boses. Nahihintakutan ako dulot ng ginawa niya sa akin kagabi, pero kung normal na senaryo lang siguro malamang sa malamang sinigawan ko na siya. Pero kahit boses ko hindi ko magawang mapa-tigas gayong alam kong baliwala rin iyon sa kanya dahil nakita ko na ang tunay niyang kulay, malayo sa pinakikita niyang pagiging maginoo. "Hindi ko na uulitin ang sinabi ko, sumama ka sa 'ki—" "May problema ba rito, Liwayway?" Boses iyon ni Pancho dahilan para matigilan si Rahul. Sabay kaming napalingon ni Rahil sa direksyon ni Pancho, may naka-sukbit na mahabang lambat sa kanyang balikat at mukang napadaan lang siya galing sa magdamag nilang pangingisda. Ginawaran ako ng makahulugang tingin ni Pancho