Magdamag akong hindi nakatulog, inisip-isip ko ang nangyari kagabi, ang kapangahasan ni Rahul. Tulala akong nagdidilig ng halaman kinaumagahan, wala rito ang atensyon ko kundi nasa pangyayari kagabi at sa lahat ng mga sinabing iyon ni Rahul sa akin. Mag-mula sa nangangalit nitong mukha at sa mga salitang binitiwan niya... ano na ngayon ang gagawin ko? Napilitan ako mag-suot ng mahabang manggas na damit dahil nag-pasa ang mga kamay nito sa akin. Ang panga ko ay medyo masakit din... mabuti nga at hindi bumakat ang kamay niya rito kung hindi kitang-kita may nanakit sa akin. Sa pagkatulala ko at pagkawala sa sarili, hindi ko na namalayan kanina pa pala ako kinakausap ni Inang pero hindi ko naririnig. "Liwayway! Ano't parang lutang ka? Kwento ako nang kwento wala kang reaksyon diyan," puna