Kailangan ko pa tuloy magsuot ng scarf sa leeg tuwing lalabas ako ng bahay. Mabuti na lang talaga malamig ang panahon, nataong ang mga tao rin ay naka-suot ng panlamig. Abala ako sa pagdidilig ng mga halaman nang mapalingon ako dahil may narinig akong humintong sasakyan sa likod ko. Hindi ito sasakyan ni Sameer. Sinundan ko ng tingin ang binatang lumabas ng sasakyan at parang gusto ko tumakbo papasok sa loob ng bahay nang makita ko si Rahul na papalapit na sa akin. Nabitawan ko ang lagadera at patakbo na sana ako sa loob nang maagap niya akong nahabol nang hapitin niya ako sa baywang. "Ano ba?! Bitiwan mo 'ko!" pagpupumiglas ko. "Liwayway, let's talk!" sinusubukan niya akong pakalmahin ngunit nagpumiglas pa rin ako. "Wala tayong dapat pagusapan, Rahul! Naging pangahas ka, hindi ka