"Ano iyang nasa leeg mo?" tanong sa akin ni Inang sabay hinawi ang buhok ko para mas makita niya. Tarranta kong tinakpan ang leeg ko at dumistansya rito. Naalala ko ang halik ni Sameer! Ang tanga ko, hindi ako humarap muna sa salamin bago lumabas ng silid ko! "A-Alin po?" maangmaangan at kabadong tanong ko. Padarag na inalis ni Inang ang kamay ko. "Chikinini iyan, Liwayway!! Pisting bata ka, sinong gumawa niyan?!" Namilog ang mga mata kong napatitig kay Inang at muling tinakpan ang leeg ko sabay napalunok. Hindi ko alam kung paano pa ako makakapagsinungaling! Kasalanan ito ni Sameer! Minarkahan niya... "A-Ano... Inang, hindi! Hindi ito chikinini, kinamot ko po ito kagabi, sobrang kati kasi," pinilit kong magsisinungaling at umaasa akong paniwalaan niya. "Sinong niloko mo? Nagkaroon