Laking tuwa naman ni Inang nang ibalita kong pinahuntulutan ko si Rahul na ligawan ako ngunit nangamba siya nang maalala bigla si Sameer. "Anak, hindi ba parang biglaan ang naging desisyon mo? Isa-isa lang! Hinayaan mo na si Sameer halikan ka at lagyan ka ng mga kiss mark sa leeg, hindi ba't parang hindi tama kung iisipin papaligaw ka pa kay Rahul?" Napairap ako. Hindi ba't ito naman ang gusto niyang mangyari? Pero nga naman, ngayon pa lang nahuhulaan ko na ang magiging reaksyon ni Sameer kapag nalaman niya. "Inang, dinaan lang ako ni Sameer sa pagiging mapusok niya at isa pa, si Rahul naman nagpaalam siyang liligawan ako at ligaw lang naman kaya palagay ko'y wala namang masama roon." Huminga ng malalim si Inang. "Palagay ko, mas malaki talaga ang pagkagusto sa iyo ni Sameer, sigurado