"S-Saan tayo pupunta?" utal kong tanong nang pasibatin niya na ang sasakyan na hindi ko alam saan ang tungo. "You will know." Diretso lang ang tingin niya sa daan at hindi na niya ako sinulyapan. Hindi nagtagal tumigil kami sa gilid ng isang gubat. Daan ito patungong batis ah? Iyon nga lang short cut ito, iba ang daang dinadaanan ko, hindi rito. Malayo kasi ito sa amin kaya wala akong choice kundi tahakin ang daang malayo. Pero kung dito ako dadaan, mapapabilis. "Pupunta tayong batis?" tanong ko. Tumango siya. "Yes, let's have a picnic date." Napaawang naman ang bibig ko. Ano raw? Picnic date? Napakurap-kurap ko siyang tiningnan. "Tayo? Mag-di-date?" "Oo, ayaw mo? Kung ayaw mo wala ka rin pagpipilian dahil mag-di-date tayo sa ayaw at sa gusto mo." Masiyado ata paladesisyon ang lal