CHAPTER EIGHT

1784 Words
Tila may naramdaman akong humahalik sa aking leeg pababa sa aking tungki ng dibdib. Hindi ko naman magawang mag-mulat dahil sa labis ko pang antok. Nabigla ang katawan ko kahapon nang sumakay ako sa kabayo ni Sameer kaya pakiramdam ko tuloy nabugbog ang katawan ko at dahil na rin siguro sa paglalangoy ko sa batis. "Liwayway, gising na! Nak, may bisita ka!" Nahimigan kong panggigising sa akin ni Inang ngunit ungot lang ang tinugon ko. Tumagilid ako ng higa upang ipagpatuloy ang masarap kong tulog. Ayaw ko pagising dahil masiyadong pagod ang pakiramdam ko. "Liwayway! Gising na sabi! Si Rahul nasa salas natin kanina pa naghihintay sa iyo!" Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko kaya napabalikwas agad ako ng bangon! Nawala ang antok ko at napatitig kay Inang na mukang nagulat din sa pagbalikwas kong bigla. "Sino ho?" pupungas-pungas ko pang tanong sabay kusot ng mata para mas magpahulas sa antok. "Si Rahul, binibisita ka. Kanina pa siya riyan salas natin. May isang oras na rin siyang naghihintay magising ka at ikaw naman tulog mantika ka pa rin," sagot niya dahilan para agad akong mapatayo na ikinagulat na naman ni Inang "Ano ka ba naman!" Masiyado magugulatin si Inang pero mas nagulat ako dahil ba't narito si Rahul? "Bakit siya narito Inang?" "Gusto ka raw makita, kaya bilisan mo nang mag-ayos harapin mo na ang binatang iyon na kanina pa naghihintay sa iyo sa labas!" Itinulak na ako ni Inang sa isang pinto patungong banyo sa likod bahay namin. Oo, may isa pang pinto ang silid ko, exit ito papuntang banyo. Kahit inaantok pa ako ay bnilisan ko na ang pagaayos ngunit habang nasa kalagitnaan na ako ng pang-umagang gawain ay natigilan ako. Naalala kong bigla kanina... parang... may naramdaman akong humahalik sa akin sa leeg ko umabot hanggang tungki ng dibdib ko! Wari kong panaginip lamang iyon dahil sa sobrang pagod na nararamdaman ko. Wala naman ibang pumapasok ng silid ko at kami lang ni Inang dito, imposible naman si Rahul, kahiya-hiyang isipin kung siya nga dahil hindi naman para mangahas ito! Kaya naniniwala akong panaginip lang kahit pakiramdam ko ay totoong may hamalik sa leeg ko at sumipsip pa sa... sa... dalawang tungki ko. Alinsunod kong iniling ang ulo ko para iwaksi ang kahalayang iyon na hindi maganda ang hatid sa sistema ko. Tinapos ko na ang ginagawa at sigurado kong wala na akong panis na laway o muta sa mga mata. All clear na matapos ng ilang hilamos, nakakahiya maamoy niyang bad breath ako saka may muta pa, ka-dalaga kong tao. Nag-bihis ako ng maayos na bestida, kanina ang suot kong pantulog ay nag-mistulang see through short dress dress na hapit sa akin. Sanay na kasi akong iyon lang ang suot ko kapag natutulog, maginhawa at presko kasi sa katawan. Naabutan ko si Rahul na prenteng nakaupo sa aming salas habang nanunuod siya ng telebisyon. Ang kamay niya'y nasa baba at ang siko ay nakatukod sa hita, nilingon niya ako nang maramdaman niya ang presensya ko. Napansin ko namang kakaiba ang tinging iginawad niya sa akin nang hagudin niya 'ko ng malagkit na tingin sabay magaan siyang ngumiti at tumayo para lapitan ako. "Isang magandang umaga para sa magandang binibini," maginoo niyang pagbati sa akin at ang malagkit niyang tingin ay hindi na naalis-alis. Mas nakakailang pa ata siya ngayon hindi kagaya no'ng gabing una ko siyang nakilala at nakasayaw... masasabi kong mas naiilang ako sa kanya ngayon kaysa sa Kuya niyang si Sameer na kasama ko lang kahapon. "M-Magandang umaga rin naman sa iyo ginoo..." nahihiya ko pang bati sa kanya. "K-Kay aga mo atang naparito sa amin?" "Gusto kitang makita... ilang araw na simula nang huli kong nasilayan ang iyong ganda kaya ako'y naparito na para masilayan ka kahit sandali," mala-makata niyang sagot dahilan para mapatikhim ako. "Ganoon po ba, ikaw ba ay nag-agahan na?" "Oo, kanina pa. Dumaan lang talaga ako para sadyaing makita ka, kaso tulog ka pa kanina kaya nag-hintay ako." Magsasalita pa sana ako nang pukawin kami ni Inang, may dala itong bikong nasa maliit na plato at isang tasa ng kape. "Señorito Rahul, kumain ka na muna." Ang inang ko, ako ang hindi pa kumakain pero siya lang ang hinainan at saka bakit ngayon lang siya naglabas ng makakain, kanina pa narito ang binata ah? "Kanina pa siya naritoInang pero bakit ngayon niyo lang siya siya naisipan hinainan ng makakain?" tanong ko. "Hihintayin ka nga raw kasi niyang magising para sabay na raw kayong kumain," sagot ni niya habang walang mapaglagyan ang husto niyang ngiti sa mukha. "Nasaan ho ang akin?" "Maghintay ka, sandali." Pagdating sa akin biglang nag-sungit. Ang Inang ko talaga. Siguradong kung walang bisita hindi niya naman ako ipaghahain at may kasama pa na sigaw kapag nagpahain ako, kaya ang ending, self service sa bahay na ito. Dumako muli ang tingin ko kay Rahul. "Ang sabi mo kumain ka na. H'wag ka mahiyang magsabi, hindi ka pa naman pala nakain." "Kumain na talaga ako, maasikaso lang talaga si Manang sa bisita at kahit sinabi ko nang busog pa ako ay hindi siya maniwala kaya sinabi kong hintayin na lang kita magising," paliwanag niya. Tumango na lamang ako at mayamaya ay bumalik na si Inang dala ang akin na biko na may isang basong gatas pa. Ang sweet ata ng nanay ko ngayon? Palibhasa alam kong nagbubunyi ang kalooban niyang mayroong binatang Selvestres dito sa bahay. Matapos ilapag ni Inang ang pagkain ko sa sentrong lamesa sa tapat ko ay pinanlakihan niya ako ng matang bigla na batid niyang ayusin ako ang pakikiharap sa bisita. Napa-iling na lamang ako at hindi pinansin ang palihim nitong pandudulat sa akin. Alam ko naman kung paano makiharap ng tama sa isang binatang bisita. Tanda ko pa noon, parang sila nga ang hindi marunong dahil ipinagtatabuyan nila agad ang mga binatang gusto manligaw sa akin nang walang pagdadalawang isip lalo na kapag nalalaman nilang mahirap lamang ang estado ng buhay nila na gaya nang sa amin. Hindi ko alam pero hindi naman kami mayaman ngunit ang Inang ko ay siyang tunay na may pagka-matapobre pagdating sa mga kalalakihang nais hingin ang kamay ko na sa palagay ko'y isang hindi ka-nais-nais na pag-uugali. Ngunit ano nga lang bang magagawa ko, anak lang naman nila ako at magulang ko sila, wala akong karapatan suwayin sila kahit noon pa mang nabubuhay pa si Amang. Napapitlag naman ako nang bigla akong hawakan ni Rahul sa braso para pukawin ako. "Are you okay?" tanong niya nang mapansin niyang napatulala akong bigla at napa-isip ng malalim. Tumango ako. "Oo, ayos lang." Ni hindi ko nga namalayan iniwan na pala kami ni Inang dito nang kami lang. "What's bothering you?" tila na-curious siya. Wala naman sigurong masama kung magiging bukas ako sa iniisip ko? "Iniisip ko lang... kasi noon, wala kaming mga binatang bisitang tinatanggap dito sa bahay kung panliligaw ang pakay sa akin, kahit pa nga kaibigan lang ang intensyon ayaw nina Amang at Inang," paghahayag ko ng iniisip ko. "Bakit? Ibig sabihin wala kang in-entertain na mga manliligaw, kahit noon pa man?" tanong niya pa na muli kong ikinatango. "Oo, kasi bawal... ayaw nila akong mag-nobyo... kaya nga ngayon nagtataka ako paanong may binatang kagaya mo na pinayagan makapasok dito sa loob ng bahay at kausapin ako," tila nagtatanong kong sagot kahit na alam ko naman kung bakit. Dahil Selevestres si Rahul, sila ni Sameer. Kahapon nga dito naghapunan ang Kuya niya dahil ayaw paalisin ni Inang nang hindi dito kumakain ng hapunan. Sa kauna-unahan pagkakataon, may nakasabay at nakasalo akong binata. Kahit ilang na ilang at hiyang-hiya ako kagabi, pinagtibayan ko ang sarili kong pakiharapan si Sameer sa kabila ng mga pinagsasabi nito sa akin. "Well, patungkol sa bagay na iyan... hindi naman sa nagmamalaki ako pero... marahil apilido ko ang nagdala kung bakit welcome na welcome ako rito sa pamamahay ninyo." Alam niya rin. Dahil kilalang mayaman ang pamilya niya, sino ba naman mga tao dito sa nayon ang 'di tatanggaping bisita ang mga Selvestres? Sila lang naman ang isa sa tinitingalang pamilya rito sa probinsya gayong sa dami nilang mga lupain pag-aari dito kasama na ang aming nayon at iba pang mga karatig na nayon. Idagdag pa na sa kanila rin mga naghahanap-buhay ang mga karamihang mamamayan dito sa probinsya namin. "Tama ka, batid ko nang alam mo iyon ginoo," saad ko kasabay nang pag-yuko. May kung ano sa loob kong ikinalulungkot ko. Naalala ko na naman ang sinabi ni Inang na hindi iaasa ang pag-asenso sa mayayaman, pero kabaliktaran ang nangyayari ngayon. Pasimple niya akong ipinagtutulakan sa magkapatid na Selvestres. Napabuntong hininga na lang ako sa isiping iyon. Wala naman magbabago kung iyon talaga ang iniisip at palagay ng tao. "Mukang may hindi magandang natakbo sa isip mo," hula niya na tama naman. Ngumiti na lang ako para pagaanin ang sariling kong pakiramdam. "Wala, at h'wag mo akong intindihin. Sadyang napagod lang ako kahapon kaya nananamlay ako." "Napagod?" Nangunot ang noo niya. "Napagod ka saan?" Dapat ko bang sabihin na kasama ko ang Kuya niya kahapon? Baka kung ano kasing isipin nito, pero bahala na nga. "Kahapon kasi ng umaga... naligo ako sa may batis, hindi ko alam nandoon pala ang iyong Kuya Sameer—" "Anong ginawa niyo ni Kuya sa batis?" tila lumalim bigla ang boses niya at bigla-bigla naging seryoso ang mukha bakas na hindi niya gusto ang narinig. "Patapusin mo muna ako, ginoo." Hindi na siya nagsalita pa pero kita ko ang pagdidilim ng mukha niya kaya napatikhim ako kasabay nang pag-lunok nang bumigat ang paligid pero nagawa kong magpatuloy. "Nandoon ang Kuya mo sa kubong pagmamay-ari niyo rin at doon pala siya nagpalipas ng gabi, inihatid niya ako pauwi sakay kami ng kabayo niyang si Fiona. Dahil bago sa katawan ko ang pagsakay ko sa kabayo kaya siguro ganito kasakit ang katawan ko," paglalahad ko. Hindi ko na isinama ang senaryong nakita ako ni Sameer na halos hubo't hubad na! Amin na lamang iyon... Tumango-tango na lang si Rahul na tila batid niyang naiintindihan niya na kung bakit ako pagod. Alam ko iba agad ang nasa isip ng lalaking ito kaya idinetalye ko na. Hindi ko alam ba't ba ako nagpapaliwanag sa kanya ngunit pakiramdam ko ay obligado akong sabihin kahit na tingin ko hindi naman kailangan. "Mabuti naman kung ganoon... sa susunod h'wag kang basta sumasama kay Kuya, baka kung saan ka pa niya dalhin hindi mo pa siya kilala," tila pinapaalalahanan niya ako sa sarili niyang kapatid. "Palagay ko'y mabait naman si Sameer." Base sa ipinakita niya sa akin nang sandali kaming nagkasama kahapon ayon nga lang mukang may likas itong pagka-bastos sa kabila ng pagiging maginoo. "It's too early to say that, young lady."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD