CHAPTER NINE

1640 Words
"Manang, hihingiin ko sana ang pahintulot niyong dalhin ko si Liwayway sa mansion," hinging permiso ni Rahul kay Inang. Naimbitahan niya ako na mag-tungo sa kanilang hacienda at magpunta sa kanilang rancho, doon ililibot niya ako. Nahiya naman akong pahindian ang paanyaya niya kaya pinaunlakan ko. "Walang problema Señorito! Kahit anong oras mong iuwi ang anak ko walang kaso. Basta pag-ingatan mo lang, ha? Nag-iisa ko lang kasing anak iyan," pagpayag ni Inang at halatang pabor na pabor pa. Hindi na lamang ako nagsalita at nauna na akong lumabas ng bahay, iniwan ko na sila nang may sinabi pang illan bilin si Inang sa kanya. Hinintay ko na lang si Rahul dito sa labas habang nakayuko akong sinipa-sipa ang mga maliliit na batong nakikita kong nasa lupa. Ilang saglit lang lumabas na si Rahul. "Ano, tara na?" yakag niya na sa akin at nag-tungo siya kung saan nakatali ang kabayo niya. Ito na naman po kami sa kabayo... kasasabi ko lang kahapon na hinding-hindi na ako sasakay kailan man sa kabayo ngunit mukang wala akong pagpipilian. "Sa totoo lang ayaw ko nang sumakay sa kabayo, nadala ako kay Sameer kahapon," saad ko bilang pagpapaka-totoo sa kanya. "Naging agresibo bang hinete si Kuya?" tanong niya habang inaayos ang tali. Paano kaya nito nalaman? Nagtanong pa talaga ako, malamang kilala niya ang kapatid niya na ganoon. Tumango ako. "Oo, imbis na bagalan, mas lalong binilisan." Kahapon pa iyon nangyari pero kapag naalala ko na naman bumabalik ang inis ko kay Sameer. "Don't worry, I'll make a smooth ride for you," he assured me at tipid lang siyang ngumiti. Napanguso ako. "Ano naman pangalan niyang kabayo mo?" tanong ko. Kung ang kay Sameer ay Fiona, ano naman kaya ang kanya? "His name is Dusty, dumuhin kasi ang kabayong ito noon kaya iyon ipinangalan ko sa kanya," sagot niya na ikinatango-tango ko lang. "Ano nga palang gagawin natin sa rancho niyo?" "Tuturuan kitang mangabayo." Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig, parang isa iyong musika sa aking tainga na noon ko pa gustong marinig na may willing turuan ako! Marami namang willing noon pero dahil nga ayaw nina Inang ay wala rin makapag-turo ngunit ngayon, ito na, pagkakataon ko na matuto! "Talaga??" Parang nag-hugis puso ang mga mata ko sa tuwa at saktong pag-lingon niya ay natawa siya sa nakita niyang reaksyon ng mukha ko. "Base sa reaksyon mo, gustong-gusto mong matuto, ah?" palagay niya at tumango-tango ako na tila isang atat na bata. "Oo! Gustong-gusto! Pangarap ko talaga noon pa man matutong maging hinete ng kabayo... hindi iyung sakay lang ako tapos ang hinete ang nasa likod ko..." Natawa siya. "Let's go, para makarating tayo ng maaga sa rancho at hindi tayo abutin ng tirik ng araw, baka mangitim pa ang iyong porselanang kutis." Nagulat pa ako nang walang kahirap-hirap niya akong binuhat para isakay sa kabayo at ganitong-ganito rin ang ginawa ni Sameer sa akin natatakot ako baka kung ano na naman ang maramdaman ko sa likod ko at masagi na naman ang dibdib ko ng panlalaking bisig. Sumakay na rin siya at kagaya nga ng inaasahan lumapat din ng husto ang dibdib niya sa may likod ko at naramdaman ko na namang may matigas sa bandang ibaba. Ano ba namang buhay kong ito, ganito na lang ba parati kapag ang hinete ay sa likod ko naka-pwesto? Palit na lang kaya kami. Nilingon ko siya. "A-Ano, Rahul, p'wede bang sa likod mo na lang ako?" pagbabaka-sakali kong pumayag siya. Nangunot ang noo niya. "Hindi p'wede, baka makabitaw ka at mahulog ka pa. At kapag nahulog ka, gagawin kong tapa ang kabayong ito." Napa-awang naman ang bibig ko dahil pareho sila ng sinabi ni Sameer sa akin kahapon, ang kaibahan lang, seryoso si Rahul nang sabihin iyon. Napalunok ako, hindi ko na sasabihin masarap ang tapa baka pagdating sa mansion ay lutuan niya rin ako ng tapa kagaya ni Sameer. Masasabi ko tuloy ngayon na malaki ang pagkakatulad nila hindi lamang sa kanilang itsura kundi pati na rin sa paraan ng kanilang pananalita at pag-kilos pero maliban na lang sa kanilang pagpapakita ng emosyon, iyon ang isa sa pinag-kaiba nila. Walang sabi-sabi rin niyang niyakap ang baywang ko gamit ang isang bisig habang ang isang kamay ay nasa tali. Hindi na ako nag-protesta at hinayaan ko na lang siya dahil mukang ito talaga ang paraan maiwasan akong mahulog. "Hahawakan kita nang mahigpit, para h'wag kang mahulog," saad niya at pinatakbo niya na si Dusty at ito na naman ang kaba ko! Ang bilis ng takbo ng kabayo! "Rahul!" tili ko. "Relax, hawak kita!" Hindi iyon... hindi! Hawak niya nga ako pero ang kamay niya ay naka-dakma na sa isang dibdib ko! Lantaran niya nang minamasahe! "RAHUL! ANG DIBDIB KO BITAWAN MO!" galit kong sigaw ngunit parang wala siya narinig at hindi pa rin binitawan! Lantaran na ang ginagawa niya! Pangahas na lalaking ito! Mas gugustuhin ko na atang si Sameer ang hinete kaysa rito! "RAHUL ANG KAMAY MO SABI!!" galit ngunit naiiyak ko nang sigaw sa kanya dahil sa labis na pagka-disgustong nararamdaman ko! Ilang beses akong nag-protesta sa kanya at ilang beses kong sinubukan alisin ang kamay njya ngunit hindi niya ginawa hanggang sa nakarating na kami lahat-lahat sa entrada mansion nila saka lang niya ako binitawan! Galit akong bumaba ng kabayo niya, pinalis ko ang mga butil ng luhang naglandas sa magkabilang kong pisngi. Ngayon lang may nangahas gawin sa akin ang bagay na iyon... hindi ko siya nilingon ng dire-diretso akong nag-tungo sa likod bahay nila patungong kusina kung saan palagi nagluluto si Inang. Bukas naman ang mansion sa mga nagsisilbi sa kanila kaya walang problema kung 'di ako magpaalam pumasok dito. Wala naman ako ibang pupuntahan, kung saan na lang ako dalhin ng mga paa ko doon ako nag-tungo at akmang papasok ako sa common c.r nila nang hapitin ako ni Rahul sa baywang. Nagpumiglas ako at nanlaban sa kanya dahil ayokong mahawakan niya! Kapangahasan ang ginawa niya sa akin kanina... walang pahintulot niyang minasa ang kaliwang dibdib ko! "Bitiwan mo 'ko!" galit kong tulak sa kanya sa matigas niyang dibdib ngunit nanatili lang mahigpit ang hawak niya sa baywang ko. "Liwayway, listen! I'm sorry!" hinging paunmanhin niya ngunit wala namang bakas ng pagsisisi! Mabuti na lang linggo ngayon, day off ng mga kasambahay at katiwala kaya walang makakasaksi sa posisyon ng tayo namin ni Rahul. "Pangahas ka!" sigaw ko sa kanya. "Hindi ko sadya!" pagsisinungaling niya. "Anong hindi mo sadya? Nilamas mo nga!!" Lumalabas ang katarayan ko sa lalaking ito! Nakakasagad siya ng pasensya, nakakawala ng hinhin! Ka-bastos-bastos ang kanyang ginawa! "Patawad! Natukso ako!" pag-amin niya. Naging marahas ang pag-hinga ko dahil na rin sa pagod kong magpumiglas makawala sa kanya, talagang hindi niya ako binitawan dahil alam niyang lalayasan ko siya at hindi na kailan man kakausapin! "Masiyado kang maalindog, Liwayway... ang hirap pigilan!" rason niya na ikinailing ko lang. "Dahilan ba iyan para hipuan mo ako? Na lamasin mo ako? Pinagkatiwalaan kita Rahul! Sumakay ako sa kabayo mo sa pagaakalang matino kang lalaki at wala kang gagawing kabalastugan sa dalagang kagaya ko!" nangangalit kong sinabi sa kanya. Hindi naman kami nagsisigawan dahil alam kong wala ako sa sarili kong bahay at ayaw ko naman ng iskandalo, nakakahiya sa may bahay... Nakakatawa lang na ako na nga ang sinamantala ako pa itong nahihiya! Kung hindi lang talaga mabait sina Señora at Señor, nagsumbong na ako sa mga pinaggagawa ng anak nila! "Patawarin mo ako, Liwayway... hindi na kailan man mauulit, pangako," batid niyang hindi na uulitin pero kutob kong mauulit kaya kailangan kong dumistansya sa lalaking 'to na ubod nang mapagsamantala! "Oo, talagang hindi na mauulit! Kaya bitawan mo na ako, at uuwi na ako sa amin! H'wag ka na rin dadalaw kahit kailan! Ayaw na kita—" "What's happening here?" boses iyon ni Sameer dahilan para sabay kaming mapalingon sa kinaroroonan nito. May hawak itong isang tasa ng kape habang ang tingin ay nasa baywang ko na yakap pa rin ni Rahul! Seryoso siyang bumaling sa kapatid. "Alam mo bang may kaso kapag namwersa ka ng babae, Rahul?" prenteng tanong niya sabay higop sa kape sabay sumagitsit na dikit ang mga ngipin. "I'm not forcing her," saad naman ni Rahul bilang depensa sa akusasyon ng kanyang Kuya na namumuwersa siya. "Bitiwan mo siya, hindi komportable ang dalagang iyan nang hinahawakan. Ibahin mo iyan sa mga babaeng nakilala mo noon sa ibang bansa, nasa Philipinas ka, paalala lang dahil baka nakakalimot ka," mariing sinabi ni Sameer na may pag-uutos. Sa wakas binitawan na rin ako ni Rahul kaya abot tahip ang dibdib ko nang nakahinga na ako ng maluwag. Parang nagmistulang si Sameer na tagapag-ligtas ko... "Nag-uusap lang kami," si Rahul. "Hindi ganiyan ang tamang pakikipag-usap sa babae, h'wag mo idinadaan sa pagiging agresibo, hindi iyan magiging epektibo," tila isang payo iyon mula sa kanyang Kuya. Natahimik naman si Rahul, pero ako nagpupuyos pa rin ang kalooban ko. Muli akong hinarap ni Rahul. "Patawarin mo 'ko, Liwayway... hindi na iyon mauulit," muli niyang hingi ng tawad ngunit umiling lamang ako. Talagang hindi na! Tinalikuran ko sila at iniwan sa kusina, maglalakad na ako pauwi kahit sobrang lawak nitong hacienda nila, at napakalayo ng bahay namin mula rito sa kanila. Hindi ko maatim na magtagal pa ako rito. Palabas na sana ako ng entrada ng mansion nila nang may na humarang na sasakyan sa daraanan ko. Bumaba ang bintana. Si Sameer. "Get in," pagpapasakay niya sa akin. "Hindi na, lalakarin ko na la—" "Pag-uwi mo wala ka nang paa. Ang layo nito mag-mula sa bahay niyo. Ang layo-layo, ang hilig-hilig mo sa lakaran. Now, get in," may kasungitan niyang sinabi at mariin niya akong pinasasakay. Wala na akong nagawa kundi ang sumakay na lang. Mabuti naman at sasakyan pang-tao na ito, hindi na kabayo. Mai-susumpa ko na talaga ang pagsakay sa mga kabayong iyan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD