"Magandang umaga, Liwayway!" "Good morning! Binibini!" "Maganda ka pa sa umaga Liwayway! "Kapag naman talaga ganiyan ka-ganda ang makikita mo sa umaga talaga naman gaganahan kami ritong mag-ani ng tubo!" Nakangiti at tatawa-tawa na lamang akong tinugunan ang kanilang mga pag-bati na may halo pang pambobola sa akin. Iilan lang iyan sa mga kalalakihang nadaraanan ko na panay lang ang bati sa akin ngayon. Dala-dala ko ang tanghalian ni Inang na tumutulong ito sa pag-aani ng mga tubo rito sa tubuhan na pag-aari din ng mga Selevestres. "Kayo talagang mga lalaki kayo! Tigil-tigilan niyo na ang mga kakaganiyan sa dalagang si Liwayway! Baka kayo eh, mga samain at pareho-pareho pa tayong mga mapalayas dito!" pananaway naman ng matandang si Mang Urlando na namamahala ng tubuhan. Nagtataka ko