"Iuwi mo na ako ginoo, anong oras na baka hinihintay na ako ni Inang," pagyayakag ko nang umuwi. Pero sa katunayan niyan, naiilang ako sa kanyang mga sinasabi, nangangamba ako na baka kinalaunan... kinalaunan maging komportable ako at hanap-hanapin ko. Ayaw ko ng ganito... basta ayaw ko... "Just give me an hour, Liwayway," batid niyang bigyan ko pa siya ng kahit isang oras pa. Tumango na lamang ako para pagbigyan siya. Tutal naman legal kay inang ang pagsama ko sa kanya rito, walang magpapagalit sa akin pag-uwi. Nagulat pa ako nang bigla na lang siyang humiga at ginawang unan ang kandungan ko. Napakurap-kurap akong napatitig sa kanya. "Ginoo..." batid kong umalis siya sa kandungan ko dahil hindi ako komportable. "Just let me rest on your lap... don't worry, wala akong gagawin. Hayaa