Abot-abot ang hiyang nararamdaman ko hindi ko maipaliwanag matapos nang naganap sa pagitan namin ni Sameer. Hinayaan ko siya... magpatangay ako... Hinayaan ko siyang halikan ako at binigyang pahintulot sa aking katawan nang walang labis na pag-protesta. Baka kung sa iba nagwala na ako makawala lang, pero pagdating kay Sameer hindi ako maka-imik, hindi nakapagsalita at higit sa lahat hindi ako makatutol nang ideklara niyang ako'y kanya na. Anong ibig sabihin no'n? Tunay niya na ba akong pagmamay-ari? Ano nang gagawin ko? "I'm sorry... hindi na ako nakapag-pigil pa," hinging tawad niya kung kailan huli na at nang mahimasmasan na siya sa ginawa niya. "Ano pang inihihingi mo ng tawad? Ginawan mo na ako nang kahalayan... ngayon mo pa naisip humingi ng tawad? May pagkakataon kang h'wag itu