Sorry

1931 Words
's**t!' Napakubli agad si Mabel sa likuran ni Claire ng makitang papasok ng presinto si Attorney Neil Cuenca, ang lalaking pinakaiiwas iwasan nyang makita. Hindi pa sya handa sa maaaring mangyari kapag nagkaharap na silang dalawa. 'Bakit sya pang naging abogado ni Queen?' Nung makita nya ito sa birthday party ng Ina ni Ryle, sinikap nyang maging normal ang kanyang mga kilos, hindi nya hinayaan na magpasakop sa takot at guilt na nararamdaman ng mga oras na yun. Lalo na ng paglingon nya kay Queen nung tawagin sya nito ay nakita nya sa mukha ng binata ang pagka shock at kalituhan sa mukha nito. 'Bakit dito pa?' "Attorney! Nagkita na naman tayong muli! sino ba yang client mo na parang guardian angel ko lang kung makasagip sa'kin tuwing nagigipit ako?" "My client is a private person, Queen." Seryosong sagot nito. "Kahit initial nya lang, diko ba pedeng malaman Attorney? Gusto ko din naman syang pasalamatan." Nakikinig lang si Mabel sa usapan ng dalawa. Hinihiling nya na sana matapos ng lahat at ng makalabas na sila sa police station na yun. Kung bakit ba naman kasi di man lang nila napansin ni Claire ang pagdating ng police car sa tagpuan ng mga supplier nila ng mga armas? Yan tuloy sama sama silang nakapiit ngayon sa kulungan. 'Bakit ba minamalas na yata ako ngayon? Puro bad vibes ng nagaganap sa buhay ko eh!' Abala ang kanyang isipan na ni hindi man lang nya napansin na umalis si Claire para pumirma sa inabot na papeles ni Attorney Cuenca dito. Nagulat pa sya ng pagbalik ng kaibigan sa kanyang tabi ay bahagyang tinapik ang kanyang pisngi. "Besty, dimu ba napapansin?" Bulong nito sa kanya. "Ha! Ang alin?" Nalilitong tanong naman nya dito. Inginuso ni Claire sa kanya si Neil na walang kakurap kurap na nakatitig sa kanya. Kaagad na napaiwas sya ng tingin dito. Mas lalo pang nadagdagan ang kabang nararamdaman nya sa klase ng pagkakatingin nito sa kanya. "Kanina pa masama ang pagkakatingin sayo ni Attorney. Magkakilala ba kayo?" Hindi nya magawang sagutin ang tanong ng kaibigan. Nanatili lang syang tahimik at sunod sunuran kahit nung pinapirma na sya ng binata sa isang kapirasong papel, wala pa rin syang imik na ipinagtaka ng kanyang mga kaibigan. Pero di na lang nagtanong ang mga ito. "Tara na Girls! Si Attorney ng bahala dyan!" Sa narinig na sinabi ni Queen, nauna pa syang lumabas ng presinto at dere deretsong naglakad papunta sa sasakyan ni Queen, sumakay at tahimik lang syang naghintay dun. Kahit ng makasakay ng mga kaibigan wala pa rin syang imik. Okopado kasing kanyang isipan kung anong hakbang ang kanyang gagawin ngayon.. Dahil sigurado syang basta basta na lang susulpot si Neil kahit saan sya naroroon. "Besty, hoy! Bababa kaba sa inyo o sama kana lang muna sakin?" Nangungusap ang mga mata ni Claire sa kanya, at sa pagkakaintindi nya sa klase ng mga titig nito sa kanya, gusto nitong mag usap muna sila, ng silang dalawa lang. Kaya napatango na lang sya dito. Inabot pa ni Claire ang kanyang kamay at pinisil. "Salamat!" Tanging nasabi nya dito. "Ahm! Queen, dito na lang kami bababa ni Mabel." Kaagad na sabi ni Claire ng mapadaan ang minamanehong sasakyan ni R'joy sa isang Park. "Sigurado ba kayong dalawa na magpapaiwan kayo dito?" Si Ashley sa himig ng nag aalalang boses nito. "Yeah! Salamat sa inyo!" Sya ng sumagot pagkababa nila ng kotse, kinawayan pang mga kaibigan. "Mag iingat kayo." "Kayo din mga Virgins! Babush!" Sabi ni Rowena na kumakaway pabalik sa kanila ni Claire. "Ito bang buhay na gusto mo?" Nakailang hakbang pa lang sila ni Claire ng marinig nyang boses ni Neil. Tama ang sapantaha nyang basta basta na lang ito susulpot kung nasaan sya. "Besty! Wag mo'kong iiwang mag isa dito ha!" Pabulong na sabi nya kay Claire. "Hinding hindi! Besty, promise!" Hinawakan nitong kamay nya at pinagsiklop. "Bakit mas pinili mo parin na bitawan kung anong meron tayo kesa sa ipagpatuloy kung ano na yung mga nasimulan natin? Dahil ba yun yung madaling gawing desisyon para sayo?" Nagtitimpi lang si Neil na wag sugurin ng yakap si Mabel, dahil gusto nyang marinig mula dito ang dahilan kung bakit sya iniwan noon ng dalaga. "Hindi mo alam kung gaano kasakit na iwan ka. Hindi mo alam kung gaano kahirap sa parte ko na makita kang umiiyak, Masakit sa parte ko na nakikita kang nasasaktan. May rason kung bakit kita iniwan, may rason kung bakit nangyayari to sa atin." Napatiim baga na ng tuluyan si Neil sa narinig. "Anong rason mo Mabel? Ipaliwanag mo naman sakin para maintindihan kita! Dahil hindi mo alam sobra mo na akong nasasaktan." Kumuyom ang mga palad ni Neil. "Besty, jowa mo si Attorney?" Nanlalaki ang mga mata ni Claire habang palipat lipat ang tingin sa dalawang nagsusukatan ng tingin sa isa't isa. "Sa pagiging Nerd ko, tampulan ako ng tukso na minsan sinasaktan na ng mga taong hindi nakakaintindi ng sitwasyon ko.. Nung araw na pinagtanggol mo ako at hindi mo'ko iniwan hanggang sa gumaling ang mga sugat ko, dun nag umpisa ang paghanga ko sa'yo.. Mas lalo pang lumalim ang nararamdaman ko na isang araw ayaw ko ng mawalay sa tabi mo.. Pero dahil sa bata pa ako nung maging tayo, natakot ako na baka malaman mong totoong edad ko at iwanan mo na lang akong basta, kaya nilihim ko sayo ang buong pagkatao ko.." Umiwas ng tingin si Mabel ng mag umpisang mamasa ang kanyang mga mata. Napahigpit pang pagkakahawak nya sa kamay ni Claire na parang dun sya humuhugot ng lakas ng loob para masabi nyang lahat lahat kay Neil, kasi deserve naman talaga nitong malaman ang katotohanan. "Ang pinaka gusto kong ugali mo ay yung hindi ka matanong.. Na malaki ang pagtitiwala mo sakin, diko alam kung dahil ba yun sa sobrang pagmamahal mo sakin o wala talaga sa ugali mong ungkatin ang katauhan ng taong pinagkakatiwalaan mo. Sa araw araw na pagsasama natin... sa kabutihang ipinapakita mo sakin.. sa pagmamahal na ipinapadama mo sakin.. Unti unting naiipon sa mura kong kaisipan ang mga kasalanan kong nagagawa sayo, ang pagsisinungaling ko, ang pagpapanggap ko, ang pagkukunyari ko, at ang paglilihim ko sayo.. Napuno ng pangamba, takot at pag aalala ang puso kong labis na nagmamahal sayo. Nawalan ako ng lakas ng loob na ipagtapat sayo ang lahat, mas ginusto kong takasan na lang ang mga pagkakamaling nagawa ko. Ang sakit lang sa feeling na mawalan nang choice kundi gawin yung mga bagay na kailangan kahit na mahirap." "Baby..." Napapikit sya ng mariin ng marinig ang klase ng pagtawag ni Nheil sa kanya. Kasabay pa nun ang pagdaloy ng pinipigilan nyang luha. 'Na miss ko'to! Sobrang namiss ko ang pagtawag mo sakin ng ganito!' "Ayaw kong dumating yung araw na hindi na ako kasama sa mga priority mo, na kailangan ko na ipilit yung sarili ko para makasingit dyan sa oras mo. Sinusubukan kong intindihin yun kasi ayun naman ang tama bukod sa wala naman na ako magagawa." Naramdaman na lang ni Mabel ang masuyong pagyakap mula sa likuran ng kung sino sa kanya, na inakala nyang si Claire lang yun, lalo syang napaiyak ng marinig ang boses ng taong yumayakap sa kanya ngayon. "Hindi ko alam kung pano mababawasan yung sakit na nararamdaman ko ngayon, like totally hindi ko alam. Andami ngayong bagay ang pumapasok sa isip ko, na sana hindi humantong sa puntong magtatapos tayo. Alam mo? Maraming mga bagay na pumapasok sa isip ko pero mas pinipili ko pa rin na maging positibo dahil alam kong kaya ko 'to. Na hindi ko kailangan magpatalo sa iniisip ko." Hindi malaman ni Mabel kung anong gagawin nya ngayong yakap yakap na naman sya ng lalakeng pinakamamahal nya. Ni hindi na nga sya makahinga ng ayos makapagsalita pa kaya? "Naiinis ako sa sarili ko, kasi mas kaya kitang mahalin kaysa sa sarili ko. Mas iniisip ko pa ang kaligayahan mo kahit nasasaktan na ako. Mas inaalala ko pa yung mararamdaman mo kahit nahihirapan na ako. Hindi ko kayang bumitaw sayo kahit matagal mo na akong binitawan. Na kahit nasasaktan na ako, ikaw pa din yung pinipili ko. Kahit na binabaliwala mo ako, bumabalik pa din ako sayo. Kahit na alam kong hindi ako yung kailangan mo, hindi ko pa din kayang umalis sa buhay mo. Ilang beses ko ng sinabi sa sarili ko na, 'Lumayo ka na, pagbigyan mo naman yung sarili mong maging masaya' Pero humahakbang pa din yung mga paa ko pabalik sayo. Sa’yo lang ako Mabel.. Sayong sayo lang ako Baby ko!" Ang kanina pang nanonood ng 'Love story! Drama edition' nila na si Claire ay dina napigilang magsalita. "Besty, wag ng pabebe! Dina uso yan ngayon nuh! Grab the opportunity.. Sunggab agad bago pa tangayin ng iba yang yummylicious mong jowa!" Napalingon sya bigla sa kaibigan. Bakit ba nawala sa isip nya na kasa kasama nya pala ito. "Heh! Bunganga mo naman Besty! nilalaglag mo nako nyan eh! Saka bakit kaba nandito ha?" Pinandilatan pa nya ng kanyang mga mata ang nakapamewang na ngayong kaibigan. "Hello! Nagka amnesia kana ba Besty? Kayakap mo lang yang syota mo nakalimutan mo ng sinabi mo sakin kanina na.. 'Besty! Wag mo'kong iiwang mag isa dito ha!' Panggagaya pa ni Claire sa boses nya sabay nag walk out na ito. "Hmp! Nakakatampo ka!" "Hoy san ka pupunta?" Pahabol nyang tanong dito. "Eh di maghahanap ng jowa! Ako na lang ang mag isang virgin ngayon! Waahh!" At nagtatatakbo na ito ng walang dereksyon. "Hahaha.. Loka loka talagang babaeng yun!" Nagulat na lang sya ng biglang halikan ni Neil ang ulo nya. "Neil... Ahm.. Sorry ha!" Yukong yuko na sabi nya dito. "Nakasakit kana. Wala ng magagawa yung sorry mo. Mas okay kung mag effort ka at bumawi. Para maramdaman ko na nagsisisi kana." May pilyong ngiti sa labi na sabi ni Neil sa dalaga na napalabi na lang. "Ano namang pagbawi yung gagawin ko aber?" Umirap pa ito sa kanya. "Abah malay ko sayo? Kung anumang klase ng pagbawi ang gagawin mo? Basta! siguraduhin mo lang na maliligayahan at mabubura nun ang lahat ng mga ginawa mong pagpapasakit sakin! Hmm.." Sabay yakap pa nya ng mahigpit sa dalaga na biglang napapiksi at itinulak sya nito palayo, kaya tuluyan syang napabitaw dito. "Ikaw ha! Kahalayan yang iniisip mo nuh? Ayoko nun virgin pa'ko eh!" Bahagyang namula pang pisngi nito na ikinatawa ng malakas ni Neil. "Bakit? Wala naman akong sinasabi na mag s*x tayo ah!" Kaagad nyang tinakpan ang bibig nito, at sa nanlalaki nyang mga mata, kinurot pa nyang tagiliran nito bago sinabing... "Eh bakit naramdaman kong tumayo yung.." Bumaba ang tingin nya sa bumabakat na harapan ng binata. "... Toot mo!" "Hahaha.. Kasalanan ko ba na kapag nadikit yang katawan mo sakin eh tumatayo na kaagad ang toot ko..?" Inginuso nyang harapan sa namumula ang mukhang kasintahan. "Ay! Ewan ko sayo! Bahala kana nga sa buhay mo!" Napapahiyang nag walk out na rin sya, tinahak nyang daan na pinuntahan ni Claire kanina. "Hoy! Baby! Tandaan mong babawi kapa sakin ha! Wag mong kakalimutan yun!" Pahabol nyang sabi dito. "Tse! Bahala kang mamuti yang mga mata mo kakaantay! Kainis kaaa!" Kandatalisod pa si Mabel sa pagmamadali makaiwas lang sa panunukso ni Neil sa kanya. 'Ang hudas na yun naisahan ako!' Kahit na naiinis, napangiti na lang sya ng maalala ang mga kaganapan ngayong araw. Minalas man ang grupo nila sa isang transaksyon, naayos naman ang hindi pagkakaunawaan nilang dalawa ni Neil. 'Ang lalakeng yun! Haayy.. Wala man lang pinagbago, mabilis pa rin itong makontento, madali pa ring magtiwala at higit sa lahat masarap pa ring magmahal.' ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD