Nasa garden ng bahay nila Claire nakatambay at nagmemeryenda silang dalawa, ng magtanong ang katabi nyang ngumunguya pa ng popcorn.
"Anong dahilan mo kung bakit mo mahal si Attorney?”
"Kailangan ba talaga may dahilan ka kung magmamahal ka?" Nakataas ang kilay nyang sagot kay Claire.
"Eh, basta Besty, sagutin mo na lang kasi!" Tinampal pa nitong braso nya.
"Tsk! Demanding pa!" sumubo na rin sya ng popcorn at ngumunguyang sinagot nya ito. "Ako, ayokong magbigay ng dahilan kasi ayokong limitahan ang sarili ko pagdating sa taong mahal ko. Mamahalin ko siya ng buong-buo, hindi lang yung mga magagandang bagay na nakikita ko sa kanya kundi pati na yung mga kahinaan niya."
"Ganun? Eh Besty, hindi sa lahat ng pagkakataon may second chance. Lalo na kung sobra ka ng nasaktan ng dahil sa tao na yun. Siguro tama na yung isang beses kang nasaktan, hindi mo na kailangang ulitin yung katangahan mo noon."
Di nya inaasahan na sasabihin nitong katangahan ang kanyang ginawa. "Anubang pinupunto mo Besty? Anubang masama sa sinabi ko ha?"
"Sorry naman Besty! Nasabi ko lang naman yun kasi ayokong masaktan kana naman! Sorry na! Diko na uulitin!" Niyakap yakap pa sya ng kaibigan.
"Hinay hinay sa pag bitaw ng masasakit na salita. Hindi kasi lahat kayang burahin ng dalawang salitang 'Sorry na'. Madali mag sabi ng 'Di ko na uulitin.' pero, yung sakit kasi mananatili pa din." Nagtatampong sabi nya dito.
"Pasensya na! Tao lang, nagkakamali din! Bati na tayo, sige na naman.. Besty!"
Naiiling na hinaplos haplos nyang likuran ng kaibigan.. "Di naman ako nagalit sayo eh! Medyo nasaktan lang dun sa word na katangahan! yun lang naman."
Napabitaw ng yakap sa kanya si Claire, inayos nitong buhok na nagusot.. Saka ngumiti sa kanya.
"Sige, ganito na lang.. Opinyon na lang natin ang pag usapan, dina involve dito ang lovelife at feelings natin."
Napataas ang kilay nya't mapanuring tinitigan ang kaibigan.
"May lovelife kana? Ba't diko yata naalalang kinwento mong tungkol dyan sakin ha?" Hinila nyang buhok nito. "Ikaw ha! Natututo ka ng maglihim sakin! Kala ko ba Besty tayo, eh ba't meganun ka ng pag uugali ngayon?"
"Di ah! Lapa akong lovelife! Crush pa nga lang eh! Saka bata pako dipa pede sakin ang mag boyfriend!" Depensa kaagad ni Claire na ikinatawa nya.
"Utot mo! Bata ka dyan! Sabunutan kaya kita para umamin kana, anu gusto mo saktan pa kita para lang magkwento ka sakin?"
Hinila na naman nyang buhok ng katabi na panay naman ang iwas sa mga kamay nyang mabilis ang kilos.
"Tss! Tama na kasi! Nagugulong buhok ko eh! Kaasar ka!" Tuluyan na itong tumayo at lumayo sa kanya.
"Hahaha.. O sya, tama na ngang harutan! Upo kana ulit dito! Usap tayo habang wala pang mga Bad Girls, dali na!"
Hinila na nyang kaibigan paupo sa tabi nya.
"Besty, lam mo, sabi nila kapag mahal mo, hindi mo dapat sinusukuan. Pero ang tanong kasi hanggang kailan? Hanggang kailan ka magtitiis, hanggang kailan ka magpaparaya, hanggang kailan ka magsasakripisyo at hanggang kailan ka pa masasaktan. Tao lang din naman tayo, napapagod at nahihirapan. Hindi sapat yung mahal niyo lang ang isa’t isa, kailangan mo ding timbangin ang sitwasyon kung kaya pa o dapat sumuko na."
Napatitig na naman sya kay Claire, yung tingin na takang taka, kumbaga may pagdududa.
"Ang lalim ng mga hugot mo ah! Bakit parang feeling ko may pinagdadaanan ka sa love ngayon?"
"Wala nga eh! Kulet naman nito!" Inirapan pa sya ng katabi.
"Eh di wala kung wala! Masyado kang defensive! halataing guilty ka tuloy." Natatawang sabi nya sa kaibigan na panay ang irap nito sa kanya.
"Uy hindi ah! Kasi, madalas tayong nagrereklamo na lagi tayong iniiwan ng mga taong malalapit sa atin. Madalas nagagalit tayo sa kanila dahil binigay na natin lahat, nagawa pa nila tayong iwanan. Pero minsan ba naitanong mo sa sarili mo kung bakit nga ba nila tayo iniwan? Sa tingin ko naman, wala talagang taong manloloko kung walang taong nagpapaloko."
Balik na naman sa kadaldalan nya si Claire, ganito talagang kaibigan nya, mabilis maka move on sa lahat lahat.
"Naitanong mo na ba sa sarili mo kung iniintindi mo ba siya? Naitanong mo na ba sa sarili mo kung may tiwala ka ba sa kanya? Naitanong mo na ba kung binibigyan mo siya ng oras para magsaya kasama ang mga kaibigan niya?Binibigyan mo ba siya ng oras para sa sarili niya? Nagiging girlfriend/boyfriend ka nga ba talaga sa kanya? Naappreciate mo ba ang mga efforts na ibinibigay niya? O baka naman masyado kang clingy sa kanya? Kada minuto text, kada segundo tawag? Malingat lang saglit, kung anu-anong duda na ang ibabato mo sa kanya? O kaya naman puro ka sumbat at sermon? O kaya ‘di mo naappreciate ang efforts niya? O kaya baka naman gusto mo ikaw lang ang gusto mong kasama niya palagi? O baka naman puro siya lang ang gumagawa ng paraan, at ikaw… tanggap lang ng tanggap. O baka naman naghahanap ka pa ng iba. O baka hindi ka kuntento sa mga binibigay niya’t naghahangad ka pa ng iba. O baka puro ka drama. O baka puro ka duda."
Habang pahaba ng pahaba ang mga sinasabi nito sa kanya, bakit feeling nya patungkol ito sa kanya.
'Anubang nakain ng babaeng 'to? Bakit tila ito nagbago simulang magkabalikan kami ni Neil? May lihim na galit ba ito sakin o baka lihim na inggit?'
Pero kilala na nyang ugali ni Claire simula pa nung maging magkaibigan sila, hindi ito inggetera lalo na pagdating sa kanya.
"At eventually, nagsawa siya sa’yo. Baka kasi masyado kang naging mahigpit. Baka masyado kang naging gahaman. Partner ka sa buhay. Hindi ka kandado. Hindi ka susi. Hindi ka kulungan. Hindi mo dapat itinatali ang buhay ng partner mo sa’yo. Bigyan mo siya ng time para mamiss ka, dahil pag hindi mo ginawa yun. Madali talagang magsasawa yan. At ang lalabas pa, siya yung masama? Aba’y sana naman nag-iisip ka rin. Hindi naman masama magmahal. Hindi masama maghigpit. Hindi masamang magalit. Sana lang lahat nasa lugar."
May pakumpas kumpas pa ito ng mga kamay. Dalang dala sa mga sinasabi nito.
"Excuse lang Besty ha! Bakit feeling ko, lahat ng mga sinabi mo eh para sakin lahat? Anuba yun payo o panghuhusga? Saan mo ba hinuhugot lahat ng mga binibitawan mong salita?"
Kompronta nya sa natitigilang kaibigan. Napakamot ito ng pisngi, napahinga ng malalim bago sya seryosong tiningnan. Magsasalita na sana ito ng dumaan ang bagong kapitbahay nitong si Ryle.
"Hi Claire!" Bati sabay kaway pa nito sa kanilang dalawa.
"Hello Ryle! May pasok ka?"
'Sus! Obvious naman na papasok ito sa school kasi nga naka uniform, talaga 'tong si Besty oo, dina nakakapag isip ng matino, basta may masabi lang okay na sa kanya.' Patingin tingin lang sya sa dalawa.
"Oo eh! See you later, bye Claire!"
"Bye! Ingat ka!"
Lihim syang natawa ng makitang bahagyang pamumula ng pisngi ni Claire, kaylapad ng pagkakangiti nito habang kandahaba ang leeg kakasunod ng tingin sa kapitbahay nitong dere deretso lang ang lakad. Tutuksuhin na sana nya ito ng marinig ang message alert ng kanyang cellphone. Excited na kinuha nya ito sa kanyang bag. 'Baka galing kay Baby?' Napangiti sya ng pagkabukas nya ng cellphone ay galing nga dito ang message na natanggap.
Baby?
Take care of yourself baby. I know you are grown up and responsible and all but still, please take care. Do take extra care in whatever you do and in wherever you go. Take your medicines if you have to. Do not forget about them, I mean it do not forget to take them because they are meant to do something good for you and if you do forget to take them and you just remembered even in the middle of the night that you have to take some then get up, do not be lazy and move your ass and take them. I know it will be so cold to get up, just cover yourself with a blanket or anything thick jumpers you have. Drink plenty of water too. Use pint glasses just to be sure. Water really helps, you know that. Drink water every before your meal, before you sleep, after you wake up and before you take a shower. Do not skip meals. Meal is very very important. When you are out with your friends or having your driving lesson, please take care. Do not give me any heartaches of you getting involve with accidents. Do not, I demand you baby, do not. Do not be so stubborn, just do what I say. I know I sounded not a boyfriend but a father but that is just how I care. I care too much, you have to deal with that. Remember I am still here waiting. Remember you still have to marry me and give me beautiful babies. Remember we still have to grow old with each other. Remember I love you so much so please take care. You are always in my prayers but you have to do your part. Don’t be a badass.
Napahawak na lang sya bigla sa dibdib kung saan mabilis na pumipintig ang kanyang puso sa ligayang nararamdaman. Ang di nya alam eh nakikibasa na rin pala si Claire sa hawak nyang cellphone, napapalatak pa nga ito eh.
"Lentek! Na syota yang si Attorney! Napakatamis eh! Grabe! Swerte mo Besty, sana all may jowang ganyan ka thoughtful, ka sweet, at kasarap magmahal."
Nailayo nya biglang hawak na cellphone sa kaibigan.
"Binasa mo?" Pinandilatan pa nya ito.
"Bakit? Masama? Eh! Ako nga lahat shene share ko sayo eh! Tapos ikaw hindi? Unfair yun sa part ko Besty! Nakakatampo ka, lam mo ba yun ha?" Pagda drama pa nito.
"Tse! Sabunutan kita dyan eh! May patampo tampo ka pang nalalaman."
Inabot nyang pitsel ng juice at nagsalin sa dalawang baso, binigay nyang isa kay Claire sabay sabing...
"Cheers!" Itinaas nya sa ere ang hawak na baso.
Nakangiti na itong itinaas din sa ere ang hawak na baso.
"Cheers! Besty! Mag celebrate tayo, kasi pareho na tayong may love life! Yeheheeyy!"
"Kayo na ni Ryle?" Panghuhuli nyang tanong dito.
"Dipa! Napaka torpe nga eh! Kung ako na lang kayang manligaw sa kanya Besty, anu sa tingin mo?"
"Sira!" Pinitik nyang nuo nito "Dalagang Pilipina remember?"
"Aray!" Napasapo sa kanyang noo na napapalabi pa si Claire. "Echos lang naman Besty! Para ba namang magagawa ko nga yun, eh yun pa nga lang makita ko sya naiihi nako sa kilig, yun pa kayang lapitan ko sya't sabihan na gusto ko syang syotain? Baka mangisay nako pag nangyari nga yun! Ahahay.. Diko keri yun Besty!"
"Hahaha.. Lam ko naman yun! Kabisado ko na kayang galawan mo."
"Kaya nga! Bahala ng tadhana ang gumawa ng happy ending ng love story naming dalawa! Para bonggang bonga." Napapalakpak pa ito sa galak.
"Tama! Oh tagay kana! Ubos na yung inumin ko yung sayo 'lapang bawas." Inusod nyang baso ng juice kay Claire.
"Haizt! Dalawa lang tayong uubos ng mga ito? Hintayin na lang kaya natin yung apat baka parating ng mga yun."
"Inom na! Dami pang satsat eh!" Inabot na nyang baso kay Claire.
"Ihi-ihi na naman ang labas ko nito! ahuhuy.."
"Hahaha... Ang cute mo talaga.."
Sinapo nyang magkabilang pisngi nito saka sabay na kinurot, sumasaya't gumagaan talagang pakiramdam nya kapag ganitong nagba bonding silang dalawa ni Claire.
?MahikaNiAyana