MAXINE I woke up with a throbbing pain in my head. Wala akong naaalala kung paano ako nakauwi kagabi mula sa bar. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang hindi pamilyar na kulay ng kisame. Napabalikwas ako ng bangon nang mapagtanto ko na wala ako sa sarili kong silid. Nanlalaki ang aking mga matang pinalibot ang aking paningin at sinubukang maalala kung ano ang nangyari kagabi pagkatapos kong malasing. Natuptop ko ang aking bibig ng makita ko ang ilang pirasong damit panlalaki na nakita kong nakasampay sa couch na malapit sa kama. Agad kong sinilip ang katawan ko na nasa ilalim ng kumot upang tingnan kung nawala ba ang aking mga suot. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag nang makita kong kumpleto pa din ang suot kong damit. Napabaling ako sa gawi ng ban