Nararamdaman ni Maxine ang epekto ng alak. Nasisimula ng umikot ang kanyang paligid dahil sa dami ng alak na nainom. Halos maubos na nya ang isang bote ng tequila na inorder nya habang inaantay ang pagdating ng kanyang mga kaibigan. Tahimik lamang syang umiinom ng magkasunod na dumating ang kanyang mga kaibigan. Magkasabay na dumating si Samantha at Ali dahil dinaanan nito ang huli sa kanilang bahay. Ilang minuto ang nakalipas ay dumating na rin si Andi. "Tingnan mo 'tong babaeng 'to, mag-aayang uminom pagkatapos maglalasing mag-isa," turan ni Andi. "Ano bang problema nya at nagpapakalasing sya ng ganyan? Hindi ba dapat masaya sya ngayon dahil nagising na ang asawa nya?" tanong ni Ali kay Andi. The latter rolled her eyes before speaking. "Long story. I didn't know about the details. Ma