Chapter 3

2677 Words
Marahang binitawan ni Chanel ang handle ng kanyang dalang maleta pagkapasok niya pa lang sa pintuan ng unit na kanyang ookupahin sa bansang iyon. Hindi na mapigilang mamuo ang kanyang luha sa mga mata nang marahang ilibot niya na ang paningin sa kabuohan ng unit. Deep inside her, she felt empty. Ang guwang na yumayakap sa kanyang puso ay mas naramdaman pa nang hindi niya na mapigilan pa ang pagbagsak ng kanyang mga luha sa kanyang mukha. Mahina siyang suminghot na kaagapay ng kanyang mahinang mga hikbi. Wala na siyang ibang maramdaman pa ng mga sandaling iyon bukod sa labis at umaapaw na kalungkutan ng panghihinayang. Binabalot noon ang kanyang buong katawan at wala siyang ibang maisip na magpapagaan ng mga sandaling iyon kung hindi ang umiyak. Paulit-ulit na bumabalik sa kanyang balintataw ang malaking kasalanan na kanyang ginawa kay Giordano. Bagay na mas nagpabaha pa sa kanyang mga luha nang mga sandaling iyon. Hindi niya pa rin maisip na ang ilang taon nilang relasyon ng nobyo ay doon lang mauuwi at hahantong. Ni minsan ay hindi niya naisip na ang pangarap nilang dalawa noon ay sa wala lang mauuwi. Hindi niya inaasahan na ang healthy nilang relasyon ay agad na mabubuwag nang subukin iyon ng panahon, nang hamunin sila ng tadhanang dalawa. Gumuho ang pundasyon nito.   “Ang tanga-tanga mo kasi Chanel, ang tanga-tanga mo!” mahina niyang kastigo sa kanyang sarili, “Minahal ka niya, pinahalagahan at handa ka na niyang pakasalan pero bakit nagawa mo ang bagay na iyon sa kanya? Makasarili ka, naging maramot ka kaya ito ang balik sa’yo!”   Natatandaan pa ni Chanel ang kislap ng mga mata ni Giordano nang magtama ang kanilang mga mata sa isang guesting ng lalaki sa isang noon time show.  Nang mga panahong iyon ay nasa estasyon si Chanel na mayroong pag-uusapan na bagong project. Kitang-kita niya sa mukha nito ang paghanga at ganundin ang kanyang naramdaman nang mga sandaling iyon. Bagama’t hindi niya nagustuhan ang ugaling ipinakita nito noong una, unti-unti ay natuto na siyang tanggapin iyon at nakasanayan na rin niya. Labis din niyang minahal ang lalaki dahil sa ibang pag-aaruga nito sa kanya, unang kasintahan niya rin ito at kilala sila ng parehong pamilya. Gustong-gusto ito ng parents niya, at gustong-gusto na rin siya ng side ng lalaki. Kung kaya naman ang relasyon nilang dalawa na kahit tatlong taon pa lang ng mga panahon na iyon ay nauwi na sa engagement. Maghihintay na lang ng ilang taon upang magpakasal. Pulido na ang mga plano nila, nakaukit na iyon pareho sa mga puso nilang nagmamahal.   “Hi, Miss Chanel pwede bang magpa-picture?” unang tanong noon ni Giordano sa kanya na maliit niyang ikinangiti, hindi niya ugali ang tumanggi sa mga munting pakiusap na ganito.   “Sure,” tugon ng aktres na hindi na mapigilan pa na mag-init ang magandang mukha, malakas ang hatak ng charm ng lalaki sa kanya ganundin ang amoy ng pabango nito.   Tumabi na sa kanya si Giordano pagkatapos na ibigay sa assistant ni Chanel ang gagamiting cellphone nito. Sa kanilang likuran ay naroon ang logo ng estasyon ng national TV na iyon. Hindi makakalimutan ni Chanel ang kilig na kanyang naramdaman ng mga segundong iyon nang bahagya siyang hapitin ni Giordano ng isang kamay sa kanyang beywang upang magdikit pa ang kanilang katawang dalawa sa litrato. Nakakailang man at hindi siya sanay na ganun ang gawi ng mga nakakasalamuha niyang tagahanga, ngunit sa hindi malamang dahilan ay hindi niya magawang magreklamo at ipatanggal ito sa lalaki. At sa halip na tanggalin niya iyon ay ginantihan niya ito nang yakap din sa beywang nito na agad na ikinalingon ni Giordano sa kanyang magandang mukha. Hindi inaasahan ng lalaki na gaganti ang aktres sa kanya na kahit walang malisya ay hindi niya iyon mapigilan na isipin na may pagtingin din sa kanya ang babae na kagaya ng unang pintig ng kanyang puso para dito.   Malawak na ngumiti sa camera si Chanel, hindi pinansin ang malagkit na paninitig sa kanyang mukha ng famous na businessman na may-ari ng isang sikat na resort. Sa lapit nilang dalawa sa isa’t-isa ay kulang na lang na magsabay ang pintig ng kanilang puso. Mga pusong unti-unting nagiging pareho ang pagtibok at ritmo nang hindi nila alam. At nang kumislap na ang camera ay pagak na tumawa nang mahina si Giordano na marahang kinagat pa ang pang-ibabang labi niya. Panay pa rin ang sulyap sa aktres niyang kaharap. Hindi maitago ang labis niya pang paghanga sa angking ganda ng aktres sa malapitan pa. Alam ng lalaki sa kanyang sarili na gusto niya na ito, gusto niya pang makilala ang aktres. Pagtingin na noon niya lang naramdaman kahit pa may mga naging crush na ibang babae.   “By the way, congratulation’s sa panibagong milestone ng resort mo.” ngiti na ni Chanel na bahagyang naiilang at tila matutunaw na sa paninitig pa ni Giordano sa kanya, sanay naman siya na tinititigan ngunit iba ang dating ng mga titig nito ngayon. “Paano, may meeting—”   “Can I get your phone number?” mabilis pa sa alas-kwatrong pagputol sa kanya ng lalaki na agad ikinakalabog ng puso ni Chanel na kaagad na nagulat sa naging tanong nito sa kanya.   Naburo na ang mga mata ni Chanel sa kanyang mukha, at doon niya napagtanto na lalo pang gwapo ang binata sa malapitan at kapag kanyang natitigan na ito nang matagal. Isang rason kung bakit patuloy pang naghuramentado ang kanyang puso sa loob ng dibdib niya.   “For business purposes, let’s say sa promotion ng aking resort.” dugtong nitong hinagod pa ng isang palad ang buhok, bagay na lalo pang nagpagwapo sa kanya sa mga mata ni Chanel. “And guesting sa mga events na idadaos din sa aking resort, if you don’t mind Miss Chanel.”   Hindi nag-isip ng ibang kahulugan doon si Chanel, naisip niya na baka nga dahil lang doon. At sino naman siya upang tumanggi sa grasyang kumakatok sa kanyang pintuan ngayon? Nais din naman niyang makatulong sa kanyang kapwa, hindi niya rin iyon ipinagdadamot.   “Sure,” tugon na ni Chanel na kumuha sa bag ng kanyang calling card. “Here, ring me up. Papasyal ako sa resort mo once na mayroong free time akong nahanap.” ngiti niya dito.   “Thank you so much and have a nice day.” ani Giordano na inilahad sa aktres ang isang palad habang inilalagay ng isa niyang kamay sa bulsa ang calling card nito, alanganin pa iyong tanggapin ni Chanel nang makitang dumating na sa building ang iba niyang mga  kasamahan sa projects na pag-uusapan nila ng araw na iyon sa studio. Hindi matanggal sa kanyang isipan na baka iba ang isipin ng mga ito kapag nakita silang nag-uusap sa hallway kahit pa alam naman nilang friendly lang siya sa kahit na kanino at walang anong intensyon.  Ganunpaman ay tinanggap niya pa rin ang palad nitong nakalahad sa kanyang harapan. “Please to meet you, Chanel.” marahang pisil ni Giordano sa malambot niyang palad na ginantihan niya lang ng maliit na ngiti at tango habang ibinabalik ang tingin sa mga kasama.   “Nice to meet you, too.” angat niya na ng mukha sa lalaking kaharap.   “Giordano nga pala.” hirit pa ng binata sa pag-aakalang hindi pa siya nito nakikilala.   “I know,” mahinang tawa ni Chanel na nasa mga dumating pa rin ang mga mata, hinahanap niya ang bulto ng katawan ng crush niya na nababalitang makakasama niya sa isang fashion show na gaganapin sa susunod na buwan. Ayon sa Manager nito ay pupunta ito ngayon doon despite sa pagkakaroon nito ng fashion show sa ASIA. “Sikat na sikat ka kahit saang banda, ganundin ang resort mo. Sinong hindi makakakilala sa Giordano Matthew Andrade?”   Pagak na ikianatawa iyon nang mahina ni Giordano, sa kanyang pandinig ay musika ang tinig nitong bagama’t nangbabara at namimilosopo sa kanya ay tuwang-tuwa pa rin naman siya.   “Miss Chanel, start na raw po kayo.” tawag sa kanya ng assistant niyang lumabas ng room.   “Okay, wait.” tugon ni Chanel sa assistant na tumingin na kay Giordano na titig na titig pa rin sa kanyang magandang mukha, “I have to go, ingat.” taas ng kamay ni Chanel sa kanya.   Bago tumalikod kay Giordano si Chanel ay mahigpit na siyang niyakap ng lalaki na labis na ikinagulat ni Chanel at maging ng kanyang assistant na doon ay nakakita. Ilang minuto lang iyon pero tila ba nagawa na niyang palambutin ang kanyang mga tuhod ng minutong iyon. Bagay na hindi napaghandaan pa ni Chanel na gagawin ng pinagpipitagang businessman.   “Gusto pa kitang makilala,” mahinang bulong ni Giordano sa kanyang isang tainga, bagay na ikinapiksi niya. Gulat na gulat pa rin ang kanyang mga mata na kawangis na ng langit sa tanghaling tapat. “Tatawagan kita mamaya.” dagdag nito bago tuluyang tumalikod sa kanya.   Mabilis na napakurap-kurap si Chanel habang pinagmamasdan nito ang likod nito papalayo. Hindi siya makapaniwala na nanakawan ng yakap nito gayong kakakilala lang nilang dalawa. Nakikita niya ito sa mga gatherings, pero hindi sila magkaibigan at hindi pa rin magkakilala. Marahas niyang hinawi ang kanyang buhok at isinampay iyon sa kanyang bagsak na balikat.   “Did he just hug me?” lingon niya sa assistant niya, “At wala man lang paalam?” tanong niyang muli, nakalarawan na sa kanyang mukha ang labis na pagkairita sa lalaking iyon.   “Baka friendly gesture lang.” hinuha nito sa kanya.   “Friendly? Hindi kami frie—” natigilan si Chanel sa sasabihin nang makita ang crush niya na mabagal na naglalakad patungo sa hallway na kinaroroonan, “Let’s go!” hila niya sa kasama.   Nagkibit lang ng balikat ang kanyang assistant na natatawa sa kanyang naging reaction doon. Gustuhin ng kung sinu-sinong mga kilalang personalidad si Chanel nang dahil sa maganda nitong mukha, hubog ng katawan at pag-uugali. Minsan pa ay nali-link ito madalas sa mga nakakapareho niya sa mga projects na kaagad na pabubulaanan ng aktres ilang minuto pa lang na kakalabas sa media. Palakaibigan siya sa mga kasamahan, ngunit wala pa sa isipan niya ang magkaroon muna ng kasintahan. Lalo pa at ang kanyang nag-iisang crush ay mayroong non-showbiz girlfriend. Ang crush niyang siyang tanging naging dahilan upang pumasok siya sa mundo ng showbiz, ang crush niyang hindi niya inaasahang magkakaroon ng malalim na ugnayan sa kanya sa mga panahon kung saan ay mali na ang lahat. Mga pagkakamaling hindi niya matandaan nang dahil sa espirito ng alak na nasa katawan niya.   Ilang beses na nagtaas at baba ang kanyang magkabilang balikat dala na ng mas lumalakas niyang pag-iyak. Hindi niya na mapigilan pa ang magkaroon iyon ng masakit na mga tunog. Puno ng pagsisisi kahit pa alam niyang hindi niya na mababawi pa ang pagmamahal nito. Hindi niya na mababago pa ang paniniwala ang mahal niyang lalaki, at kailanaman ay hindi niya na muling makukuha pa ang tiwala nitong siya ang kusang sumira at bumasag dito.   “Sino ngayon ang lumuluhang mag-isa? Sino ngayon dito ang talunan? Hindi ba at ikaw?” tila batang musmos na kausap niya sa kanyang sarili, “Dahil malandi ka, haliparot ka, at marumi kang babae!” patuloy na sambit niya habang malakas ng humahagulhol ng iyak.   Nakatatak pa rin sa kanyang isipan ang mga mata ng kanyang nobyo na galit na galit sa kanya, ang mga mata nitong dati ay nangungusap ng labis na pagmamahal, respeto at paghanga sa kanyang mukha. Ang mga mata nitong kailanman ay hindi niya naisip na makikitang magalit sa kanya ng ganun. Ang mga mata nitong gustong-gusto niya. Ang mga mata ng una niyang kasintahan na si Giordano na nasa ibang babae na ang pagtingin nito.   “I am sorry, Hon, I am s-sorry...” salampak niya sa sahig na kanyang kinatatayuan habang hawak ang masakit na masakit niyang dibdib nang mga sandaling iyon, tila pinipiga ang kanyang dibdib nang dahil sa katotohanang iyon. “Mahal na mahal pa rin kita, Giordano.”   Tinupad ni Giordano ang kanyang pangako na tatawagan ang aktres. Nakailang ring pa iyon bago nagdesisyon si Chanel na sagutin. Nalaman niya na si Giordano iyon nang dahil sa text nito na sa kanya ang numero. Kakarating lang ng aktres sa kanyang unit mula sa meeting.   “Hello?” pata ang tinig na sagot niya doon.   “Nakaistorbo ba ako sa’yo?” unang tanong ni Giordano na kasalukuyang nasa suite ng isa sa kanyang mga kaibigan, at piniling tumambay doon bago bumalik ng resort. “Pasensiya na.”   “Ayos lang naman, kakauwi ko lang ng unit.” tugon ni Chanel na hinubad na ang suot niyang medyas, “Ikaw? Kumusta ang biyahe pabalik ng resort mo?” tanong niya na sa kausap niya.   Ayaw niyang lumabas na bastos kaya kahit gusto na niya iyong patayin ay hindi niya ginawa.   “Bukas pa ako babalik doon,” tugon sa kanya ng lalaki, nauulinigan pa ni Chanel ang mga boses ng mga kaibigan nito sa kabilang linya na nag-uusap ng pagpunta nila sa resort nito.   “Ah, okay, have fun staying—”   “Are you busy tonight?” muli na pagputol sa kanya ng lalaki na mabilis ikinaikot ng kanyang mga mata sa kawalan, nakakaramdam na siya ng inis sa mga pagputol nito sa sasabihin niya. Sinulyapan niya ang relo sa pader ng kanyang tanggapan, alas-sais na iyon ng gabi. “I am just wondering if you are busy or not.” narinig niya ang mahinang tawanan sa kabilang line.   “Hindi naman, kaya lang maaga ang call time namin tomorrow sa pagsisimula ng taping.”   “Pwede mo ba akong samahang kumain sa labas?” deretso pang tanong nito sa kanya na ikinatigil ni Chanel sa pagtatanggal ng kanyang suot na dress, “If you don’t mind, Chanel.”   Patuloy pang lumakas ang kanyang pag-iyak na nawalan na ng pakialam kung sinuman ang makakarinig sa kanya doon. Ang tanging nais niya lang gawin ngayon ay ang umiyak at ang ilabas ang lahat ng sakit na kanyang nararamdaman. Nais na niyang masaid ang mga luha sa kanyang katawan, ayaw niya nang maramdaman ang pakiramdam na iyon ngayon. Gusto na niyang tapusin ang lahat, pagod na pagod na siyang mag-isip, masaktan at umiyak. Gusto na niyang tumigil ang pagtibok ng kanyang puso kung sakit lang din naman ang hatid ng bawat pintig nito sa kanya. Kung pwede lang balikan ang mga panahong nakalipas na ay ginawa niya na, kung pwede lang sana. Hindi siya sasagot ng oo sa pag-aaya nito noon kung alam niya na ganito lang ang kakahantungan nila sa hinaharap. Tatanggihan niya ito doon pa lang.   “Kung alam ko lang sana...” sambit niya na isinubsob na ang luhaang mukha sa mga palad.   Kahit anong awat niya sa mga luha ay ayaw nitong tumigil, siguro dahil sa mga sandaling iyon ay puno ng pagsisisi at panghihinayang ang kanyang sarili sa nangyari. Naging masakit pa ang tunog ng kanyang mga iyak nang lamunin lang iyon ng tahimik na paligid ng unit. Papalakas iyon nang papalakas na lingid sa kanyang kaalaman ay dinig na dinig ni LV na nakatayo lang sa harapan ng pintuan ng kanyang unit na katabi lang mismo ng sa kanya.  Nakakuyom ang dalawang kamao na may hawak na susi ng unit niya habang marahang gumagalaw ang kanyang panga. Mababanaag sa kanyang mga mata ang sakit ng mga tunog ng iyak ng babaeng laman ng kanyang puso at gabi-gabing panaginip. Hindi na mapigilan pa ang pagbara ng kanyang nagbabadyang luha sa kanyang lalamunan. Nais niyang yakapin ito ngayon, nais niyang palisin ang mga luha nitong may kabahagi siya ng naging dahilan noon. Nais niyang aluin si Chanel at paulit-ulit na sabihin dito na magiging maayos din ang lahat.   “Hon...” hagulhol pa doon ni Chanel, marahas niyang hinawakan ang kanyang dibdib habang umaagos pa rin ang kanyang mga luha na walang pagpapanggap. Lalo pang tumindi ang sakit noon nang maalala niya ang huling mga titig sa kanya ng kasintahang ipinagtabuyan siya at ilang beses na tinanggihan. “G-Giordano...” patuloy niyang tawag sa pangalan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD