Chapter 2

1109 Words
Ilang minutong kakapasok lang ni Chanel sa kanyang ookupahing unit ay ang pagdating naman ng matangkad na lalaki sa kaparehong building. Nakasuot ito ng facemask at cap. Kaagad siyang ini-entertain ng babae na kakababa pa lang galing sa paghatid kay Chanel dahil abala ang mga kasamahan nitong staff sa ibang guest na kasunod lang ng binata. “What can I do for you, Sir?” magalang na tanong ng babae sa kanya na kinikilala siya. “Hi,” tanggal ng facemask na suot ng lalaki, isang backpack ang nasa likod nito at hila naman ang isa pang maleta na katamtaman lang ang laki, kaagad na naburo ang mga mata ng nasabing babae sa kanyang mukha partikular na sa kanyang magandang pares ng mga mata na kulay abo. “I book an apartment here under my name and it was—” “Louis Vans Valenciaga?” kaagad na pagputol nito sa kanyang sasabihing pangalan niya, hindi na maitago ang excitement sa kanyang mga mata. Nagpalinga-linga ang babae ng muling ibalik ng binata ang facemask sa kanyang mukha, ayaw niyang makaagaw pa ng atensyon ng ibang mga staff at turistang naroroon. “Oh my God! Is that really you, LV?” hindi pa rin maitago ang labis na paghanga sa mga mata at sa namumula ng mukha. Napatda ang modelo sa kanyang kinatatayuan, alam niya sa sarili niya na baka nakita siya nito sa internet kung kaya siya nito kilala. Bagay na mabilis niyang ikinatungo. Inayos niya ang kanyang suot na sumbrero, ibinaba niya iyon upang takpan pa ang kanyang mukha. Subalit ang kabiyak ng kanyang isipan ay nagsasabi na hindi, kilala siya ng Malaysian national na ito nang dahil sa isa siyang popular na modelo ng hindi lang mga underwear. Sumasabak rin siya sa mga fashion show at kasama sa runway model. “I’ve been following you on your social media account,” pagsasatinig pa ng babae sa kanyang ikinangiti niya lang ng hilaw, “Stay strong, and enjoy your vacation here.” “T-Thank you.” anang binata na alanganin pang damputin ang susi ng apartment na ipinatong nito sa may counter ng tanggapan ng nasabing building, “Should I—” “Your unit is on the seventeenth floor, Door B.” agad na putol nito sa kanya sabay abot ng isang papel na walang sulat, “And can I have an autograph from you?” ngiti pa nito. Mabilis na ngumiti si LV sa babae na naging dahilan upang bahagyang bumitak ang kanyang labi na bahagya nang natuyo sa takot niyang banggitin nito ang eskandalo. Marami pa naman doong tao ngayon na ini-estima ng mga kasamahan dito ng babae. Mabilis niyang kinuha ang papel at dinukot ang ballpen na madalas niyang gamitin. Walang imik niyang pinirmahan ang papel at nakangiti ang mga matang ibinalik dito. “And a picture?” muling hirit pa ng babae sa kanya na pulang-pula na ang mukha. Agad na bumangon ang labis na inis sa dibdib ng binata ng mga oras na iyon. Nais niya ng magpahinga dahil halos forty eight hours na siyang walang tulog. Makikita iyon sa maitim na nakapalibot sa kanyang mga mata. Siya ang nagpakalat ng kanilang video ng aktres sa araw ng kasal nito. Ayaw man niyang gawin iyon pero wala na siyang ibang naisip na paraan upang pigilan ang kasal nila. Lihim na tinatangi niya ang babae, at mas lalo niya pa itong minahal nang buong puso nitong ibigay sa kanya ang katawan noon. Na hindi lang isang beses nangyayari habang walang nakatutok sa kanilang camera, lango man silang dalawa sa alak. Hindi man siya nagtagumpay sa unang attempt na angkinin ito nang dahil sa umiiyak ito kung kaya niya tinigilan ay nagtagumpay naman siya sa mga sumunod na nito. Hindi lang isa o dalawang beses na mayroong nangyari sa kanila ng aktres, ilang beses pa iyong naulit nang naulit at lingid iyon sa kaalaman ng kanilang mga kasintahan. Noong nagkaroon ng fashion show sa ibang bansa ay kabilang silang dalawa sa mga modelong nakuha. Noong una ay ayaw pa iyong tanggapin ni Chanel dahil sa movie projects nito, ngunit nag-adjust ang company sa date nang dahil sa in demand at popular si Chanel sa mga oras na iyon. Nagkaroon sila ng after party, at pagkatapos noon ay hindi nila naiwasang may nangyari. At ang bagay na iyon ay kanila pang dinugtungan at sinundan pagbalik nila ng bansa. “Maybe next time?” tahasang reject ni LV sa kanya, nais niyang ipakita dito kung gaano niya na kagustong matulog at magpahinga. “I am sorry, look I am tired and—” “It’s okay, forgive me.” anitong tinanggap na ang autograph niya, “Thanks for this.” “I will stay here longer, so you don’t need to worry. Let’s take some pictures next time.” alo ng binata sa kanya na halatang na-disappointed sa kanya, “I need rest right now.” Tumalikod na siya sa babae nang tumango ito sa kanya. Isang lalaking staff doon ang naghatid sa kanya dahil busy na ang babaeng kausap niya sa panibagong batch ng mga turista na nagpa-book sa building na iyon upang gawing tahanan ng mga ilang buwan. “Alright, I am looking forward on that day LV!” itinaas na lang ng binata ang isang palad at hindi na nag-abala pang lumingon sa babaeng alam niyang nakatingin pa rin sa kanya. Tahimik na silang lumulan ng lift kasama ang isang staff na lalaki na tingin nang tingin. “Sir, are you from the Philippines?” tanong ng lalaking hindi na nakatiis na magtanong. “Yes,” tipid niyang sagot sa lalaking malawak na ngumiti. May nais pa sanang sabihin ang lalaki kaso hindi niya na natuloy nang sumandal si LV sa pader ng lift at kapagdaka ay ipinikit na ang kanyang mga mata. Nakahalata ang lalaki na ayaw makipag-usap ni LV kung kaya naman ginawa niya ang bagay na iyon. Ngunit ng mapansin nito ang nangingitim sa palibot ng kanyang mga mata ay naunawaan na ito. “May malapit bang convenience store dito?” maya-maya ay tanong ni LV sa lalaki na kulang na lang ay mapaigtad sa kanyang labis na pagkagulat, “Sorry kung nagulat ka.” Malakas na tumawa ang lalaki upang pagtakpan ang kanyang labis na kahihiyan doon. Ilang ulit niyang inihilamos ang palad sa kanyang namumula sa hiyang mukha kay LV. “Sa basement one Sir ng building, mayroong convenience store.” sagot pa rin nito. “Salamat,” labas na niya sa lift na bahagyang tumango pa sa lalaki na pababa na rin. “You’re welcome Sir, enjoy your vacation here.” saludo ng lalaking nakangiti sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD