Ilang sandali pa ay mabagal nang binuksan ni LV ang pintuan ng kanyang unit at walang imik na ipinasok na doon ang kanyang dalang maleta at iba pang mga gamit. Halos kaparehas lang iyon ng design ng unit na ookupahin ni Chanel, kapwa nakaharap iyon sa malayong bulubundukin ng malayo sa kabihasnang lugar. Magkaratig din ang katamtamang veranda noon na halos ay magkadikit pa. At kung sakali na kapwa sila tumambay doon ay pwede pa silang magkuwentuhang dalawa kahit na bahagyang magkalayo sila. Isang sulyap pa ang kanyang mabilis na ginawa sa pintuan ng unit ni Chanel na kasabay ng kanyang malalim na buntong-hininga bago siya tuluyang pumasok ng kanyang unit. Dala ang kanyang puso na bagama’t mabigat ay umaasa pa rin siyang ilang sandali pa ay titigil na rin itong umiyak at piliin na ang magpahinga. Alam niya kung gaano ang pagod na inabot nito sa paghahanda ng kanyang sariling kasal na hindi naman natuloy at lihim naman niyang sinira. Ang una niyang tinungo sa loob ng unit ay ang silid niyang halos karatig ng magiging kwarto din ni Chanel.
Pagkatapos niyang tanggalin ang suot niyang sapatos ay padapa na siya doong bumagsak. Sa paglapat ng kanyang likdo sa higaan ay tila ba hinihila siya noon upang magpahinga na. Ilang saglit pa ay tumihaya siya at tumitig sa kulay putong kisame ng nasabing siilid niya. Binuksan niya na ang aircon na agad na nagbigay ng mahinang ingay nang magsimula itong gumana. Binuksan niya rin ang flat screen TV na nasa mismong loob ng kanyang kwarto. Inilipat-lipat niya ang chanel noon, na humantong sa games ng sikat na football doon. Kumpleto na sa mga pangunahing gamit ang unit na iyon na may personal pang tagalinis mula sa may-ari ng building. Kada weekend ay naka-schedule iyon na linisin ng mga ito. Parang nag-hotel lang din sila, ang kaibahan ay apartment ang tawag dito o ‘di ay unit.
“Ang sarap ng matulog,” mahinang bulong ni LV na hinila na ang malaking unan doon at ang nakahanda ng comforter bago pa man siya dumating, at mahigpit niya ng niyakap ang unan.
Ilang sandali pa ay namungay na ang kanyang mga mata sa labis na niyang antok sa mga sandaling iyon. Umayos pa siya ng kanyang higa sa kama at malalim na humugot ng hininga. Nalaman niya sa assistant ni Chanel na si Teresa ang details ng unit na tutuluyan nito sa pagtungo nito sa nasabing bansa. Kilala na siya ni Teresa, kung kaya naman hindi na ito nagtanong pa nang tumawag siya pagkatapos na pumutok ang eskandalo nilang dalawa. Iyon ang buong akala niya na nang lumaon ay nhirapan pa siyang kumbinsihin ito sa nais.
“Nasaan ka?” unang tanong ni Teresa sa kanya na halata ang galit sa tono ng boses.
“Home.” maikli niyang tugon kahit na ang totoo ay kakarating lang din niya ng mainland galing ng AVIAB Resort sa intensyong dumalo sa magaganap na kasal sana nina Chanel.
“Ang laki-laki ng problemang kakaharapin niyong dalawa ngayon LV, ang mabuti pa ay umalis ka na rin muna ng bansa. Sobrang sirang-sira na ang pangalan niyong dalawa. Ewan ko na lang kung makakabalik pa kayo sa industriyang inyong ginagalawan kung ganyan na.” sintemyento pa nitong alam niyang nagagalit na rin sa kanya, nang magdesisyon siyang ilabas ang scandal nila ay hindi na niya naisip na babalik pa sa mundong iyon na sana noong una ay hindi na lang tinanggap. Masyadong toxic ang ganong trabaho para sa kanya. “Ano ba kasing ginagawa niyong dalawa ni Chanel? Nakausap mo na ang Manager mo ngayon?”
“Oo.” tipid niya na ditong tugon na ang totoo ay nag-text lamang siya dito at ayaw ng sagutin pa ang kanyang bumabahang tawag, ganundin ang mga kilala niyang reporter.
Dagdagan pa iyon ng kanyang mga kaibigan, ng mga kapamilya at dating kasintahan niyang pinili na magpakasal sa ibang lalaki taon na ang lumilipas. Sa mga sandaling iyon ay ayaw niya silang makausap, ayaw niyang paulit-ulit na magpaliwanag dahil sa bandang huli ay siya pa rin nag lalabas na masama dahil pumatol siya sa babaeng nakatakda ng ikasal sa nobyo. At alam niya na kahit anong paliwanag ang gawin niya, wala pa rin namang maniniwala dito. Kagaya siya ni Chanel ng mga sandaling iyon ay nais niya na lang ‘ring takasan ang lahat at ang mundong iyon na kanilang ginagalawan. Kaya naman nang sabihin ni Teresa sa kanya na naghahanda itong umalis ay hindi niya tinantanan ang babae hangga’t hindi nito sinasabi sa kanya kung saan ito patungo. Hindi lingid sa kaalaman ni Teresa ang namumuong pagtingin ni LV kay Chanel. Sa mga titig pa lamang nito noong minsang dumalo sila sa fashion show ay masasabi niya na mayroon iyong ibang kahulugan kahit pa alam nitong ikakasal na rin siya.
“Gugulo lang lalo ang inyong sitwasyon LV, ang mabuti pa ay magpalamig ka na lang muna.” tanging saad nito na ayaw pumayag sa hiling niya, “You are not her friend, kasama ka niya sa eskandalo ano na lang ang sasabihin ng mga taong makakakita sa inyo? Na tunay na si Chanel ang masama at nagtaksil sa relasyon nila ng kanyang nobyong si Giordano? Sa naiisip mong gawin ay lalo mo lang pasasamain si Chanel sa mga mata ng mga makakakita, huwag mo namang mas pahirapan pa siya. Labis na ang hirap na pinagdadaanan niya, ako na ang nakikiusap sa’yo. Lubayan mo na muna siya, basag na basag siya at durog na durog, LV.”
“Sino ang kasama niya papunta doon?” ayaw magpaawat at hindi tumitigil na tanong ni LV kay Teresa, hindi kaya ng kanyang konsensiya ang isipin na magiging mag-isa lang siya doon. Walang karamay, walang mapagsasabihan ng kanyang mga saloobin, at walang kasama. “Sasamahan mo ba siya doon Teresa? Kasama niya ba ang parents niya papunta doon?”
Hindi magawang sumagot ni Teresa na naiipit na rin sa sitwasyon nilang dalawa. Dahil nang sinabi niyang sasama siya, hindi pumayag ang magulang ni Chanel. Nais nilang mag-isa itong umalis dahil ika nila ay upang matuto na ito sa mga kamalian niyang ginawa sa buhay niya. Desisyon ng mga magulang ng aktres na alam niyang mahirap na suwayin at kalabanin pa.
“Hindi, ayaw nila akong pasamahin doon—”
“Tingnan mo na, magiging mag-isa lang siya doon, Teresa.” ani LV na bahagyang suminghot na, sa mga sandaling iyon ay nais niya ng makita si Chanel upang kanya na itong yakapin. “Sa tingin mo ba ay magiging maayos siya kung mag-isa lang siya doon? Kailangan niya ng kasama. Sa mga ganitong sitwasyon hindi siya pwedeng mag-isa. She will blame herself.”
Hindi na sumagot si Teresa sa kanya, tinitimbang pa niya ang sitwasyong kinakaharap nila ngayon. Naisin man niyang gumawa ng paraan para samahan doon ang aktres ngunit hindi niya ito magawa. Ayaw niya ng mas palakihin pa ang gulo ngayon na kinakasangkutan nito.
“LV, bakit mo ba ito ginagawa sa kanya?” tanong nito na halos pabulong na lang, “Alam ko na gusto mo siya, pero alam mo naman na may fiancee siya. Alam mo na ikakasal na siya—”
“Chanel’s fiancee likes someone else.” habol ang hininga niya at halos pabulong lang din na muling saad ni LV, nagbakasyon siya sa AVIAB Resort kamakailan lang at nakita ng kanyang dalawang mata kung paano nito tingnan ang babaeng kasama nito sa dalampasigan. Hindi na lang niya iyon isinatinig pa para wala ng gulo doon. Litanyang ikinalaki ng mga mata ni Teresa, walang ibang nakakaalam ng mga bagay na iyon maliban sa kanila ni Chanel. “Hindi niya deserve na matali sa kanya, kung kaya ayos lang ang nangyaring revelation ng scandal.”
“OMG!” bulalas ni Teresa na hinilot na ang kanyang sentido, “Naririnig mo ba ang sarili mo ngayon LV?!” halos mapatid ang kanyang litid sa leeg na tanong iyon, “Karera niyong dalawa ang nakataya dito, sa tingin mo ba ay makakabalik pa kayo sa pagmomodelo niyo?” bulalas nito na hindi na alam ang dapat niya pang sabihin, nasa labas siya ng tahanan nina Chanel dahil kakatapos niya lang mag-impake ng mga gamit nitong dadalhin sa pag-alis nito. “And it doesn’t mean na hindi niya na deserve na ikasal sa fiancee niya at maging masaya, Giordano only lost his memory. Ngunit sa puntong ito ay bumalik na ang kanyang mga alaala at—”
“Wala akong pakialam sa lalaking iyon, sabihin mo sa akin kung saan papunta si Chanel!” agad na pagputol niya sa mga sasabihin pa nito sa kanya na ayaw niya na ‘ring marinig pa.
“No, hindi mo siya pupuntahan doon!” mariing napapikit na ng kanyang mga mata si Teresa, hindi na alam ang desisyon na gagawin niya. “I will talk to your Manager LV.”
“Teresa, anong mahirap sa pakiusap ko?!” ahon na ni LV sa upuan at pagtataas na ng tono dito, “Alam mong gusto ko siya, the scandal is between us. Gusto ko siyang samahan doon!”
“Sa tingin mo makakatulong sa kanya na makita ka doon?!” ganting sigaw ni Teresa sa kanya, naiinis na rin sa labis na kakulitan ng modelong kausap niya ngayon. “You are part of the scandal, nandoon ka LV. Sa tingin mo hindi bangungot sa kanya ang makita ka ngayon?”
“Then, I won’t show myself to her! Gusto ko lang na samahan siya kung saan siya pupunta. Anong mali doon? Bakit hindi mo maintindihan? Samahan mo siya at hindi kita pipilitin.” muling giit ni LV na nagpalakad-lakad na sa kabuohan ng silid na kinaroroonan, marahas niya pang ginulo ang kanyang buhok na bagong gupit lang nang nagdaang araw. Makikita ang pagod sa kanyang mga mata. Tapos na niyang ikalat ang mga video nilang dalawa na talagang intensyon niyang gawin iyon, “Babantayan ko lang siya mula sa malayo, Teresa, nauunawaan ko siya at pareho naman kaming victim dito. Bakit ipinagdadamot mo iyon? Nagmamalasakit lang naman ako sa kanya ngayon. Bakit ayaw mong sabihin sa akin ito?”
“LV...” pigil ang hininga ni Teresang nakikiysap na, “Hindi ito magugustuhan ni Chanel—”
“Ayaw mo bang may titingin sa kanya habang nandoon siya?” pagputol niya muli sa kanya, makikita na ang labis na pagkairita sa kanyang mga mata. “Sa tingin mo ba ay sobrang tatag niya? Chanel hates by everyone now and even you can’t do anything about it. Hindi mo nga siya magawang samahan doon. Sobrang hirap ng sitwasyon niya ngayon tapos ayaw mo na may magbabantay sa kanya mula sa malayo? Hindi ako lalapit sa kanya, sa malayo lang ako, hindi ko siya guguluhin doon. Hindi ako siya papakialaman sa mga gagawin niya.” malalim niyang buntong-hininga na patuloy sa pangungumbinsi sa babae, hindi siya papayag na hindi ito masundan sa kanyang pupuntahan. “Maaatim mo ba na wala siyang kasama—”
“LV, she needs to rest as she was tired now. Hayaan natin siyang lumayo at magpahinga.” muling saad ni Teresa, “Saka mo na lang siya puntahan, saka na lang siya sundan doon.”
“Please, Teresa, kung kinakailangang lumuhod ako sa harapan mo upang ibigay mo ang detalye.” muling saad pa ni LV sa babaeng tanging nakakaalam ng nararamdaman niya para kay Chanel, they are close but Chanel sees him now only as her friend even though siya ang dating crush ni Chanel at ang naging rason ng pagpasok nito ng showbiz dahil sa oras na iyon ay may Giordano na ang aktres. Bagay na hindi alam ni LV na gusto pala siya ni Chanel.
“Bakit kasi may video?!” pagsabog na rin ni Teresa na naaawa na kay Chanel, hindi na niya nakayanan pang itago ang kanyang saloobin sa lalaking kausap. “Kung gagawin niyo lang din naman ang mga bagay na iyon bakit kailangan niyo pang kuhaan ng ebidensya iyon?!”
Hindi makapagsalita si LV, at first it was not his intention. Hindi niya rin alam na makukunan sila ng video ni Chanel ng mga panahong iyon. Nagkamali sila, alam niyang mali ang ginawa nila kung kaya naman ayaw na niyang maulit pa iyon. Subalit dumadating sa punto na hindi niya na mapigilan pa ang kanyang sarili lalo na kapag lumalapat na ang labi nito sa leeg niya. Pumupungay na ang mga mata ng aktres sa kanya. Nagaganap lang ang mga bagay na iyon kapag nakakainom silang dalawa at nasa ilalim ng espirito ng alak. Bagay na hindi na niya magawang tanggihan pa kahit na pareho silang mayroong kasintahan. Lingid sa kaalaman ni LV na may tinatawag na blacking out si Chanel, na ang ibig sabihin ay nakakalimutan nito ang nangyayari ng nagdaang gabi. Nagkakaroon siya ng pansamantalang amnesia kapag umiinom niya ng alak. At ang mga bagay na iyon ay hindi niya pa rin alam sa oras na iyon.
“Chanel...” mahina niyang tawag sa pangalan nito habang nasa balcony sila ng isang bar.
“What?” ngisi nito na halatang nasa ilalim na ng alak, that time twenty pa lang si Chanel at ilang taon pa lang sa pagmomodelo hanggang sa naging artista na ito. Wala pang Giordano sa buhay nito, nananatiling si LV pa lamang ang gusto niya ng panahong ito. “Ayaw mo bang hawakan ka, Vans?” papungay pa ng mga mata ni Chanel sa kanyang binasa pa ng laway ang labing bahagya nang natuyo. Hindi na mapigilan na umangat na ang gilid ng kanyang labi.
Mariin siyang napapikit ng kanyang mga mata, naririndi sa ingay ng paligid ng lugar. After party iyon pagkatapos ng kanilang fashion show sa Singapore. They tried once na may mangyari sa kanila but since Chanel cried out loud nang tangkain niyang pasukin ang bukana nito three years ago, hindi niya na iyon itinuloy pa at nagsariling sikap na lamang. When morning comes, tila walang nangyari sa kanilang ganun nang dahil sa akto ni Chanel. LV tried to asked her, ngunit hindi na iyon nasagot pa nang magdatingan ang mga kasama.
“Gusto kita, dati pa.” bulgar na saad ni Chanel na sumimsim pa ng alak sa basong hawak.
Sa kanyang edad na twenty-three ng panahong iyon ay hindi na siya pinagbabawalan ng mga magulang niya na uminom ng alak. Nang dahil na rin sa kailangan niyang makisama.
“You have a boyfriend...” LV paused a bit, nag-aalinlangan pa rin ang mga matang gumagala sa mga sumasayaw na mga kasamahan na nasa lugar, “And I have a girlfriend, huwag tayong maging makamundo, Chanel.” alog niya sa lamang ng basong kanyang hawak.
“It doesn’t matter, as long as hindi nila malalaman.” tugon ng dalaga na halos ikahulog ng panga ni LV habang nakatitig sa mukha ni Chanel na tila ba ibang tao ang kausap niya.
“What do you mean?” harap niya kay Chanel na hapit na hapit sa magandang hubog ng katawan ang kanyang suot na red sexy dress, lalo pa noong pinalitaw ang kakaiba nitong ganda. “Tumigil ka, parang hindi ikaw iyang nagsasalita ngayon sa aking harapan, Chanel.” nilakipan pa iyon ni LV ng mahinang pagtawa at marahang umiling-iling habang nakatitig na sa babae. “Dapat na alagaan natin ang mga karelasyon natin, huwag tayong ganito.”
Hindi sumagot si Chanel kay LV, nanatiling nakatitig ang mga mata niya sa mukha ng modelo.
“Hello, LV nandiyan ka pa ba?” untag ni Teresa na nasa kabilang linya nang hindi siya sumagot sa katanungan nito kanina, mabilis siyang umubo-ubo sa pagbabalik-tanaw.
“N-Nandito pa ako, Teresa.”
“Fine, ibibigay ko ang address ng apartment niya doon pero sana tuparin mo ang pangako mo na babantayan mo siya sa malayo. Huwag mo siyang pababayaan sa bansang iyon, LV.”
“Yes, I will Teresa.” malalim na hugot ng hininga ni LV pagkatapos na sabihin niya iyon.
“Alright, I will send you a message about the complete details of address.” wika ni Teresa na halatang napipilitan lamang, “Please take care of her kahit hindi niya alam na nandoon ka rin sa lugar na iyon.”