Ilang minuto na ang nakakalipas magmula nang idilat ni Chanel ang kanyang mga matang maga at namumula. Dama niya ang panghahapdi noon nang matamaan ng liwanag mula sa ilaw ng kanyang silid na hindi niya nagawang patayin nang nagdaang gabi. Tumagilid siya sa kabila at niyakap ang malaking unan na naroroon. Pabalagbag ang kanyang higa sa kama, patunay noon ang mga paa niyang tumatama sa sahig nang nasabing silid. Hinila niya ang comforter at ibinalot iyon sa kanyang katawan. Wala pa sa kanyang isipan ang bumangon at umalis ng kanyang kama. Gusto niya pang matulog kahit na alas-diyes na ng umaga, iyon ang sabi ng oras sa screen ng kanyang cellphone na kapagdaka ay kanyang binuhay. Nais niya pang matulog, nais niya pang ipikit ang kanyang mga mata, nais niya pang bumalik sa kanyang panaginip k