Chapter 22

2577 Words

Naging maganda ang gising ni Chanel kinabukasan ng araw na iyon, tila malaki ang naging ambag sa kanyang pakiramdam ng pagkikita nilang dalawa ni LV nang nagdaang araw at pagkain nila ng dinner nang magkasama. Ang pangyayaring iyon ay nakatulong sa kanya upang makatulog siya nang maaga at mas mahimbing nang nagdaang gabi. Para sa kanya ay iyon na ang pinakamahimbing  niyang pagtulog magmula nang maranasan ang kabiguan. Magaan ang kanyang pakiramdam na hindi na kailangang mag-overthink ng mga nangyari sa kanyang buhay. Hindi man niya sabihin sa kanyang sarili ay isa si LV sa kanyang naging dahilan bukod sa kanyang mga magulang upang piliing sumaya at makisabay na lang sa agos ng kanyang buhay. Mabilis niyang sinuklay ang kanyang maikling buhok habang nakangiti siya sa harapan ng malaking sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD