Hustong labas ni Chanel sa exit ng cafeteria upang magtungo na sa studio ay siya namang liko ni LV upang saglit na pumasok sa loob ng cafeteria at mag-order ng kapeng paborito. Ganun na lang ang gulat na nakalarawan sa mukha ni Chanel nang makita niya sa pintuan ng studio si LV kasunod ni Andrius, bitbit ang isang baso ng kape. Kunot-noo na dito siyang sumenyas nang magtama ang kanilang mga matang dalawa kung ano ang ginagawa niya doon. Katanungan na pinagtawanan lamang ni LV at ipinagkibit niya lang din ng balikat niya. Halos kumpleto na rin ang mga estudyante ngayon doon na nakaupo na sa mga pwesto nila. At tanging si Andrius na lang ang hinihintay upang magsimula na ang kanilang klase ngayon. Tapos na rin nilang ihanda ang mga pinturang mga gagamitin na nasa lalagyan na, sa araw na iyon