“Ang lakas ng loob mong takutin ako pero ikaw pala itong may itinatagong baho!”
malakas na sigaw ng nobyo at itinuro pa siya nito habang nanlilisik ang kanyang mga
mata, “Chanel, nakiusap ako sa’yo noon. Alam mong mahal ko siya!” hagulhol niya ng
iyak sa labis na galit sa kanya, noon lang nakita ni Chanel na umiyak ang lalaki kung
kaya naman ay labis din siyang nasasaktan. “Bakit sa akin mo lahat isinisisi?! Hindi ba at
ikaw naman pala itong unang ginawa akong tanga!? Minahal kita Chanel, tunay na
minahal kita bago pa ang aksidente ko pero bakit...bakit nagawa mo sa akin ang bagay
na ito?! Bakit mo ginagawa ito?! Anong naging kasalanan ko sa’yo?! Sabihin mo sa
akin?!”
“H-Hon, let me explain.” pilit na wik niya na sinubukang tumayo kahit pa alam niyang
nanghihina pa rin ang kanyang mga tuhod sa oras na iyon, “Hindi ko sinasadya na—”
“Dalawang beses pero hindi mo sinasadya?!” pagputol nito sa kanya na kulang na lang
ay magwala at bugbugin siya na sa paningin nito ay kasuklam-suklam, “Ano bang
kailangan mo sa akin at ipinipilit mong pakasalan kita? Anong kailangan mo para gawin
ito sa akin? Para pagtakpan ba ang kasalanang iyong nagawa?! Para ano Chanel?!”
malakas ng humikbi si Chanel sa mga sandaling iyon, “Alam mong may kasalanan ka rin
pero pinilit mo pa rin sa akin ang sarili mo, sana hindi mo na lang ako pinahirapan pa!”
“Giordano...”
Nais niyang sabihin sa fiancee na pakinggan siya nito kagaya ng pakikinig nito sa kanya
dating mga hinaing. Nais niyang hilingin na bigyan pa siya ng huling pagkakataon nito.
Ngunit hindi niya iyon magawa na kaagad ng tinakpan ng mga hikbi at ng mga iyak
niya.
“Nakakadiri ka, ikinakahiya ko na minahal kita at naging proud akong boyfriend mo!”
iiling-iling niyang tingin sa mga magulang ni Chanel na wala pa ‘ring masabi sa mga
sandaling iyon, “Kahit kailan, ayaw na kitang makita pa. Umalis ka na sa Resort na ito
bago pa maging mas malala ang kahinatnan ng pangalan mo, umalis ka na Chanel.”
“H-Heto na, aalis na ako, aalis na ako sa buhay mo kagaya ng hiling mo.” bulong ng
dalaga na patuloy na nalulunod pa rin sa kanyang masaganang mga luha ang mukha.
“Maging masaya ka na sana, maging masaya ka na sana ngayong wala na ako dito.”
Bago pa ngumiti ang haring araw sa kalangitan ay nasa labas na si Chanel ng Kuala
Lumpur International Airport, nakaapak na ang dalawang mga paa sa banyagang bansa.
Bago lumabas doon ay nagpapalit siya ng value ng pera sa nasabing bansa. Naghihintay
ng masasakyan patungo sa lugar na sinabi ng kanyang mga magulang. Halos isuksok na
ng dalaga ang malungkot na mukha sa kanyang suot na hood ng jacket. Hindi niya
naman iniisip na sikat siya sa bansang iyon, ang ayaw niya lang ay may makakita sa
kanya na kapwa niya Pilipino at makuhanan ng larawan. Ayaw niya na ng eskandalo.
“Desa Park City, South Brooks.” basag ang tinig na tugon niya sa driver ng taxi na sa
kanyang paningin ay tagaroon, pinagmasdan siya nito sa rearview mirrors at ngumiti.
“Where are you from?” muling tanong nito na nag-set na ng metro ng sasakyan, “Are
you from States?” tanong nito na nakita na ang hibla ng natural na blonde niyang buhok.
“No,” iling niya na bahagyang ngumiti, “I am from the—” saglit siyang natigilan sa
kanyang sasabihin, naisip niya na mas magandang itago na lang ang katauhan niya. “I am
from Siberia, it was a region in Russia.” tugon niyang maliit pang ngumiti sa driver.
“Oh,” tango-tango nito sa kanya na animo naniniwala.
Chanel is not lying, taga Siberia ang kanyang ama at Pilipino naman ang kanyang ina. She
was born in Siberia at nang mga edad sampu ay nag-migrate na sila ng Pilipinas upang
dito na magnegosyo at manirahan. They learned Filipino language na hindi nagtagal ay
naging main language na ginagamit na nila sa bahay. At halos ginugol na rin niya ang
kanyang kabataan sa Pilipinas, maging ang passport na gamit niya ay sa Pilipinas dahil sa
kalahati ng kanyang pagkatao ay Pilipino. Ngayon niya naisip na bakit hindi siya pinadala
ng kanyang mga magulang pabalik ng Siberia, may bahay sila doon na hanggang ngayon
ay hindi pa rin nila ibinibinta. Citizen pa rin naman sila doon, katunayan ay passport
holder rin sila doon. At higit na mapapanatag sana siya doon keysa dito sa Malaysia.
“We are here,” maya-maya pa ay anunsyo na ng driver sa kanya na hindi na napansin na
nakarating na pala silang dalawa sa kanyang pupuntahan, “It was only fifteen ringgit.”
Sabay silang bumaba ng sasakyan, kinuha sa compartment nito ang kanyang maleta.
Nakangiti niyang ini-abot sa lalaki ang perang kanyang pamasahe, at nagpasalamat.
“I hope you enjoy your vacation here, Miss Siberian.” saludo nitong muling ngumiti.
Tumango lang si Chanel sa kanya at iginala ang kanyang paningin. Nasa harapan na siya
ng condo unit doon na may pangalang South Brooks na maraming halaman ang paligid.
Ilang beses siyang bumuntong-hininga bago nagpasyang pumasok sa tanggapan nito.
“Hi, I am Rebecca Chanel Noura.” lahad niya sa babae ng kanyang passport, “My parents
book me a unit here under my name. Can you tell me which floor and guide me too?”
“Hi, Ma’am, welcome to our building!” masiglang bati sa kanya ng babae doon, “Wait a
minute, let me check which floor and which door.” kuha niya na sa passport ng aktres.
Matamang nakatayong naghintay lang doon si Chanel, at ilang minuto pa ay na-verify na
nito ang unit na ookupahin ng dalaga sa nasabing building. Nginitian siya nito ng maliit.
“This way Ma’am Rebecca,” turo nito sa daan patungong lift, “Are you travelling alone?”
“Yes.” walang gatol na tugon niya na lumululan na ng lift.
“Your unit was on the seventeenth floor, Door A.” dagdag pa nito sa kanya.
“Thanks.” maikling tugon niya sa babae na tahimik siyang pinagmamasdan.