Makulimlim ang araw na iyon, maraming mga ulap ang nakakalat sa kalangitan na kagaya na lang ng pares ng mga mata ni LV na matamang nakatingin kay Chanel. Nasa labas pa ito ng sasakyan at ilang dipa ang layo dito, samantahalang nasa driver seat na si LV at hinihintay na lang ang aktres na dito ay lumulan. Sa mga sandaling iyon ay hindi mapawi ang mga ngiti ni LV na nakapagkit sa kanyang labi, habang pinagmamasdan pa rin si Chanel na may sakbat na backpack ng kanyang mga gamit sa kanyang likod. Ayaw nitong ibigay iyon kanina kay LV nang kinukuha niya ito, ang katwiran nito ay napakagaan naman ng backpack niyang iyon at hindi na niya kailangan ng tulong mula sa lalaki kahit kaibigan na ang turing niya ng mga sandaling iyon. Hindi na rin siya dito naiilang lalo na kapag tinititigan siya nito