KAREN
Dumaan muna ako sa isang drive thru na coffee shop bago ako umuwi. Medyo parang minamartilyo pa ang ulo dahil sa hangover kaya kailangan ko ng pampagising.
Pabalandra ko lang na ipinark ang kotse ko bago ko nakangiting ihinagis kay Kuya Samuel ang susi. Nasalo naman niya iyon at ngumiti sa akin. Siya na ang bahalang magpark noon sa garahe.
Isa siya sa mga driver dito sa bahay. Maliban sa personal driver ni Dad.
Dala ang kapeng binili ko ay pumasok ako sa loob ng bahay. Wala na ang ama ko ng ganitong oras kaya sigurado akong walang sermon na sasalubong sa akin. Maliban na lang mamaya pag-uwi niya. Isa pa sanay na ako sa sermon ni Dad. Kaya ko na ngang i-recite ang mga sinasabi niya sa akin dahil paulit-ulit lang iyon.
Pero kung walang sermon na sumalubong sa akin, meron namang bruha. Nalukot ang mukha ko nang makita ko ang mukha niya. Nasa bahay lang siya pero iyong red lips niya daig pa ang may gyera siyang pupuntahan. Siya iyong tipo ng babae na masyadong metikulusa sa katawan. Kahit nasa bahay akala mo palagi ay may lakad siya sa postura niya. Masyado siyang pasosyal, hindi naman bagay sa kaniya.
"Ito ba ang matinong uwi ng isang babae? Umaga na? My goodness, Karen. You're a senator's daughter, pero anong ginagawa mo? Nagwawalwal hanggang umaga? You're dad can't sleep last night kahihintay sa'yong umuwi," galit na bungad ni Rachel. Akala mo ay stress na stress ito at nag-aalala sa akin dahil inumaga na akong umuwi.
Walang pakialam na tiningnan ko siya. Bakit ba kung makaakto siya parang nanay ko? Pareho naman naming alam na wala siyang pakialam kahit anong oras ako umuwi. She's acting na para bang concern siya sa akin pero deep inside tuwang-tuwa naman siya kapag pinapagalitan ako ni Dad. Kung may evil angel si Dad, ang asawa niya iyon. Sulsulerang masyado ang babaeng ito kapag pinapagalitan ako ng ama ko.
"Ma, tama na iyan." Napatingin ako kay April na pababa ng hagdan.
Very demure.
Very classy.
Lagi naman siyang ganiyan parang bindi makabasag pinggan. Iyong tipong the good daughter. Habang ako, syempre ako iyong pasaway, matigas ang ulo, sakit sa ulo, lahat na yata ng bad adjectives ikinakabit ni Rachel sa pangalan ko. Anak lang dapat niya ang palaging bida sa harap ng lahat.
"No. Matanda na siya. She must stop partying and help you to the foundation."
"Kaya ko namang i-manage ang foundation na mag-isa. If Karen wants a different path, we can't force her."
Tumingin sa akin si April at ngumiti.
I rolled my eyes. No matter how nice she acts, I can feel that's not her real her.
"Excuse me," saad ko at uminom ng kapeng hawak ko bago muling tumingin sa kanila. Napatingin naman sila sa akin. "Ang paplastic ninyo."
Rached gritted her teeth while looking at me. I gave her a mocking style. Nakakatuwa talaga ang matandang ito. Ang daling mapikon. Siya iyong tipo ng tao na mahilig magsimula ng away pero pikunin naman.
"Your daughter is right. Don't force me to manage the foundation kasi kapag ginawa ko iyon mas mahihirapan siyang magpalapad ng papel kay Dad. Iyon ba ang gusto mong mangyari?" Naningkit ang mga mata nito sa akin. Hindi maitago ang inis sa mukha niya kaya lalong lumapad ang ngiti ko. "Don't be mad. Your wrinkles," paalala ko sa kaniya at humakbang patungo sa hagdan pero nakaharang si April na nakatayo sa puno ng hagdanan at nakahawak sa steel na nasa gilid. "Tabi, daraan ako," mataray na saad ko rito.
Mabilis naman itong tumabi at maarteng umakyat ako ng hagdan. Natatawa pa ako habang ramdam ko ang mga inis na tingin nila sa likod ko pero hindi ako lumingon. I just flipped my hair and continued walking.
Naligo lang ako at bumaba na ako. Kape pa lang ang nailalaman ko sa sikmura ko. Balak kong kumain at uminom ng gamot upang mawala ang sakit ng ulo ko dahil sa hangover. Ang alak talaga masaya lang inumin sa una pero kinabukasan, isusumpa mo talaga.
Naka-short at malaking tshirt lang ako ng lumabas ako ng kwarto tapos iyong buhok ko na medyo basa pa dahil nagmamadali akong mag-blower ay nakalugay lang. Hindi talaga ako palaayos kapag nasa bahay lang. Maganda naman ako kaya hindi ko kailangang umasa sa kolorete masyado, maliban na lang kung oras ng trabaho. Hindi gaya ng madrasta ko na hindi yata lumalabas ng kwarto niya na walang pintura ang mukha.
Nanghalungkat ako ng pwede kong kainin at pagkatapos kong kumain ay bumalik ako sa kwarto ko.
Kung hindi ako nagba-bar ay nakasanayan ko nang magkulong sa kwarto ko lalo na at wala akong trabaho. May mga araw na talagang ayaw kong lumabas ng bahay. Meron namang araw na parang ayaw ko nang bumalik sa bahay, depende sa mood ko.
Umupo ako sa malaking bag beans sa kwarto habang nasa kandungan ko ang laptop.
Napangiti ako bago ko binuksan ang social media accounts ko sa iba't-ibang platforms. Bilang modelo, malaki ang kinikita ko sa mga endorsement ko. Pero nagbukas ako ng mga social media account ko hindi dahil may gusto akong i-post ngayong araw kundi dahil may balak akong i-stalkin.
Sabi ni Marco ay sikat siya kaya agad kong tinype ang pangalan niya.
Enzo Del Prado.
Napangiti ako ng makita ko ang mukha niyang sunod-sunod na lumabas sa screen ng laptop ko.
“Enzo Del Prado. He is the only son. His father died when he was young, kaya nanay na lang niya ang nagpalaki sa kaniya. Okay,” saad ko habang binaba ang nakatingin sa profile nito at mga information na naroroon. Marami nga siyang nagawang movies pero most of it ay mga BL o boys love movies. Hindi ako mahilig sa mga ganoong genre. Meron naman siyang ilang straight movies pero mas marami pa rin ang BL.
Mabilis kong nakita ang mga social media account niya dahil lumabas rin iyon ng i-search ko ang pangalan niya.
Napataas ang kilay ko nang mapansin kong mas marami siyang followers kaysa sa akin. He has 12.6 million followers, habang ako 768 thousands lang. Wala pang ten percent ng sa kaniya. Ganito siya kasikat? Saang bundok ba ako galing at hindi ko siya kilala agad? Hindi kasi ako mahilig manood ng tv kaya maaring kaya hindi ko siya nakikita dati.
Idagdag pang hindi ako mahilig sa mga tipo ng mga movies na ginawa niya kaya hindi ako interesado dati. Horror or action ang gusto ko. Iyong tipong may p*****n hindi dalawang lalaking nag-e-espadahan.
Hindi naman sa ayaw ko sa mga bakla dahil madami akong kaibigang bading gaya na lang ni Marco. Awkward lang sa aking makakita ng sweet scenes ng dalawang lalaki. Hindi ako sanay.
“I hope he is not gay,” biglang naibulong ko sa hangin. Dahil kapag baliko siya mahihirapan akong tuwirin ito. Hindi niya papansinin ang beauty ko.
He is a BL actor pero hindi naman ibig sabihin noon na baliko agad siya. Meron namang mga artista na magaling magbakla-baklaan pero lalaking-lalaki pa rin. Artista siya kaya magaling siyang umarte, iyon na lang ang itinatak ko sa isip ko.
Isa pa nakita ko kanina na madalas ay Top ang role niya sa mga boys love movies niya. Kaya malaki ang posibilidad na straight siya.
Sayang naman kung parehong talong ang gusto naming dalawa. Type ko pa naman siya. Mukha namang bagay kami, saka kung hindi kami bagay pwes ipipilit ko. He already caught my attention, and I will not let him slip on easily.
Nag-scroll ako para tingnan pa ang mga larawan niya.
Meron siyang mga picture na parang ang soft ng awra niya, iyong tipong parang medyo feminine siya. Pero meron ding, parang lalaking handa kang warakin anytime. Bigla akong kinikilig kapag nakikita ko ang mga picture niya kung saan seryoso ang mukha niya.
Hindi ko mapigilang mas mapahanga sa kaniya. Paano niya nagagawa iyon? Parang may dalawang personality. Ganoon siya kagaling na actor? Nagagawa niyang baguhin ang awra niya? Pero madalang ang hot version niya, iyong mukhang seryoso at parang ready nang manlapa anytime. Mas madami ang mga soft, iyong nakangiti siya at parang ang bait-bait niya. Parang friendly, ganoon. Mas gusto ko ang mukhang masungit na version niya.
Ang galing niyang magpalit ng facial expressions.
Hanggang sa makaabot ako sa huling post niya na ilang taon na ang nakakaraan.
Agad na nag-follow ako sa lahat ng accounts niya sa mga platform na meron ako. Sana lang mag-follow back siya.
Napangiti ako habang nakatitig sa larawan niya kung saan nakaupo siya sa couch at tanging pants lang ang suot niya.
He looks hot. The way he looks in the camera is like he is looking into your soul. Ibang -iba ang larawang iyon sa mga nakangiti niyang larawan. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking mas nagiging gwapo at sexy kapag mukhang seryoso.
“Target locked,” nakangising saad ko at hinaplos ang screen kung saan nandoon pa rin ang larawang tinitingnan ko mula kanina.
First time kong ma-attract sa isang lalaki ng ganito. Hindi ko alam pero I find him mysterious.
Napatingin ako sa mga mata niya. Tila ba napakaraming sekretong nakatago doon na gusto kong alamin.
He is a BL actor, but he is not gay because I can still remember how he kissed me back when we were in Singapore.
We will meet again soon.