KAREN
Malakas na tunog ng nagri-ring na selpon ang gumising sa akin. Pinilit kong kapain ang phone ko pero wala akong makapa mula sa side table. Saan napunta iyon? Tuluyan na akong napamulat dahil hindi ko makita ang phone ko na wala pa ring tigil sa pag-ring.
Napatingin ako sa ibaba ng kama at nakita ko ang clutch bag ko. Agad na dinampot ko iyon habang nakadapa ako sa kama. Bahagya ko lang inilawit ang katawan ko para abutin iyon. Kinuha ko ang phone ko at sinagot ang tawag. Antok na antok pa ako kaya muli kong pinikit ang mga mata ko at hinintay lang na may magsalita mula sa kabilang linya.
“Asan ka?” boses ni Marco ang narinig ko.
Napakunot ang noo ko sa tanong niya. Bakit niya tinanong kung nasaan ako? Nandito lang naman ako sa hotel room niya. Sabi niya kagabi dito ako matulog kaya nandito ako.
“In your hotel room,” inaantok na sagot ko.
Tumihaya ako at naghikab.
Napahawak ako sa noo ko at bahagya ko iyong hinilot. Medyo pumipitik ang sintido ko. Masakit. Kasalanan na naman ito ng alak na ininom ko kagabi.
“Are you sure? Because I am here at hindi kita makita. Wala ka rin naman sa bathroom,” sagot nito kaya napabalikwas ako ng bangon.
Napatingin ako sa wall clock na nakasabit at ayon doon ay alas diyes na ng umaga. Pero dahil may hangover ako tinatamad pa akong bumangon.
“Then asan ako?” tanong ko sa kaniya at inilibot ko ang mga mata ko sa paligid.
Hindi ba ito ang hotel room niya? If hindi? Bakit nandito ako? Anong ginagawa ko rito? Hindi naman ako makakapasok dito kung hindi ito occupied kasi bawal iyon.
“Iyan din ang itatanong ko sa iyo. Asan ka?”
“I am inside a room nga.” Tiningnan ko ang sarili ko. “OH s**t!” naibulalas ko nang nakita kong naka-roba na lang ako.
“Napano ka?” nag-alalang tanong ni Marco mula sa kabilang linya.
Dinama ko ang gitnang bahagi ko. Hindi masakit. Ginalaw-galaw ko ang binti at balakang ko. Hindi rin masakit. Saka pa lang ako nakahinga ng maluwag. Akala ko nawala na. Mabuti na lang intact pa rin.
“Karen? What happened?” muling tanong ni Marco.
“Nothing. Nagulat lang. "I will call you later, bye. ” Agad na binaba ko ang tawag at hinanap ang dress ko pero hindi ko matagpuan. Inilibot kung muli ang tingin ko sa paligid dahil baka naihagis ko pero hindi ko makita.
Tiningnan ko sa ilalim ng kama pero wala doon. Nagtungo ako sa bathroom pero wala akong makita. Napasabunot na ako sa buhok ko. Saan napunta ang damit ko? Hindi ako pwedeng lumabas na ganito lang ang suot ko. Siguradong may makakakita at makakakita sa akin. Baka mabalita na naman ako.
Napatingin ako sa may shower area tapos napatingin naman ako sa toilet bowl. Napatakip ako ng bibig ko habang parang nagpa-flashback sa utak ko ang mga ginawa ko kagabi.
Ginawa ko ba talaga iyon?
“Ahhh! Nakakahiya!” sigaw ko. Sinabunutan ko ang sarili ko habang nagpapadyak ako.
Sa dami nang gagawin ko ang sukahan pa talaga siya? Tapos naghubad pa ako sa harapan niya. Well, sanay naman akong irampa ang katawan ko kapag may runaways pero iyong ginawa ko kagabi habang lasing ako. Ikinakahiya ko bigla ang sarili ko.
Hindi ako pwedeng magkamali si Enzo iyong lalaki kagabi.
Pero hindi pa ako nakuntento. Pinanood ko pa siyang maligo. Medyo malabo sa akin kung paano ako nakabalik sa kama. Baka tinulungan niya pero ginawa ko talaga iyon?
Bumalik ako sa kama at kinuha ang phone ko. Agad na tinawagan ko si Marco.
“Where are you?” bungad ko sa kaniya nang sagutin niya ang tawag ko.
“Pababa na ng hotel.”
“I need clothes.” Nakagat ko ang kuko ko sa hinlalaki nang muli akong mapatingin sa roba na suot ko.
“Why? Asan ang damit mo? Oh em gee? Don't tell me isinuko mo na sa isang mananakop ang iyong yaman? Sino ang nakakuha ng Yamashita treasure mo?” exaggerated na tanong nito.
“HINDI!” malakas na sagot ko sa iyo. “Basta dalahan mo ako ng damit ngayon dito sa room… “ hinanap ko kung nasaan room ako at nakita ko mula sa may pinto ang nakaukit na number. “Room 207.”
“Anong ginagawa mo riyan?”
“Hindi ko rin alam. I need clothes asap.”
“Okay. Wait lang,” sagot nito at pinatay na ang tawag.
Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama.
I saw him again. Enzo Del Prado. Kung ang unang pagkikita namin ay okay pa dahil I just kissed him when I was drunk. Mas malala ngayon. Bakit ba kasi nagpapakita lang siya sa akin kapag lasing ako? Hindi ko tuloy alam ang mga kahihiyang ginawa ko.
Inis na kinuha ko ang kumot at gumulong ako sa kama hanggang sa pumulupot ako doon.
“You are stupid, Karen,” saad ko sa sarili ko.
New Crush ko pa naman iyon tapos ganoon ang ginawa ko. Paano kapag na-turn off siya sa akin? Baka isipin niya lasenggera ako kasi palagi akong lasing kapag nakikita niya.
Hindi pwede!
Nang may nag-doorbell ay agad na tumayo ako at binuksan ang pinto. Bumungad sa akin si Marco na may dalang isang paper bag.
Agad na hinila ko siya papasok at mabilis na sinara ang pinto.
“Kaninong room ito?” agad ay tanong nito ng makapasok at inilibot ang mata sa paligid.
“Kay Enzo. You know your crush,” sagot ko habang tinitingnan ang damit na binili niya sa akin. May himik pagmamalaki pa ako habang sinasabi ko iyon sa kaniya.
“Lasing ka pa ba?” tanong nito at tiningnan ako na para bang nag-iilusyon ako.
“Mukha ba akong lasing? Siya iyon. Sure ako,” giit ko.
“So sinasabi mo sa akin na kwarto to ni Enzo at dito ka natulog kagabi kaya hindi ka nakapunta sa hotel room ko? Ganoon ba? Alam mo, magbihis kana. Kailangan mong uminom ng kape at nang mahimasmasan ka. Para hindi na kung ano-anong ilusyon ang pumapasok sa isip mo,” utos nito sa akin at naupo sa single couch na naroon. Tila parang bigla itong na-stress sa sinabi ko.
“Siya talaga iyon.”
“Sure ka? Kasi bakit ka naman niya papayagang matulog sa hotel room niya.”
Napanguso ako sa tanong niya.
Hindi ko rin alam. He even carried me inside the room. Impossible naman na hindi siya iyon. Lasing lang ba talaga ako kagabi kaya akala ko si Enzo ang kasama ko?
Mabilis na nagpalit ako ng damit. isang halter top at short ang binili sa akin ni Marco.
Naghilamos din ako ng mukha at kumuha ako ng tissue na para pumanasa ang basa kong mukha. Itatapon ko na sana ang tissue nang mapatingin ako sa trash bin na naroon. Nakita ko ang dress na damit na suot ko kagabing nasa basurahan. Sinubukan ko iyong kunin pero nalukot ang ilong ko nang maamoy ko ang mabahong suka na nanggaling doon.
Nasukahan ko kagabi ang suot ko at itinapon niya? My ghod. Kaya pala hindi ko mahanap, itinapon na.
Muli akong lumabas ng banyo. Tumayo naman si Marco sa pagkakaupo niya.
“Akala ko umuwi kana kasi wala kana sa hotel room ko nang dumating ako doon kanina. Iyon pala natulog ka sa room ng iba. Buti walang nangyari sa iyo,” saad ni Marco habang nasa elevator kami.
“It’s really him. Lasing lang ako pero naaalala ko lahat.” Pati mga katangahang ginawa ko kagabi naalala ko.
“Then let us check,” sagot nito at hinila ako papunta sa reception nang makalabas kami ng elevator.
“Hi, Miss. I just want to us. Who is the in Room 207 last night?” nakangiting tanong ni Marco sa babaeng receptionist na medyo nag-blush pa nang makita ang kaibigan ko.
“I am sorry, but I can't provide you the information about the guest due to the hotel privacy policy,” magalang na sagot ng babaeng nasa front desk.
Sabay na nalaglag ang balikat namin ni Marco.
Kumuha ako ng calling card at ibinigay sa receptionist.
“If he came back. Can you give this to him and tell him to call me?” nakangiting pakiusap ko.
“Sure, ma'am.”
“Thank you.”
I need to talk to him. First I need to ask sorry for throwing up on him. Then if he agreed, I will invite him for dinner.
“Baka naman mali ka. Baka hindi talaga si Enzo iyong tumulong sa'yo,” saad ni Marco.
“It’s him. Sure ako.”
“Sige na nga, siya na. Bahala ka sa pagiging delulu mo.”
Ngumiti lang ako sa kaniya. I am not delusional. Sigurado ako, siya iyon.
Pero habang nagmamaneho ako pauwi naalala ko ang usapan namin. Tinanong ko siya kung artista siya at ang sabi niya hindi. Hindi rin daw siya lumalabas sa tv. Kamukha lang ba niya ang nakita ko kagabi? Pero impossible namang may dalawang taong magkamukhang-magkamukha.
Baka itinatanggo lang niya dahil ayaw niyang makilala ko siya. Ganoon din ako minsan kapag tinatanong kung anak ako ni Senator Angeles. Sinasabi kong hindi, para nakakagalaw ako ng maayos.
Nalukot ko ang ilong ko. Kung hindi sana ako palasing-lasing kagabi. Chance ko na para makilala siya ng maayos.
Hindi bali may next time pa naman. Next time na pagkikita namin sisiguraduhin kong hindi ako lasing. Hindi muna ako titikim ng alak habang hindi ko pa ulit siya nakikita para sure.