Chapter 6

2117 Words
KAREN Napatingin ako sa malaking billboard ko na naka-display sa gitna ng edsa. I am endorsing beauty products. Pero ang mas nakaagaw pansin sa akin ay ang mas malaking billboard na halatang kalalagay lang doon dahil wala naman iyon noong nakaraan. He is topless, kitang-kita ang mga pandesal, nakasuot lang siya ng jeans pero kita ang garter ng boxer shorts na suot nito. Pinakatitigan ko iyon dahil tumigil ang sasakyan ko sa stop light, he looks hot there, pero hindi ko alam kung bakit parang hindi ko madama iyong kilig na madalas nakikita ko kapag kinikilig ako sa kaniya. I like his masculine version, pero iba ang dating sa akin ngayon ng nasa billboard ang hot naman pero hindi ko ramdam. Ipinagpatuloy ko ang pagdadrive ko. May photoshoot ako ngayon kasama si Marco para sa isang clothing brand. Sa pagkakaalam ko may iba pa kaming kasama pero hindi ko alam kung sino. Agad naman akong nakarating sa isang beach resort dito sa Batangas. Pagbaba ko pa lang ay agad na may lumapit sa akin. Mabilis ang naging kilos namin. "You are on time," nakangiting bati sa akin ni Jamie, ang manager ko. Nauna na silang dumating dito kaya sumunod na lang ako. Mabilis ang naging kilos namin. Nag-suot ako ng isang white summer dress at nilagyan lang naman ako ng light makeup. Napangiti ako nang makita ko si Marco na naka-Hawaian button down short sleeve shirt at short na may coconut tree na design. Ang gwapo niya sa suot niya, iyon nga lang alam kong hindi kami talo dahil pareho kami ng gusto. Parehong gwapo rin ang nais naming dalawa. Lumapit siya sa akin habang hinihintay namin ang iba na matapos magbihis. Hindi nakabutones ang kaniya shirt kaya kita ang kaniyang abs. Pinalakad ko ang mga daliri ko sa tiyan niya. Agad naman niyang hinawakan ang kamay ko at tiningnan ako ng masama. "Impakta ka!" mahinang bulong niya sa akin. "Huwag mo akong pagnasaan, nakakadiri ka." Malakas na natawa ako sa sinabi niya. Parang diring-diri ito sa ginawa ko kaya yumakap ako sa braso niya. Mabilis naman siyang lumayo sa akin. "Tumigil ka, karen. Huwag ako ang landiin mo. Hindi ako papatol sa'yo." Lumabi ako sa sinabi niya at nag-pose sa harapan niya. "Ayaw mo ba talaga? Hindi ka ba talaga nagagandahan sa akin?" pang-aasar na tanong ko sa kaniya. "Ayaw mo bang maranasan ang romansa ng isang-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng mabilis niyang takpan ang bibig ko. Matalim na tumingin siya sa akin. Maraming tao dito kaya kahit gusto niya akong tarayan ay hindi niya magawa. "Manahimik ka, mamaya ka sa aking babae ka," bulong nito sa akin at pinakawalan ako. Humagikhik ako sa tabi niya. Napatingin ako sa mga staff na nag-aayos na ng mga camera. May dalawang malaking tent nagyon dito. Isa ay para sa dressing room ng mga babae at sa kabila naman ay sa lalaki. Sabay kaming napatingin. "Let's start now!" sigaw ng isang babae at maraming kasamahan ko ang lumabas na sa dressing room. Napatingin naman ako sa kabila kung saan may mga lalaking lumabas at napatanga ako ng makita ko ang huling lalaking lumabas. That's Enzo. "He is here," hindi makapaniwalang saad ko at napatakip pa ako ng bibig ko pero malaki ang ngiti ko. Pinagpapalo ko siya sa braso at asar na hinawakan niya ang kamay ko. "Anong karapatan mong kiligin sa crsuh ko? Mapanakit kana, mang-aagaw ka pa," sabi nito at masama akong tiningnan pero nginisihan ko lang siya. "Nauna ka lang pero sa akin iyan babagsak, tinangnan mo," puno ng confidence na saad ko sa kaniya. "Ay wow, belib na bilib sa sarili, akala mo naman papansinin ka niya. Beauty ko nga 'di pinansin," mahinang saad nito na tanging kami lang dalawa ang nakakarinig. "Why is he here?" Tanong ko kay Marco habang nakay Enzo ang tingin ko. Hindi tatalab ang beauty ni Marco sa kaniya pero sisiguraduhin ko na mahuhulog ito sa alindog ko. Excited tuloy akong mag-trabaho ngayon dahil kasama namin siya. "He is the brand ambassador of this clothing brand," sagot sa akin ni Marco. Kumaway ako kay Enzo pero nilampasan lang ako nito ng tingin na para bang hindi ako kilala kaya nalaglag ang panga ako. "Did he ignore me?" tanong ko kay Marco na tumango sa akin habang nakangiti ng alanganin. "Makakaway ka kasi, close ba kayo? Feeling ka?" pagtataray nito sa akin pero mahina lang ang boses nito na ako lang ang nakakarinig. Nagkiss na nga kami. Natulog na ako sa hotel room niya. Hindi pa ba iyon matatawag na close? Kailangan ba magkadikit para masabing close? Lalapit sana ako kay Enzo pero biglang may humila sa akin kaya wala na akong nagawa. Nagsimula na ang photoshoot kaya hindi na talaga ako nakalapit sa kaniya. Isa pa hindi talaga siya namamasin. Para bang hindi niya ako kilala. Noong una ay kaming mga babae lang ang nagpose. Pinipilit kong tumingin sa camera kahit na minsan ay napupunta ang mga mata ko sa isang lalaking nakatayo sa may bandang gilid. "Karen! Eyes on the camera!" sigaw sa akin ng photographer kaya mabilis akong tumingin sa camera. Nawawala talaga ang pokus ko dahil nadadako palagi ang tingin ko sa kaniya. Nagtama ang mga mata naming dalawa pero tila wala itong pakialam at hindi ako kilala na nilampasan lang ako nito ng tingin at muling nakipag-usap sa katabi nitong lalaki kaya napasimangot ako. "Karen! What are you doing? I said smile!" muling sigaw ng photographer sa akin. I mouthed him sorry. Muli akong tumingin sa camera at pinilit nang mag-pokus sa trabaho ko kahit na alam kong nasa paligid si Enzo. Ilang beses na akong napagalitan ng photographer kaya sa trabaho ko na muna ibinaling ang atensyon ko kahit na gusto kong tumingin kung nasaan si Enzo. Nakailang palit kami ng damit. Kapag nagpapalit kami ay ang mga lalaki ang kinukunan. Meron ding mga solo at merong group shoot. Matapos ng mga take namin ay ang mga lalaki naman ang pumalit. Bale anim na lalaki kami at anim na mga babae. Pinakatitigan ko siya habang kinukunan sila. Pero tila hindi man lang ito tinalaban ng titig ko at nanatiling nakatingin lang sa camera at sinusunod ang mga sinasabi ng photographer. Seryoso ito sa ginawa, makikitang sanay na sanay na ito sa harap ng camera. Kung alam ko lang sana na kasama siya sa photoshoot ay maaga akong nagtungo dito kanina. Tapos naging by pair ang pagkuha ng larawan para sa akin, si Marco ang naging kapareha ko. Matapos namin si Enzo ang kasunod pero hindi babae ang kasama niya kundi isang lalaki. "I thought by pair?" bulong na tanong ko kay Marco. "Kaya nga, they are pair kasi loveteam sila. Nakalimutan mo na ba? BL actor siya," paalala sa akin ni Marco. Oo nga pala. Mabuti na lang lalaki ang kapares niya ngayon, kaya iwas landi sa kaniya. Napatingin ako sa kanila habang kinukunan sila. Hindi naman iyon intimate gaya ng sa amin ni Marco, pero mapapansin mo talaga na may kakaiba sa kanila. They like they are just enjoying what they are doing and they don't care about the world. Hindi nga babae kapareha niya pero parang mas sweet pa sila. Noong matapos ang by pair ay nagsama-sama kami habang nakatalikod sa dagat. Nakaupo sa harapan ko si Marco at nasa gitna kami, pero napatingin ako sa katabi ko na si Enzo at nginitian ko siya ng matamis. Nawala ang ngiti ko ng pagtaasan ako nito ng kilay bago humarap sa camera. Bakit ang taray niya? Pasimple kong dinampian ang kamay niya pero mabilis nito iyong iniwas kaya naasar na tumingin ako sa kaniya. Ilang beses kong sinubukang magdikit ang mga balat namin, pero talagang umiiwas siya sa akin. Kahit braso lang namin ay talagang dumidistansya siya sa akin. “Stop touching me,” bulong nito sa akin at napipikong tiningnan ako, pero nang humarap siya sa camera ay naka-project pa rin siya. Hanggang sa matapos ang photoshoot namin ay sinubukan kong lapitan siya pero talagang iniiwasan niya ako. Daig ko pa ang may nakkaaidring sakit. Nang sabihin nilang pack up na ay agad ko siyang hinabol at hinila sa may gilid kung saan walang masyadong nakakakita sa amin. “Hey!” saway nito sa akin pero hindi ako nakinig sa kaniya at buong lakas ko siyang hinila. "Why are you avoiding me?" agad ay tanong ko sa kaniya. Nameywang pa ako sa kaniya habang asar na tumingin sa kaniya. "Because you are obviously harassing me," sagot nito at nag-aakusang tumingin sa akin. “Hindi mo ba ako kilala?” Itinuro ko pa ang sarili ko habang nakatingin sa kaniya. “Sikat ka ba?” pabalang na balik tanong nito. “Wow,” hindi makapaniwalang sagot ko sa kaniya. “Pasensya na, ha. Ikaw nga hindi ko rin alam dati na sikat. Saka bakit ba ang sungit mo, para namang….” KUmunot ang noo nito sa akin. “Parang ano?” Ipinakita ko sa kaniya ang mga kamay ko at pinagdikit ang mga daliri ko na para bang nagki-kiss. I even made a kiss sound. “What’s that? A kiss? Do you want a kiss? No way.” "What? Ang arte mo! Hindi ako nanghihingi ng kiss saka para namang hindi tayo nag-kiss sa Singapore," asar na saad ko sa kaniya. Hindi makapaniwalang tumingin ito sa akin. "I am sorry, but I don't know what you are talking about." "You are denying it? You kissed me!" giit ko sa kaniya. Aba, huwag niyang sabihing hindi niya tanda iyon. Nadyaryo pa pa kaming dalawa at napagalitan ako ng tatay ko. "Stop making up stories," asar na saad nito. “Hindi ko ugaling manghalik lalo na at hindi ko type.” Napahawak ako sa tapat ng puso ko dahil sa sinabi niya. Sinasabi ba niyang hindi niya ako type? Wala man lang pasakalye? Ang ganda-ganda ko tapos ayaw niya? Ang arte naman ng bwesit na ito. "I am telling the truth. We kissed, ginalugad pa nga ng dila mo ang bibig ko," pagpapaalala ko sa kaniya. Kung makahalik siya noon, parang kakainin niya ako ng buo tapos ngayon itinatanggi niya. Hindi ako papayag! Kiss and run ba siya? Alam kung sikat siya pero hindi tamang sabihin niya na sinungaling ako. Nagsasabi ako ng totoo. Parang nandidiring tumingin ito sa akin. "Okay, I am sorry if I throw up on your shirt. Siguro galit ka sa akin dahil sinukahan ko ang damit mo, sorry na. Nalasing ako, promise hindi na mauulit," pangako ko sa kaniya at nginitian siya. Baka naman asar siya sa akin dahil sa nagawa kong pagsuka sa damit niya noong nalasing ako. Baka iniisip niya lasengera ako dahil palagi akong lasing sa tuwing magkikita kami dati. Naku, baka-turn off na siya sa akin. Hindi pwede, kailangan kong pagandahin ang image ko sa kaniya. "I really don't know what are you talking about," naiiling na saad nito. "For real? The kissed? About two days ago? I slept in your hotel room, remember? May dementia ka ba? makakalimutin?" tanong ko sa kaniya at tinitigan siya. Napatingin ako sa mukha niya at parang wala talaga itong alam. Pero hindi, artista siya kaya alam kong maaring umaarte lang siyang hindi ako kilala o natatandaan. Tama ganoon nga. "Wala akong sakit, pero ikaw meron. Mukhang delulu ka, gamutin mo na iyan bago pa lumala," asar na saad nito sa akin bago ako iniwan at mabilis na pumasok sa tent nila. Ikiniling ko ang noo ko habang hindi makapaniwala sa sinabi niya. Hindi talaga niya ako natatandaan? Grabe naman. Alam ko mas sikat siya sa akin, pero haler? I am Karen Angeles, everyone knows me. Kahit hindi ako mag-modelo, alam ng marami kung sino ako. Saka bakit kung umakto siya hindi niya ako kilala? Napatingin ako sa paligid. May paparazzi ba kaya umiiwas siya sa akin? Baka naman ayaw lang niyang ma-issue kami kaya nag-iingat siya pero wala naman akong nakita. Nanulis ang nguso ko bago ako bumalik sa tent at nagpalit, pero paglabas ko ay wala na ito at nakaalis na raw dahil may iba pang appointment nang tanungin ko ang isang staff. Baka naman tinatakasan lang talaga niya ako. Napasimangot ako sa isipang iyon. Nakakaasar. Hindi ba talaga niya ako matandaan? Imposibleng nakalimutan niya ang nangyari, ako nga na lasing malinaw na naalala ko ang lahat pati ang mga pinaggagawa ko noong lasing ako kasama siya tapos itatanggi niyang wala siyang matandaan sa sinasabi ko. Sa susunod na magkita kami, ipapaalala ko sa kaniya ang nangyari, with demonstration pa talaga para matandaan na niya. Okay lang sana kung ibang lalaki ang nagsabi sa akin na hindi niya maalala. Pero crush ko siya kaya dapat maalala niya ang kiss namin kasi uulitin pa namin iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD