NAG-E-ENJOY AKO SA pagbababad sa bathtub. Naglalaro ako sa mga bula, dahim medyo warm ang tubig ay medyo na-relax ang katawan at nawala ang bigat na nararamdaman ko. Ang sabi ni Guila ay lumabas lang raw saglit si Enzo. Akala ko nga magpapahinga rin siya dahil kung pagod ako, dapat mas pagod siya sa akin. He did all the work, I just spread my legs and moan. Pero mukhang hindi man lang siya tinablan ng pagod. Samantalang ako lupaylay at hirap na makalakad. Kung hindi niya ako binuhad baka sobrang tagal namin dahil daig ko pa ang matandang uugod-ugod kung makalakad kanina dahil sa mga binti ko na parang namamanhid. Marahan kong sinuntok-suntok ang mga hita ko sa ilalim ng tubig medyo okay na iyon. Hindi gaya kanina noong baba ako ng eroplano na talagang nanginginig ang mga tuhod koo. Napa