BUHAT-BUHAT ako ni Enzo nang lumabas kami ng banyo. Sabay na rin kaming naligong dalawa pero sobrang tagal naming matapos dahil iyong kamay niya na nagsasabon sa katawan ko masyadong malikot. Akala ko matapos namin sa bathtub titigilan na niya ako, pero masyado siyang makulit at masyado naman akong marupok. Hindi naman niya pinasok, pero pati kamay ko dinamay niya. Ibinaba niya ako sa kama. Wala na ang pinagkainan ko na naiwan ko kanina. Siguro ay kinuha na ni Guila. Gamit ang isang maliit na towel ay muling tinuyo ni Enzo ang buhok ko. “Ako na, parang daig ko pa ang PWD sa ginagawa mo,” pigil ko sa kaniya at hinawakan ang towel na ipinupunas niya sa akin. “You are not disabled, but let me pamper you,” saad nito at ipinagpatuloy ang pagtutuyo sa buhok ko. Nakatapis lang ito ng tuwaly