Nangangatog ang mga tuhod ko at parang wala akong lakas ng bumaba kami ng eroplano. Gusto kong maiyak sa tuwing hahakbang ako. Sobrang hapdi ng pagitan ng mga hita ko at parang nahigop lahat ng lakas ko dahil nanlalambot ako. Parang daig ko pa ang kalabaw na maghapong nag-araro sa bukid buong araw. "Let me carry you," saad ni Enzo. "No!" mabilis na saway ko kay Enzo nang akmang bubuhatin na niya ako dahil sa sobrang bagal kong lumakad at kita niyang nahihirapan ako. Para ngang ayaw ko nang ihakbang ang mga paa ko at gusto ko na lang pagdikitin ang mga tuhod ko. Umalis ako ng Pilipinas na Virgin pero dumating ako ng Italy na hindi na. Iyong sa eroplano pa lang pero si Enzo, akala mo nakarating na kami sa destinasyon namin. Hindi ako matingin sa dalawang attendant na nag-serve ng pagkai